Se connecterPitong taon na ang lumipas mula nang gumuho ang mundo ni Anastasia, at hanggang ngayon, dala pa rin niya ang sakit na hindi kailanman tuluyang naghilom. Noong araw na isinilang niya ang kanyang anak, sinabi sa kanya ng Doctor na hindi ito nakaligtas. Kasabay ng pagkawala ng sanggol ay ang pagkawala rin ng mga pangarap na binuo niya kasama ang lalaking pinakamamahal niya, si Nicolas Leandro Villamor. Akala niya noon, ang pag-alis niya ng Pilipinas ay magdadala ng kapayapaan. She believed na makakatakas siya sa bangungot, pero mali siya. Dahil kahit gaano lumayo at umiwas, hindi pa rin siya tinigilan ng mga alaala niya na kailanman ay hindi niya nasabi kay Leandro na minsan ay nagkaroon sila ng anak. She carried it alone, ngunit hindi niya alam na ang sanggol na ipinagluksa niya sa loob ng pitong taon ay buhay at nasa puder ni Leandro. Ngayon, bumalik si Anastasia sa Pilipinas upang magsimulang muli. At isang kakaibang job offer ang magpapabaliktad sa akala niyang tahimik na buhay. Fake fiancée needed. At ang lalaking kailangan niyang pakasalan sa papel ay walang iba kundi si Leandro, ang dating nobyo na iniwan niya at ang lalaking hindi pa rin alam ang buong katotohanan. Habang pilit nilang ginagampanan ang pekeng relasyon, isang matalinong batang lalaki ang lihim na gumagawa ng paraan upang pagtagpuin silang muli. Determinado siyang sirain ang engagement ng kanyang ama sa isang mapagkunwaring babae at hanapin ang totoong babaeng nararapat dito. Ang hindi alam ng bata, ang babaeng pinipilit niyang maging nobya o asawa ng kanyang ama ay siya ring tunay niyang ina. Habang unti unting nabubuo muli ang pag-ibig na minsang nasira ng mga kasinungalingan at pagkawala, mabubunyag ang isang lihim na kayang baguhin ang lahat. Dahil minsan, ang pinakamagaling na kupido ay ang anak na inakala nilang patay na.
Voir plusVIVIENNE ANASTASIA
“Ate?” Mahina kong tawag kay Ate Victoria nang unti unting magmulat ang mga mata ko.
Pakiramdam ko ay napakabigat ng buong katawan ko. Para bang may malaking bato na nakadagan sa bawat bahagi ng katawan ko habang pilit akong bumabalik sa realidad. Nanlalabo pa ang paningin ko at parang may ugong sa loob ng mga tainga ko, pero may isang bagay agad na sumagi sa isip ko.
Ang anak ko.
Bigla akong napabangon nang bahagya.
“N-nasaan ang anak ko?”
Hindi ko alam kung bakit, pero sa mismong sandaling lumabas ang tanong na iyon sa bibig ko, ay parang may malamig na kamay na humawak sa puso ko.
Biglang kumalabog nang malakas ang dibdib ko.
Parang may kung anong masamang pakiramdam na unti unting gumagapang sa buong sistema ko.
Napatingin ako kay Ate Victoria.
At doon tuluyang nanlamig ang buong katawan ko.
Maputla ang mukha niya.
Namumugto ang mga mata.
At tila ilang oras nang umiiyak.
Parang may malakas na puwersang dumagan sa dibdib ko.
“Ate?” Mas kinakabahan kong tawag habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya.
Unti unting lumalabo ang paningin ko.
Hindi dahil sa gamot.
Kundi dahil sa takot.
Takot na ayaw kong pangalanan.
Takot na pilit kong itinataboy sa isip ko.
“Ate…” nanginginig kong ulit.
“Nasaan ang anak ko?” Mas seryoso na ang boses ko ngayon. Mas matigas, mas desperado kaysa sa kanina.
Nanatiling nakatitig sa akin si Ate Victoria habang patuloy na nangingilid ang mga luha niya.
“Anastasia...” Basag ang boses niyang sambit.
At sa isang iglap, tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.
Napahagulgol siya sa harap ko.
Parang may bahagi ng kaluluwa niyang tuluyang nadurog.
Nanlaki ang mga mata ko.
Pakiramdam ko ay may kung anong bagay na biglang humigpit sa lalamunan ko hanggang halos hindi na ako makahinga.
Hindi.
Ayokong isipin iyon.
Ayokong paniwalaan ang kung ano mang sinusubukan ipahiwatig ng pag iyak niya.
“Ate...” halos pabulong kong sambit.
Pero wala siyang naisagot.
Mas lalo lamang siyang umiyak.
At doon tuluyang nabasag ang natitira self composure.
“Nasaan ang anak ko, Ate?!” Halos mapunit ang lalamunan ko sa lakas ng sigaw.
Agad kong pilit na ibinangon ang sarili ko mula sa kama kahit parang pinupunit ang katawan ko sa sakit.
Nanakit ang tahi ko.
Humapdi ang buong tiyan ko.
Pero wala akong pakialam.
Dahil mas masakit ang takot na unti unting sumasakal sa akin.
“Anak, kumalma ka.” Nagmamadaling lapit ni Mama habang pilit akong pinipigilan.
“How can I fucking calm down, Mom?!” galit at desperado kong sigaw.
Ramdam ko ang pagyanig ng buong katawan ko.
Hindi ko na alam kung dahil ba iyon sa panghihina o sa matinding takot na unti unting sumisira sa katinuan ko.
“Nasaan ang anak ko?” Nanginginig na ang boses ko.
“Bakit ayaw niyo siyang ilabas?” Halos mawalan ako ng hiningang sigaw.
“Bakit ayaw niyo siyang ipakita sa akin?!”
Sunod sunod na bumagsak ang mga luha ko habang pilit kong inaalis ang mga kamay na humahawak sa akin.
Wala na akong pakialam kung matanggal ang mga dextrose na nakakabit sa kamay ko.
Wala na akong pakialam kung bumuka ang tahi ko.
Wala na akong pakialam kahit sabihan nila akong magpahinga.
Dahil sa mga oras na iyon, iisa lang ang mahalaga sa akin.
Ang anak ko.
Ang sanggol na siyam na buwan kong dinala.
Ang batang pinanghawakan ko sa gitna ng lahat ng paghihirap at sakit na pinagdaanan ko.
Gusto ko siyang makita, mayakap, marinig na ligtas siya.
Dahil habang nakikita ko ang mga luha sa mukha nila, habang nakikita ko ang sakit at awa sa mga mata nila, mas lalo akong kinakain ng takot.
At sa kaibuturan ng puso ko, may isang bahagi ng sarili kong nagsisimulang manginig.
Dahil pakiramdam ko... may nangyari sa anak ko.
“A-Anastasia...” Muling inagaw ni Ate Victoria ang atensyon ko.
Bahagya akong napalingon sa kaniya.
Pakiramdam ko ay unti unti nang nauubos ang lakas sa katawan ko. Nanlalamig ang mga kamay ko habang ang dibdib ko ay patuloy na kumakabog nang napakalakas, na para bang sinusubukan nitong tumakas palabas ng katawan ko.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko pa rin sila maintindihan.
Pero sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin, pakiramdam ko ay may mabigat nang batong dumadaganan sa puso ko.
Isang bagay na ayaw kong marinig.
Isang bagay na buong pagkatao kong ipinagdarasal na huwag niyang sabihin.
“P-patay na ang anak mo.”
Parang tumigil ang mundo.
Walang emosyon niyang sinabi iyon.
Walang buhay. Walang lakas.
Parang kahit siya ay hirap tanggapin ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
Kasunod noon ay agad siyang nagbaba ng tingin, tila hindi niya kayang makita ang magiging reaksyon ko.
“Hindi niya nakayanan... Nang mailabas mo siya, wala na siyang buhay. H-hindi na siya humihinga.”
Hindi ko na narinig ang mga sumunod pa niyang sinabi.
Dahil sa isang iglap, parang may sumabog sa loob ng ulo ko.
Biglang nawala ang lahat ng tunog sa paligid.
Hindi ko marinig ang pag iyak ni Mama.
Hindi ko marinig ang paghikbi ni Ate.
Hindi ko marinig kahit ang sarili kong paghinga.
Para akong nabingi sa sakit.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatitig lamang sa kawalan.
Hindi.
Hindi maaari…
Hindi ‘to totoo
Hindi iyon ang dapat mangyari.
Hindi pagkatapos kong dalhin siya sa loob ng siyam na buwan.
Hindi pagkatapos ng lahat ng sakripisyo ko.
Hindi pagkatapos kong tiisin ang bawat sakit, bawat takot, bawat gabi na umiiyak akong mag isa habang hinihimas ang tiyan ko at kinakausap siya.
Ang anak ko nalang ang mayroon ako.
Unti unting bumara ang isang mabigat na bukol sa lalamunan ko.
Pero kahit isang luha ay hindi agad tumulo.
Para bang tumanggi ang utak kong tanggapin ang narinig ko.
Para bang umaasa pa rin akong may magsasabing nagkamali lang sila.
Na may magdadala sa anak ko sa harap ko anumang sandali.
Na maririnig ko ang iyak niya, na mayayakap ko siya, na mamahawakan ko.
Pero walang nangyari.
At doon tuluyang nabasag ang natitira kong pag asa.
Sana ako na lang.
Hindi ang anak ko… Ang anak namin ni Leandro.
VIVIENNE ANASTASIANapalunok ako. He has a wife. Well... at least iyon ang alam ng lahat. At kahit paano, hindi ba dapat ay may boundaries pa rin kami? Isa pa, malinaw naman na hindi ako kabilang sa bahay na ito. I'm just his fiancée on paper. Nothing more. "And why is that?" kalmado niyang tanong. Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang gusto kong sabihin nang hindi nagmumukhang awkward. "I mean..." Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko mahanap ang tamang salita. Ngunit tila alam na niya agad ang nasa isip ko. A small faint smirk slowly appeared on his lips. "Clearly, you're my fiancée." Napatitig lamang ako sa kanya. Hindi pa man ako nakakaisip ng maisasagot ay muli siyang nagsalita. "And I can do whatever I want in this house." His voice was calm and firm. Parang wala man lang puwang para kontrahin ko siya. Napayuko ako nang bahagya habang kinakabahan na nilaro ng mga daliri ko ang laylayan ng aking damit. Hindi ko alam kung bakit, pero
VIVIENNE ANASTASIAAt habang ginagawa niya iyon, hindi ko maiwasang mapansin ang paraan ng pag aalaga niya sa bata. “Huwag ka nang umiyak.” Mahina niyang sabi habang inaayos ang kumot ni Isaac. “We're here na.” Agad namang kumalma si Isaac dahil sa kanyang boses. Samantala, mabilis kong inayos ang tray sa gilid ng kama. Inilapag ko ang lugaw, gamot, tubig, at ang plangganang may malamig na bimpo. Bago ko siya pakainin ay marahan ko munang pinunasan ang buong katawan. Bahagya siyang napapikit nang maramdaman ang malamig na tela sa kanyang balat. Pagkatapos ay maingat kong idinikit ang kool fever sa kanyang noo. “Kumain ka muna.” Mahina kong sabi. Tumango lamang siya bilang tugon, ngunit napansin kong mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa damit ni Leandro. Parang ayaw niyang bumitaw. Bahagyang umusog si Leandro upang makaupo rin ako sa kabilang tabi ni Isaac. At sa isang iglap, para kaming bumuo ng maliit na mundo sa ibabaw ng kama. Nasa gitna si Isaac. Habang kaming dalawa
VIVIENNE ANASTASIAHindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin. Ayokong marinig muli iyon. Ayokong isipin iyon. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga bagay na wala namang dapat kahulugan. Dahil alam ko ang totoo… Matagal nang patay ang anak namin ni Leandro. At si Claudia ang tunay na ina ni Isaac. Iyon ang katotohanan. Iyon ang dapat kong paniwalaan. Kahit gaano pa ako tawagin ng batang iyon na Mommy. Kahit gaano pa siya kumapit sa akin. Kahit gaano pa kakaiba ang pakiramdam sa tuwing kasama ko siya. Isa lamang itong kontrata. Isang kasunduan. At wala nang iba. Ngunit habang hawak ko ang lalagyan ng lugaw at papalapit sa pinto, hindi ko napansin ang paraan ng bahagyang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi dahil kay Leandro. Kundi dahil sa isang batang may lagnat na naghihintay sa pagdating ko. “You okay? Kanina ka pa tulala.” Bahagya akong napakislot nang marinig ang boses ni Leandro. Napalingon ako sa kanya at doon ko lamang napagtantong ilang minuto na pala akon
VIVIENNE ANASTASIA*kring* *kring* *kring*Ang paulit ulit na tunog ng cellphone ko ang bahagyang pumutol sa katahimikan namin ni Cel.“Hoy babae, may tumatawag sa'yo!” Malakas na sigaw ni Celestine mula sa sala bago niya iniabot sa akin ang cellphone. Abala ako sa pagluluto ng hapunan namin kaya halos hindi ko napansin ang pagtunog nito. Matagal tagal na rin mula nang huli akong magluto, kaya naman buong atensyon ko ay nakatuon sa mga sangkap na nasa harapan ko. Pinatay ko muna ang apoy ng kalan bago kinuha ang cellphone. “Sino 'yan?” “Si Thadeus.” Agad na napakunot ang noo ko.Nang sagutin ko ang tawag ay inilagay ko agad ang cellphone sa pagitan ng balikat at tenga ko habang muling ip[inag patuloy ang pag luluto.“Hello? Bakit?”“I already called your ex husband.”Pagkabungad pa lamang niya ay napa irap na agad ang mga mata ko. “Kung mang iinis ka lang, ipapakausap na lang kita kay Cel.” Agad ko namang narinig ang malakas niyang reklamo mula sa kabilang linya.“Fuck. No way.”
ISAAC HRIO“This is ridiculous.” Halos hindi makapaniwalang sambit ni Tito Thadeus matapos kong ipaliwanag ang buong plano ko. Nakatitig lang siya sa notebook na nasa harapan namin habang paulit-ulit na binabasa ang malaking title na ginawa ko. Mukhang hindi alam ni Tito kung matatawa ba siya, mai
NICOLAS LEANDRO“Hop in.” Marahan kong sambit habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa kaniya. Bahagya siyang natigilan bago tumingin sa akin. “Thank you.” “Anytime.” Tahimik siyang sumakay sa loob ng sasakyan. At sa kung anong dahilan, bigla akong kinabahan. Napairap ako s
NICOLAS LEANDRO“How are you, Iha?” Malambing na tanong ni Mom. Parang matagal na niyang hinihintay ang pagkakataong makausap itong muli. Bahagyang natigilan si Anastasia bago ngumiti nang magalang. “I’m okay po, Madam.” At iyon na naman. Ang pormal na tono niya.Maingat ang pagsasalita at til
NICOLAS LEANDROI was still completely caught off guard kahit nakaupo na si Anastasia sa hapag-kainan kasama namin. Hindi ko pa rin ma-process nang maayos ang nangyayari. For seven years.Pitong taon ko siyang ipinahanap.Pitong taon kong hinanap ang bawat posibleng lead tungkol sa kaniya. At ng










![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires