Planning His Wedding
Nagmoment muna kaming dalawa, pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya para magpalit ng damit.
Ipinalit ko ang dusty lavender dress. Pinili ni Ella na pare pareho kaming lahat ng bridesmaids niya ng style. May balabal din sa balikat. Isang sheer chiffon shawl na bumabalot sa braso’t likod. Ayaw kasi ni Ella ng masyadong revealing. Mas gusto niya ng classic, elegant at hindi nagpapakita ng balat kung wala namang dahilan.
Maya maya pa ay nagsimula na ang kasal. Syempre kasama ako sa entourage. Si Mommy din, dahil siya na ang tumayong pangalawang ina ni Macy.