Isang kontrata ang magtatali kila Ysla at Nathan. Kasunduan na may hangganan at dahil lamang sa mga personal nilang dahilan. Si Nathan upang masunod ang kanyang lola at si Ysla upang makaganti sa kanyang fiance at sa mga taong inakala niyang pamilya. Paano kung magbago na ang pagtingin nila sa isa't-isa kasabay ang pagbabalik ng dating pag-ibig ni Nathan at pagdating ng mga problemang dulot ng pamilya ni Ysla?
더 보기Ysla
Masakit ang ulo ko at tila umiikot ang aking paligid ng imulat ko ang aking mga mata. Sa palagay ko ay umaga na dahil sa sikat ng araw na tumatagos sa siwang ng malaking kurtina mula sa harapan ko.
Inikot ko ang aking tingin sa paligid ngunit hindi ako nagtagumpay na makilala o maalala man lang kung kaninong silid ang kinaroroonan ko.
Bumangon ako at naupo sa kama. Malaki iyon at kung pagbabasehan ang itsura at gulo non ay halatang hindi lang ako ang nahiga dito.
Dahil sa naisip ko ay bigla akong napatingin sa aking sarili, narealize kong wala ako kahit na anong saplot sa aking katawan!
Nag-angat ako ng tingin at muling inilibot iyon sa paligid. Napansin ko ang ilang damit na nagkalat sa sahig na tila pamilyar sa akin. Doon ako biglang natauhan at naalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.
Hinawi ko ang comforter na nakatakip sa akin at umurong ng bahagya kaya nakita ko ang pulang mantsang nagpapatunay na tuluyan ko ng naibigay ang iniingatan kong pagkababae.
Ang tanging regalong maiaalay ko sa aking fiance sa gabi ng aming honeymoon.
Natakpan ko ng aking kamay ang aking bibig sa pagpipigil na mapasigaw.
Dahil sa sama ng loob at galit na naramdaman ko para kay Arnold na aking fiance at pinsan na si Lizbeth ay mabilis akong umalis ng cottage namin.
Ngayon ay unti unting bumabalik sa aking alaala kung paano ako napunta sa silid na ito.
Masakit man ang ulo at dama pa rin ang pagkahilo ay mabilis akong tumayo at isa isang dinampot ang sa pagkakaalam ko ay damit ko.
Hanggang sa bigla akong natigilan.
Naiunat ko ang aking likod sa pagkakatayo dahil pakiramdam ko ay biglang tumahimik.
Anong nangyari? Nakakabingi ang katahimikan.
Nasagot lang ang tanong ko ng bumukas ang pinto ng sa tingin ko ay bathroom. Narealize ko na kaya tumahimik ay dahil namatay ang shower kaya nawala ang lagaslas ng tubig na hindi ko pinapansin kanina dala ng pagkalito.
Hindi na ako nakatakbo palabas dahil nga hubo't hubad ako kaya agad ko na lang hinablot ang comforter na nasa ibabaw ng kama ngunit nakita pa rin ako ng lalaking kalalabas lang ng banyo bago ko pa man iyon maitapi sa aking katawan.
“You're awake,” sabi ng lalaki. Nakatapis lang ito ng tuwalya kaya kitang kita ang malapad niyang dibdib habang may mga pumapatak pa na tubig mula sa kanyang basang basa pang buhok na pinupunasan niya gamit ang maliit na tuwalya.
“Ah, eh, magbibihis lang ako tapos ay aalis na rin,” alanganin kong sabi.
Kunot ang kanyang noo na nakatitig sa akin. Bakit parang hindi siya masaya sa sinabi ko? Dapat ba ay hindi na ako nagsabi?
“Just like that?” tanong niya kaya nagulahan ako for a moment.
“W-What do you mean?” taka kong tanong. Bakit parang pinalalabas niya na siya ang agrabyado?
“After what happened last night ay aalis ka lang basta?” tanong niya na mas lalo kong ikinataka.
“Don't tell me gusto mong panagutan kita? I'm sorry, wala pa akong kakayahang bumuhay ng lalaki.” Yon naman ang totoo. Ako ay hamak na alalay lamang ng aking pinsan at substitute na rin sa kanyang pagvo-vlogging.
Dapat ay nakakatawa ang maging dating non sa kanya ngunit hindi iyon nangyari. Kumunot ang kanyang noo bago lumakad palapit sa kama.
Napaatras pa rin ako kahit na nasa kabilang side ako dahil baka kung ano ang gawin niya. Hindi lang siya malaking lalaki kung hindi malaki rin ang katawan. Ang abs niya ay nakakatakam tignan kung nagkataong sa ibang sitwasyon kami magkaharap.
Ang lapad ng kanyang shoulders na para bang kayang kaya niya akong isakay doon habang nakalublob kami sa swimming pool ay saglit na nagpawala sa katinuan ko kaya agad kong pinilig ang aking ulo.
Dinampot niya ang cellphone na nasa ibabaw ng bedside table bago nag dial.
“I need a cleaner.” Yun lang at in-end na niya ang call bago ako hinarap.
“May papasok na cleaner, go to the bathroom and clean up, mag-uusap tayo pagkatapos mo habang nagbe-breakfast.” Ang seryoso ng kanyang mukha kaya hindi ko alam kung marunong ba siyang ngumiti.
At tsaka teka, Is he expecting me to follow him? Ano ako, bale? Basta na lang susundin ang kung ano ang sinabi niya.
“Don't make me repeat myself, woman. Go and clean up or gusto mo lang talaga akong panoorin habang nagbibihis?”
Dahil sa huling pangungusap na sinabi niya ay agad akong nagpunta sa bathroom na pinanggalingan niya lalo at hinawakan na niya ang tuwalya sa kanyang bewang na tila may balak na itong tanggalin iyon sa harap ko.
Habang naliligo ay punong puno ng samu't-saring tanong ang aking isipan.
Unang una na ang kung ano ang pag-uusapan namin ng lalaki. Pangalawa ay kung sino siya. Pangatlo, nasaan na ang magaling na si Arnold at ang pinsan ko?
Hinahanap man lang ba ako ng lalaking inakala kong makakasama ko habang buhay?
At si Lizbeth? Paano niya naatim na gawin sa akin ang lahat ng ito kasama na pati ang kanyang mga magulang na inakala kong anak din ang turing sa akin ngunit hindi naman pala.
YslaMasaya akong malaman na kahit papaano ay unti-unting bumubuti ang lagay ni Lola Andrea. Hindi pa man siya ganap na magaling, ngunit ayon sa kanyang doktor, may mga palatandaan na ng unti-unting pagbuti ng kanyang kondisyon, isang bagay na sapat na para gumaan kahit paano ang bigat sa dibdib ko.Hindi ko maikakaila, natatakot pa rin ako para sa kanya. Sa tuwing naaalala ko ang mga rebelasyong ibinunyag ni Lola, lalo na ang pagkakabanggit niya kay Blesilda, parang may bumabalot na pangamba sa akin. Hindi ko kayang ipagsapalaran ang kaligtasan ng mahal kong lola, kaya agad kong iminungkahi kay Nathan na isama na namin siya sa bahay upang mas mabantayan namin siya nang mabuti. Hindi na rin ako nagtaka nang mabilis siyang pumayag, alam kong nauunawaan niya ang bigat ng sitwasyon at ang panganib na maaaring sumalubong kay Lola kung mananatili siya sa ospital o sa labas ng aming pangangalaga.Kasama rin naming sinama ang nurse ni Lola Andrea. Hindi ko inakala na magtitiwala ako agad sa
NathanNasa opisina ako ngayon, nakaupo sa likod ng desk na tila mas mabigat kaysa karaniwan. Kailangan kong asikasuhin ang ilang mahahalagang bagay na hindi ko pwedeng ipagpaliban, kahit pa ang isip ko’y paulit-ulit na bumabalik kay Ysla.Naiwan siya sa ospital para bantayan si Lola, salamat sa Diyos at ligtas na ito sa kritikal na kondisyon. Ngunit kahit nakalagpas na sa panganib, kailangan pa rin ng matinding pag-aalaga at masusing monitoring mula sa mga doktor.Naputol ang pag-iisip ko nang pumasok si Damien, dala ang isang folder. Diretsong nilapag niya ito sa ibabaw ng aking mesa.“Sir, may share po talaga si Mr. Borromeo sa kumpanya,” seryoso niyang sambit habang pinapanood akong kunin ang dokumento.Kinuha ko ang folder, binuksan, at sinimulang basahin ang nilalaman. Habang lumalalim ang binabasa ko, unti-unting nabuo ang koneksyon, si Dad. Si Dad mismo ang naging daan upang makabili ng shares si Andres Borromeo.Kumirot ang sintido ko. Hindi ko maintindihan kung anong klaseng
YslaNasa ospital kami ngayon, at pakiramdam ko'y parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko. Wala akong ibang magawa kundi sundan ng tingin si Nathan habang pabalik-balik siyang naglalakad sa harap ng pintuan ng emergency room, kung saan kasalukuyang nilalapatan ng lunas si Lola Andrea.Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ba kaming narito. Tila huminto ang mundo habang naglalaban sa loob ko ang kaba, galit, at awa. Siguro ay hindi na talaga kinaya ng katawan ng matanda ang sunod-sunod na tensyon na binigay ng mag-ama.Napailing na lamang ako habang dumadako ang paningin ko kay Nathaniel, ang ama ni Nathan. Kahit bakas sa mukha nito ang pagkabalisa at pag-aalala, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng inis o baka galit na rin lalo na at siya ang puno’t dulo kung bakit nangyari ang lahat ng ito.Today was supposed to be Lola Andrea’s 70th birthday. Dapat sana’y masaya kami ngayon na sine-celebrate iyon, nakikipagdaupang palad ang matanda sa kanyang mga kaibigan.Pero h
YslaAno raw? Engaged to be married?Napakunot ang noo ko. Anong kabaliwan na naman ito? Hindi ba’t malinaw na malinaw na tapos na sina Nathan at Blythe? Ano ang iniilusyon ng ama niyang si Nathaniel?Napailing na lang ako habang lihim na pinipigilan ang inis na bumalot sa akin. Kung patuloy na pangungunahan ng matandang iyon ang anak niya, malabo talagang magkaayos pa silang mag-ama. Hindi ba niya alam kung gaano kasalimuot ang emosyon ni Nathan tuwing siya ang usapan?At si Blythe? Gosh, ilang beses na siyang tinanggihan ni Nathan, diretsahan, harapan, walang pasikot-sikot. Pero andito parin siya, nakangiti, umaasa, at parang walang naririnig. Ang tibay ng mukha, ‘ika nga.Nagtama ang mga mata namin ni Nathan sa gitna ng kaguluhan. Hindi pa pwedeng ipagsigawan ang totoo tungkol sa amin, hindi pa panahon. Pero kilala ko siya. Alam kong makakaisip siya ng paraan para pabulaanan ang mga kalokohang binitiwan ng kanyang ama.“Nathaniel, anong kalokohan ‘yan?” singhal ni Lola Andrea. “Baki
NathanPagkarating namin sa hotel ay dumiretso kami ni Ysla sa waiting area kung saan naroon si Lola na nakaupo, nakaayos ang buhok, at may banayad na ngiti sa labi. Sa kabila ng kanyang edad ay nanatili pa rin ang likas niyang karisma. Agad kaming sinalubong ng kanyang mga mata, at bahagyang kumislap ang mga ito nang makita kaming mag-asawa.“Mabuti naman at nakasama ka, hija,” masayang bati ni Lola kay Ysla, at kitang-kita sa kanyang mukha ang saya ng tumayo ito para salubungin kami.“Happy birthday po, Lola,” nakangiting tugon ni Ysla habang marahang yumuko bilang paggalang. Napansin kong pinisil niya pa ang kamay ni Lola, isang simpleng kilos pero puno ng pagmamahal at respeto.Paglingon ko sa direksyon ng pamilya ng aking ama, agad kong napansin ang mabigat na hangin sa paligid nila. Pawang mga nakakunot-noo at halatang pilit ang mga ngiti. Walang nagsalita, pero sapat na ang mga tinginan nila upang iparamdam na hindi nila kami gustong makita, ako man o si Ysla.Napabuntong-hinin
Ysla“Sigurado ka ba na okay lang na magsabay tayo ng punta sa venue?” tanong ko kay Nathan habang nagbibiyahe kami papunta a hotel. Kaarawan ngayon ni Lola Andrea, at sa totoo lang, mas gusto ko sanang sumabay na lang sa matanda. Mas panatag sana ang loob ko kung siya mismo ang kasama ko. Pero ayon sa asawa ko, kasama na raw ng kanyang Lola ang kanyang ama, si Blesilda, at ang kapatid nitong si Nathalie.Napakunot ang noo ko. Kung ako lang ang masusunod, matapos ang huling pagtatalo nilang iyon, hinding-hindi ko na hahayaang makalapit pa ang mga ‘yon kay Lola. Hindi ko alam, o baka ayoko na lang talagang malaman kung ano pa ang kayang gawin ng mga taong ‘yon sa isang matanda.Pero si Nathan, kampanteng-kampante. Aniya, hinding-hindi magagawang saktan ng kanyang ama ang Lola niya. At sa kabila ng lahat, hindi naman talaga umalis ang pamilya sa poder ng matanda. Kahit papaano, kahit konting porsyento lang, napapanatag din ang loob ko sa tiwalang iyon ng asawa ko.Kung meron man magpapa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
댓글