Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Accidentally Pregnant With The CEO's Child

Accidentally Pregnant With The CEO's Child

Sa edad na bente-otso, isang bagay lang ang gusto ni Alina—ang magkaroon ng sariling pamilya nang walang kasamang toxic na lalaki. Kaya pinili niyang magkaanak sa tulong ng IVF at isang anonymous donor. Ngunit nagbago ang lahat nang malaman niyang nagkaroon ng malubhang pagkakamali ang clinic. Ang specimen na na-implant sa kanya ay pag-aari pala ng isang ruthless at makapangyarihang bilyonaryo—si Ezekiel Valencia. Para protektahan ang batang dinadala niya mula sa clinic at sa maimpluwensyang pamilyang Valencia, pinili ni Alina na mawala at magtago sa probinsya. Apat na taon ang lumipas, napilitan siyang bumalik sa Maynila para ipagamot ang pambihirang allergy ng kanyang anak na si Kian. Dahil desperado sa pera, tinanggap niya ang trabaho bilang Executive Secretary sa isang malaking kumpanya—hindi alam na ang magiging boss niya ay mismong si Ezekiel Valencia. Pero gaano katagal maitatago ang isang batang kamukhang-kamukha ng bilyonaryo? At kapag nalaman ni Ezekiel ang katotohanan, papayag ba si Alina na maagaw ng isang lalaking hindi niya pinagkakatiwalaan ang nag-iisang mundong meron siya? O ang anak na hindi kailanman pinlano ni Ezekiel… ang siya palang babago sa buhay niyang matagal nang walang puwang para sa pagmamahal?
76 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as zoë nightshade
Read
+Library
Falling For The Billionaire CEO

Falling For The Billionaire CEO

𝘗𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘮𝘰 𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘸𝘪𝘯𝘢𝘴𝘢𝘬 𝘬𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢? Si Aya Dizon, 23 years old, ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Alvero Grand Hotel para matulungan ang pagpapagamot sa kapatid niyang may malubhang sakit. Dito niya nakilala ang tinaguriang "Ice King" na si Lucius Alvero na isang CEO na kilala sa pagiging walang puso at walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Sa simula, pinahihirapan lang ni Lucius si Aya dahil sa kanyang pagiging tyrant, pero magbabago ang lahat nang malaman niya ang isang madilim na sikreto...ang yumaong tatay ni Aya pala ang driver na itinuturong pumatay sa bunsong kapatid ni Lucius sampung taon na ang nakalilipas. Dahil sa galit, lalo pang naging mahirap ang buhay ni Aya sa kamay ni Lucius. Pero paano kung mali ang paniniwala ni Lucius, at may sabwatan pala ang pamilya Montenegro? Kapag nalaman na inosente ang ama ni Aya, paano babawiin ni Lucius ang bawat sakit na idinulot niya? Kaya bang hilumin at bawiin ang pusong kusa niyang dinurog...at matutunton kaya nila ang daan pabalik sa isa't-isa?
107.2K viewsOngoingAdded to Library 178 Times as zoë nightshade
Read
+Library
Sold To The Ruthless Billionaire

Sold To The Ruthless Billionaire

"I didn't buy you to be a wife, Clara. I bought you to be my toy. To watch your life crumble, just like what your father did to mine." Ipinagbili ang simpleng dalaga na si Clara Santos sa malupit na bilyonaryong si Sebastian Vergel bilang pambayad-utang ng kanyang ama. Sa loob ng mansyon, naranasan ni Clara ang bagsik ng lalaking binalot ng poot, hanggang sa ang kanilang ugnayan ay nauwi sa isang mapanganib na obsesyon. Ngunit nang masira ang tiwala ni Sebastian dahil sa mga maling paratang, tumakas si Clara dala ang isang malaking sikreto—buntis siya sa tagapagmana ng lalaking itinuturing niyang kaaway. Makalipas ang ilang buwan, ang dating “Ruthless Billionaire” ay luluhod sa harap niya para sa kapatawaran. Sa isang malayong probinsya, matatagpuan ni Sebastian ang asawang pinalayas niya, may dalang bagong buhay. Handa na bang magpakumbaba ang bilyonaryo para sa kanyang mag-ina, o tuluyan na siyang itataboy ni Clara para sa kanyang kalayaan?
106.2K viewsOngoingAdded to Library 197 Times as zoë nightshade
Read
+Library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
105.6K viewsOngoingAdded to Library 167 Times as zoë nightshade
Read
+Library
The Mafia King's Deadly Bargain

The Mafia King's Deadly Bargain

The moment you saw my face, you lost your freedom. Now, you only have two choices, Be my wife... or be a corpse." — Kalix Valerio Si Isla Moretti ay isang simpleng pastry chef na ang tanging pangarap ay mapalago ang kanyang maliit na bakery. Ngunit ang tahimik niyang buhay ay magugulo nang aksidente siyang makapasok sa isang hotel suite na pagmamay-ari ni Kalix Valerio, ang kinatatakutang “Reaper” ng underworld. Nakita ni Isla ang isang bagay na hindi dapat makita ng kahit na sino. Sa mundo ng Mafia, ang mga saksi ay pinatatahimik... permanenteng pinatatahimik. Ngunit sa halip na tapusin ang buhay ni Isla, isang mapanganib na deal ang inalok ni Kalix. Dahil sa gulo sa loob ng kanyang organisasyon at ang banta ng pag-agaw sa kanyang posisyon, kailangan ni Kalix ng isang alibi, isang asawang magsisilbing “front” niya sa harap ng kanyang mga kaaway. Ang kundisyon? Magpapanggap si Isla na asawa ni Kalix sa loob ng anim na buwan. Kapalit nito ay ang kanyang kaligtasan at ang pondo para sa kanyang pangarap. Mabubuhay kaya si Isla sa isang mansyong puno ng baril at sikreto? O magagawa niyang paamuhin ang isang demonyo na ang tanging alam ay pumatay? Sa mundong puno ng traydoran, matutuklasan ni Kalix na ang pinakamalakas niyang kalaban ay ang sarili niyang puso na unti-unting sumusuko sa kanyang inosenteng asawa. ﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋﹋ Welcome to the dark, seductive world of The Mafia King’s Deadly Bargain. Follow an ordinary woman caught in a dangerous criminal empire, filled with high-stakes action and a slow-burn romance. If you love possessive alphas and strong, witty heroines, this is for you! Don't forget to add this to your library and leave a comment. Happy reading!
107.9K viewsOngoingAdded to Library 198 Times as zoë nightshade
Read
+Library
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status