LOGINNagising ako sa gitna ng isang madilim at maalikabok na bodega. Ang tanging nagbibigay ng liwanag ay ang sikat ng buwan na tumatagos sa butas-butas na bubong at ang asul na liwanag mula sa laptop na nasa harap ni Gino. Ramdam ko ang hapdi ng pagkakatali ng mga kamay ko sa isang kalawanging tubo. Tuyot ang lalamunan ko, at ang buong katawan ko ay parang binugbog sa tindi ng sakit."Five billion?" Isang marahas na mura ang kumawala sa bibig ni Gino. "Fvck that bastard! Five billion lang ang kaya niya? Ano ako, hangal?! Does he think your life is that cheap, Samantha?"Hindi ako umimik. Nanatili akong tulala sa kaniya habang ang mga luha ko ay tuyo na sa mga pisngi ko. Wala na akong lakas para sumigaw o magmakaawa. Sa loob ng halos dalawang taon, akala ko ay nahanap ko na ang kapayapaan sa piling ni Ethan, pero isa lang pala itong mahabang bangungot na pinagtulungan nilang magkapatid. Ngayong wala na si Ethan, ang natitirang demonyo sa harap ko ay mas mapanganib dahil pera na lamang ang
Pakiramdam ko'y tumagal ng ilang oras ang pagbulusok namin ni Ethan patungo sa kailaliman ng bangin. Akala ko ay tuluyan na kaming nahulog sa matitigas na bato sa ibaba, ngunit sumabit ang mga katawan namin sa mga masukal na baging at sanga ng mga puno na nakakapit sa gilid ng matarik na dalisdis.Tumunog ang sanga nang sinubukan kong gumalaw, kasabay n'un ay ang konting pagkirot ng likuran ko. Napatili na lang ako nang sumunod na nangyari ay bumagsak kami sa isang nakaungos na bahagi ng lupa, isang terrace sa gitna ng bangin na natatakpan ng makakapal na halaman.Bumulagta ako sa malamig at basang lupa. Hirap akong huminga, bawat langhap ko ay may kasamang lasa ng bakal at alikabok. Sa tabi ko ay nakita ko si Ethan. Nakadapa siya, ang kanang binti niya ay nakapilipit sa paraang hindi natural, at ang kaninang hawak niyang baril ay tumalsik sa kung saan."Sam..." hirap niyang tawag. Pinilit kong tumayo palayo sa kaniya kahit nanginginig ang tuhod ko. Ang suot kong puting silk dress ay
Isang sikretong lagusan ang kinaroroonan namin. Madilim, amoy amag, at tila walang katapusan ang kipot ng bawat sulok nito. Habang hinihila ako ng magkapatid, ang tanging naririnig ko ay ang mabibigat naming paghinga at ang kalansing ng mga armas na dala ng mga tauhan ni Gino. "Dalian niyo! We don't have all night!" utos ni Ethan. Lumabas kami sa isang sementadong bunker na nakatago sa gitna ng masukal na bahagi ng kagubatan, malayo sa mismong rest house. Doon ay naghihintay ang isang itim na van na walang plaka. Agad akong isinakay sa gitna nito, sa pagitan nina Ethan at Gino."You’re shaking, Sam," ani Ethan, pilit na inaabot ang kamay ko. "Don't be scared. This is just for a while. We’ll be in the city in no time, and then we’re flying out to where no Alcantara can ever touch you again."Nandidiri kong binawi ang kamay ko at isiniksik ang sarili ko palayo sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan! You’re both sick! How could you even look at me with those eyes, Ethan? Lahat ng pag-aalag
"Ethan… you… you did this?"Ethan's face paled. The gun in his hand wavered for a split second. "Sam, I can explain—”"Y-You monster!" hiyaw ko.Lalapit na sana siya sa akin kaso isang malakas na tunog ng sirena ng pulis ang narinig namin mula sa main gate ng farm ang nagpatigil sa amin lahat. Sabay-sabay na nag-on ang mga floodlights ng rest house, nililiwanagan ang buong hardin."It's over, Justin," malamig na sabi ni Raz.Nagulat ako nang alisin ni Ethan ang pagkakatutok ng baril kay Raz at nilipat niya ito sa sarili niyang sentido."If I can't have you, Samantha... then no one will ever see me lose you," Ethan whispered, his eyes wide with madness."Ethan, no! Huwag!"Ang takot na baka dumanak ang dugo sa harap ko ang nagtulak sa akin para kumilos nang walang pag-iisip. Mabilis akong tumakbo patungo kay Ethan, ang tanging nasa isip ko ay pigilan siya sa pagpindot ng gatilyo sa sarili niyang sentido. Ngunit bago ko pa man mahawakan ang braso niya ay isang mabilis na pagpihit ang gi
Nabalot ng isang nakabibinging katahimikan ang paligid. Ang tanging naririnig ko na lamang ay ang mabilis na pagtibok ng sarili kong puso. Dahan-dahang humiwalay si Raz sa pagkakahapit sa akin, ngunit hindi niya inalis ang pagkakahawak niya sa baywang ko. Sa halip, mas hinigpitan pa niya ito."Sam... lumabas ka riyan," muling utos ni Ethan. Kalmado, pero may talim ang boses niya.Huminga nang malalim si Raz. Isang nanunuyang ngiti ang sumilay sa labi niya. Tumuwid siya ng tayo at hinawakan ako sa kamay, bago ako dahan-dahang iginayak palabas mula sa likod ng malaking puno ng oak.Bumungad sa amin ang pigil na pigil nang si Ethan, nakatayo ilang metro lang ang layo. Ang liwanag ng buwan ay sapat na para makita ang umiigting na niyang panga habang ang kamay ay nanginginig na sa pagkakakuyom."Good evening, Ethan," nanunuyang panimula ni Raz. “I must admit, you did a great job hiding here. This place is... charming. Though a bit too isolated for my taste.""Let go of her, Raz," ani Ethan
Ang bawat yabag ko sa madilim na pasilyo ng rest house ay nagsisilbing tunog ng isang malakas na tambol sa pandinig ko. Pakiramdam ko ay anumang sandali ay biglang lilitaw si Ethan mula sa kung saan, ngunit ang takot ko sa banta ni Raz sa text ay mas nangingibabaw.Tahimik kong binuksan ang glass door patungo sa likurang bahagi ng farm. Sinalubong ako ng malamig na hangin habang tinatahak ang daan patungo sa malaking puno ng oak. Doon, sa ilalim ng malalabay na sanga, natanaw ko ang isang pigura. Nakasandal siya sa puno, nakapamulsa, at kahit madilim ay ramdam ko ang titig niyang nakapako sa akin. Mabilis akong lumapit doon."Anong ginagawa mo rito, Raz? Paano mo nalaman ang lugar na 'to? Bakit ngayon ka lang nagpakita pagkatapos ng—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Sa isang mabilis na galaw ay naramdaman ko ang paghila niya sa bewang ko, kasabay ng pagsiil niya sa labi ko ng isang marahas at mapusok na halik. Namilog ang mga mata ko sa gulat, ngunit ang pamilyar na lasa ng mga







