(A MOTHER'S LOVE)
CHERRY 'That night makes my life miserable,' Nasira ang buhay ko. Nawala ang kinaiingatan kong career, na wala ang pangarap ko, lahat nawala sakin. "Chie, gutom nako." Napahinto ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin, at nakita ko si Charlie. "Hindi pa tayo kumakain e." Nakanguso niyang sagot. "Hmm. Dito ka lang, ipagluluto kita," sagot ko at tumayo papuntang kusina. Habang nagluluto ako, biglang sumulpot si Charlie sa likod ko. "Chie, bat Hindi ako nag-iiskol? May nakikita akong bata laging may dalang bag. Alam ko punta silang iskol." Naka labi niyang sabi. "Kulang pa ang edad mo para pumasok ng school," sagot ko at inahon ang itlog na niluluto ko. "Hindi, sabi ng iba ganto nako o!" Inis na sabi niya at pinakita ang nakaangat niyang anim na daliri. "Sabi ng iba pag ganto na yung edad nag iiskol na, pero ako? Bakit hindi pako niiskol?" Napabuntong hininga na lang ako sa kadaldalan niya. Kaya inis ko siyang hinarap pero hindi ko pinalahata. "Charli, limang taon gulang ka palang. Pero wag kang mag-alala, maghahanap ako ng trabaho para maipasok ka sa school," sagot ko at binuhat siya. "Talaga? Pramis?" Tuwang natong niya. Pilit naman akong ngumiti sa kanya at inupo siya sa upuan. "Oo, kumain kana," sabi ko at sinadukan siya ng kanin. "Sige! Basta yung pangako mo ha?" "Oo na, Oo na." "OKAY, YOU'RE HIRED. Bukas ka na magsimula," sabi nang manager dito sa isang bar. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat bago lumabas sa bar. Paguwi ko ay agad kong nakita si Charli sa bakuran na naghuhukay. Ewan ko ba ang hilig-hilig niyang maghawak ng lupa. "Charli!" Tawag ko sa kanya at pumasok sa gate. "Chie!" Sagot Niya at nagtatatakbong lumapit sakin. "Ano yang hawak mo?" Taas kilay tanong ko ng makitang nasalikod niya ang dalawa niyang kamay at nakatago sa likod niya. "Ano lang to Chie....hmm... Pang hukay ko! Oo pang hukay nag tatanim ako e." Tarantang sagot niya. "Patingin nga." Nakapamewang na utos ko sa kanya. "E kasi...." Parang nagdadalawang isip pa niyang ipakita ang kamay niya. Sa sobrang inis ay kinuha ko ang kamay niya at dinala sa harap. "Oh my God!" Tarantang sigaw ko at pinagpag ang kamay niya. "Charli! Madumi ang bulate. Baka magkabulate ka sa tyan niyan." "Sori na Chie wala kasi akong magawa sabi mo wag akong lumabas ng bahay sinusunod ko naman ang boring kaya dito tapos wala pakong kaibigan." Nakanguso niyang sagot. Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa loob. "Madumi ang lupa, Charli, baka kung ano ang makuha mong bakteriya," sabi ko habang hinuhugasan ang kamay niya. "Bakit kasi wala akong Papa? Edi sana siya naghahanap ng trabaho at hindi ikaw, edi sana hindi ako naiiwan mag-isa dito." Nangingilid ang luhang sabi niya. Binuhat ko siya mula sa pagkakaupo niya sa lababo at niyakap. "Wala tayong magawa dahil tinakbuhan tayo ng tatay mo." Wow! Diba ikaw ang tumakbo nung araw na yun? Baliw ka talaga, Cherry. "Gusto kitang makasama araw-araw, Chie. Gusto ko araw-araw kitang nasa tabi ko na kahit wala akong Papa, meron naman akong Mama." Pinigilan ko ang pag-hikbi na lumalabas sa bibig ko dahil tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko. "Kaylangan mag trabaho ni Mama Charli, diba gusto mong mag...iskol? Mag tratrabaho si...Mama para may pang iskol ka." Garalgal sabi ko. "Hindi na pala ako mag-iiskol para hindi ka na aalis. Para lagi nalang tayong magkasama," hikbing sabi niya. "Anong kakainin natin kung ganon? Magugutom ka." "H-hindi na lang ako kakain para hindi ka na magtratrabaho para lagi ka na lang dito at hindi nako iiwang mag-isa. Pwede naman, diba, Mama? Para hindi ka na mahirapan," sagot niya na nagpahagulgol sakin ng todo. "P-patawarin mo si Mama, p-patawarin moko kung hindi ko mabibigay ang hiling mo." MABIGAT ANG paghinga ni Charli habang natutulog. Sa kakaiyak niya ay nakatulog na ito sa balikat ko kaya dinala ko na siya sa kwarto. Magandang bata si Charli. Bilugan ang mukha niya, meron siyang mahabang pilikmata, maganda ang shape ng ilong niya, at matataba rin ang pisngi niya na mapula. Naging miserable ang buhay ko nang mabuntis ako, pero kahit kelan ay hindi ko naisip na si Charli ang dahilan, dahil alam kong ako ang may kasalanan dahil sa katangahan ko ay naging miserable ang buhay ko. Nung malaman ng manager ko na buntis ako, ginawan niya ng paraan para matulungan ako, pero napatalsik pa rin ako dahil isa iyon sa hindi ko sinunod na rules sa kontra namin; hindi kami pwedeng magbuntis hanggang hindi pa kami nagpapakasal para maiwasan ang isyu. Pwede naming ipagpatuloy ang career namin kung kasal kami pag nagkaanak. Pero dahil sa katangahan ko ay nadali ako. Sobrang ingat ko ng malaman kong mahina ang kapit niya sa sinapupunan ko. Ilang beses akong dinudugo nung lagpas dalawang buwan ko na siyang pinagbubuntis. Lalo na nung limang buwan na siya na muntikan nakong makunan. Buti na lang na obserbahan agad. Nung lumabas naman siya, napakaliit niyang sagol, samantalang nasa tama naman siyang buwan kaya naubos rin ang pera ko dahil sa mahina at mabagal ang presensya niya. Sasobrang takot na nawala siya, ay wiling akong magbayad ng malaki para umayos ang lagay niya. Ilang milyon ang nagastos ko. Mas naging sakitin siya ng isang taon siya. Buti na lang ay malaki pa ang pera kong naitatabi. Naubos rin ang mga laman ng credit cards ko dahil sa pagiging masakitin niya. Nahinto lang iyon nang mag-aapat na taon na siya. Binenta ko ang mansion ko para lang may maibibigay ng pangangailangan niya. Buti na lang at may natira pakong bahay kaya doon kami nanirahan. Nung nag dalawang taon si Charli ay kumuha ako ng mag-aalaga sa kanya. Nagtry akong bumalik sa pagiging artista pero wala nang kumuha sa akin dahil sa images ko. Kaya wala akong magawa kundi alagaan ang anak ko hanggang maubos ang pera ko. Cherin Jane ang totoo niyang pangalan pero pinalitan niya matapos mapanood ang music video ni Charli Puth. Minsan ay tinatawag ko pa rin siyang Cherin dahil nagmumukha siyang lalaki sa pangalan niya. Hinawakan ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. "Wag lang mag-alala, anak ko, hahanapin ko ang tatay mo para matulad ang araw-araw mong hinihiling," bulong ko bago lamunin ang dilim.CHERRY MALAKAS na tili at hiyawan ang nagpagising sakin. Nang imulat ko ang mga mata ko, isang hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. "Ahh!!!!" Rinig kong tili ni Charlie at nag tatatakbo ito papalapit sakin sa kama. "Ayaw ko na!" sigaw niya. Nang lingunin ko kung sino ang humahabol sa kanya, si Gray ang nakita ko. "Kids, get down now, breakfast is ready!" Bigla na lang akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Sir Keefer. Nasaan ba ako? Mabilis na tumakbo sila Charlie at Gray pababa habang ako ay nahinto ang tingin ko kay Oliver na nakaupo sa sofa at malayo ang tingin. "Oliver," tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa pwesto niya. "Gusto mo bang puntahan natin ang mama mo?" Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay lumingon lang siya sa gawi ko at umiling. "Ayoko. Gusto kong kausapin si Papa." Napatango naman ako sa sagot niya. "Sige, tatawagan ko ang papa," saad ko bago ko siya tuluyang iwan sa kwarto. "No! That's mine!" "Akin to, eh!" Rinig ko agad ang boses ng dalawa.
Chapter 8 CHERRY Halos 1AM na ng madaling araw nang makarating ako sa lokasyon na ipinadala ng mga pulis. Ipinadala nila ang lokasyon ng bahay ni Olivia kung saan ay nagsasagawa sila ng imbestigasyon. Maraming mga tao at pulis ang nagkalat sa labas ng bahay nila, at kahit pa nanghihina ako dahil hindi ko pa rin lubos maisip na nangyayari ito, ay naghanap ako ng pulis na pwede kong kausapin. "S-sir, Ako po si Cherry Lyn. Ako po yung nakatanggap ng tawag kanina," kinuha ko ang atensyon ng isang pulis na agad akong nilapitan. "Buti ho ay nakarating na kayo, gusto lang po namin kayong makausap para sa isasagawang pag-iimbestiga sa biktima. Kaya kung maari po ay sumama po kayo sa prisinto para doon po kayo makausap. Pumayag naman akong sumama kahit pa na gusto ko nang makita si Olivia. Pero hindi pa man kami nakakaalis nang biglang may mamahaling sasakyan ang huminto sa harap namin, bigla namang napunta ang atensyon ng mga tao doon ng bumaba ang isang lalaki sa sasakyan. Nanlaki an
Chapter 7 CHERRY DAHAN-dahan kong iminulat ang mata, at ang bumungad agad sakin ay isang hindi pamilyar na lugar. "You're awake," sabi ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko iyon ay si Sir Keefer ang nakita ko, kaya naman dali-dali akong umupo sa pag kakahiga. "You're in the school clinic. You passed out earlier while we were in the office. Here, drink this." Paliwanag niya at inabot sa akin ang isang bottled water. Tumango naman ako at kinuha iyon. Ang napansin ko lang ay kaming dalawa lang ang nandito at wala ang mga bata. "The kids were already in their class. They will finish after 10 minutes." Saad niya ng mapansin niya sigurong may hinahanap ako. "Sir, pasensya na kayo at naabala ko pa kayo, hindi ko po talaga maalala kung anong nangyari kanina," paghiningi ko sa kanya ng paumanhin. "No need. I should be the one who apologizes because of the trouble my nephew caused. Eventually the gun he brought here to school was from his father, and the gun that he's
Chapter 6 CHERRY Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa dinami-daming tao, ang pwede kong makita dito ay ang anak pa nang amo ko. At ang malala pa ay mukhang siya pa ang kasama ng bata na nagbigay ng baril kay Charlie. Hindi kaya anak niya ang batang iyon? Hindi naman sila magkamukha pero parehas silang gwapo at maitsura. Kaya kung titignan mo sa malayuan, mapagkakamalan mo talagang mag-ama ang dalawang ito. "So we're all here now. I guess we should start to discuss why we're all gathered here. Please be seated." Panimula ng principal kaya naman pumupo kami visitor chair. Hindi ko man lang magawang tumingin ng tuwid dahil nasa harap ko lang siya. At ang malala ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakakahiyang tagpo namin sa opisina niya nang huli kaming nagkita. Kaya tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. "Are you both the kids' parents or guardians?" tanong ng principal. "Mother po ako ni Cheren
CHERRY "Cherry, una na kami, isara mo na lang yung pinto sa harap, nasa kusina yung susi, una na kami ha!" Rinig kong sigaw ni Olivia mula sa labas. "Sige, ingat," sagot ko, habang hinahanap ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako paikot-ikot kakahanap ng cellphone ko. Ang alam ko ay inilagay ko ito sa bag ko matapos kong tawagan ang nagbabantay kay Cherin. Napagdisisyonan kong hanapin nalang ito sa kusina dahil ang alam ko ay doon ko iyon huling ginamit. Pero bago pa ako makapasok ng kusina ay napansin kong bukas ang ilaw ng opisina ni Maam Sarie. Nangsilipin ko ang loob non, laking gulat ko ng makita si Sir Keefer. Mukhang busy ito dahil may katawagan ito sa telepono. "Yes, I hear you. Be careful there. It's cold in that state. You should bring more coats since you're going to stay there for a long time," sagot niya sa kabilang linya. Rinig ko ang boses ng isang babae mula sa telepono niya. 'Sino yun? girlfriend? ' Sinubukan kong idiin ang tenga ko sa pinto upang mas lalo ko
(MEMORIES) CHERRY Alas dose na ng madaling araw nang matapos ang trabaho ko. Nakatulog na sa sofa si Cherin kaya binuhat ko na sya. Sumakit ang mga braso ko ng binuhat siya dahil parang babagsak kami sa sobrang bigat niya. Halatang busog siya sa dami ng kinain niya. Ilang beses ko siyang nahuling lumalapit sa customers at nanghihingi ng pulutan. Tuwing papasok ako sa mga private room ng bar ay nakita ko siyang may hawak na hita ng manok, tapos may nakaipit pang piatus sa kilikili niya. Paglabas ko ng bar ay maliwanag pa dahil sa dami ng nakabukas na ilaw, nang may dumaan na tricycle ay agad kong pinara. Nang makarating kami sa kanto ay nilakad ko na lang ito papuntang bahay namin. "Chie, walang food si Chinny," Tukoy niya sa alaga niya. Napabuntong hininga na lang ako kasi hindi ko alam kung may pera pa ako. Nang makita kong bukas pa ang tindahan nila Kuya Cocoy, bumili ako ng kalahating kilong pagkain ni Chinny. Nang nasa gate na kami ay nagpababa na si Cherin, su