Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
From Maid to Billionaire's Wife

From Maid to Billionaire's Wife

"Bakit ganyan ka makatingin? Nagaguwapuhan ka sa akin, 'no? Pasensya ka na, hindi ko type ang mga mukhang tsinelas! Muchacha!" matalas, puno ng pang-uuyam at pangmamata ang sabi ni Angelo habang matamang nakatingin kay Jamilla. Bilang isang babaeng hindi basta nagpapatalo, agad naman siyang sumagot. "Excuse me. Una sa lahat, hindi ikaw ang boss ko. Pangalawa, ordinaryo laang ang hitsura mo. Sa amin sa Batangas, mas marami pang mas pogi kaysa sa'yo, kaya huwag kang masyadong mayabang. Hindi kita type. Sa ganda kong ito at sa bata kong edad, bakit naman ako magkakagusto sa matandang katulad mo?" Napatiim ang panga ni Angelo. Kaagad niyang inilabas ang kanyang telepono at tinawagan ang kanyang ina. "Ma, ihanda mo na ang lahat. Pakakasalan ko na ang malditang Batangueña na 'to!" Nanlaki ang mga mata ni Jamilla sa kanyang narinig. Paano niya pakikisamahan ang isang playboy na ubod ng yabang at masama ang ugali? Nakangising tumayo si Angelo, saka lumapit sa kanya at bumulong. "You will regret crossing my path. I will make your life miserable." Bago pa siya makalayo, mabilis na hinila ni Jamilla ang kanyang tainga. "Ouch!" "Hoy! Kung hindi ka nakastigo ng nanay mo noon, sisiguraduhin kong makakatikim ka ng asbar sa akin kapag nagpatuloy ka sa pagiging ulaga!" Paano magkakasundo ang dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? May pag-asa pa kayang magtagpo ang kanilang mga puso, kahit sa ngayon ay kapwa nila iniisip na hindi sila itinadhana para sa isa't isa?
901 viewsOngoingAdded to Library 24 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Billionaire's Baby Maker Maid

The Billionaire's Baby Maker Maid

Si Annalise Florence Dela Cruz ay isang maid sa mansyon ng Montefalco. Hirap siya sa buhay at lalo na ngayon na kailangan ng nanay niya ng operasyon at araw-araw na hospital bills. Wala na siyang ibang malapitan kaya lumapit siya sa amo niyang si Fernando Hymitch Montefalco para umutang. Pero imbes na pautang, ibang klase ng alok ang ibinigay sa kanya ni Fernando. Kailangan niya ng anak at tagapagmana para makuha ang mana niya sa pamilya. Kapalit noon, ibibigay niya ang pera para sa operasyon at gamutan ng nanay ni Annalise. Alok niya rin na si Annalise ang magiging ina ng anak niya. Pumayag si Annalise. Hindi lang dahil sa pera, kundi dahil matagal na rin niyang crush ang amo niya. Pero may kondisyon si Fernando, pagkatapos ng tatlong taon mula nang ipanganak ang bata, kailangan umalis ni Annalise at iiwan ang anak. Masakit para kay Annalise, pero tinanggap niya para sa nanay niya. Sa pagsasama nila, unti-unting nagbago si Fernando. Hindi na siya ganoon kalamig. Mas naging maalaga siya kay Annalise. Habang tumatagal, mas lalo ring lumalalim ang nararamdaman ni Annalise para sa kanya. Pero hindi lahat masaya sa set up nila. May mga taong gustong sirain sila, lalo na ang pamilya ni Fernando na hindi tanggap si Annalise. Habang papalapit ang takdang panahon na kailangan niyang umalis, mas lalo siyang nahihirapan. Kasi hindi lang pera ang dahilan kung bakit siya pumayag, may puso na siyang naiwang nakatali sa sitwasyon. Sa huli, kaya ba niyang iwan ang anak at si Fernando? O pipiliin ni Fernando na panindigan siya kahit labag sa gusto ng pamilya niya?
131 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son

The Doctor's Innocent Maid Returns with a Genius Son

“He used you… and now the whole hospital thinks you're nothing but a gold digger.” Limang taon nanilbihan si Sue Reyes sa pamilyang Rocco. Sa loob ng mga panahong iyon, tahimik niyang minahal ang kanyang amo, si Dr. Rogue Rocco, isang kilalang half-Chinese surgeon na matalino, malamig, at ubod ng ambisyoso sa Monarco's Hospital. Simpleng maid lang si Sue, clumsy, inosente na naka-ugaliang hindi nagsusuot ng p4nty, kaya nang makita ng amo niya ang namumukadkad at namumula niyang hiy4s, nagtagumpay ito na mapansin siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mapagkamalan siyang oportunistang babae, gold digger. Napilitan siyang umalis ng mansyon dala ang isang lihim, nagdadalang tao siya. Pagkalipas ng maraming taon, hindi na siya 'yong dating Sue na sunod-sunuran at inosenteng maid kundi isa nang lisensyadong medical social worker kasama ang kanyang anak na si Ron. Sa paningin ng iba, ordinaryong pitong taong gulang lang si Ron. Ngunit ang hindi nila alam, isa siyang child prodigy na lumikha ng Lovelink, isang dating application. Matapos niyang matuklasan ang tunay na pagkakakilanlan ng kanyang ama, lihim niyang pinag-match ang sarili niyang mga magulang, umaasang mabibigyan sila ng pangalawang pagkakataon. Sa maliit na ospital, akala ni Sue hindi na magtatagpo ang landas nila ni Rogue, ngunit sa araw na dagsa ang mga pasyente, muli silang nagkita sa emergency room at nalaman na ang lalaki ang nagmamay-ari ng ospital. Maitago pa kaya ni Sue ang katotohanan kay Rogue? O matutulad lang din ito sa nakaraan?
10198 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

The Vampire's Maid Servant (Tagalog)

Sa edad na siyam, naging kapalit si Anastacia ng malaking pagkakautang ng kanyang ama sa isang mayamang ginang. Pumayag din ang kanyang ama dahil sinabi nitong pag-aaralin siya sa ibang bansa at magkakaroon ng magandang buhay. Pero lingid sa kaalaman ni Anastacia at ng kanyang ama na ipagbibili pala siya nito sa isang Black Market. Sa Black Market na 'yon pula ang mga mata ng mga nanonood. Para 'tong mga halimaw na nagpapanggap na tao. Sa ibang lengguwahe at kurensiya ipinagbili si Anastacia sa isang subastahan. Mag-asawang bampira ang nakabili sa kanya at may dugong Royal. Ang buhay na tila isang bangungot ang inaasahan ni Anastacia sa piling ng mga 'to, pero hindi 'yon nangyari, lalo at iniregalo siya ng mag-asawa sa anak ng mga ito na kaedaran niya, si King. Si King ang bampirang itatangi niya at suwerteng katugon ng kanyang damdamin. Nagmamahalan silang dalawa at maraming pangako sa isa't isa nang nasa wastong edad na. Pero ang pangako na 'yon ay mabibigo dahil ang lalaking minamahal niya ay pinatay. Katumbas ng kamatayan nito ang kanyang kalayaan na kahit kailan ay hindi niya hinahangad. Pinatay raw si King ng isang organisasyon ng mga bampira. Kung ano man ang dahilan, hindi niya 'yon masasagot kung isa lamang siyang tao at isang alipin. Sa paglaya niya sa lugar ng mga bampira, binago niya ang sarili at naging isang kilalang Vampire Hunter. Ang layunin niya'y maubos ang nasa organisasyon na pumatay sa lalaking minamahal at malaman ang dahilan bakit 'to pinaslang. Bago siya lumagay sa tahimik kasama ang bagong nobyo, papatayin niya muna ang mga kalaban niya, para sa ikatatahimik niya. Pero paano kung ang inaakala niyang namatay ay magbalik?
1068.0K viewsCompletedAdded to Library 2.5K Times as zuko and mai
Read
+Library
Sold To The Ruthless Billionaire As A Maid

Sold To The Ruthless Billionaire As A Maid

Para mabayaran ang sampung milyong pisong utang ng kanyang ama, napilitan si Alexandra Reyes na tanggapin ang isang kakaibang kasunduan. Dinala siya sa isang pribadong isla para maging personal na katulong ni Dominic Alorte—isang sikat, mayaman, at kinatatakutang tech tycoon. Sa lupit at lamig ng trato sa kanya ni Dominic, alam ni Alexandra na hindi magiging madali ang buhay niya sa isla. Ngunit bago pa man siya sumuko sa takot, aksidenteng natuklasan ni Alexandra ang isang madilim na nakaraan at lihim na kahinaan na pilit itinatago ng bilyonaryo. Imbes na palayasin, pinilit siya ni Dominic na pumirma sa isang non-disclosure agreement (NDA) kapalit ng kanyang pananahimik. Habang patuloy siyang sinusubok ng mga mabibigat na utos at laro ni Dominic sa loob ng mansyon, unti-unting mapipilitan si Alexandra na manindigan at labanan ang takot niya rito. Sa pagitan ng magkaiba nilang mundo, magsisimula ang isang mapanganib na laro ng tiwala at emosyon. Hanggang kailan matitiis ni Alexandra ang ugali ni Dominic kung siya lang ang nakakaalam sa totoong pagkatao nito? Sa huli, sino nga ba ang totoong talo—ang katulong na kontrolado ang buhay, o ang bilyonaryong unti-unting nahuhulog sa taong pilit niyang pinahihirapan?
101 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as zuko and mai
Read
+Library
HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

HOMBRES CALIENTES 3: ELIAS - THE OLD MAID'S DESIRE (SPG)

BLURB: Judge Elias Reid Perez Salviejo; virgin wrecker, innocent hooker. Walang humihindi sa kaniya. He could easily capture every woman's heart regardless of their age because of his cool personality. Pero wala siyang sineseryoso. Para sa kaniya, tama na ang isang gabing puno ng aliw at pantasya. Vhanessa Anne Dizon; old maid at palaging kinakantyawang malapit na sa expiration. Ang masaklap pa, isa siya sa mga babaeng tinaguriang NBSB, o no boyfriend since birth. Hindi sa takot siyang magmahal, ayaw niya lang na maiwan sa bandang huli. Ngunit, nang pagkatuwaan si Vhanessa ng dalawang kaibigan, hindi niya akalaing mahuhulog siya sa kamay ni Elias. Ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya pingarap.
109.4K viewsCompletedAdded to Library 339 Times as zuko and mai
Read
+Library
THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID

THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID

Queen Pepper Laurel, ang dalagang ubod ng pilya na mamamasukan bilang kasambahay sa tulong kanyang mayordomang Lola na tanging kasama niya na lang sa buhay. Kailangan niya mag-trabaho kasabay ng pag-aaral para dagdag sa panggastos sa eskwela at para na rin matulungan ang kanyang mahal na Lola. Makikilala niya si Hades Grimaldi ang binatang bilyonaryong may-ari ng malaking mansyon na kanyang pagtatrabahuhan na taglay ang pagka-suplado ngunit tanggal angas nang dumating si Queen Pepper. Parehong titibok ang mga puso sa parehong pagkakataon ngunit meron naman kayang kahahantungan ang magiging maharot nilang relasyon kung ang isa ay mayroon nang ibang karelasyon?
1022.5K viewsCompletedAdded to Library 652 Times as zuko and mai
Show Reviews (5)
Read
+Library
Sweet Chillie
Mga stories ni Author na baka hindi niyo pa po nababasa na pwede niyong basahin: ♡ 1. UNEXPECTED MARRIAGE TO A RUTHLESS BILLIONAIRE 2. THE BILLIONAIRE'S NAUGHTY MAID 3. I LOVE YOU DANGEROUSLY Thank you so much to your support ꒰⁠⑅⁠ᵕ⁠༚⁠ᵕ⁠꒱⁠˖⁠♡
Angielyn Del Remedios Watson
Ang ganda ng story 🫶 Highly recommended... Walang paligoy-ligoy, hindi boring basahin... Actually tawa ako ng tawa habang binabasa ko 'to... Para akong luka!... hahaha... though, hindi ko pa siya tapos basahin, pero excited ako sa mga susunod na kabanata ...
Read All Reviews
Maid for the Billionaire (Tagalog)

Maid for the Billionaire (Tagalog)

Isa si Naya sa mga nasipa sa trabaho nang amo niyang intsik na mahilig sa mga nakasuot nang croptop, kaya naman nakuha na niyang tanggapin ang alok sa kanya nang kabaryo niya na lumuwas sa syudad at makipag sapalaran bilang isang katulong. Matatagalan ba niya ang pananatili kung ang amo na napuntahan nya ang ubod nang sungit na Bilyonaryo?
9.268.5K viewsCompletedAdded to Library 1.7K Times as zuko and mai
Read
+Library
The Billionaire's Runaway Maid

The Billionaire's Runaway Maid

Isang gabi ng kahinaan ang naging simula ng isang bawal na relasyon. Habang unti-unting nahuhulog si Kiarra sa lalaking hindi niya dapat mahalin, mas lalo naman siyang nalulunod sa sakit ng katotohanang magkaiba ang mundong kanilang ginagalawan. "She's just one of the maids." Mga salitang walang habas na lumabas sa labi ni Larkin—mga salitang dumurog sa puso ni Kiarra nang higit pa sa anumang pagtataksil. Matapos ang lahat ng gabing magkasama sila, matapos ang bawat halik, yakap, at pangakong pinaniwalaan niya, isang katotohanan lang pala ang naghihintay sa kanya. Isa lang siyang katulong. Kaya pinili niyang lumayo. Pregnant, heartbroken, and carrying a secret that could change everything, Kiarra disappeared without a trace—determined to protect herself and the child growing inside her from the man who shattered her heart.
10289 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as zuko and mai
Read
+Library
Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss

Maid of the Cold-hearted Bachelor Boss

Tubong-probinsiya si Adellilah Mantoha. May sakit ang kaniyang ina, kaya ay kinailangan niyang lumuwas patungong Maynila upang pumasok bilang kasambahay ng isang guwapo, mayaman at bilyunariyong si Ryllander Callares, lalaking malamig ang trato sa lahat, dahilan upang mahirapan ang dalaga na pagsilbihan ito. Kaya ba ng isang hamak na probinsiyanang-maid na paamuin ang ang isang cold-hearted bachelor? Ngunit paano na lang kung mahuhulog siya rito kahit alam niyang sa pantasya lang naisasakatuparan ang ilusyong pag-ibig para sa lalaki?
1023.0K viewsCompletedAdded to Library 483 Times as zuko and mai
Read
+Library
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status