Share

172 (Unedited)

Ibinalik na namin ang bangka na ginagamit pabalik ng mansyon. Nataon kasi na ang bangka na para sa mga guest ay nalaan sa ibang staff na sinamahan ang iba pang guest na maagang namasyal.

Nakita pa ni Louisse ang pagtango ni Zairus. Mababakas pa rin ang galit sa mukha nito. "Ihatid mo na si Lena sa mansyon, Mang Ruben."

Magsasalita pa sana si Louisse para tumanggi ngunit naitikom niya rin ang bibig nang tuluyan na silang talikuran ni Zairus. Nakita niya pa ang patakbong paglapit ni Gin sa huli, umagapay sa paglalakad nito. Napabuntong-hininga na lamang siya at saka tahimik na nagpatulong kay Mang Ruben na makasakay sa bangka.

MAAGANG nagising kinabukasan si Louisse. Tinotoo talaga ng lalaki ang sinabi nitong magdamag na hindi makakauwi. Kaya naman ay malaya siyang nakatulog sa sariling k'warto. Pati si Gin ay mukhang sa hotel din nagpalipas ng gabi.

Nang matapos sa kan'yang routine ay kaagad na bumaba ang dalaga. Dumiretso siya sa kusina at natagpuan niya na naghahanda pa lamang sila M
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status