Home / Romance / Ang Lihim ni Anastasia / Chapter 54 - Christmas eve surprised

Share

Chapter 54 - Christmas eve surprised

Author: Juvy Pem
last update Last Updated: 2022-10-17 22:49:04

Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mukha ni Vance habang nakatayo siya sa rooftop ng VM Headquarters. Sinasayaw nito ang ngayon ay mahaba-haba na niyang straight at shiny na buhok. Nitong mga nagdaang araw hindi na niya alintana ang kanyang hitsura. Long hair at may mahabang balbas. Ngunit kahit gano'n ang kanyang hitsura ay lumalabas pa rin ang angkin niyang kakisigan. He's drinking alone in the middle of the night. Nag-desisyon siyang magpalipas ng gabi sa kanyang opisina. Dahil pakiramdam niya tuluyan na siyang mawawala sa katinuan sa tuwing umuuwi sa kanyang bahay na napakalungkot. Maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi niya tuloy alam kung ano ang unahin niyang resolbahin. It's Christmas eve, but seems like he will be celebrating alone tonight.

While he's in deep thoughts, nakita niya ang isang napakaliwanag na bituin sa kalawakan. Nag-iisa lamang iyon wari binabantayan siya. Mayamaya binaling niya ang kanyang tingin sa naggagandahang skyscrapers na abot-tanaw n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Melodina Salvador
more updates please ang ganda na
goodnovel comment avatar
Melanie Laqui
update please..
goodnovel comment avatar
Melodina Salvador
update please
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 40 - Amber past

    Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 39 -

    Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 38 - Secrets revelation

    “Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 37 - Unknown caller

    Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 36 - The jealous Lucas

    Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 35 - Lets get married

    Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status