Share

Chapter 20

I want to violate you.

Napakunot ng bahagya ang noo ko ng mabasa ang sulat na nakalagay na naman sa locker ko. Tulad ng mga nakaraang araw, may kasama na naman itong rosas na pula. At aaminin ko, nag-uumpisa na akong mabahala dahil mukha wala talagang balak na tumigil ang taong nagpapadala nito sa'kin.

Nabahala din ako sa nilalaman ng sulat ngayon. Isang pangungusap lang iyon pero parang may halong ibig sabihin ang mga salitang iyon. Nakaramdam tuloy ng kilabot ang buong katawan ko.

Kailangan ko na bang humingi ng tulong?

Nabigla ako nang magbukas ang locker ni Michael. Binuksan na naman pala iyon ni Avy at may kung anong kinalikot na naman sa loob ng locker ni Michael. Mabilis ko naman naitago sa loob ng locker ang sulat na hawak ko bago pa sya tuluyang mapatingin sa akin.

"Hi, Carlo." Sabi nya habang may nakapaskil na pekeng ngiti sa labi nya. Paano ko nasabi peke? Halata kasi. "Bakit bigla ka nalang nawala kagabi?"

Dahil sa hindi ko inaasahan na itatanong nya ang bagay na iyon, di
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status