Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
I Became The Devil Billionaire's Maid

I Became The Devil Billionaire's Maid

Dahil sa desperasyon ni Serene humanap ng pera, pumayag siya sa alok ni Damien Ross— ang arogante at walang pusong Bilyonaryo, ang maging personal maid nito. Nagkaroon din sila ng kontrata at malinaw doon ang nakasulat, "Do not fall on love with me..." Ngunit paano kung hindi niya mapigilan ang sarili niyang mahulog sa lalaki sa kabila ng totoong relasyon nila, bilang amo at maid nito. Will that change their relationship or he will abandon her after knowing Serene's feelings?
186 viewsOngoingAdded to Library 5 Times as zuko and mai
Read
+Library
Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Under Cover Maid and the Billionaire Assassin

Si Alena Ortiz ay tila isang inosente, mahina, at mangmang na kasambahay na desperadong magkaroon ng trabaho. Ngunit sa likod ng kanyang apron ay nakatago ang kanyang tunay na pagkatao—MAGDARAGIT, isang maalamat na undercover operative na kinatatakutan maging ng mga kriminal at sindikato. Ang kanyang misyon ay isa lamang: tuklasin ang katotohanan sa likod ng sunod-sunod na pagpatay at ibagsak ang mga taong nasa likod nito. Ngunit ang pinakamalaking balakid sa kanyang misyon ay ang kanyang sariling amo. Si Mark Jacob Escallon Valderama, isang bilyonaryong negosyante na kilala sa pagiging walang awa sa mundo ng negosyo ngunit mapagkawanggawa sa mga nangangailangan. Habang tinitingala siya ng publiko bilang isang huwarang negosyante, may isa pa siyang lihim na buhay na walang sinuman ang nakaaalam. Sa pagsapit ng gabi... Siya ang kinikilalang World Top Assassin No. 1. Dalawang taong nabubuhay sa kasinungalingan. Dalawang lihim na pagkatao. Dalawang pusong parehong nilamon ng trahedya matapos mawalan ng mga magulang sa murang edad. Sa una, itinuring nila ang isa't isa bilang hadlang sa kani-kanilang misyon. Ang bawat pagtatagpo ay puno ng pagdududa. Ang bawat pag-uusap ay isang laban ng talino. Ang bawat lihim ay maaaring maging dahilan ng kamatayan ng isa sa kanila. Ngunit habang unti-unting nabubunyag ang mga katotohanan, napagtanto nilang iisa lamang pala ang kanilang hinahanap. Ang tunay na utak sa likod ng pagkamatay ng kanilang mga pamilya. At ang organisasyong responsable sa mga kasamaan na bumabalot sa Sto. Alonzo. Habang isa-isang nabubunyag ang kanilang mga lihim na pagkatao, ang dating magkaaway ay napilitang maging magkaalyado. Sa gitna ng panganib, pagtataksil, at walang humpay na habulan, isang pag-ibig ang dahan-dahang namuo sa pagitan ng dalawang taong isinumpang huwag magtiwala kaninuman. Ngunit sa mundong kanilang ginagalawan, ang pag-ibig ay maaaring maging pinakamalaking kahinaan.
82 viewsOngoingAdded to Library 2 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Billionaire’s Gorgeous Maid

The Billionaire’s Gorgeous Maid

BLURB: Si Desyrie ay lumuwas ng Maynila bitbit ang isang pangarap: ang makapag-aral at makatulong sa pamilya. Taglay ang ganda ng isang tipikal na Pilipina—morena, may mapungay na mga mata, at hubog ng katawang pang-modelo—madali sana siyang makakahanap ng mapapangasawa. Ngunit sumumpa siya: hinding-hindi siya magpapakatanga sa pag-ibig gaya ng kaniyang ina. “Bahala na kung tumandang dalaga,” ang madalas niyang bitaw na salita. Sa kabilang banda, si Lumiere Salvatiero ay isang bilyonaryong kinalimutan na ang salitang "pagmamahal." Matapos iwan ng kaniyang fiancée para sa ibang lalaki, ang dating butihing boss ay naging malamig, mabalasik, at lunod sa trabaho. Para sa kaniya, ang mga babae ay iisa lang ang habol: ang kaniyang yaman. Ngunit magbabago ang lahat sa isang hapon. Sa tapat ng kaniyang mansyon, isang napakagandang babae ang nakatayo habang binabasa ang poster: HIRING: YOUNG MAID. Sa isang sulyap, Lumiere was starstruck. Ngunit agad niyang iwinaksi ang nararamdaman. Para sa kaniya, isa lang din si Desyrie sa mga babaeng gagamitin ang ganda para makuha ang kaniyang pera. Doon magsisimula ang isang laro ng pangungutya, pagtitiis, at damdaming pilit itinatago sa likod ng mga malamig na titig. Will Desyrie’s fierce heart break Lumiere’s icy walls? O magiging isa lamang siyang biktima ng nakaraan ng lalaking ayaw nang maniwala sa pag-ibig? "I thought he was my forever, but he was just a lesson. My real hero was always right beside me."
10309 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as zuko and mai
Read
+Library
Bought By The Cold Billionaire: The Maid He Married

Bought By The Cold Billionaire: The Maid He Married

Si Celestine Alarice Reyes ay isang kasambahay na lumalaban sa buhay para mailigtas ang kanyang amang nasa ospital. Nang matanggap siya sa mansyon ng bilyonaryong si Lucian Kael Montecarlos, ang akala niya ay simpleng trabaho lang ang naghihintay sa kanya—hanggang sa makilala niya ang lalaking malamig, dominante, at sanay na walang kumokontra sa kanya. Pero sa hindi inaasahan, ang kasambahay na dapat lang manatiling tahimik ang siyang hindi natitinag sa kanya. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, mas nagiging mahirap itago ang damdaming unti-unting nabubuo sa pagitan nila. Hanggang sa isang alok ang magbago sa lahat—isang contract marriage na kapalit ng perang tutulong sa hospital bills ng kanyang ama. Isang kasunduang dapat ay tungkol sa negosyo lang, pero magiging simula ng komplikadong emosyon na hindi na nila kayang kontrolin. Sa pagitan ng tungkulin, pride, at damdaming hindi dapat, isang tanong ang babago sa lahat. Hanggang saan ka handang lumaban para sa pag-ibig na nagsimula lang sa isang kontrata?
71 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Billionaire's Innocent Maid

The Billionaire's Innocent Maid

Dulot ng kahirapan, maagang nagtrabaho si Hera dala na rin nang hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Maliban sa kaniyang magandang mukha at katawan, wala na siyang iba pang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Dahil sa kagandahang taglay, natanggap siya sa isang fancy restaurant bilang waitress pero hindi rin naman din siya nagtagal doon. Bumalik ulit siya sa dati, kung saan-saan lang naglilibot at naghahanap ng trabaho. Hanggang sa isang gabi, may bigla na lang estranghero ang nag-alok sa kaniya ng isang trabaho. Malaki ang sahod at hindi kailangan ng magandang background. Tinanggap ni Hera ang trabaho. Lingid sa kaniyang kaalaman na ang trabaho na kaniyang pinasukan ay simula na pala ng panibagong hamon at kalbaryo ng kaniyang buhay. Ano na lang ang kaniyang magiging reaksyon kung isang araw, natagpuan na lang ni Hera ang kaniyang sarili na may kakaiba at hindi normal na relasyon sa kaniyang amo?
1025.2K viewsCompletedAdded to Library 605 Times as zuko and mai
Read
+Library
Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid

Synopsis Siya si Attorney Harrison, isang matagumpay ngunit ubod ng supladong abogado, na ang isip ay higit sa lahat. Nagulo ang tahimik niyang buhay nang kumuha siya ng bagong kasambahay, si Margarita, na isang palaban na babae, determinado, at hindi natatakot na sabihin ang kanyang nasa isip. Habang sila ay nagbabangayan, nagsasagutan, at nagbibiruan, nagsimulang makita ni Harrison si Margarita, na nagbibigay liwanag sa napakaboring niyang buhay na hindi niya naramdaman sa fiancée niya. Naging masaya ang bawat araw ni Harrison dahil sa atensyon na ibinibigay ni Margarita sa kanya. Hindi lang niya matanggap na nahuhumaling na siya kay Margarita dahil sa kanyang pride at takot na umamin sa nararamdaman. Lalo na't nalaman na ni Margarita na may fiancée na siya. Pero huli na ang lahat dahil iniwan na siya ng babaeng bumago sa buhay niya. Pinilit niyang kalimutan si Margarita, pero hindi kayang turuan ang puso, siya pa rin ang hinahanap-hanap. Hiniwalayan niya ang fiancée niya at nagsimula siyang hanapin si Margarita. Ginawa niya ang lahat para bumalik lang sa kanyang buhay si Margarita. Mapaamo at mapamahal ulit ito sa kanya. This time, hindi na niya pakakawalan pa.
9.9189.0K viewsOngoingAdded to Library 4.5K Times as zuko and mai
Show Reviews (34)
Read
+Library
Analyn Bermudez
Hala!! grabeh Tama nga ako binayaran pla SI Judy ni Tiffany hays..Buti nlng nabisto niya agad...sana maputulan din Ng pakpak itong mahaderang nanay ni Harrison sobrang kontrabida na Ms A asan naba Sina grandpa at grandma baka skali Sila Ang makaputol sa sungay Ng nanay ni Harrison hahaha
Chelle
Hello Guys! Happy to share this achievement to all of you that this book is got promoted to non-exclusive to exclusive. This is all for you my dear readers. CONGRATULATIONS sa ating lahat. Thank you sa walang sawang pagsuporta sa story na ito. God bless you all ......🫶🩷...
Read All Reviews
The Billionaire Secret Surrogate Maid

The Billionaire Secret Surrogate Maid

‎Si Sasha ay isang simpleng katulong sa mansyon nina Lucas. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Lucas ang isang katotohanan: habang siya ay hirap na hirap magkaroon ng anak na lalaki sa asawa niya, si Sasha ay may kambal na lalaki na at buntis pa ulit sa isa pa. ‎ ‎Desperado si Lucas at ang pamilya nito na magkaroon ng tagapagmana. Lingid sa kaalaman ng asawa nito ay isang madilim na deal ang inalok nila kay Sasha—maging surrogate mother sa tradisyonal na paraan kapalit ng malaking halaga. Noong una ay tumanggi si Sasha, pero nang ma-diagnose ng leukemia ang isa sa kanyang mga anak, wala na siyang ibang pagpipilian, lalo na at wala syang katuwang dahil iniwan na din sya ng ama ng mga anak nya.
453 viewsOngoingAdded to Library 9 Times as zuko and mai
Read
+Library
Matched My Mafia Billionaire Dad With His Hired Wrong Maid

Matched My Mafia Billionaire Dad With His Hired Wrong Maid

Akala ko, tapos na ang kwento ko nung mawala ang asawa ko... focused lang ako sa business, sa mafia empire, at sa pagpapalaki kay Charles. Seryoso, low maintenance ang buhay ko. Until she crashed into my limousine... literal. Sino ba naman ang hindi mada-dazzle kay Victoria "Vee" Santos? Six feet of pure attitude, muscular, tattooed, at kayang mag-knockout ng assassin gamit ang fire extinguisher! I had to lock her down. Kaya nung nagka-utang siya ng ₱87 million dahil sa accident, I gave her an ultimatum: be my personal maid for one year. Worst. Decision. Ever. Sunog ang kanin, basag ang antiques, at kung makasagot sa akin, wagas! She’s chaotic, and she claims she hates men. Pero nung bigla siyang tinawag ng anak kong si Charles na “Mama”... everything flipped. Ngayon, ang cold kong mansion, unti-unting umiinit. I find myself smiling at her antics, wanting to protect her vulnerabilities, and craving her touch. She's supposed to pay a debt, pero bakit parang ako ang unti-unting nauubusan ng kontrol? Bago pa man sumalakay ang mga kaaway ko, alam ko na ang totoong plot twist... I’m hopelessly falling for my wrong maid.
1037 viewsOngoing
Read
+Library
Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Maid For You (Hiding Mr. Alexander's Daughter)

Rated SPG Thea Reyes' common-law husband cheated on her, nahuli niya sa aktong hubo't-hubad at magkapatong ang kanyang partner at matalik na kaibigan sa ibabaw ng kama sa kanilang kuwarto kaya't walang pag-aatubili itong lumayas mula sa kanilang bahay at naghanap ng maupahang apartment para doon muna mamalagi habang hinihintay ang tawag mula sa ina-applyan niyang trabaho. Mahigit isang buwan na ang lumipas ng umalis siya sa kanilang bahay ngunit hindi siya hinanap ng kanyang partner. Naisipan niyang pumunta ng club para libangin ang sarili, gusto na niyang makalimutan ang sakit na ibinigay ng kanyang asawa at ng inakala niyang mabuting kaibigan. She went to the club and accidentally encounter a handsome stranger and had a one-night stand with him. Kinabukasan ay tinawagan na ito sa kanyang ina-applyang trabaho bilang katulong sa mansyon. Nabigla nalang si Thea ng malaman niya na ang naka one-night stand niya ay anak pala ng magiging boss niya. Ano pa kaya ang mangyayari sa mga susunod na kabanata ng storya nila? Paninindigan kaya nila ang kanilang na simulan? Paano kung hindi sasang-ayon ang Ina nito? Maisasakatuparan pa kaya ang mga pangako?
8.6K viewsOngoingAdded to Library 240 Times as zuko and mai
Read
+Library
The Billionaire’s Exclusive Maid

The Billionaire’s Exclusive Maid

Si Graciella Cortez ay isang waitress, inatake ang kanyang ama at kailangan ng heart surgery. Kailangan niyang maghagilap ng pera para sa operasyon. Kaya nang may ibinulong na oportunidad ang manager, isang lihim na auction, kinain niya ang hiya at prinsipyo, ibinenta niya ang virginity. Sa madilim na silid, pataasan ang alok hanggang dumating si Jayden Valencia, isang bilyonaryong CEO. Isang numero lang ang binanggit nito, isang milyong piso. Isang gabi sana ng init ngunit sa nerbyos ay nilibang niya ito. Tumawag ang ospital, nag-aagaw-buhay ang ama niya. Tumakas si Gracie, iniwan ang lalaking nakabili sa kanya nang walang nangyari. Sadyang mapagbiro ang tadhana dahil nang kailangan niyang maging kasambahay sa isang mansyon kapalit ng kanyang inang nagbabantay sa ospital, doon niya nalaman, ang lalaking nakabili sa kanya ay amo niya! Ang isang gabi ba ay posibleng maging habambuhay?
107.2K viewsOngoingAdded to Library 243 Times as zuko and mai
Read
+Library
PREV
1
...
67891011
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status