Hindi malilimutan ni Sofia Mendes ang ganap sa kanyang kabataan .Napahiya siya ng husto dahil sa pagmamahal lang ng isang tao . Minaliit at kinutya ang kanyang pagkatao bilang isang babae . Halos hindi niya makakalimutan ang gabing iyon na siyang simula ng kanyang bangungot.Ang buong akala niya mahal siya ni Zimon Morgan ang haciendero na tagapag mana ng Morgan kompany nag iisa lang itong anak ng mag asawang mala demonyo ang pag uugali . Pero bago pumunta sa ibang bansa si Zimon para layuan siya nagiwan muna ito ng mga salitang magiging dahilan para kamuhian niya ang katulad ni Zimon . ''' isa ka lang sa mga babaeng natikman ko Sofia ,ginamit lang kita dahil lalaki ako at madaling matukso sa tulad mong madaling makuha '' para siyang pinagsakluban ng langit at lupa pagkarinig sa mga salitang iniwan sa kanya ni Zimon . Iniwan siyang may tanong sa kanyang isipan . Nangako itong mamahalin siya kahit ang tingin ng mga magulang ng binata ay isa lamang siyang hamak na hampas lupa at mukhang pera. Napaniwala ni Zimon si Sofia sa matatamis na salita hanggang sa nakuha na niya ang kanyang gusto at bigla itong naglahong parang bula. Taon ang lumipas ng biglang nagpakita sa kanya si Zimon at alukin siya nitong bilang asawa . Ang kinamumuhian niyang lalaki ang siyang magiging asawa niya sa ngalan lamang ng papel. Tatanggapin kaya ni Sofia ang gusto ni Zimon o tanggihan? Paano kung si Zimon pala ang magiging dahilan para mapalapit siya sa taong pumatay sa buong pamilya na meron siya noon. Warning 18+ only may eksenang bawal sa mga 18 pababa .
Lihat lebih banyak'' papa !'' hagulgol ng isang anak ang maririnig sa buong loob ng morgue . Maririnig kung gaano ito nasasaktan at nalulungkot sa pagkawala ng kanyang ama .Gumuho ang mundo ni Sofia ng makita na ang ama nga niya ang nakahiga sa isang square na parang lababo .Tangin kumot na puti lamang ang nakatakip sa bangkay ng kanyang ama dahil tapos na itong na imbalsamo .
''wala na ang papa mo Fia iniwan na niya tayo '' napayakap siya sa kanyang ina na sobrang payat dahil sa problema .Bagong panganak lang ito sa bunso nilang kapatid. Kung gaano siya nasasaktan kitang kita ang sakit sa mata ng kanyang ina . Siguradong mamomoblema na ito sa kanilang gastusin sa pang araw araw lalo't wala na ang papa nila na naghahanap buhay.Hindi pa naman siya pwedeng magtrabaho dahil wala pa siya sa wastong gulang at nasa edad kinse palang siya. ''paano siya namatay mama ?" hikbi nitong tanong habang nanatili parin siyang nakayakap .Unti unting kumalas sa pagyayakapan at lumapit si Janeth sa bangkay ng kanyang asawa. Madaming tahi ang katawan nito na animo bugbog sarado bago nabangga ng malaking truck . '' ayon sa mga pulis nabangga ang papa mo ng isang truck at tumilapon sa may malaking puno .Hindi daw napansin ng driver na may nabunggo siya kaya hindi nadala agad sa hospital ang papa mo at nung makita na matigas na itong bangkay '' para siyang pinagsakluban ng langit dahil sa mga narinig ang saklap ng nangyari sa ama niya .Alam naman niyang mawawala ang mga ito pero hindi sana sa ganung paraan parang hindi katanggap tanggap ang nangyari sa papa niya . Hindi naman sa ganito ang gusto niya sana pag namatay ang kanyang ama dahil pangarap niya kung kunin na ito sa kanila, kahit sa katandaan na sana at sa maayos na paraan pero bakit napakasaklap naman ang paraan ng pagnapanaw ng kanyang ama. ''papa ko ,bakit hindi ka man lang nag ingat .Paano na kami '' bakit nga ba niya kinakausap ang kanyang ama wala na itong buhay . Siguro kung buhay ito baka sabihin na naman niya huwag siyang iyakin dahil lalo lang siyang pumapangit .Sa mata ng kanyang ama pangit siya dahil ang rason nito baka mausog pag sinabing maganda ang kanyang mukha na gaya ng sinasabi ng iba . Sa kanilang paaralan maituturing siyang isa siya sa pinakamaganda dahil sa wavy hair niyang mahaba at makapal ,samahan pa ng matangos niyang ilong at mahahabang pilik mata at kisable lips ,maganda din ang kanyang mga ngipin at dahil pantay pantay at puting puti dahil noong bata pa siya talagang todo alaga sa kanya ang kanyang ina dahil siya palang noon ang anak ng mga ito. '' grabe ka naman Sony sana naman nag ingat ka paano ko itataguyod ang lima nating anak .Bata pa si Fia para maging katuwang ko sa pag aalaga kakapanganak ko palang iniwan muna kami" mula sa isip ni Janeth nag aalala na siya sa kanilang hinaharap na walang katuwang sa buhay . Hindi naman siya pwedeng bumalik sa pamilya dahil matagal na siyang tinakwil ng mga magulang niya dahil sa pakikipag asawa niya ng maaga at hindi nila gusto si Sony para sa kanya. Ilang sandali pa ay lumapit na ang mga tauhan ng morgue para ayusin ang bangkay ni Sony .Muli na naman umiyak si Sofia dahil totoo ngang patay na ang kanyang ama.Hindi pala panaginip na gaya ng iniisip niya kanina. '' pwede na natin ilipat sa kabaong ang asawa mo misis .Ito palang pera galing sa nakabanggang truck '' napatingin si Fia sa isang kumpol ng pera na nasa sobre lalo siyang naguluhan dahil tinanggap ng kanyang ina ang pera at nilagay ito sa bulsa . '' bakit niyo tatanggapin iyan mama ?" suway agad ni Sofia sa ina nito. May pera naman sila pero bakit kailangan pa nito tumanggap ng pera parang binili na nila ang buhay na meron ang kanyang ama. '' kailangan anak kung ikakaso naman natin ang may ari ng truck siguradong matatalo tayo .Wala akong alam kung saan ako kukuha ng pera para sa libing ng papa mo kaya nga napagpasyahan kong isang gabi lang ang lamay para hindi na magastos '' kahit labag sa kanyang loob na kunin ang pera wala na siyang pagpipilian . Kailangan na niyang mag isip ng maayos para sa kanilang naiwan ni Sony. Wala na din silang pera at hindi alam bi Janeth kung saan ba nilagay ni Sony ang naipon nilang pera. '' bakit ba kasi ang hirap ng buhay natin ngayon tignan niyo bukod sa hustisya na gusto natin para kay papa hindi na natin magawang ibigay dahil sa wala man lang tayong kapera pera ,mama bakit ganun parang may halaga lang ang buhay ni papa .Kung buhay si papa ang perang iyan mas higit pa sa kikitain niya sana eh!!" pinagsusuntok niya ang pader kahit babae siya alam niyang sumuntok dahil tinuruan siya ng kanyang ama ng self defense nakaraang taon .Pagkalapat ng likod niya sa pader habang napapadusdos sa upo pa sahig parang kasing lamig ng bangkay ng papa niya ang pader pero wala siyang pakialam . Gusto niyang magwala dahil sa hirap ng buhay na meron sila ngayon ,maayos naman ang buhay nila noon bakit biglang bagsak ,Ano ang dahilan??? ang dami niyang tanong sa kanyang isipan.Kung may kaya lang sana siya hindi niya kukunin ang pera lalaban siya para sa hustisya para sa ama niya pero paano??? Nasa kinse anyos palang siya. '' tama na Fia huwag ng madaming daldal at baka may makarinig sayo .Ang kailangan nating gawin ilagay sa maayos na libingan ang papa mo '' lalo siyang napahagulgol nang marinig ang tungkol sa libing ng kanyang ama .Wala na talaga ang ama niya bukod tanging nakakaintindi sa kanya ang kakampi niya sa lahat .Ang bata pa ng kanyang ama pero bakit ganun nalang ito nawala .Hindi deserve ng papa niya ang ganun pero bakit ito ang nakatadhana. '' tama ang mama mo Sofia kung paiiralin mo ang pride kayo ang mawawalan at baka ni singkong duling walang ibibigay ang kompanya ng truck'' nagtaka siya sa pinagsasabi ng kanyang tiyahin na kararating lang .Mukhang kararating lang din ito sa paaralan dahil nakaunoporme pa ng pang guro. May kaya naman talaga ang pamilya nila ,sa lahat ng magkakapatid ang papa niya ang may kaya sa kanila. ''paano niyo nasabi iyan tita Selda ?" tanong nito .Napatayo na rin siya at saka nagpunas ng luha .Hindi niya kayang ipakita sa ibang tao ang pagiging mahina niya dahil iyon ang gusto ng kanyang ama huwag siyang mahina dahil gagamitin ng mga tao ang pagiging mahina niyang tao. '' ayon sa imbestigasyon ang papa mo mismo ang naglagay ng katawan nito sa gitna ng daan para iharang sa malaking truck '' napatakip ng labi si Sofia sa narinig .Ano ang problema ng kanyang ama bakit nagawa niya ang bagay na iyon.Hindi man lang ba ito nagisip na may maiiwan siyang pamilya . '' papa !! naman bakit ganun '' bulong ng kanyang isip habang nakatingin siya sa loob ng morgue.Pinalabas muna sila dahil aayusan nila ang bangkay .Umalis muna siya at nagtungo sa ibang kwarto kung saan walang tao .Gusto niyang magkulong at magisip ng maayos baka sakali magpakita pa ang kanyang ama sa kanya. ''sana Selda hindi mo nalang sinabi kay Fia ang bagay na iyan '' alam niyang masasaktan si Sofia sa katotohanan kaya inilihim niya ang bagay na ito sa kanya .Ito ang rason kung bakit kinuha ang pera dahil wala naman silang hahabulin na hustisya dahil mismong asawa na niya ang naglagay sa sarili nito kay kamatayan. '' kailangan Janeth dahil sa isip ng bata kasalanan ng truck at baka magtatanim ng galit sa kompanya" naluha na rin siyang tumingin sa kwarto kung saan pumunta si Sofia.May punto naman ang kanyang hipag kaya naiintindihan niya . '' matalinong bata si Sofia kaya huwag mong subukan hindi sabihin ang totoo dahil gagawa iyan ng paraan para makita ang katotohanan '' alam niyang matalino ito dahil nagmana si Sofia sa kuya Sony niya . '' hindi ko na alam Selda .Bakit bakit naisip ni Sony ang magpakamatay paano nalang kami '' niyakap ni Selda ang naulila ng kanyang kapatid kahit sila ay hindi makapaniwala sa nangyari pero wala na silang magagawa . '' Siguro dahil sa pagkakatanggal nito sa trabaho '' magkatrabaho ang asawa niya at ni Sony kaya nalaman niya lahat ng nangyari bago nagpakamatay ang kapatid niya sa daan . '' natanggal ?" gulat na tanong ni Janeth. Ang babaw na dahilan para gawin iyon ng kanyang asawa .May pinag aralan ito kaya kahit matanggal sa trabaho kaya niyang maghanap may alok pa ngang trabaho sa ibang bansa pero tinanggihan niya muna dahil ayaw niyang mapalayo sa kanila .Natanggal lang sa trabaho magpapakamatay na ang babaw na dahilan . '' oo ! ayon sa asawa ko natanggal si Sony sa trabaho at higit sa lahat nagkaroon ng kasalanan ang asawa mo ;'' lalo siyang naguluhan. '' anong kasalanan ?" tanong nito. '' ayon sa asawa ko pinagbibintangang nagnakaw ng pera ang asawa mo sa kompanya .Nawawala ang isang daan milyong peso at ang tinuturo ng mga nasa finance department ay ang asawa mo dahil ito lang ang bukod tanging nakahawak ng budget para sa department na hawak ni Sony" bigla siyang nanghina sa kinakaharap ng kanyang asawa na crisis .Bakit hindi niya muna hinayaan mag imbestiga ang kaukulan ng kompanya bago ito nagpakamatay. '' ano naman sakali gagawin niya sa ninakaw nitong pera ?" alam niyang may laman ang bank account ni Sony pero wala itong million at bank account iyon ni Sofia para pag nasa edad bente na pwede na niya itong buksan para sa pag aaral niya sa kolehiyo lalo't gusto nilang mag asawa na kumuha political science ang kanilang anak sa ibang bansa . Kung sa joint account naman nila ni piso walang laman kaya hindi niya alam kung saan ba siya kukuha ng pera lalo't hindi pa naman nila mapakinabangan ang account ni Sofia. '' iyan ang hindi ko alam Janeth kaya magpakatatag kayo dahil walang makukuhang incentive o death insurance ang asawa mo sa pinagtatrabuhan niyang kompamya dahil sa perang nawawala '' malaking bagay na sana ang maiiwan na pera dahil sa insurance nito pero bakit pati iyon ipinaagkakait nila . '' paano na kami ngayon nag aaral pa naman si Fia '' nasa senior high palang naman ang kanyang anak at wala pang dese otso kaya hindi pa pwedeng magtrabaho at ayaw naman niyang tumigil ito sa pag aaral .Paano nalang ang buhay nila may baby pa siya na nangaingailangan ng gatas . '' hindi ko na din alam ang gagawin ko ang tanging masasabi ko lang tutulong kami sa gastusin at magibigay ng kunting halaga para sa inyo .Iyon lang ang alam ko huwag mong isipin si Fia dahil matalino yan kaya niyang makakuha ng scholar ang isipin mo ang tatlo mo pang anak na mga bata " wala naman naiitulong ang kanyang awa kaya hindi niya alam kung ano ba dapat gawin para mabawasan ang iniisip ng kanyang hipag .Ang kinatatakutan niya baka mabinat ito at lalong maging komplikado .'' ano ang balita may nalaman kana ba tungkol sa pamilya ng fiance ni Zimon ?" masayang tumango si Martin sa amo nito . Magandang balita ang kanyang sasabihin ngayon .Masaya siya dahil sa wakas makikita na nito ang nawawala nitong apo .Masaya siya hindi dahil nahanap na niya ang apo ng Don kundi makakasama na niya ang anak ni Janeth. '' meron sir at ito nga confirmed siya ang apo niyo '' nilapag niya ang mga documento na ginagamit ni Sophia. Pero hanggang doon lang ang nakita nila tungkol sa apo ng Don . '' what ?" tila hindi mawala wala ang ngiti ni mister Guevara dahil nalaman .Tama nga ang kanyang kutob ,bigla niyang naisip ang kaibigan nitong si Victorino kahit papaano ito pala ang magiging dahilan para mapalapit sa kanya ang panganay niyang apo . '' yes sir naging caregiver siya ni Victorino Morgan ng ilang buwan bago ito pumanaw at ayon sa last will ng kaibigan mo sir saka lang ibibigay kay Zimon ang mana nito pag oras na papakasalan niya ang apo niyo '' tila hindi niya nag
Pagkarating nila sa venue kung saan gaganapin ang party humanga si Sophia dahil sa ganda ng venue .Simple lang at mukhang matanda ang may kaarawan . Kinuha ni Zimon ang kamay nito saka nilagay sa kanyang braso para hindi mawala sa kanyang tabi ang kanyang fiance . '' dito ka lang sa tabi ko a '' '' kukuha pa ako mamaya ng pagkain '' kanina pa talaga siya gutom .May nakikita naman na siyang kumakain kaya bigla siyang nagutom . '' mamaya na .Ipapakilala muna kita sa kaibigan ni lolo '' ito ang matagal na kaibigan ng kanyang lolo dahil binata pa sila noon magkaibigan na ang mga ito kaya hanggang ngayon ay sila parin ang magkaibigan yun ngalang mas naunang nawala ang kanyang lolo . '' sino siya ?" tanong nito .Kaya nga siya nagugutom dahil kinakabahan na siyang makipag usap sa mga mayayaman tapos ipapakilala pa siya . '' come puntahan natin siya '' wala siyang nagawa kundi sumama kay Zimon .Napaikot ang kanyang mata dahil sa inis .Kung ba naman kasi pumayag pa siyang sumama lalo
Kumatok muna ng dalawang beses ang katulong sa kwarto ni Sophia .Hinintay niya itong pagbuksan siya dahil kabilin bilinan ng kanilang amo na huwag gambalahin ang señiorita.Pero dahil may pinadeliver itong box at kailangan ibigay kay Sophia wala siyang nagawa kundi gambalahin muna ito . Pagbukas ni Sophia ng pintuan nagtaka siya dahil ang katulong na si manang Perling ang kumatok at may hawak na box . '' señiorita ito po pala pinamimigay ni señiorito suotin nyo daw po mamaya dahil may pupuntahan kayong event '' kunot noo niyang kinuha ang box at nagtataka . '' teka manang sino nagsabing ganyan ang itawag niyo sa akin ?" hindi siya sanay na ganun ang itawag sa kanya kaya nagtataka siya kung bakit señiorita na ang tawag nito sa kanya .Gayong nung nakaraan Sophia lang naman ang gusto niyang itawag ng mga ito sa kanya .'' si señiorito po magiging asawa niya daw kayo kaya kailangan pagsilbihan kayo namin bilang asawa niya '' napanganga siya sa narinig .Talagang nagsisimula na ang la
'' ito ang kontrata dalawang taon o tatlong taon basta mabigyan mo lang ako ng anak pwede ka ng umalis '' buntong hiningang kinuha ni Sophia ang kontrata at binasa na nya talaga ng maayos at baka mamaya may hindi na naman siyang mabasa . Ayaw na niyang mangyari pa ulit ang pagkakamali niya sa kontrata niya sa Don . Tutal wala naman na siyang gagawin at may plano kailangan na niyang matapod lahat . '' aba akala mo ang dali ah '' '' hindi kita titigilan Sophia hanggat hindi mo sinunod ang kahibangan ni lolo '' mukhang wala na nga siyang magagawa .Parang atat na si Zimon makuha ang mana nito . Pero bago niya ibigay bibigyan niya muna ito ng leksyon sa ginawa niya noon sa kanya . Magiging masaya siya siguro kung matupad na niya ang matagal niyang pangarap na masaktan din si Zimon bago nito malaman na ang babaeng sinaktan niya noon ay ang magiging asawa niya ngayon . '' para sa akin lang hindi kita guguluhin kung hindi ka sinali ni lolo sa mana para sa akin '' medyo naririndi na siy
Nakauwi na rin ang mag asawang Morgan sa mansion .Pero dala dala parin ni Mabele ang inis niya pauwi . "kung pumayag ang babaeng iyon manganganak lang siya pwede na nating paalisin sa buhay ni Zimon " kung apo lang din pala ang habol ng byenan niya bakit hindi nito sinabi para naman nagawan nila ng paraan hindi yong ito mismo ang pipili para sa kanilang anak . "talagang ganyan ang gagawin natin Mabele kaya huwag ka munang atat sa plano ng anak natin dahil sigurado akong may nakalaan ng plano si Zimon .Tingin mo ba mapamamahal ang anak natin sa babaeng iyon... Si Sofia parin ang hinahanap ng anak natin " napaisip si Mabele sa sinabi ng kanyang asawa ."pwede din mangyari na ito ay mahulog dahil may pagkakahawig sila ni Sofia at kapangalan pa nito " baka ito pa ang dahilan kung bakit pinagtatanggol pa ni Zimon ang babaeng iyon ."then gagawa tayo ng paraan .Huwag muna iyan ang isipin natin ipaubaya nalang natin kay Zimon ang lahat " nakuha niya agad ang gustong sabihin ni Ben ka
Mabuti nalang at nagmadaling sumunod si Zimon kay Sophia .Pasakay na sana ito ng kotse n ng bigla niyang hinila para hindi na ito matuloy pumasok sa loob . Sumenyas naman siya sa driver nila na ialis na ang kotse . '' hindi ka pwedeng umalis '' pakiusap niyang salita sa dalaga . Pilit naman inalis ni Sophia ang kamay nito ngunit mahigpit ang pagkakahawak ni Zimon sa kanyang braso . Hindi naman siya nasasaktan pero gusto na niyang umalis para matapos na ang lahat . '' para ano ?? pakasalan mo ako dahil sa pera ?" galit nitong tanong . Nanginginig pa ang kanyang boses dahil marunong pala itong magpigil bakit siya noon ni hindi man lang siya pinigilan bagkus sinaktan pa siya nito ng ilang masasakit na salita . Iniwan na bigo ang kanyang puso at wasak ang pagkatao . '' makukulong ka dahil sa kontrata na nilagdaan mo '' napangisi siya dahil iyon lang pala ang rason nito akala niya kung ano na .Pwede naman nitong sabihin na kailangan siya dahil gusto na nitong makuha ang mana. '' wal
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen