Under My Father In-Law's Touch
Katulad ng hiling ko kay Zaitan noon, gusto ko ng isang simple, pribado, ngunit napaka-eleganteng kasal dito sa mismong mansyon niya, kasama lang ang mga taong talagang naging bahagi ng buhay namin.
Humarap ako sa malaking salamin. Suot ko na ang aking pangarap na mermaid-style wedding gown. Lapat na lapat ang pagkakatahi sa aking katawan na may banayad na bagsak ng tela upang maging komportable ako, habang kitang-kita pa rin ang magandang hubog ng aking pigura. Ang buong gown ay nababalutan ng pinong French lace na may maliliit na beads na kumikinang sa tuwing tinatamaan ng liwanag. Mula sa aking buhok na naka-updo ay nakakabit ang isang napakahabang cathedral-length wedding veil na may mga