ログインMabilis na binuhat ni William si Reign. “Reign! Reign, gising!” Halos mag-panic ang boses niya habang pinupunasan ang umaagos na dúgo sa katawan nito. “Call the doctor!” agad niyang utos sa nurse. “Now!” “Tinawagan ko na po,” sagot ng nurse habang nagmamadaling kumuha ng gamit. “On his way na po siya.” Maingat na ibinaba ni William si Reign sa kama. “Pressure,” utos ng nurse habang mabilis na tinatapal ang tela sa sugat. “Kailangan nating pigilan ang pagdurugo.” Hindi umalis si William sa tabi ni Reign. Mahigpit niyang hawak ang kamay nito. “Tsk! Bakit mo ba kasi ginawa ’yon?!” may inis sa boses niya. “A-ako dapat ang poprotekta sa ’yo, hindi ikaw!” mariing sabi niya. Bahagyang ngumiti si Reign. “A-ano ka ba… malayo sa bituka ’to.” Tipid siyang ngumiti. “S-si Mama… bantayan mo siya, ha.” Parang nahihirapan ang boses nito. Sa kabilang gilid, nakatayo si Leona. Nanlalaki ang mga mata niya habang nanginginig ang buong katawan. Hindi niya maalis ang tingin sa dúgo… s
“Tama na!” malakas na hiyaw ni Leona. “Nasasaktan na ’ko, ano ba?!” pilit siyang kumakawala, pero unti-unti na siyang nauubusan ng lakas.Mas humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok niya—sabay ug!—muli siyang inuntog sa matigas na bagay.“Ngayong alam mo na ang sikreto ko… dapat ka nang mamatay…” malamig na bulong ng boses ng lalaki sa tainga niya.Dinukot nito ang baríl sa bulsa at mariing itinapat sa noo niya.Dahan-dahan nitong pinipindot ang gatilyo.“Tama na!” basag ang boses na sigaw niya.Bigla siyang napabalikwas ng bangon.Nanlalabo ang paningin niya habang pilit hinahabol ang hininga. Mariin siyang napapikit, pilit inaalala kung sino ang lalaki sa panaginip—pero kahit anong isip niya, wala siyang maalala.“A-ano ba ’yon… panaginip ba ’yon? O totoong nangyari?” bulong niya.Bahagya siyang napasandal sa headboard ng kama. “Diyos ko…” lumuluhang bulong niya. “Ano ba itong nangyayari sa buhay ko?”Unti-unti siyang nagmulat ng mata. Marahan niyang pinunasan ang luha at pilit nag-
Sa loob ng isang pribadong silid sa hospital, nakahiga pa rin si Leona at mahimbing ang tulog. Napatingin ang doktor sa kanya nang biglang gumalaw ang daliri niya, parang anumang oras ay magigising na. “Sigurado ba kayo rito?” mahinang tanong ng doktor, halatang kinakabahan. “Ilang oras na lang, baka magising na siya.” Napatingin si Reign sa ina niya. Bahagyang nanginig ang labi niya bago siya sumagot. “Opo, doc. Nakahanda na po ang lahat.” Basag ang boses niya. “Kung mananatili pa dito si Mama… mas lalo lang siyang mapapalapit sa mga taong gumugulo sa isip niya.” Sandaling natahimik ang doktor. “Salamat sa tulong,” mahinang sabi ni William. Bahagyang ngumiti ang doktor. “Wala ’yon. Hindi rin naman ako mapupunta dito kung hindi ako natulungan ng pamilya mo noon.” “Huwag mo nang banggitin ’yon,” sagot ni William. “Nandiyan ka dahil magaling ka.” Hindi na sumagot ang doktor. Tumingin na lang siya kay Leona. Sa labas ng pinto, may isang tauhan ni David na nakasandal sa pader, a
Pagdating sa hospital, agad na isinugod si Leona sa emergency room. Naiwang nakatayo sa labas sina Reign, William, at ang mga pulis. Bukas-sara ang pinto, sunod-sunod ang pasok ng nurse at doctor. Amoy antiseptic ang paligid, pero hindi ’yon ang napapansin ni Reign. Hindi niya maalis sa isip niya ang nangyari. ’Yung pagtulak sa kanya. ’Yung tingin ni Leona. Parang wala siyang halaga. Sa kabilang gilid, nakaupo si David. Nakasandal, naka-cross ang paa, at may bahagyang ngiti sa labi. Para bang wala lang ang lahat. Napatingin si Reign dito. Unti-unting nag-init ang dugo niya. “Hayop ka!” mariing sigaw niya habang papalapit. “Kasalanan mo ang lahat ng ’to!” Napatingin ang ilang tao sa hallway. Pero hindi siya tumigil. “Anong ginawa mo sa mama ko?!” nanginginig ang boses niya sa galit. Bahagyang napailing si David, saka tumayo. Maayos pa rin ang postura, parang hindi apektado. “Ano ka ba, hija…” malumanay niyang sabi, pero may bahid ng pang-aasar. “Mahal na mah
“Ma’am! Ma’am!” sunod-sunod na tawag ng medic habang hinahawakan ang pulso ni Leona. “Ma’am, naririnig n’yo ba ’ko?” tanong nito, pero walang response si Leona. Agad siyang sinalo ng dalawang tauhan at maingat na inihiga sa sahig. Kumalat ang tensyon sa loob ng mansyon habang nag-uunahan sa paglapit ang mga tao. “Move back! Give her some space!” utos ng pulis, sabay taas ng kamay para paatrasin ang lahat. “Mommy!” mabilis na lumapit si Michael, pero agad siyang hinarang ng isang pulis. “Sir, please. Let the medic do their job.” “Damn it!” mariing mura ni Michael habang kinukuyom ang kamao, nanginginig sa inis. Sa kabilang banda, nakatayo lang si Reign—parang napako sa kinatatayuan. Hindi niya maalis ang tingin sa nakahandusay na katawan ng ina. Para bang may humihila sa kanya palapit, pero may pumipigil din. “Ma…” halos bulong na lumabas sa labi niya. Akmang hahakbang siya— “Miss, please step back,” harang ng pulis. Natigilan si Reign. Unti-unting bumagsak ang mga luha niya
“Matigas ka na ngayon?” malamig na tanong ni Michael sa kanya. “Akala mo ba porket kasama mo ang lalaking ’yan, makukuha mo na ang lahat ng gusto mo?” Tumawa siya nang mapakla. “Hindi mo makukuha ang mama mo!” mariing sigaw niya. “Bakit hindi? She’s my mother! At wala kayong karapatang ikulong siya sa mansyon na ’to!” Akmang bubúka pa lang ang bibig ni Michael nang sumenyas si William sa mga tauhan niya. Dire-diretso silang pumasok sa mansyon. “Seriously? Magte-trespassing kayo dito para lang makuha si Leona? Teka… hindi n’yo yata kilala kung sino’ng binabangga n’yo!” mariing sigaw niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Isa-isa nilang pinasok ang bawat kwarto… hanggang sa— Nakita nila itong nakatayo sa tabi ng bintana. “Ma’am Leona… sumama na po kayo sa ’min,” magalang na sabi ng isa. “Teka! Saan n’yo ’ko dadalhin?!” sigaw ni Leona nang bigla siyang hawakan sa magkabilang braso ng dalawang tauhan ni William. “Bitiwan n’yo ’ko! Ano ba!” sigaw niya. “Michael! David! Doktor
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari
REIGN’S POV Pigil ang hininga ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa pinto. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag kay Mama ang lahat—at kung bakit magkasama kami ni Michael sa loob ng kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, bumungad agad ang mukha ni Mama
REIGN’S POVTahimik ang buong rest house. Tanging kuliglig lang sa labas ang naririnig ko habang nakatayo ako sa gilid ng bintana. Madilim ang langit—walang buwan, walang bituin. Parang uulan. Hindi ako makatulog. “Let’s break up.” Napahinto ako ng marinig ‘yon mula kay Michael. “Ang funny mo, ba







