Share

14: Business Deal

Hindi ko na pinapasok si Lander sa loob at kinuha ko na lang sa kanya yung files sa labas ng opisina ni Jeremy, sa may pwesto nung secretary niya. Alam kong iinit lang ang ulo ni Lander at hindi rin ganoon kalamig ang ulo ni Jeremy rito.

Pagbalik ko sa opisina niya ay ibinigay ko agad sa kanya ang hawak ko.

"Ito yung initial plan para sa project. May measurement na rin diyan pero estimate pa lang," sabi ko.

Kinuha niya iyon at mabilis na pinag-aralan. Pagkatapos ay tiningnan niya ang oras sa kanyang relo at tumayo.

"I'll go to the conference room now. Come with me."

"Ha?" Sinabi ng may mga lakad pa ako, eh! "Bakit kasama pa ako? Akala ko ba 'yang hard copy ng plan lang ang kailangan mo?"

"I will present your project with the engineers. Kapag may tinanong sila, alam ko ba ang isasagot ko?"

Umismid ako at wala na ring nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Sumakay siya ng elevator at nag-aalangan akong sumunod. Pinindot niya ang floor number na nasa baba lang ng mismong office niya.

K
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status