ASHEN VEIL | The Assassin's Collaboration
𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆: 𝐌𝐀𝐓𝐔𝐑𝐄𝐃 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐄𝐍𝐓!!!
“Are you sure about this, Love? Wala na ‘tong atrasan once na pumayag ka na angkinin kita.” - Zach Feitan Huxley
“Y-yes, Love. Please make love to me like it's going to be our last night.” - Levana Heididea Lambrix
Susulitin ko na lang ang mga sandaling ito na kasama siya dahil baka ito na rin ang huli. Kung magkita man kami ng hindi inaasahan, maaaring hindi niya ako makilala o kung makilala man niya ako, sigurado ako na matinding galit niya ang sasalubong sa akin. Handa naman akong tanggapin ‘yun.
Wala siyang kaalam-alam na ako tao na matagal na niyang pinaghahanap, ang taong nagtangka na tapusin ang buhay ng uncle niya noon at ako pa rin ang taong kikitil sa buhay ng nag-iisang pamilya niya ngayon. Kapag nalaman niya ito, panigurado na kamumuhian niya ako.
┅┅┅┅┅┅┅༻❁༺┅┅┅┅┅┅┅
Si Levana o Ashen Veil ay nagkaroon ng mission na tapusin ang isang politician, ngunit nagkaroon ng aberya dahil hindi ito napuruhan. Nakatakas ito at itinago ng pamangkin nito. Nang malaman ni Levana kung sino ang pamangkin ni Danilo, agad siya nagsagawa ng plano. Nag-apply siya bilang secretary nito at natanggap naman. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob nila sa isa't-isa pero kahit minahal ni Levana ang binata, priority niya pa rin na tapusin ang buhay ng nag-iisang pamilya ng lalaking pinakamamahal dahil ito ang mission niya at maglalaho na lang na parang bula.
Magagawa nga ba niya takasan ang lalaking minamahal at obsess sa kanya? Paano kung magbunga ang kanilang pagmamahalan?
Ano nga ba ang mas mangingibabaw, mission o pag-ibig?