Share

Chapter 33: P.1

Author: Marifer
last update Huling Na-update: 2025-06-09 17:08:20

Para sa kanilang guro, walang sapat na dahilan para sa pagiging huli, kaya kung nahuli ka, ibig sabihin ay hindi ka seryoso.

Hindi pa man nagsisimula ang eksibisyon, alam na ni Luna kung gaano kabigat ang magiging tingin sa kanya ng guro. Noon pa man, labis na ang pagkadismaya nito nang malaman na agad siyang nag-asawa at nagkaanak matapos lamang makapagtapos sa kolehiyo.

Kung malalaman pa nitong nahuli siya ngayon, siguradong lalo lamang lalaki ang galit at panghuhusga nito sa kanya.

Kung iisipin pa lang ay nanlalamig na ang batok ni Luna.

"Kaya nga, buti na lang at hindi ka nahuli," sabi ni Jeriko.

Nakahinga rin ng maluwag si Luna.

Anim ang tiket na nakuha ng kanilang kumpanya para sa eksibisyon, at kabilang sa mga napiling makasama ang pansamantala niyang "kapareha" na si Manuel Quezon.

Bahagyang nilingon ni Luna ang paligid ngunit hindi niya nakita si Manuel, kaya nagtanong siya, "Nasaan si Manuel?"

Itinuro siya ni Jeriko sa isang direksyon at sinabing, "Pumunta siya roon para tum
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 35: P.2

    Makalipas ang ilang oras, natapos din ang kumperensiya. Agad namang kumalat ang balita sa loob ng bulwagan na si Ginoong Meto Lim ay hindi pa agad umalis.Pagkalat ng balita na hindi pa aalis si Ginoong Lim, agad nagsulputan ang mga taong nasa likurang bahagi ng conference hall, nagmamadaling makalapit.Ngunit sa oras na makarating sila sa harapan, huli na ang lahat, napalibutan na ito ng mga negosyanteng kanina pa naka-upo sa front row. Hindi na sila makasingit, at ang pagkakataon na makalapit o makausap man lang siya ay tuluyan nang naagaw.Si Regina na nasa unahan rin ng conference hall, ay hindi nakipag-usap kay Ginoong Lim. Napansin ito ni Zailene at agad siyang kumaway, halatang sabik.Pagkakita ni Regina, agad niya itong nilapitan."Auntie," bati niya nang magalang.Alam na ni Regina kung ano ang gustong sabihin ni Zailene. Kaya bago pa man makapagsalita ang tiyahin niya, inunahan na niya itong magsalita."Ngayon ay napapalibutan si Ginoong Lim ng malalaking personalidad. Kahit

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 35: P.1

    Matapos ang maikling pagbati at pormalidad, gumawa si Mateo Lim ng payak ngunit malinaw na buod at papuri sa mga eksibit na tampok sa eksibisyong ito. Pagkatapos ay sinagot niya ang ilang katanungan na ibinato ng ilang kinatawan ng mga kumpanya sa mga manonood.Maraming nais magtanong, ngunit limitado ang kanyang oras. Makalipas ang mahigit kalahating oras, bumaba na rin mula sa entablado si Mateo Lim.Pagkababa ni Mateo Lim mula sa entablado, mahinahong bumaba ang kanyang mga hakbang. Sa gitna ng pag-uusap at pagbulungan ng mga dumalo, tahimik siyang lumakad patungo sa itinalagang upuang nasa gitnang hanay sa unahan isang espesyal na lugar na inilaan ng mga tagapag-ayos para sa kanya. Mula sa kanyang presensya pa lang ay ramdam na agad ang respeto ng lahat, at kahit wala siyang sinasabi, tila ba lahat ng mata'y kusa nang sumusunod sa bawat kilos niya.Nang makita nilang papalapit si Mateo Lim, sabay-sabay na tumindig ang mga kilalang negosyante sa unahan. Isa-isa silang nakipagkamay

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 34: P.2

    Ayon sa mga narinig, gumamit daw si Luna ng maduming paraan upang mapilitan si Eduardo na pakasalan siya.Wala raw talaga itong nararamdaman para kay Luna. Mula nang ikasal sila, bihirang-bihira raw umuwi si Eduardo, Puro galit lang daw ang nararamdaman nito para kay Luna.At sa mga nasaksihan nila Ernesto at Zailene ngayon, mukhang totoo nga ang mga tsismis.Malapit nang magsimula ang eksibisyon, kaya tinawag na ng mga staff ang mga mahalagang kinatawan ng bawat kumpanya upang pumunta sa conference hall para sa pulong pambungad.Tahimik na pumasok at sabay naglakad sina Jeriko at Luna sa conference hall, dala ang pangalan ng Annex. Diretso silang umupo sa nakatalagang upuan, hindi kailangang magpakilala, sapat na ang presensya nila para mapansin.Napatingin si Regina at Zailene nang pumasok si Luna sa conference hall kasama si Jeriko.Bahagyang nanlisik ang mga mata ni Zailene at mahina niyang bulong kay Regina, "Gano'n ba talaga siya pinapahalagahan ni Mr. Galang?"Bagamat nakita na

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 34: P.1

    Ilang sandali pa'y iniwas ni Luna ang kanyang tingin, waring itinaboy ang anumang gumugulo sa kanyang isip. Tinawag siya nina Manuel Quezon at ng iba pa may nais silang linawin, mga tanong na tanging siya lamang ang inaasahang makatutugon. Walang pag-aalinlangang tumalikod si Luna. Tahimik ngunit tiyak ang kanyang mga hakbang, at sa bawat paglayo’y waring tinatalikuran na rin niya ang anumang may kaugnayan kay Eduardo. Hindi na siya lumingon. Kung anuman ang nangyayari sa panig nito, hindi na iyon saklaw ng kanyang pakialam.Pagharap ni Luna upang tuluyang lumayo, agad siyang namataan ni Apollo Sol.Samantala, si Regina ay tahimik na lumapit sa tabi ni Ernesto. Sa mga sandaling iyon, wala siya sa piling ni Eduardo. Wari’y may sariling pasya o marahil ay sariling dahilan kung bakit pinili niyang naroon.Agad na lumapit si Apollo kay Eduardo, bahagya niyang tinapi ang tagiliran nito gamit ang kanyang siko, at itinuro ang deriksyon kung nasaan si Luna. "Doon, naroon din pala ang asawa m

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 33: P.2

    Hindi maitago sa tono ng pananalita ni Marvin ang kanyang hindi pagsang-ayon.Alam din ni Jeriko ang tungkol sa kaguluhang kinasangkutan ni Regina sa ginanap na charity dinner kagabi. Isang eksenang naging sentro ng usap-usapan at tila isang katawa-tawang palabas sa mata ng marami.Mabilis na tumingin si Jeriko kay Luna, at nang marinig ang tono ni Ginoong Marvin na waring may pangmamaliit kay Regina agad siyang napatanong,"May alitan po ba kayo ng pamilya Lin, Ginoong Tan?" tanong niya nang may pagtataka.Agad na umiling si Marvin. "Wala naman talaga. Ang totoo niyan, si Mestika, yung babaeng nakaalitan ni binibining Regina kagabi, ay anak iyon ng matagal ko nang kaibigan. Nasaksihan ko ang paglaki ng batang 'yon, medyo may pagka masungit si Mestika, pero hindi siya batang walang rason." kalmadong paliwanag nito."Yung asawa niya, yung lalaking ang pangalan ay si Damilo, ay malapit na malapit noon sa isang babae mga dalawang taon na ang nakalipas," patuloy pa ni Marvin. "At muntik n

  • Force Marriage: When The Loving Wife of a Billionaire Finall   Chapter 33: P.1

    Para sa kanilang guro, walang sapat na dahilan para sa pagiging huli, kaya kung nahuli ka, ibig sabihin ay hindi ka seryoso.Hindi pa man nagsisimula ang eksibisyon, alam na ni Luna kung gaano kabigat ang magiging tingin sa kanya ng guro. Noon pa man, labis na ang pagkadismaya nito nang malaman na agad siyang nag-asawa at nagkaanak matapos lamang makapagtapos sa kolehiyo.Kung malalaman pa nitong nahuli siya ngayon, siguradong lalo lamang lalaki ang galit at panghuhusga nito sa kanya.Kung iisipin pa lang ay nanlalamig na ang batok ni Luna."Kaya nga, buti na lang at hindi ka nahuli," sabi ni Jeriko.Nakahinga rin ng maluwag si Luna.Anim ang tiket na nakuha ng kanilang kumpanya para sa eksibisyon, at kabilang sa mga napiling makasama ang pansamantala niyang "kapareha" na si Manuel Quezon.Bahagyang nilingon ni Luna ang paligid ngunit hindi niya nakita si Manuel, kaya nagtanong siya, "Nasaan si Manuel?"Itinuro siya ni Jeriko sa isang direksyon at sinabing, "Pumunta siya roon para tum

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status