Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Billionaire's Secretary

The Billionaire's Secretary

Ang misyon lang ni Solenn nung una ay ang akitin ang batang bilyonaryo kaya ito nagtrabaho bilang isang sekretarya sa Walton Corporation. "Anong ibig sabihin nito?" Galit na galit at kunot noo na pagtatanong ng chairman sa harap nila Solenn at Marcus habang dumausdos sa lamesa ang mga stolen shot na mga litrato nilang dalawa na magkasama. "May relasyon kayo? Halos mapatid ang litid ng matanda sa loob ng meeting room na yon. "Mauubusan tayo ng investors sa ginagawa mong kahihiyan?" Hasik pa ng chairman matapos nitong pukpukin ang lamesa na nasa harapan. Nakaramdam ng awa si Solenn sa bilyonaryong boss nya na katabi. Alam nyang wala siyang karapatang maramdaman yon sa lalaki dahil kabahagi siya ng plano at bayad siya para dito. Nakita nyang halos hindi maipinta ang mukha ng binata sa harap ng kanyang lolo. Tumikhim lang si Marcus ng walang kakurap kurap, inayos ang sarili sa pagkakaupo. Itinaas ang ulo mula sa pagkakayuko at hinarap ang chairman. "Solenn!" Buong loob na pagtawag nya sa sekretarya. "Sir?" Tila maamong tupang pagtugon ni Solenn.Walang halos makalabas na boses mula sa kanya. "Ikansel mo lahat ng commitment ko this week," at mataman itong tinitigan ang dalaga sa harap ng matandang lalaki. "Pakakasalan kita, bukas na bukas din." "Ha?" Gulat na gulat na pagtatanong ni Solenn. Nanatili siyang nakatulala sa narinig. Tumayo ng dahan dahan ang binata , naglakad ng mabilis at hinawakan ang door knob ng conference room. "Iuuwi na rin kita sa condo!" Ani ni Marcus bago lumabas ng pinto. Ano daw? Hindi makapaniwala si Soleen sa narinig. Napahawak ang dalaga sa sariling dibdib at nag unahang umagos ang mga luha sa kanyang pisngi na kanina pa nya pilit na pinipigilan. Ano na ang gagawin nya? Gulong gulo siya napahawak sa ulo. Pano na? Pagtatanong pa nya sa sarili.
Romance
107.2K viewsOngoing
Read
Add to library
The Price of Her Love After Divorce

The Price of Her Love After Divorce

“Let’s get divorce, Gale.” Nahinto sa pagsasalita si Sunset dahil sa sinabi ng asawa. Sandaling hindi niya maiproseso ang sinabi nito. Nablangko ang kanyang isipan habang nakatingin sa seryosong mukha ni Lucian. “Let’s get divorce.” Sa pangalawang pagkakataong ulitin iyon ni Lucian, tila bombang sumabog sa kanya ang anunsyo ng asawa. Pagkalito ang sumunod niyang naramdaman nang iritableng inilayo ng asawa ang pagkakadikit ng hubad nilang katawan na para bang may nakakahawa siyang sakit na dumapo lamang pagkatapos nilang magniig. Ganoon na lang ba iyon, pagkatapos siya nitong makuha, ang tingin na sa kanya ay isang basura? “Hindi magandang biro iyan, Lucian—” “You don’t want to? Magkakaroon ka ng sariling buhay. Limang taon na ang kinuha ko sa ‘yo, dagdagan ko pa ba ang pang-aabala ko?” Tumayo mula sa pagkakahiga ang asawa niya. Ang nakatalikod na matipuno nitong katawan ay tinakpan ng roba. Kaagad namang naibalot ni Sunset ang hubad na katawan sa puting kumot. “M-may problema ba tayo, Lucian?” naguguluhan niya pa ring tanong sa asawa. “Kung may mali sa akin, susubukan kong baguhin. May nagawa ba akong ikinagalit mo? H-huwag mo lang akong iwan kase hindi ko kakayanin…” “Babalik na si Eveth dito sa Pilipinas.” Hinilot nito ang sentido na para bang naiinis na sa pagdadrama niya. “Masasaktan siya kapag nalaman niyang nandyan ka pa." “Naiintindihan ko…” “Saan ka pupunta?” gulat na tanong ng asawa nang makita siya nitong nagbibihis. “Saan ka sabi pupunta?” “Hindi mo ba nakikita?” May kalituhan na tumingin sa kanya si Lucian. Hindi nito inaasahan ang magiging reaksyon niya. “Ano bang akala mo, magmamakaawa ako?” natawa nang bahagya si Sunset bago mabaling ang tingin sa tseke na nasa ibabaw ng side table. “Akala ko namamalikmata lang ako kanina. Hindi ko lubos maisip na limang milyon lang pala ang halaga ko!”
Romance
9.99.0K viewsOngoing
Read
Add to library
His Secret Wife

His Secret Wife

"do you know how to dance?" he asked. Napailing akong napapayuko na mahigpit nakahawak sa laylayan ng damit ko. Napahinga ito ng malalim. Napaiktad ako nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit na napapisil sa baba kong itiningala ako dito. Hindi ako makatitig sa kanyang mga matang matiim akong tinitigan. Para akong matutunaw. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Pakiramdam ko'y malulusaw ako. Nakakalunod makipagtitigan sa kulay asul niyang mga mata. Mga matang napakasungit kung tumingin. "so tell me, how can you pay me hmm?" sensual niyang tanong na napapakagat ng ibabang labi. Napalunok akong napasunod ng tingin sa kanyang mga labi. Unti-unti siyang napangisi na mas inilapit ang mukha! Napakapit ako sa kanyang polo nang akmang sasayad na ang kanyang mga labi sa akin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi makatingin sa kanya. Mahina itong natawang ikinaangat ko ng tingin dito. "tell me young lady, how can you pay your father's dept hmm?" he huskily asked. Napatitig ako sa kanya. Mariin akong napapikit akong malalim na napahinga. "I can be your slave sir" mahina itong natawang napalapat ng labi na mapatitig ako ditong salubong ang mga kilay. "Slave? Are you sure? 1million pesos. Do you think you can pay me using your body hmm?" anito na tila nang-uuyam ang tono. Napasuri ito ng tingin mula ulo hanggang paa ko na ikinalunok ko. "Hmm...how about, be my wife. And I'll make sure, I'll let go your father" "W-wife" utal kong ulit. Napataas ang kilay nitong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. Napalunok ako. Napaawang ang labi pero walang salita ang lumalabas! "Uhmm!" napakapit ako sa kanyang balikat na siniil ako nito bigla ng isang mapang-angking halik sa labi!! "It's settled. Get ready yourself young lady, tomorrow morning, you're gonna be....my wife"
Romance
9.133.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Scars From The Past

Scars From The Past

Eliza Janice Montebon  Simpleng babae, matalino, masipag, madiskarte at malambing na anak. Lahat ay gagawin matupad lang ang inaasam na pangarap at mithiin.Ngunit may lihim na hinagpis sa kanyang nakaraang pagkatao. Ito ang nagsisilbing hugot niya upang magtagumpay sa buhay at makamtan ang inaasam na katarungan sa kanyang yumaong magulang.  Lorenzo Aragon Multi-billionaire and super hunk na business tycoon at a young age. Natotong tumayo sa sariling sikap dahil na rin sa walang makuhang suporta mula sa magulang dahil sa komplikadong pamilya niya. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa kanya, lahat ay kanya lamang pinagbibigyan dahil sa tawag ng laman at pangungulila sa iisang prinsesa ng kanyang buhay na kanyang kababata. Isang krimen at trahedya ang nagpawasak sa malaprinsesang buhay ni Eliza. Musmos pa lamang siya nang walang-awang pinatay ang kanyang mga magulang sa loob pa mismo ng kanilang bagong biling lupain na niregalo ng kanyang ama sa kanya sa kanyang kaarawan. Ang mas masakit pa ay nasaksihan niya mismo ang pagpaslang sa mga ito at ang salarin ay walang iba kundi ang ama ng kanyang kababata at minamahal ng kanyang pusong paslit na si Enzo Aragon. Dahil sa takot at pangamba sa kanyang buhay naggawang magtago ni Eliza at mamuhay ng malayo sa kanyang nakasanayan. Sa paglipas ng panahon, nabuo sa kanyang puso't isipan ang galit at pagkapoot sa pamilyang sumira sa kanyang magandang kinabukasan. Isa na riyan ang paghihigante kay Enzo dahil wala man lang siya hinanap nito. Paano pagtatagpuin ng tadhana ang dalawang puso kung ang isa ay may masamang binabalak? Matatagumpayan kaya ni Enzo ang ibalik ang tiwala sa kanya ni Eliza kung ang kanyang puso ay puno ng hinagpis at mantsa ng nakaraan? Mapapatawad kaya ng pusong nasaktan at puno ng hinagpis ng pilat ng nakara.Mananaig kaya ang pag-ibig at pagpapatawad kaysa paghihiganti?
Romance
1.6K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status