Share

CHAPTER FORTY-TWO

"Ano bang ginawa ko sa 'yo?"

Hindi ko alam kung ilang oras nang umuulit ulit sa alaala ko 'yang pesteng tanong na iyan. Buong maghapon ay 'yang tanong lang na iyan ang gumulo sa isipan ko. Ni hindi ko na nga nagawang asikasuhin nang maayos ang trabaho ko nang dahil sa tanong niya. Maging ang pag-alis nga sa harapan niya kanina ay hindi ko na magawang maalala.

Ganito ba talaga kalala ang nagagawa ng presensya ni Travis sa akin?

Nang dahil lang sa isang simpleng tanong, nagagawa niya akong ilayo sa reyalidad at guluhin ang maghapon ko. Ganoon siya ka-peste sa buhay ko.

Kung alam ko lang na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat ng ginawa ko noon, sana nung una pa lang, tinantanan ko na iyang Travis na iyan. Malay ko bang free trial lang pala lahat ng cold treatment na pinaramdam niya sa akin noon.

"That bastard," angil ko sa sarili kasabay ng mahigpit na paghawak sa lata ng beer na iniinom ko.

Narito na ako sa ngayon sa condo ko. Pasado alas diyes na rin ng gabi. Ni hindi ko nga alam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status