Hindi ako absent ngayon, baka sa mga next sundays pa. Happy Weekend po.
Napangiti si Graciella nang magising siya kinabukasan. Agad siyang napasulyap sa kanyang palasingsingan kung saan naroon ang kanyang engagement ring. Mukhang hindi yata siya magsasawa sa kakatingin sa kanyang singsing."Good morning," bati ni Drake sa kanya."Morning..." Aniya at akmang babangon na pero hindi siya nito hinayaan at niyakap pa siya ng mahigpit."Let's skip from work today. We just got engage. Dapat ay magbabakasyon tayo."Mahina siyang natawa bago pinalo ang braso nito. "Tumigil ka. May recording ako ngayon."Nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga si Drake at napanguso pa. "Then let's take a shower together to conserve water.""Nagtitipid na pala ang isang Drake Levine Yoshida ngayon?""Natuto ako sayo," mapanukso nitong wika.Malakas siyang tumawa. "Tumigil ka! Para-paraan kalang eh," aniya at itinulak na ito palayo.Natatawa naring bumangon si Drake at kahit na anong pigil niya, sumabay parin ito sa kanya sa loob ng shower.Matapos nilang mag-agahan, nauna ng
Nahigit niya ang kanyang paghinga kasabay ng pagpatak ng masaganang luha mula sa kanyang mga mata. Pinaghalong kaba at saya ang namamayani sa puso niya ng mga oras na iyon.Kanina lang, abala siya sa pamimili ng style ng gown sa wedding festival kahit na kunwa-kunwari lang tapos ngayon makikita niya mismo si Drake sa harapan niya na inaaya siyang magpakasal ulit!"I want to have a formal wedding with you, wife. Let's get married again," dagdag pa ni Drake.Mas lalo lang siyang napaiyak. Hindi naman siya ang klase ng babaeng iyakin pero hindi niya mapigilan ang sarili niya na maging emosyonal. Sa dami ng pinagdaanan niya, hindi niya aakalain na darating ang araw na iyon kung saan yayayain siya ng lalaking mahal niya na magpakasal kagaya ng nababasa niya sa nobela at nakikita niya sa telebisyon."I'm waiting for your answer, wife," ani Drake nang makitang iyak lang ng iyak si Graciella.Bago niya sinundo ang babae kanina, dumaan siya sa mansion para kunin ang isang napakahalagang bagay
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Graciella kay Drake nang sumakay na sila sa sasakyan nito.Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Drake bago sumagot. "You will know soon when we get there," anito at pinausad na ang sasakyan.Habang nasa byahe sila ay abala siya sa pagtingin-tingin ng mga larawan niya at ni Drake sa photo booth kanina. Hindi niya mapigilan na mapangiti. Pumili siya ng isang larawan kung saan yakap-yakap siya ni Drake mula sa likuran at inilagay niya bilang wallpaper sa kanyang cellphone."Do you like that gown?" Maya-maya pa'y tanong ni Drake.Napalitan siya sa lalaki bago nahihiyang tumango. Baka mag-isip ito ng hindi maganda sa kanya pero hindi naman niya mapigil ang sarili niya na magsabi ng totoo.Ilang sandali siyang tinitigan ni Drake bago nito ibinaling ang mga mata sa daan. Umayos naman siya ng upo at pinili nalang na libangin ang sarili niya sa mga tanawin na nadadaan nila.Maya-maya pa'y kusang tumigil ang sasakyan sa isang pier. Nagtataka man ay nagkalas narin si
"Ano sa tingin mo Dad?" Untag ni Kevin sa kanyang ama.Magkasama silang nakaupo ngayon sa study table para pag-usapan ang tungkol kay Levine. Both of them are humiliated within a day at hindi man lang sila nakabawi kahit kaunti.Damn that cold hearted beast!Hindi lang siya nito pinahiya, pati pera niya nadamay pa! At hindi niya mapapatawad ang lalaki kahit pa sabihin na magkadugo silang dalawa!Mataman namang pinagmasdan ni Riku ang mga larawan na nagkalat sa ibabaw ng kanyang mesa. Kani-kanina lang ay ipinadala iyong ng tauhan na napag-atasan niyang magmanman sa mga kilos ni Levine.At hindi niya lubos na inaasahan ang nakikita niya. Levine in a wedding festival? Hindi lang iyon, may kasama pa itong isang babae sa naturang booth at nagsusukat ng damit pangkasal!Kahit na naging palihim ang pagkuha ng larawan, hindi naman siya nagkakamali sa tauhan na nakuha niya. The shots are still clear at kitang-kita ang mukha ng magaling niyang pamangkin kasama ang babae nito.Mataman niyang pin
Imbes na sumakay ng sasakyan ay magkahawak-kamay silang naglakad-lakad ni Drake habang naghahanap ng restaurant kung saan sila kakain hanggang sa mapadaan sila sa isang ginaganap na wedding festival.Sa hindi sinasadya ay tila nahihipnotismo si Graciella na napatingin sa mga wedding booth kung saan malayang nakakapili ang mga babae ng bridal gown para sa isang photoshoot.Napatingin naman si Drake sa naging reaksyon ni Graciella. Kita niya ang pagningning sa mga mata nito habang nakatitig sa mga damit. Maya-maya pa'y isang ideya ang pumasok sa isipan niya."Do you want to try?" Untag niya sa pagkatulala nito.Napapitlag naman si Graciella nang magsalita si Drake. Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago umiling. "Hindi na."Huminga ng malalim si Drake bago siya hinila palapit sa naturang event. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay pero hindi siya nito hinayaan. Binayaran ni Drake ang ticket para makapasok sila sa loob.Nang makita ni Graciella ang nakahanay na gown s
Pero sa kabila ng nakikita niyang reaksyon ni Drake ay masigla siyang ngumiti bago iminuwestra ang antique shop na nasa harapan nila. "Galing ako sa loob para tumingin ng mga relics na makakatulong sa script ng palabas sa Isolde Pictures na gagampanan ko."Napatingin din si Drake sa antique shop subalit hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. "Ganun ba? Sinong kasama mong nagpunta dito?"Natigilan siya sa tono ng pananalita ni Drake pero maya-maya lang, hindi na niya napigilan pa ang sarili na matawa hanggang sa nauwi sa isang hagikgik. Ni hindi na nga niya alintana na napapatingin na sa kanila ang mga taong napapadaan.Pinaningkitan ni Drake ng mga mata si Graciella. He was controlling himself not to burst out despite the growing emotions he felt inside his heart tapos tatawanan lang siya ng babae?!"What's funny, wife? I'm asking you kung sino ang kasama mo dito kanina? You even seemed so happy while talking to him. Hindi ka naman ganyan sa iba," masungit niyang wika.Sa