CHERRY
"Cherry, una na kami, isara mo na lang yung pinto sa harap, nasa kusina yung susi, una na kami ha!" Rinig kong sigaw ni Olivia mula sa labas. "Sige, ingat," sagot ko, habang hinahanap ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako paikot-ikot kakahanap ng cellphone ko. Ang alam ko ay inilagay ko ito sa bag ko matapos kong tawagan ang nagbabantay kay Cherin. Napagdisisyonan kong hanapin nalang ito sa kusina dahil ang alam ko ay doon ko iyon huling ginamit. Pero bago pa ako makapasok ng kusina ay napansin kong bukas ang ilaw ng opisina ni Maam Sarie. Nangsilipin ko ang loob non, laking gulat ko ng makita si Sir Keefer. Mukhang busy ito dahil may katawagan ito sa telepono. "Yes, I hear you. Be careful there. It's cold in that state. You should bring more coats since you're going to stay there for a long time," sagot niya sa kabilang linya. Rinig ko ang boses ng isang babae mula sa telepono niya. 'Sino yun? girlfriend? ' Sinubukan kong idiin ang tenga ko sa pinto upang mas lalo ko pang marinig ang boses nito. "Ok, bye," paalam niya bago mawala ang tawag. Aalis na sana ako nang mangudngud ang mukha ko sa pinto dahilan upang bumukas ito. 'Cherry! Anong katangahan ang ginagawa mo? ' "Yes, Ms.?" Kuha niya sa atensyon ko. "M-moreau po," nahihiya kong pakilala rito. Nakakahiya! Baka kung anong isipin niya sa akin, baka isipin niya nakikinig ako sa usapan nila ng kasintahan niya. 'Yun naman talaga ang nangyari eh! Chismosa ka kasi! ' "M-magpapaalam lang po ako, isasara ko na po kasi ang restaurant dahil tapos na ang shift namin," pagdadahilan ko sa kanya. Mukhang wala naman siyang iniisip na tulad ng iniisip ko kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "I see, Iwan mo nalang ang susi dito sa table ko, ako na lang ang magsasara. Then you can go home." Kinuha ko naman ang susi mula sa bulsa ko at lumapit sa kanya upang ibigay ang susi. "A-aalis na po ako," paalam ko ng mailapag ko ang susi sa table niya. "Ms. Moreau," tawag niya sa akin bago pa ako tuluyang makalabas ng office. "The next time you want to gossip about me, just tell me. You're all free to sit here beside me so you can hear me clearly." I heard the sarcasm in his voice, and even though I was turned away, I knew he was smirking at me now! Ramdam ko ang pag-init ng buong katawan ko sa kahihiyan at dali-daling lumabas ng kwarto. 'Nakakahiya!' 5AM na nang makauwi ako, nadatnan kong mag-isa si Cherin sa bahay na nakikipaglaro sa alaga niyang manok. "Chie! Tignan mo oh! Binigyan ako ng klasmayte ko ng isang kilong pagkain ni Chinny!" Tuwang salubong niya sa akin habang hirap na hirap siya sa paghatak sa isang maliit na sako. Hula ko ay hindi lang isang kilo iyon, siguro mga nasa sampong kilo iyon na nakalagay sa maliit na sako. Kaya naman hirap na hirap siyang dalhin iyon sa akin. "Kanino naman galing yan?" tanong ko ng lapitan ko siya. "Kay boy sungit, yung asul yung mata? Sabi niya may malaki daw na lupa ang lolo niya na puro manok ang alaga. Pag free daw tayu, punta daw tayo para daw maitlogan si Chinny," tuwang-tuwang kwento niya. Bigla naman akong napaisip. Bakit naman bibigyan ng batang iyon ang anak ko ng sampong kilong pagkain ng manok ng walang kapalit? "May hiningi ba siya sayo?" "Wala! May binigay pa nga siya sa akin eh, ito oh!" Sagot niya at may dinukot sa bulsa ng short niya. Nagulat ako nang ilabas niya ang isang baril. Nang tignan ko ito nang malapitan, doon ko lang napagtanto na pellet gun lang ito, kaya naman nakahinga ako nang maluwag. "Patingin nga niyan." Agaw ko sa baril-barilan na hawak niya. Nang buksan ko ang magazine ng pellet gun, ay laking gulat ko nang makitang totoong bala ng baril ang laman non. Agad ko itong nabato sa sahig sa sobrang takot. "Cherin, nilaro mo na ba ang pellet gun na yan?" kabado kong tanong dahil baka mamaya ay nabaril na iyan sa kung saan. "Hindi pa, pero pinakita ni Grey kung paano gamitin yan! Pinaputok niya panga ng dalawang beses doon sa likod ng CR eh! Lakas! Nasira yung pader!" Proud na proud niya pang pwento. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay dahil sa mga kwinekwento niya. "Tapos biglang may tumating na guard kaya nagtakbo-takbo kami ni Grey, HAHAHAHAH." Napapahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa katigasan ng ulo niya. Hindi ko alam kung saan niya ba namana iyan. Wala namang ganyan kakulit sa pamilya ko. "Tapos may pinapabigay pala yung titser ko." Pahabol niya at nagtatatakbo pa para kunin ang bag niya. Pagbalik niya ay may hawak na siyang sobre at inabot sa akin. "Bigay ko daw sayo sabi ni titser." Nangbuksan ko ang loob ng sobre, ay nakita ko ang isang papel na may sulat. Nakalagay doon na ipinapatawag daw ako bukas sa principal's office dahil sa violation na ginawa nila Cherin. Napabuga na lang ako sa hangin dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko sa batang ito KINABUKASAN ay imbis na makapasok ako sa restaurant ay hindi ko magawa dahil kaylangan kong pumunta sa school ni Cherin. Buti nalang ay pumayag si madam na mag-leave ako ngayon sa trabaho. "Wag mong kakalimutan yung practice natin kagabi ha? Yung mga sasabihin mo pag tinanong ka nila," paalala ko sa kanya habang sinusubutan siya ng medyas. "Pag tinanong ka kung kanino galing ang baril, anong isasagot mo?" "Galing po kay Grey!" sagot niya sakin kaya naman nakahinga ako ng maluwag. "Eh, pano pag tinanong ka kung sino yung nagpaputok ng baril, anong sasabihin mo?" muli kong tanong at isinuot ang sapatos niya. "Si grey po!" Napangiti naman ako sa sagot niya, "Good, tara na." Aya ko sa kanya at syaka kami lumabas ng bahay. Pagkarating namin sa school, imbis na sa classroom kami dumeretso ay pumunta kami sa principal's office. "Anak, galingan mong sumagot ha? Pag nasagot mo ng tama lahat ng tanong nila, mag jojollibe tayo," pang-uuto ko sa kanya na ikinatuwa niya naman. Nang makapasok kami sa loob ng principal's office ay nadatnan namin ang teacher at principal ni Cherin sa loob. Nakita ko rin ang isang batang lalaki na may kasamang lalaki. Ito siguro yung boy sungit na sinasabi ni Cherin. "Sorry po, nahuli kami," paghingi ko ng paumanhin sa kanila ng makapasok kami sa loob, agad namang napunta sa amin ang tingin ng mga tao sa loob ng room na iyon. Pero isang tao lang ang napansin ko. Bakit siya andito? "S-sir Keefer."CHERRY MALAKAS na tili at hiyawan ang nagpagising sakin. Nang imulat ko ang mga mata ko, isang hindi pamilyar na lugar ang bumungad sa akin. "Ahh!!!!" Rinig kong tili ni Charlie at nag tatatakbo ito papalapit sakin sa kama. "Ayaw ko na!" sigaw niya. Nang lingunin ko kung sino ang humahabol sa kanya, si Gray ang nakita ko. "Kids, get down now, breakfast is ready!" Bigla na lang akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Sir Keefer. Nasaan ba ako? Mabilis na tumakbo sila Charlie at Gray pababa habang ako ay nahinto ang tingin ko kay Oliver na nakaupo sa sofa at malayo ang tingin. "Oliver," tawag ko sa kanya ng makalapit ako sa pwesto niya. "Gusto mo bang puntahan natin ang mama mo?" Hindi niya ako sinagot. Bagkus ay lumingon lang siya sa gawi ko at umiling. "Ayoko. Gusto kong kausapin si Papa." Napatango naman ako sa sagot niya. "Sige, tatawagan ko ang papa," saad ko bago ko siya tuluyang iwan sa kwarto. "No! That's mine!" "Akin to, eh!" Rinig ko agad ang boses ng dalawa.
Chapter 8 CHERRY Halos 1AM na ng madaling araw nang makarating ako sa lokasyon na ipinadala ng mga pulis. Ipinadala nila ang lokasyon ng bahay ni Olivia kung saan ay nagsasagawa sila ng imbestigasyon. Maraming mga tao at pulis ang nagkalat sa labas ng bahay nila, at kahit pa nanghihina ako dahil hindi ko pa rin lubos maisip na nangyayari ito, ay naghanap ako ng pulis na pwede kong kausapin. "S-sir, Ako po si Cherry Lyn. Ako po yung nakatanggap ng tawag kanina," kinuha ko ang atensyon ng isang pulis na agad akong nilapitan. "Buti ho ay nakarating na kayo, gusto lang po namin kayong makausap para sa isasagawang pag-iimbestiga sa biktima. Kaya kung maari po ay sumama po kayo sa prisinto para doon po kayo makausap. Pumayag naman akong sumama kahit pa na gusto ko nang makita si Olivia. Pero hindi pa man kami nakakaalis nang biglang may mamahaling sasakyan ang huminto sa harap namin, bigla namang napunta ang atensyon ng mga tao doon ng bumaba ang isang lalaki sa sasakyan. Nanlaki an
Chapter 7 CHERRY DAHAN-dahan kong iminulat ang mata, at ang bumungad agad sakin ay isang hindi pamilyar na lugar. "You're awake," sabi ng isang pamilyar na boses. Nang lingunin ko iyon ay si Sir Keefer ang nakita ko, kaya naman dali-dali akong umupo sa pag kakahiga. "You're in the school clinic. You passed out earlier while we were in the office. Here, drink this." Paliwanag niya at inabot sa akin ang isang bottled water. Tumango naman ako at kinuha iyon. Ang napansin ko lang ay kaming dalawa lang ang nandito at wala ang mga bata. "The kids were already in their class. They will finish after 10 minutes." Saad niya ng mapansin niya sigurong may hinahanap ako. "Sir, pasensya na kayo at naabala ko pa kayo, hindi ko po talaga maalala kung anong nangyari kanina," paghiningi ko sa kanya ng paumanhin. "No need. I should be the one who apologizes because of the trouble my nephew caused. Eventually the gun he brought here to school was from his father, and the gun that he's
Chapter 6 CHERRY Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Sa dinami-daming tao, ang pwede kong makita dito ay ang anak pa nang amo ko. At ang malala pa ay mukhang siya pa ang kasama ng bata na nagbigay ng baril kay Charlie. Hindi kaya anak niya ang batang iyon? Hindi naman sila magkamukha pero parehas silang gwapo at maitsura. Kaya kung titignan mo sa malayuan, mapagkakamalan mo talagang mag-ama ang dalawang ito. "So we're all here now. I guess we should start to discuss why we're all gathered here. Please be seated." Panimula ng principal kaya naman pumupo kami visitor chair. Hindi ko man lang magawang tumingin ng tuwid dahil nasa harap ko lang siya. At ang malala ay hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang nakakahiyang tagpo namin sa opisina niya nang huli kaming nagkita. Kaya tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay gusto ko na lang lamunin ako ng lupa. "Are you both the kids' parents or guardians?" tanong ng principal. "Mother po ako ni Cheren
CHERRY "Cherry, una na kami, isara mo na lang yung pinto sa harap, nasa kusina yung susi, una na kami ha!" Rinig kong sigaw ni Olivia mula sa labas. "Sige, ingat," sagot ko, habang hinahanap ang aking cellphone. Kanina pa kasi ako paikot-ikot kakahanap ng cellphone ko. Ang alam ko ay inilagay ko ito sa bag ko matapos kong tawagan ang nagbabantay kay Cherin. Napagdisisyonan kong hanapin nalang ito sa kusina dahil ang alam ko ay doon ko iyon huling ginamit. Pero bago pa ako makapasok ng kusina ay napansin kong bukas ang ilaw ng opisina ni Maam Sarie. Nangsilipin ko ang loob non, laking gulat ko ng makita si Sir Keefer. Mukhang busy ito dahil may katawagan ito sa telepono. "Yes, I hear you. Be careful there. It's cold in that state. You should bring more coats since you're going to stay there for a long time," sagot niya sa kabilang linya. Rinig ko ang boses ng isang babae mula sa telepono niya. 'Sino yun? girlfriend? ' Sinubukan kong idiin ang tenga ko sa pinto upang mas lalo ko
(MEMORIES) CHERRY Alas dose na ng madaling araw nang matapos ang trabaho ko. Nakatulog na sa sofa si Cherin kaya binuhat ko na sya. Sumakit ang mga braso ko ng binuhat siya dahil parang babagsak kami sa sobrang bigat niya. Halatang busog siya sa dami ng kinain niya. Ilang beses ko siyang nahuling lumalapit sa customers at nanghihingi ng pulutan. Tuwing papasok ako sa mga private room ng bar ay nakita ko siyang may hawak na hita ng manok, tapos may nakaipit pang piatus sa kilikili niya. Paglabas ko ng bar ay maliwanag pa dahil sa dami ng nakabukas na ilaw, nang may dumaan na tricycle ay agad kong pinara. Nang makarating kami sa kanto ay nilakad ko na lang ito papuntang bahay namin. "Chie, walang food si Chinny," Tukoy niya sa alaga niya. Napabuntong hininga na lang ako kasi hindi ko alam kung may pera pa ako. Nang makita kong bukas pa ang tindahan nila Kuya Cocoy, bumili ako ng kalahating kilong pagkain ni Chinny. Nang nasa gate na kami ay nagpababa na si Cherin, su