登入Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.
“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti. Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba” Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.” “Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.” Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bella, pilit nilulunok ang bigat na bumabara sa kanyang dibdib. “Hindi, Rain. Sumpa ko. Ginawa ko lang… ang ipinag-utos mo. Sa lalaking pinili mo lang ako nakipag kita kagabi mali ang iniisip mo.” Halos mabasag ang kanyang tinig. Bahagyang ngumiti si Rain, manipis at mapangutya. “Akala mo ba naniniwala ako, wag ako? Mukhang magaling ka palang maglaro akala ko ba ni hindi ka pa nagagalaw mukang mali pala ako.” Napatigil si Bella. Mas ligtas ang katahimikan kaysa salita. Alam niyang anumang sagot ay lalo lamang magpapalala. “Wag mo akong lokohin hindi ka umuwi sadya,” patuloy ni Rain, matalim ang boses. “Para makasama pa ang ibang lalaki. At para hindi ka maglinis ng sahig ngayong araw.” Bumaba ang kanyang mga mata, sinuyod ang kasuotan ni Bella ang malinis na blusa, ang masikip na pencil skirt, ang maayos na sapatos. Mga damit na sobrang pino para sa kanyang karaniwang buhay. “Saan galing yang suot mo? Sino ang bumili niyan?” paos at puno ng paratang ang tinig. “Kalaguyo mo ano? Tama ako kc alam ko hindi mo kayang bilhin iyan.” “Si Kuya Ronel,” mahinahong sagot ni Bella, ikinagulat niya rin ang tibay ng kanyang tinig. “Ronel?” Naningkit ang mga mata ni Rain. “Imposible. Bakit ka naman niya bibilhan ng ganyan mamahaling damit para san?” “Pagkatapos kong makipagkita sa lalaking pinadala mo,” maingat niyang paliwanag, “tumawag si Ronel. Sabi niya may dumating na client na foreigner kagabi alas-nuwebe. Bumaba ako para tulungan siyang ayusin ang silid.” Tahimik si Rain, mabigat ang katahimikan. “At ngayong umaga,” patuloy ni Bella, “nagpadala si Kuya Ronel ng bagong damit para mag almusal kasama ang client. Hindi ko naman puwedeng isuot ang damit kahapon, hindi ba?” Lalong kumapal ang hangin. Mariin ang panga ni Rain, ngunit malinaw na naipit siya sa paliwanag ni Bella. “Kung hindi ka naniniwala,” dagdag ni Bella, matatag ang tinig, “tanungin mo si Kuya Ronel mismo.” Mas lalong naningkit ang mga mata ni Rain, kumikislap ang tensyon sa kanyang katawan. Ngunit hindi siya nakipagtalo. “Hindi na kailangan,” malamig niyang sagot. “Simula ngayon dalawang linggo, marahil isang buwan. Kung hindi ka mabuntis sa panahong iyon…” Mariin ang panga. “Uulitin mo ulit sa kanya.” Hindi na siya naghintay ng sagot mula kay Bella bagkos mabilis niyang binuksan ang pinto ng kotse, pumasok, at malakas na isinara. Umandar ang makina, mabilis siyang umalis, iniwan si Bella na nakatayo mag-isa sa harap ng kumpanya. Sa loob ng kanyang opisina, mag-isa siyang nakaupo. Alas-otso pa nagbukas ang kumpanya, ngunit hindi pa dumarating si Ronel asan kaya sya. Pagsapit ng alas-nuwebe, mabigat ang katawan ni Bella dala ng pagod. “Antok na antok ako,” bulong niya, pinapahid ang mukha at pinipilit gisingin ang sarili. Hindi pa tapos ang kanyang trabaho, ngunit pinilit niyang idilat ang mga mata. Hindi siya puwedeng mapahiya hindi kay Rain, hindi sa sarili. “Diyos ko po sobra talaga na ko inaantok…” Hinila niya ang gilid ng kanyang mga mata, pilit na nilalabanan ang antok. Paano ba siya hindi mapapagod? Hanggang alas-onse kagabi ang gising pa din sya, tapos hindi pa rin siya nakatulog agad. Abala ang kanyang isip sa mga nangyari, sa mga maaaring mangyari. At kahit ganoon, nagising pa rin siya ng alas-kuwatro y medya, gaya ng nakasanayan. Ngayon, nararamdaman na niya ang pag ka antok nya kulang na kulang sya sa tulog. Sumulyap siya sa pinto, sinigurong walang tao. “Siguro hindi din papasok si Sir Ronel ngayon. Pagod pa din siguro siya,” bulong niya. “Siguro… naman pwede ko matulog kahit sandali lang. Sobrang antok na talaga ako di na kinakaya talaga ng mga mata ko.” Ibinaba ang ulo sa nakatiklop na mga braso, nakahilig sa mesa. Bumagal ang kanyang paghinga, hanggang sa tuluyan nang sumuko ang katawan sa pahinga at tuluyan na nga sya nakatulog ng hindi nya namamalayan. Hindi pa nakaka lipas ang sampung minuto, bumukas ang pinto. Pumasok si Ronel kasama si Arya, hawak ang iPad, malamig at nakatutok ang ekspresyon. Ngunit huminto ang kanyang mga hakbang nang makita si Bella naka ubob sa lamesa nya. Napakunot si Arya. “Sir… natutulog po ba si Bella?” mahina niyang tanong. Hindi sumagot si Ronel. Tinitigan lamang niya. Kumilos palapit si Arya para gisingin sana si Bella, ngunit tinaas ni Ronel ang kamay, pinigil siya. “Lumabas ka na ako na bahala dito,” utos niya, sabay abot ng iPad. Tahimik na lumabas si Arya, iniwan silang dalawa. Lumapit si Ronel ng dahan dahan at tinitigan si Bella, napaka amo ng muka nito at napaka ganda sa simple nyang make-up at sa mga damit na binili ni Ronel para sa kanya. Bahagyang magulo ang buhok ni Bella, banayad ang kanyang paghinga, marahang umaangat-bumababa ang balikat sa pagod. Mukha siyang ng hihina talaga at lupaypay. Walang salita, inalis ni Ronel ang kanyang itim na coat. Yumuko siya, marahang ipinatong sa likod ni Bella, maingat para hindi gambalain ang kanyang pagtulog. Tahimik ang bawat galaw, sinadya parang isang lalaking nagbabantay ng bagay na pinakamahalaga at may kung ano saya sya nararamdaman habang tinititigan si Bella matulog. At hinawi nya ang buhok ni Bella para makita ng ayos ang muka nito.Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel
Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang
“Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu
“Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus
Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako
Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel
“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming
“Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang
“Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an
Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga






![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
