Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

CEO's Sweet Love: Arranged Marriage (Tagalog)

Pagkalipas ng tatlong taon ay nagbalik siya, at narinig ko siyang pinag-uusapan ang tungkol sa dovorce. Wala siyang sinabi kahit na matapos niyang makuha ang aking pagkabirhen bago siya umalis. Sobrang sakit ng naramdaman ko. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong maging mabuting asawa para sa kanya, pero gusto niya pa rin akong hiwalayan. Hindi dahil mahal ko siya, kundi dahil inakala kong naging tapat ako sa kanya habang siya naman ay nagpakasaya kasama ang kanyang kalaguyo. Ngunit nagawa pa niyang magreklamo na parang ako ang sumakal sa kanya. Galit na galit ako. Sisiguraduhin kong mahihirapan sila ng kanyang kalaguyo na makumbinsi ako sa diborsyo. Pero bakit parang iba ang ikinikilos niya? Bakit nakakaramdam ako ng pagkasabik sa tuwing magkakadikit kami?
Romance
1022.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
El Haciendero

El Haciendero

Dahil sa pagiging broken hearted ni Alexa ay napilitan siyang umuwi sa hacienda nila na kanya ng iniwan, pitong taon na ang nakalilipas. She left and lived her life in the City because of Aslan. Si Aslan ang trenta y tres anyos na lalaking inampon ng kanyang mga magulang pero naging other man pa ng kanyang ina. As much as possible, Alexa doesn't want to see the guy anymore, who stole her inheritance and her mother. Ninakaw ni Aslan ang lahat ng mana na dapat ay kanya. At sa kanyang pag-uwi sa hasyenda Escobar ay babawiin na niya ang dapat na kanya bilang kaisa-isang anak at solong tagapagmana mula sa lalaking tinatawag ng lahat na hasyendero, peke naman.
Romance
1033.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Hacienda Del Puedo #1 Hara

Hacienda Del Puedo #1 Hara

Si Hara Del Puedo ay kilala sa buong hacienda bilang pinakamabait, pinakamadaling lapitan at higit sa lahat ay pinakamatapang na apo ni Don Ernesto. Iginagalang at minamahal siya ng mga tauhan nila. Sa edad niyang bente anyos ay marami na siyang naranasan katulad ng isang insidente limang taon na ang nakakaraan. Dahil dito ay umalis ang dalaga sa Hacienda Del Puedo upang makalimot. Ngayon, nagbabalik na si Hara sa kaniyang bayang sinilangan upang harapin ang malagim na trahedya ng kahapon. Sa kaniyang pagdating ay may isang Xandro na naghihintay sa kanya. Kasabay ng mga alaalang muling nanunumbalik ay ang pagkahulog ng loob ng dalaga sa lalaking katulad niya ay may amnesia rin. Sa tulong ng binata ay gagawin ng dalaga ang lahat upang hanapin ang mga totoong salarin sa Hacienda Del Puedo massacre. Unti-unting makakamit ng dalaga ang hustisya ngunit maraming hadlang ang sa kaniya'y naghihintay. Pakiramdam ng dalaga ay pilit ibinabaon ng sinuman ang katotohanan upang wala siyang matuklasan. Gamit ang tatag ng loob at determinasyon ay malalaman ni Hara ang mga lihim ng kahapon kasama na rin ang mga sikreto ng mga taong nakapaligid sa kanya. Ang katotohanang akala niya ay magpapalaya sa kaniya ay muli palang susugat sa puso niyang durog na durog na kaya gagawin ni Xandro ang lahat upang muling mabuo ang dalagang ngayon ay hindi na kayang magtiwala pa sa kahit sino man.
Romance
9.935.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]

The Billionaire's Stupid Maid [TAGALOG]

Dahil sa kakulangan ng pondo para sa kanyang matrikula, pumasok si Emena bilang part-time maid sa Dankworth Residence kung saan nakilala niya ang bilyonaryong si Seniorito Aries. *** Si Emena ay isang matapang at masipag na dalaga. Lumaki siya mula sa isang mahirap na pamilya. Nagtitinda ng bibingka sa eskinita. Walang ibang layunin ang dalaga kundi maiahon ang kanyang pamilya. Sa kawalan ay pumasok siya bilang part-time maid sa Dankworth Residence kung saan makikilala niya ang isang guwapo, makisig ngunit antipatiko at topakin na si Seniorito Aries. Sa pamamasokan niya sa mansion ay kalaona'y may natuklasan si Emena na isang madilim na sikreto ng kanyang Seniorito. Kakayanin kaya niyang harapin ang kanyang among topakin at aroganteng si Seniorito Aries matapos matuklasan ang sikreto nito?
Romance
1032.3K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Can’t Let You Go

Can’t Let You Go

Warning ⚠️ Spg ⚠️ First year college pa lang si Neri ay secret crush niya na ang ngayo’y SSG President ng kanilang campus na si Eon. Pero hanggang tingin lang siya sa binata dahil napakasungit nito at batid rin niyang engage na ito at nag-aaral sa America ang fiancée nito. Si Neriah “Neri” Salvacion, ay lumaking mahirap. Siya ay laking isla at kaya lamang lumuwas ng Maynila, upang ipagpatuloy ang pagkokolehiyo niya matapos makakuha ng scholarship. Habang si Elleon “Eon” Ignacio naman ay lumaki sa marangyang buhay. Siya ay nag-iisang anak ng isang bilyonarya at businesswoman. Neri thought na hanggang tingin na lang talaga siya kay Eon. Ngunit nang mabalitaan niya na may leukemia ang bunso niyang kapatid, ay napilitan siyang tanggapin ang inaalok ng best friend niya, at iyon ay ang pagpo-prostitute. Ngunit lingid sa kaalaman ni Neri na ang taong pagbibentahan niya pala ng kan'yang katawan ay ang long time crush niya na si Eon. Matagumpay na nakuha ni Eon ang kanyang pagkababae at nakipag-deal ito sa kanya na simula sa gabing ‘yon ay si Eon lamang ang gagamit ng katawan niya. Sumang-ayon naman agad si Neri, dahil sasagutin ng binata ang chemotheraphy ng bunso niyang kapatid. Pero agad siyang binalaan ni Elleon na 'wag siyang mai-in love rito, dahil hindi siya masusuklian nito, at kung ano man ang magandang pagtrato nito sa kanya ay ‘wag niyang seseryosohin. Dahil kaya sa fiancee ni Elleon kaya niya iyon nasabi? I-le-let go na kaya ni Neri ang feelings niya for Elleon? o mas lalo lang siyang ma-fall dito dahil mas madalas na silang magkakasama dahil sa kanilang deal?
Romance
1034.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The President's Twins

The President's Twins

Artemis has been the top-notch assassin in Tigers, the organization she belongs to. She was send to murder the Governor and with that, kinailangan niyang kunin ang loob ng anak nito. Hindi niya nga lang alam na siya mismo ang magiging dahilan ng pagkapalpak ng kaniyang plano. She fell inlove with the Governor's son and got pregnant. She became a traitor in the eyes of Tigers while a murderer in Zelo's perspective, the governor's son. Fate was really playing with her. 1 month until she gave birth, she was finally found by Tigers. Nagkahiwalay sila ng landas ng kaniyang mga anak. She needed to send her son to Zelo's mansion habang ang anak naman na babae'y napunta sa kaniyang kapatid. 6 years after what happened, she just saw herself wanting to get back her child, so she applied to be the bodyguard. Bodyguard of the President. Her ex-lover, the father of her twins.
Romance
1031.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Sold To The Abandoned Husband

Sold To The Abandoned Husband

"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master.” Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na contractual marriage lamang iyon, minahal niya si Ezekiel De Silva at labis siyang nasaktan. Kaya naman napagdesisyunan niyang sumama sa ibang lalaki habang dala-dala sa sinapupunan ang kanilang anak. Ngunit hindi niya aakalaing mahuhulog lamang siya sa patalim sa piling ng bago niyang kinakasama at mapunta sa black market para sana’y ibenta sa kung sino-sinong lalaki. At ang pinaka-masama pang pangyayari sa kaniyang buhay ay malaman na ang bumili sa kaniya ay walang iba kundi ang dati niyang asawa na si Ezekiel. "Why did you leave me three years ago? Did you know what hell I've been living all this time without you?! How could you have a child with him?!" He drunkenly yelled at her, crying in pain. Matapos nitong saktan ang puso niya ng paulit-ulit noon at alipinin siya ngayon, bakit ito umaasta na parang mahal siya nito? Bakit umaakto si Ezekiel na parang siya pa ang may malaking kasalanan kung bakit niya ito iniwan noon? Subalit hindi niya lubos akalain na unti-unting mabubunyag ang mga lihim at sikreto, maging ang mga taong nasa likod ng kanilang nasirang pag-iibigan.
Romance
1032.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Amira

Amira

Si Amira Capalad ay isang desi nuebe anyos na dalaga. Maganda, mabait, mahinhin at matalino. Nag iisang anak sya ng kanyang mga magulang. Nag aaral sya sa kolehiyo sa kursong nursing. Pangarap nyang maging nurse balang araw. May nobyo sya na lihim sa kaalaman ng mga magulang nya. Yñigo Alejos, treinta y tres anyos. Gwapo, matikas, matapang at may pagkaarogante. Isang mayamang binata at habulin ng mga babae. Apo sya ng isang mayamang haciendero. Para sa kanya ay pampalipas oras lang ang mga babae at hindi dapat sineseryoso. Pero nagbago ang pananaw nya na yun ng sya na ang mamahala ng hacienda at magkrus ang landas nila ni Amira. Simple lang naman ang buhay ni Amira at simple lang din ang pangarap nya. Ang makapagtapos ng pag aaral at miahon sa kahirapan ang kanyang mga magulang. Ang makasama ang lalaking kanyang pinapangarap. Ang matanggap ito ng kanyang mga magulang balang araw. Pero sa pagsulpot ni señorito Yñigo ang apo ng amo ng mga magulang nya ay parang biglang nag iba ang takbo ng buhay nya. Nag iba na rin ang takbo ng relasyon nila ng kanyang kasintahan. Ang inaakala nyang tapat na kasintahan ay nahuli nya sa aktong nagtataksil na labis labis nyang dinamadam. Sa pagluluksa ng puso nyang sawi ay dinamayan sya ni Señorito Yñigo. Tinulungan sya nitong makalimot. Pinagsaluhan nila ang isang mainit na gabi. Ngunit kinaumagahan ay nabulabog silang dalawa. Nasa labas ng kwarto ang inay nya at itay nyang galit na galit at may hawak na itak. Pati na rin ang señor na bakas sa mukha ang pagkabigla sa nasaksihan. Ikinasal sila ni señorito Yñigo. Napikot nya ito. Saan hahantong ang relasyon nila ng señorito na nagsimula lang sa isang gabing pagkalimot? Kaya ba nyang makasama ito habang buhay? Matutunan nya kaya itong mahalin?
Romance
1026.2K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
His Secret Wife

His Secret Wife

"do you know how to dance?" he asked. Napailing akong napapayuko na mahigpit nakahawak sa laylayan ng damit ko. Napahinga ito ng malalim. Napaiktad ako nang tumayo ito mula sa pagkakaupo sa sofa at lumapit na napapisil sa baba kong itiningala ako dito. Hindi ako makatitig sa kanyang mga matang matiim akong tinitigan. Para akong matutunaw. Hindi ko siya kayang titigan sa mata. Pakiramdam ko'y malulusaw ako. Nakakalunod makipagtitigan sa kulay asul niyang mga mata. Mga matang napakasungit kung tumingin. "so tell me, how can you pay me hmm?" sensual niyang tanong na napapakagat ng ibabang labi. Napalunok akong napasunod ng tingin sa kanyang mga labi. Unti-unti siyang napangisi na mas inilapit ang mukha! Napakapit ako sa kanyang polo nang akmang sasayad na ang kanyang mga labi sa akin! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi makatingin sa kanya. Mahina itong natawang ikinaangat ko ng tingin dito. "tell me young lady, how can you pay your father's dept hmm?" he huskily asked. Napatitig ako sa kanya. Mariin akong napapikit akong malalim na napahinga. "I can be your slave sir" mahina itong natawang napalapat ng labi na mapatitig ako ditong salubong ang mga kilay. "Slave? Are you sure? 1million pesos. Do you think you can pay me using your body hmm?" anito na tila nang-uuyam ang tono. Napasuri ito ng tingin mula ulo hanggang paa ko na ikinalunok ko. "Hmm...how about, be my wife. And I'll make sure, I'll let go your father" "W-wife" utal kong ulit. Napataas ang kilay nitong may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi. Napalunok ako. Napaawang ang labi pero walang salita ang lumalabas! "Uhmm!" napakapit ako sa kanyang balikat na siniil ako nito bigla ng isang mapang-angking halik sa labi!! "It's settled. Get ready yourself young lady, tomorrow morning, you're gonna be....my wife"
Romance
9.131.4K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Youniqueen
Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?
1029.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
1
...
34567
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status