Chapter 2
Lumipas ang dalawang araw matapos ang harapang sagutan nila ng kanyang abuelo. Akala ni Celestine, tapos na roon ang lahat. Pero hindi pa man siya nakakabawi mula sa exhaustion ng last game nila, sunod-sunod na ang dagok. Una ay ang tahimik na balita na hindi niya agad napansin—wala na ang manager ng restaurant niyang Salt & Smoke. Bigla na lang itong nagbitiw, walang paalam. Nang kinontak niya, umiwas ito. > “Sorry, Tin. Hindi ko kayang labanan si Don Alfredo. May pamilya rin akong pinapakain.” Iyon lang ang sinabi, at naputol ang tawag. Kinabukasan, isang inspection team mula sa City Health Office ang dumating. Diumano’y may anonymous complaint tungkol sa hindi raw maayos na food storage. “Hindi po naming inaasahan ‘to. Kumpleto po ang permits namin,” ani Mika, isa sa assistant chefs niya. Ngunit kahit anong paliwanag, sinuspinde ang operasyon ng restaurant ng dalawang linggo habang iniimbestigahan. Dalawang linggo. Dalawang linggo ng kawalan ng kita para sa buong team. “Put*ang ina…” bulong ni Celestine habang pinagmamasdan ang mga empleyadong hindi makatingin sa kanya. Sa team practice naman, dumating ang mas malupit na balita. “Tin, may kailangan tayong pag-usapan,” ani Coach Mina, habang mag-isa silang nakaupo sa gilid ng court. “Tinanggal tayo sa shortlist para sa Southeast Asian tournament. ‘Yung major sponsor, biglang umatras. Hindi raw nila gusto ang ‘potential reputational risk’...” “Anong reputational risk?” nanlaki ang mata ni Celestine. “Ako?! Dahil lang sa hindi ako pumayag sa kapritso ng—” Napatigil siya. Hindi niya kayang sabihin sa kahit sino. Walang makakaintindi. At ayaw niyang madamay ang mga taong mahal niya. Pag-uwi niya, isang liham ang naghihintay sa may pintuan ng condo unit niya. Hindi sulat kamay. Typed. Walang pangalan. Pero alam niyang galing ito sa iisang tao. > Ang dangal ng pangalan ay mas mahalaga kaysa pansariling kagustuhan. Hindi ko sisirain ang apelyido natin sa mata ng mga negosyante, politiko, at dayuhang koneksyon. May isang buwan ka para pag-isipan. Ang kapalit ng pagtutol mo ay hindi lang ikaw ang magbabayad. Napakagat siya sa labi. Nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa papel. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang wasakin ang lahat sa paligid niya. Pero sa halip, tumayo siya sa harap ng salamin. “Hindi ako matatakot,” bulong niya sa sarili, kahit naglalaban ang galit at pangamba sa loob niya. --- Kinabukasan Isang empleyado ng team niya ang lumapit. “Tin… pasensya ka na. Baka po ‘di muna ako makapasok. Yung nanay ko, biglang na-deny sa PhilHealth benefit. E dati naman naka-enroll ‘yun sa programang pinasok niyo para sa amin, ‘di ba?” “Anong sabi?” usisa ni Celestine. “Ewan ko, ate… sabi may ‘system issue’. Pero parang may humarang.” At doon niya napatunayan — isa-isang hinahampas ng lolo niya ang lahat ng bagay na mahalaga sa kanya. Hindi pisikal. Hindi garapalan. Pero kalkulado. Mapanganib. Nakadisenyo para yumuko siya. Sa kalagitnaan ng gabi, habang mag-isa sa balcony ng condo, tahimik siyang lumuluha. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa bigat ng tanong na bumabalot sa kanya: “Ilang tao pa ang kailangang masaktan bago ako tuluyang sumuko?” Umuulan noong gabing tuluyan nang binalikan ni Celestine ang mundo ng pamilyang iniwan niya. Habang bumabagtas ang kaniyang sasakyan sa kahabaan ng Makati, tanging ang mahinang patak ng ulan sa salamin ang nagsisilbing himig ng kaniyang katahimikan. Walang kasamang PA. Walang kaibigang maaasahan. Wala ni isang taong pwedeng masabihan ng totoo. Napipilitan siyang gawin ito—hindi dahil sa gusto niya, kundi dahil sa mga taong umaasa sa kanya. Sa mga staff ng restaurant niyang kinailangang pansamantalang magsara. Sa assistant coach nilang muntik nang mawalan ng scholarship para sa anak. Sa teammates niyang biglang hindi na makasali sa major league dahil tinapyasan ang pondo. "Napakasaka mo," pabulong niyang sambit habang dinadama ang bigat ng pasya. Hinugot niya ang cellphone mula sa bag. Tumigil siya sandali, pinikit ang mga mata, saka nag-dial. Secretary: "Good evening, Ms. Celestine. How can I help you?" "Sabihin mo sa kanya, pupunta ako. Kung saan man niya gusto. Huwag lang siyang manggulo pa sa buhay ng ibang tao." Secretary: "Noted, ma'am. I'll inform Don Alfredo. He asked that you meet him tomorrow night at 8 PM, sa La Vigna, the private dining wing." Hindi siya sumagot. Pinutol niya ang tawag. Kinabukasan, halos alas otso pa lang ay nandoon na siya sa La Vigna, isang high-end restaurant na pinalilibutan ng mga sikretong entrance at mga unipormadong guwardiya. May sariling VIP dining wing ang abuelo niya roon. Ang lugar ay tahimik, mamahalin, at tila isang dambuhalang tanghalan na para lang sa mga makapangyarihan. Pagpasok niya, naroon agad si Don Alfredo. Nakaayos ang postura, nakasuot ng gray suit na walang kahit katiting na gusot. Wala itong ngiti. Wala ring pagbati. Ganun pa rin. Walang puso. Walang tinig ng pagkakamiss sa apong pitong taon niyang hindi nakita. Umupo siya sa tapat nito. Diretso ang tingin. Walang pag-iwas. Wala ring pakitang galang. "Pumapayag na ako," panimula niya, diretso at malamig. Napatingin sa kaniya ang matanda, ngunit ni hindi natinag ang ekspresyon. "Pero hindi ako magiging sunud-sunuran. May mga kondisyon ako," dagdag niya habang inilabas mula sa bag ang isang envelop na naglalaman ng kontrata. Maingat niya itong inilapag sa mesa. "Ano ito?" tanong ng lolo niya, malamig. "Kontrata. Kung gusto mong ituloy ang kasal, pipirmahan mo ito." Kinuha ng matanda ang papel, binuksan, at mabilis na binasa ang bawat linya. Tahimik ang paligid habang dumadaloy ang mga mata ng don sa bawat kondisyon: 1. Walang pakikialam ang pamilya sa negosyo ni Celestine. 2. Mananatili siyang may ganap na kalayaan sa kanyang karera bilang atleta. 3. Lahat ng empleyado niya ay hindi pwedeng galawin o gambalain. 4. Kapag natapos ang kasal sa itinakdang panahon (six months), at walang development sa pagitan nila ng lalaking papakasalan, pwede na siyang umalis nang walang obligasyon. Natapos basahin ni Don Alfredo ang dokumento. Tumitig ito sa kanya. Walang emosyon, pero sa kaibuturan ng mga mata nito, naroon ang unti-unting pag-amin na hindi na ito ang batang kilala niya dati. “Matapang ka pa rin,” anang matanda. “Pero mas matalino na ngayon.” “Hindi ko ito ginagawa para sa iyo. Ginagawa ko ito para sa mga taong tinarget mo! mga taong walang kalaban-laban sa impluwensya mo." galit niyang saad habang nakatingin sa kaniyang abuelo. Ilang segundo pa ang lumipas buong silid ay nababalot ng katahimikan, at marahan niyang inilabas ang kaniyang Montblanc pen. Tinanggap nito ang papel. Isa-isang pinirmahan ang bawat pahina. Pagkatapos ay isinara nito ang folder, saka marahang isinuksok sa attache case nito. “May balita na ang sekretarya mo bukas,” anang Don Alfredo. Tumayo na si Celestine. Hindi na siya naghintay ng dessert o kung anuman pang alok ng restaurant. “Magpakasal ako sa gusto mo, Don Alfredo. Pero sa kasal na ito, hindi ikaw ang magdidikta ng lahat.” mariing niyang pahayag. “Hindi ako papayag na ikahon mo ulit ako sa mundo mo.” Matagal na ako lumaya at hindi na ako papayag na bumalik muli na para ibon na ikulong sa kulubgan na walang kalayaan. “Hindi mo na ako apo kung inaasahan mong pipikit na lang ako at susunod.” At tuluyan na siyang lumabas ng silid. Ang takong niya'y kumalabog sa sahig na marmol. Walang bahid panghihina sa kanyang postura. Walang alinlangan sa kanyang mga mata. Kahit pa sa loob-loob niya, sumisigaw na ang puso niya. "Paano kung ang lalaking ito… ay mas masahol pa sa lahat ng kilala ko?" Pero hindi na siya pwedeng umatras. May kasunduan na. At may panibagong laban na kailangan niyang paghandaan ang kasal na hindi kanya pinili.Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil
Kabanata 16: Sabado ng PagharapTanghali na nang magising si Celestine. Bumungad sa kanya ang sinag ng araw na unti-unting gumagapang sa puting kurtina ng kanyang silid. Sandali siyang napapikit muli, sinasamyo ang kakaibang katahimikan ng Sabado—ang tanging araw sa linggo na walang tunog ng alarm clock, walang padalos-dalos na paghahanda para sa trabaho, at higit sa lahat… walang tensyon.Inikot niya ang paningin sa silid. Malinis. Tahimik. Ngunit sa likod ng lahat ng ito, may kaba sa kanyang dibdib.Tumayo siya mula sa kama at lumakad papunta sa dressing table. Mabilis niyang sinuklay ang kanyang buhok, saka inayos ang simpleng pastel na blouse na plano niyang isuot. Isang banayad ngunit pormal na estilo—dahil hindi lang ito basta Sabado.Nagpadala lang siya ng maikling mensahe kay Mekaela:“May meeting ako sa volleyball team. Catch up soon.”Hindi na niya binanggit ang ibang detalye. Wala siyang lakas para magpaliwanag. Hindi rin niya gusto ang ideya ng pag-uusisa ni Mekaela kung m
Kabanata 15– Hindi Inaasahang BisitaMuling sumikat ang araw, at tulad ng nakasanayan, maaga na namang bumangon si Celestine. Suot ang simpleng puting blouse, jeans, at nakataling buhok, dala niya ang kanyang signature apron habang papasok sa Salt & Smoke. Kasama ng mabangong aroma ng kape at bagong lutong tinapay ang sigla sa kanyang puso—sigla na dala ng kanyang dalawang mundo na ngayo'y sabay niyang niyayakap: ang pagiging atleta, at ang pagiging negosyante.“Good morning!” masigla niyang bati sa staff habang tinatanggal ang coat sa harap ng entrance.“Ma’am Tin!” sabay-sabay na bati ng mga ito, may kasamang ngiti at pagkasabik.“Ready na ba kayo? Mukhang isa na namang full house tayo ngayon,” aniya habang sumisilip sa reservation log.“Opo, Ma’am. Halos lahat po ng table may nakapila na,” sagot ni Makaela, sabay abot ng clipboard. “May tatlong walk-in group din sa waiting list.”“Ayos. Mukhang kailangan ko na naman magpa-picture mamaya,” pabirong tugon ni Celestine.“At wag kang m
---Kabanata 14 – Champion sa KusinaDalawang linggo ang ibinigay na pahinga kay Celestine matapos ang matagumpay nilang pagkapanalo sa regional volleyball games. Isang karangalan ang masungkit ang kampeonato, ngunit alam niyang mas malalaki pa ang laban sa hinaharap—lalo na at ang susunod nilang pagsabak ay sa pandaigdigang torneo kung saan iba’t ibang bansa ang kanilang makakalaban.Pero sa ngayon, iwinaksi muna niya sa isipan ang bola, ang court, at ang ingay ng hiyawan. Sa loob ng dalawang linggo, gusto niyang ituon ang atensyon sa kanyang iba pang mundo—ang mundo ng pagluluto at serbisyo. Sa loob ng kaniyang restaurant na "Salt&Smoke," isang rustic at eleganteng kainan sa gitna ng lungsod, dito siya nakakahanap ng katahimikan.Masarap sa pakiramdam na magising ng maaga hindi para tumakbo o mag-ensayo, kundi para humigop ng mainit na kape sa veranda ng kanyang kwarto habang tanaw ang mga naglalakad sa umaga. Pero mas masarap sa pakiramdam ang bumalik sa restaurant—ang kanyang pers
KABANATA 13– Sa Likod ng Tagumpay“Akala ko di ka makakarating?” ani Celestine habang inaabot ang bouquet ng mga puting lilies at pulang tulips mula sa kanyang asawa. Pawisan at pagod siya, ngunit bakas sa mukha niya ang tuwa at hindi mapigilang kilig.Ngumiti lamang si Lucas, 'yung pamilyar na ngiting parang sinasabing, "Kahit saan ka man naroroon, susundan kita."Tahimik siyang pinagmasdan ni Lucas. Sa gitna ng court, kahit basang-basa ng pawis at may gasgas sa tuhod, si Celestine pa rin ang pinakamagandang babae sa kanyang paningin—hindi dahil sa pisikal na anyo kundi sa tapang at determinasyong taglay nito.“Gusto mong malaman ang totoo?” tanong ni Lucas.“Hmm? Ano?” tugon ni Celestine, bahagyang nakakunot ang noo.Lumapit si Lucas at bumulong, “Halos lagnatin ako sa kaba kanina habang pinapanood kang gumulong sa court. Kung hindi lang magugulo ang laban, pupuntahan na kita sa gitna para buhatin pauwi.”Napatawa si Celestine. “Finals namin 'to, Lucas. Wala sa bokabularyo ko ang su
KABANATA 12 – Sa Gitna ng Laban at Tibok ng PusoMainit ang simoy ng hangin sa loob ng arena. Ilang minuto bago magsimula ang finals match ng kupunan ni Celestine, punô na ng mga tagasuporta ang bawat upuan. May hawak na placards, may mga may suot na t-shirt na may pangalan ng mga manlalaro. Ngunit sa gitna ng ingay at sigawan, kalmado si Celestine. Nakaupo siya sa bench ng kanilang team, nakatingin sa court na tila ba minamapa na ang magiging galaw ng laban."Tin! Warm-up na," sigaw ng coach nila.Tumayo siya, sinigurong maayos ang tali ng sapatos, at saka tumakbo patungo sa gitna ng court kasama ang buong team. Ramdam niya ang tensyon—hindi dahil sa pressure kundi dahil sa kagustuhang manalo, hindi lamang para sa sarili kundi para sa mga taong naniniwala sa kaniya.Samantala, ilang minuto bago ang pagsisimula ng laro, dumating si Lucas sa arena. Kasama niya ang dalawa sa mga pinakamatagal na kaibigan at business partners—sina Gian at Roel. Kapwa naka-formal attire pa ang mga ito, ha