ANMELDENMaingat na inihiga ni Christian ang walang malay na si Orlinda sa kama. Eksakto lang nang sumulpot si Manuel, dala-dala ang medical kit.Mabilis na lumapit si Manuel. "Tumabi muna kayo," sabi nito.Gumilid at tumabi ang mga naroon. Pinanood ang ginawang pagsusuring ginagawa ni Manuel kay Orlinda.Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin nagsasalita si Manuel kaya hindi na napigilan ng ina nitong si Evelyn na magtanong dahil na rin sa kinakabahan pa rin ito sa nangyari kay Orlinda.‘’Noel, kamusta? Ano nangyari kay Orlinda? Bakit bigla na lamang siyang hinimatay? Hindi kaya buntis—’’‘’Shhh,’’ putol ni Noel sa sunud-sunod na tanong ng ina. ‘’Mom, please, mamaya na. Okay?’’ mahinahong saad niya kay Evelyn.‘’Okay,’’ mahinang wika ni Evelyn. Hindi na siya nagtanong pa sa anak at nanahimik muli sa gilid, nag-aabang kung anong sasabihin ni Manuel pagkatapos tingnan si Orlinda.Sa likuran ng mag-ina ay sina Grace at Sheila na sumunod sa pag-akyat matapos kulitin ni Sheila si Angelo n
Mabilis na tumayo si Christian at nilapitan si Orlinda na nakahandusay sa malamig na sahig. Halos muntikan pang tumumba ang upuan dahil sa padaskol na paggalaw na iyon ni Christian.Inangat niya ang ulo ng hipag, inalis ang nakatakip na hibla ng buhok sa mukha tsaka niya inilagay ang dalawang daliri niya sa ilong ni Orlinda. Chini-check niya kung humhinga ba ang babae ng maayos.Pagkatapos, mabilis pero marahan pa rin ang pagtapik niya sa mukha ni Orlinda para gisingin ito.''Linda? Gising—Linda!'' bahagyang may pagkataranta sa tono ni Christian pati na ang matinding kaba.Hindi lamang si Christian ang nataranta sa nangyari, pati na rin si Evelyn na nasa tabi lamang ni Orlinda ay napuno ng kaba at takot ang dibdib. Hindi inaasahan ng matanda na hihimatayin si Orlinda.Agad na umikot ang paningin ni Evelyn at hinanap ang ikalawang anak. ''Noel! Asan ka? Tara rito at tingnan mo nga ang hipag mo!'' natatarantang sabi nito.''Sandali lang, Mom! Kinuha lang ni Noel ang medical kit niya sa
"BLEGH!"Hearing this, it caught everyone's attention which made everyone in the dining hall pause from eating.Tinakpan ni Orlinda ang kanyang ilong para hindi na maamoy ang pagkain pati na ang kanyang bibig dahil baka tuluyan siyang masuka.Maingat niyang inilapag ang chopstick na hawak sa pinggan.Hinimas-himas niya ang kanyang dibdib.Nang bahagyang umayos na ang pakiramdam niya ay sinubukan niya ulit na kumain pero muli na naman siyang nakaramdam ng pagduduwal sa sandaling maamoy ang amoy ng pagkain.Mabilis niyang inilayo ito at ibinaba sa kanyang pinggan.Muli na namang sumama ang sikmura ni Orlinda. Sinubukan niyang itago ang discomfort na nararamdaman niya pero wala siyang kamalay-malay na kanina pa siya pinapanood ng isa sa mga hipag niya.Dahan-dahang nginuya ni Sheila ang nginunguyang pagkain bago ito lunukin. Pagkatapos ay tsaka siya nagsalita.''Linda, pagkatapos natin kumain huwag ka munang aalis,'' walang kagatul-gatol na sabi niya.Nag-angat ng tingin si Orlinda at ti
Isa-isang nagsisiupuan sa kanya-kanyang bakanteng upuan ang bawat miyembro ng pamilyang Tan. Kaya nagsimula na ang mga kasambahay na ilatag sa malapad na mesa ang mga nagsasarapang mga pagkain na pawang mga traditional chinese cuisine na paboritong kainin ng matriarch ng pamilya.Natapos nang ihain ng mga kasambahay ang mga pagkain pero wala ni isa sa mga nakaupo ang nagtangkang kumain ng walang pahintulot lalo na't may dalawang upuan na bakante. Isa rito ay ang upuan para kay Evelyn.Ilang saglit pa'y dumating na si Evelyn sa dining hall, sa likod nito ay si Orlinda na tahimik na nakasunod. Nakahandang umalalay anumang oras.Hinila ni Orlinda ang upuan para sa kanyang byenang babae tsaka ito maingat na naupo.In-adjust ni Orlinda ang upuan ni Evelyn bago siya naupo sa sariling upuan.Umikot ang paningin ni Evelyn sa mga taong naroon, tsaka siya nagsalita at sinabing, "magandang umaga sa inyong lahat. Wǒmen chīfàn ba." ["Kain na tayo."]Nang marinig ang signal na pwede na silan
Maagang gumising si Orlinda.Tinulungan muna niya ang mga kasambahay sa pagluluto at paghahanda ng agahan ng buong pamilya bago dali-daling nagpunta sa kwarto ng biyenan niyang si Evelyn na abala sa pag-aayos ng sarili.Pinunas niya ang kanyang basang kamay sa suot niyang damit bago kumatok ng ilang beses at buksan ang pintuan.Pagkabukas, nakita niya ang biyenang babae na nagbubutones ng damit."Mom," malumanay niyang pagtawag sa babaeng biyenan, maingat na isinara ang pinto.Matapos magdamit, lumabas mula sa walk-in closet si Evelyn at naupo sa tapat ng antigong dressing table.Agad na kinuha ni Orlinda mula sa drawer ng dressing table ang hairbrush sa sandaling makaupo ang biyenan.Maingat niyang sinuklayan si Evelyn.Sa kabila ng katandaan, nananatiling malago at alagang-alaga ang buhok ni Evelyn. Hindi kagaya ng ibang mga kaedaran nito na may mga uban o halos namumuti na ang mga buhok.Habang tahimik niyang sinusuklayan ang biyenan, mariing nakatitig sa malaking salamin
Sa kabilang silid-tulugan—ang silid ng mag-asawang Manuel at Grace—tahimik na pinakinggan ni Grace ang usapan ng mag-asawang Angelo at Orlinda.Walang kamalay-malay si Angelo na aksidente niyang nasagot ang tawag ni Grace kaya narinig nito lahat ng mga sinabi nila.Sa kabilang banda, hindi naman sinasadya ni Grace na makinig.Tumawag siya kay Angelo dahil may nakalimutan siyang sabihin pero ang hindi niya inaasahan na kasama na pala ni Angelo si Orlinda at nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng dalawa.Matapos mapakinggan ang mga sinabi ni Angelo, nagdesisyon na siyang ibaba ang tawag.Hindi na siya interesado pang malaman ang mga sunod na sasabihin ng dalawa sa isa't isa o ang reaksyon ngayon ng hipag niya."Humahagulgol na siguro 'yon ngayon dahil sa mga marahas na sinabi ni Angelo. Lalo na naman papanget si Linda," wika niya, mahinang natawa nang maisip ang mukha ng hipag na umiiyak, namumugto ang mata at tumutulo ang sipon.Pero saglit lamang ang tawang iyon, dahil sa mg
Angelo scoffed. “It’s good that you know your place,” he said.Matapos sabihin ito ay kumuha ng damit na isusuot si Angelo at naglakad pabalik ng banyo para doon magbihis kagaya ng kinagawian nito.Nang sumara ang pinto ng banyo ay parang lumuwag ang dibdib ni Orlinda.Napahimas siya sa kanyang dib
Alas-onse na ng gabi ng matapos sa paglilinis ng mga pinagkainan ng gabing iyon si Orlinda. Iniwan na niya ang ilang maliliit na natitirang gawaing bahay gaya ng pagpupunas ng mahabang mesa na siyang kinakainan ng pamilya Tan sa mga kasambahay.Dahil sa pagod at bigat ng eksena kanina sa hapag sigu
"Linda!" galit na bulalas ni Evelyn, namumula ang mga mata sa pagngangalit. "Hindi ba't sinabi ko sa 'yo na ayusin mo ang trabaho mo?! Simpleng pagputol lang ng kuko ay hindi mo pa magawa nang maayos!"Dahil sa nangyari, mabilis na kumakabog ang dibdib ni Orlinda sa takot. Sa pananaw niya, wala nam
‘’Angelo…’’ mahinang tawag ni Orlinda sa asawa. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at pinulot ang business card sa carpet, nanginginig ang mga kamay. ‘’Bakit ba pilit mong pinapagawa ‘to sa ‘kin? Ano bang ginawa kong kasalanan?’’‘’Bakit?’’ Tumalim ang mga mata ni Angelo. ‘’Ahh… Akala mo siguro nagb







