เข้าสู่ระบบLunes ng umaga, balik na naman sa realidad si Lily.Pagpasok pa lamang niya sa Sterling Communications, agad niyang inilapag ang handbag sa mesa at binuksan ang laptop. Marami siyang kailangang habulin matapos ang weekend, pero hindi naman siya nagrereklamo.Masaya siyang nakapagpahinga kasama ang mga Almeda. Lalo na si Lucas na halos ayaw siyang pauwiin noong Linggo.“Good morning, Madam Manager!”Napatingin siya kay Marco na may dalang kape.“Good morning. Bakit parang ang saya-saya mo?”“Fresh na fresh kasi ako. Bagong gupit, bagong pag-asa, bagong buhay.”Tiningnan ni Lily ang buhok nito.“Bagong gupit? Parang wala namang pinagkaiba.”Napahawak si Marco sa ulo.“Aray. Hindi pa nga ako nakakapag-good morning nang maayos, binasag mo na agad ang confidence ko.”“Confidence mo lang ba? Akala ko pati buhok mo.”“Grabe ka talaga, boss!”Natawa si Lily at kinuha ang kape.“Anyway, may update ba sa mga pending tasks natin?”“Meron. May bagong client daw tayo. May meeting mamayang alas-diy
Linggo ng hapon nang makatanggap si Lily ng tawag mula kay Henry.Nasa apartment siya at abala sa pag-aayos ng mga damit nang makita ang pangalan nito sa screen.“Hello, Mr. Almeda!”“Good afternoon, Miss Barrameda.”Napangiti siya. “Bakit parang ang formal mo?”“I'm calling to confirm our dinner date tonight.”“Ah, oo nga pala. Akala ko nakalimutan mo na.”“Hindi ako nakakalimot sa mga bagay na mahalaga sa akin.”Natigilan si Lily sa sinabi nito.“Henry, huwag ka ngang ganyan. Hindi pa ako ready sa mga sweet lines mo.”Natawa ang lalaki sa kabilang linya.“Then I'll try to behave.”“Good. Anong oras mo ako susunduin?”“Seven.”“Okay. See you.”“See you, Lily.”Pagkababa ng tawag, napatingin siya sa salamin.Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa tuwing iniisip niya si Henry. Masaya siya kapag kasama ito, pero may kaba ring hindi niya maipaliwanag.Siguro dahil sa unang pagkakataon, may isang taong hindi niya kailangang habulin para mapansin siya.Si Henry mismo ang k
Nakatayo lamang si Lily sa harap ni Henry.Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong nito. Ilang segundo na ang lumipas, pero tila wala pa rin siyang mahanap na tamang salita.“What if I tell you that I'm falling for you?”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip niya ang sinabi ni Henry.“Henry...” mahinang tawag niya.“Yes?”“Are you serious?”Hindi agad sumagot ang lalaki. Sa halip, marahan nitong hinawakan ang kamay niya.“Do I look like I'm joking?”Napayuko si Lily.“Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.”“You don't have to answer me tonight.”Tumingin siya rito.“Pero bakit mo sinabi?”“Because I don't want to keep pretending that you're just an ordinary friend to me.”Napakagat-labi si Lily.Sa totoo lang, matagal na rin niyang napapansin ang kakaibang nararamdaman niya para kay Henry. Hindi na lamang ito tungkol sa pagiging malapit niya kina Tita Emily at Lucas. Hindi na rin basta simpleng pagkakaibigan ang bawat pag-aalala, tawag, at paghihintay nito sa kanya.Pero may
Tahimik ang biyahe pauwi nina Lily at Henry.Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa Villanueva Mansion, pareho silang maraming iniisip. Lalo na si Lily, na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga natuklasan niya.Ang bahay na pinasukan nila ay hindi lamang basta pamilyar sa kanya. May sarili siyang kuwarto roon. May mga bagay na tila matagal nang naghihintay na maalala niya.Pero ngayong gabi, ayaw muna niyang mag-isip.Gusto niyang magpahinga.“Henry?”“Yes?”“Gutom ka ba?”Napalingon ito sa kanya.“Gutom?”“Oo. Gusto kong kumain.”“Didn't you eat at the party?”“Konti lang. Ang daming tao, tapos puro sosyal ang pagkain. Parang nahihiya akong kumuha ng pangalawang serving.”Napatawa si Henry.“Where do you want to eat?”“Pares.”Napatingin siya rito.“Pares?”“Oo. Yung may mainit na sabaw, maraming bawang, at chili oil.”“Hindi ba dapat umuwi ka na at magpahinga?”“Pwede naman tayong kumain muna. Hindi naman ako gawa sa salamin.”Umiling si Henry, natatawa.“Alright. Your wish is my comman
Hindi pa rin maalis sa isip ni Lily ang kakaibang pakiramdam habang nakatayo sila sa gitna ng malaking receiving hall ng Villanueva Mansion.Kanina pa niya tinitingnan ang paligid. Bawat sulok ay tila may piraso ng alaala na naghihintay lamang na maalala niya.“Henry.”Napatingin sa kanya ang lalaki.“Yes?”“Pamilyar talaga ang bahay na ito.”Hindi agad sumagot si Henry. Sa halip, hinintay niyang ipagpatuloy ni Lily ang sinasabi nito.“May naalala ako, Henry.”“Ano iyon?”Dahan-dahang tumingin si Lily sa hagdanan.“Sa staircase... may mga nakaukit na seahorse, seashells, at dolphins.”Napatingin din si Henry sa hagdan.“Sigurado ka?”Tumango siya.“Hindi ko alam kung bakit, pero naaalala ko. Parang bata pa ako noong nakita ko iyon. Lagi ko raw tinitingnan at hinahawakan.”Napakunot-noo si Henry.“Gusto mong tingnan natin?”“Oo. Please.”Dahil nasa loob na sila ng mansion, hindi na sila nahirapang hanapin ang hagdanan. Dahan-dahang lumapit si Lily sa gilid nito at pinagmasdan ang kahoy
Matagumpay na natapos ang campaign na Every Child Deserves a Home. Matapos ang ilang linggong pagpaplano, meetings, at koordinasyon sa iba't ibang orphanage at charitable organizations, opisyal nang isinara ng Sterling Communications ang proyekto. Naging maayos ang lahat. Maraming tao ang nagbigay ng donasyon, may ilang kumpanya na nangakong magbibigay ng tulong sa mga partner orphanages, at mas maraming pamilya ang naging interesado sa pag-aampon at pagboluntaryo. Sa huling evaluation meeting, personal na nagpasalamat si Vivienne sa buong team. “Excellent work, everyone. We managed to finish the campaign successfully, and our client partners were satisfied with the results.” Napangiti si Lily. Bilang campaign manager, malaking bagay sa kanya na makita ang proyektong pinaghirapan ng buong team na magkaroon ng magandang resulta. “Congratulations, Lily,” dagdag ni Vivienne. “You handled the project professionally.” “Thank you, Ma’am. Hindi ko po magagawa iyon kung wala ang buong







