Mag-log inHindi makagalaw si Bella. Hindi makahinga.
sahig ng silid-hotel, habang ang bawat salita ni Ronel ay paulit-ulit na gumugulo sa kanyang isip at yumayanig sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Magdalang-tao…kay Kuya Ronel? Ang mismong pag-iisip nito ay isa ng kabaliwan. Parang pagpapakamatay. Paano niya gugustuhin ang ganoong bagay? Ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan ay may asawa na, ama na ng dalawang anak na babae. Higit pa roon bayaw niya ito. Nakatindig si Ronel na wari’y anino na nilalamon ang liwanag ng silid-hotel. Hindi kumukurap ang kanyang madidilim na mata, walang pag-aalinlangan, para bang ang sinabi niya’y hindi isang bagay na kayang baguhin ang takbo ng buhay ni Bella magpakailanman. “Bakit ka namumutla?” malamig ang kanyang tinig, mababa, tila dumadagundong sa loob ng dibdib ni Bella. “Pumunta ka rito para sundin ang utos ng asawa mo di ba. Pero nang inalok ko sa’yo ang mas makatuwirang at mas wais na solusyon, tinitingnan mo ako na para bang isa akong masamang halimaw na anytime ay ipapahamak ka.” Nanuyo ang lalamunan ni Bella. Pinilit niyang bumuka ang labi, ngunit bulong lamang ang lumabas. “Kuya Ronel… seryoso ka ba sa mga sinasabi mo bayaw kita, kapatid ka ng asawa ko? Pag nalaman ng mga tao sa bahay eto mas lalo gugulo ang sitwasyon at sa bandang huli ako ang mag sa dudusa dahil mababa lang tingin nila sa akin lalo na at isa lang akong bago salta sa inyong pamilya” Hindi siya sumagot. Umayos lang ng tindig, ipinasok ang mga kamay sa bulsa, at hindi inalis ang titig sa kanya. “Pag-isipan mong mabuti, Bella,” lalo pang bumaba ang kanyang tinig, mabigat, parang utos. “Gusto mo bang iligtas ang sarili mo, o susundin mo ang utos ni Rain na magdalang-tao mula sa isang estrangherong walang dugong Reynolds?” Nanginginig ang buong katawan ni Bella, nakasakal ang mga tagpo. “Binigyan ka lang ng tatlong buwan ng aking ina para mabuntis, sobrang ikli ng panahon na yon alam mo yan Bella,” patuloy ni Ronel, may manipis na ngiting gumuhit sa kanyang labi. “Kapag lumipas ang panahong iyon at hindi ka pa buntis… agad agad sigurado ako hihiwalayan ka ni Rain. At babalik ka sa lolo mo ng walang-wala at sigurado ako mapuputol ang sustento sa pangpa-ospital niya.” Napahinto ang hininga ni Bella. Wala nang oras para isip ng iba pang solution. Wala nang puwang para tumakas sa katotohanan kelangan nya na mag desisyon. “Pero Kuya… may asawa ka na. May dalawa ka nang anak. Isa sa kanila’y sanggol pa.” Nanginginig ang kanyang tinig, puno ng pagmamakaawa. Tumigas ang mga mata ni Ronel. “Yun na nga.” Lumapit siya, mariin ang tono. “Kakapanganak lang ni Kelly anim na buwan ang nakalipas alam mo yun. Hindi ko na siya maaaring buntisin pahirapan muli. At ayaw na niyang mag-anak.” Diretso ang titig niya sa mga mata ni Bella. “Pero kailangan ko ng anak na lalaki. Kailangan ng pamilya ng tagapagmana. At gusto ko ng isang lalaking anak.” Nanginginig ang labi ni Bella. “Pero… hindi pa ako… hindi pa ako kailanman nakasama ang sinuman sa kama, Kuya.” Bahagyang tumagilid ang ulo ni Ronel, pinagmasdan ang kanyang mukha mula sa distansyang lalong nagpapahina sa kanyang hininga. “Ni minsan?” Dahan-dahan siyang umiling, nahihiya, nagtatago. Lumapit si Ronel, matatag ang tinig, walang awa. “Kung gano’n, hindi mo tinatanggihan na maging ina ng anak ko, hindi ba?” Bumuka ang labi ni Bella, ngunit walang salitang lumabas sa hindi nya maipaliwanag na dahilan. Mabilis ang pag-kabog ng kanyang dibdib, hinahalo ng takot at pagkalito sa pang yayari. Umigting ang katahimikan, mabigat at nakakasakal. Lumapit pa si Ronel, nilalamon ng kanyang presensya ang buong silid, hanggang sa maramdaman ni Bella ang gilid ng kama na nakasiksik sa kanyang mga binti at tuluyan na nga sya na corner ni Ronel. Wala nang takas. Wala nang puwang sa pagitan nila. “Kung nagdududa ka…” bumaba ang kanyang tinig, halos bulong na dumampi sa kanyang tainga. “Pwede kong alisin at patigilin ang iyong pag-aatubili ako na ang bahala wag ka na mag alala.” Umangat ang kanyang kamay, mariing humawak sa panga ni Bella, at pinilit siyang tumingin sa kanyang mga mata ng daretcho. Napalunok si Bella, nagwawala ang tibok ng puso sa sobrang bilis. At sa sandaling iyon, napagtanto niya hindi siya tinatanong ni Ronel. Siya na ang nagdedesisyon. Ngunit sa likod ng kanyang isip, bumabalik ang alaala ng bawat araw na ginugol niya sa piling ng Reynolds family. Ang malamig na tingin ni Luwee, ang walang pakialam na katahimikan ni Rain, ang mga bulong ng mga kapatid na palaging nakatingin sa kanya na para bang isa siyang dayuhan. Sa bawat hapunan, sa bawat pagtitipon, siya ang laging nasa gilid. Walang boses, walang puwang. At ngayon, narito si Ronel ang pinakamatandang bayaw, ang lalaking palaging tahimik ngunit may presensyang hindi maikakaila. Ang lalaking minsan lang magsalita, ngunit bawat salita’y parang batas. “Bella,” bulong niya, mas malapit pa, ramdam ng dalaga ang init ng kanyang hininga. “Hindi mo ba naiintindihan? Hindi ito tungkol sa akin. Hindi ito tungkol sa iyo. Ito’y tungkol sa pamilya. Sa dugo. Sa tagapagmana.” Napapikit si Bella, pilit na nilalabanan ang panginginig ng kanyang katawan. “Pero… kasalanan ito,” bulong niya, halos hindi marinig. “Isa itong bawal na pag-ibig. Isa itong sumpa.” Ngumiti si Ronel, malamig, ngunit may bahid ng awa. “Kasalanan? O kaligtasan?” Sa sandaling iyon, bumigat ang hangin sa pagitan nila. Ang bawat tibok ng puso ni Bella ay parang martilyong humahampas sa kanyang dibdib. At nang muling magsalita si Ronel, wala na siyang marinig kundi ang katotohanang hindi niya matatakasan. “Hindi kita tinatanong, Bella. Pinipili mo na ngayon.” Sa loob ng silid-hotel na iyon, tila huminto ang oras. Ang mga ilaw ay nagmistulang anino, ang katahimikan ay naging kulungan. At si Bella, nakatayo sa harap ng lalaking hindi niya kailanman inakalang magiging bahagi ng kanyang kapalaran, ay napagtanto na ang desisyon na gagawin niya ngayong gabi ay magbabago ng lahat. Ang kanyang buhay. Ang kanyang pag-ibig. Ang kanyang kinabukasan. At sa bawat tibok ng kanyang puso, lalong lumalapit ang katotohanan: hindi siya tinatanong ni Ronel. Siya na ang nagdedesisyon. Samantala, sa kanilang tahanan, paikot-ikot si Rain sa balkonahe ng kanyang silid, maiikli at padalos-dalos ang bawat hakbang. Mabilis ang kanyang tingin sa relo, mahigpit ang pagkakakuyom ng panga. “Tch.” Malalim ang kanyang buntong-hininga, nakaukit ang pagkadismaya sa mukha. “Nasaan si Bella? Alas-diyes na. Hindi pa siya umuuwi.” Lalong tumalim ang kanyang tinig, lalong dumilim ang kanyang isip. “Baka… baka nag-eenjoy siya roon? Una niya pa namang beses…” Mariin niyang ikinuskos ang kamay sa bibig, pilit itinataboy ang mga imaheng bumabalot sa kanyang isip. Mabigat ang kanyang balikat, puno ng emosyon na hindi niya maipangalan. “Kapag hindi siya bumalik bago mag-umaga, at hindi siya makita ni Kuya Ronel sa ospital…” Napa pikit si Rain, mariing nilunok ang kaba. “Tapos na ako.” Dumampi ang malamig na hangin ng gabi sa kanyang balat, binalot siya ng katahimikan na tanging tibok ng kanyang puso ang bumabasag. Biglang dumilat ang kanyang mga mata, mas matalim, mas desperado. “Kakaunin ko na sya ngayon para sure san ba kasi nag punta pa ang babae un o baka naman talaga nasarapan sya sa kasama nya.” Walang pag-aalinlangan, bumalik siya sa loob, mabilis na sinunggaban ang susi ng kotse at pitaka gamit ang nanginginig na mga kamay.Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel
Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang
“Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu
“Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus
Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako
Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel
“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming
“Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang
“Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an
Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga







