Share

Chapter 17

Author: Khollen
last update publish date: 2026-07-04 21:45:52

“Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.

Yumuko si Bella.

Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.

Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.

Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.

Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.

“Oo. Salamat tatandaan ko.”

Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dust pan, walis at basahan.

Nagkatinginan sina Veronica at Kelly, sinusundan ng kanilang mga mata si Bella hanggang sa mawala ito sa likod ng mga furniture.

“Tch. Nakakainis!” singhal ni Veronica, mariin ang pagkakakrus ng mga braso. “Paano pa siya nakakayang ngumiti kahit na pilit natin sya pinapahirapan?”

“Mas mabuti na iyon,” sagot ni Kelly, patuloy sa pagkain ng meryenda. “At least hindi siya lumalaban. Mas kaunting gulo.”

“Diyan nga ako nabubuwisit!” Yumuko si Veronica, matalim ang tinig. “Nagpapakabanal siya. Nagpapasensya. Nagpapanggap na biktima pero sumusunod pa rin. Ginagawa niya tayong kontrabida.”

“O baka ipinapakita lang niya na wala bisa sa kanya mga pang bubully natin sa kanya,” sagot ni Inggrit, nagkibit-balikat.

Naningkit ang mga mata ni Veronica. “Ayan! Iyan ang ikinagagalit ko. Ni hindi siya nakikipagtalo. Walang galit, walang pagtutol. Ngiti lang na para bang wala tayo, parang hangin.”

Umikot ang mga mata ni Kelly. “Huwag mong sayangin ang lakas mo. Ang mga tulad niyang walang kwenta, kapalaran na mismo ang dumudurog. Hindi na natin kailangang dagdagan pa.”

Umirap si Veronica. “Pero pakiramdam ko, hinahamon pa rin tayo ng katahimikan niya.”

Sa hallway, naririnig pa rin ni Bella ang kanilang mga tinig. Ngunit patuloy siyang naglakad, hawak ang walis, hindi lumilingon.

Sa labas, pumarada ang kotse ni Ronel sa driveway ng bahay.

Binuksan ng guard ang pinto nang may sanay na galaw, at bumaba si Ronel, matatag ang hakbang, nangingibabaw ang presensya.

Bitbit niya ang mamahaling coat sa isang kamay, saka unti-unting tinanggal ang butones ng manggas, itinupi pataas upang ipakita ang matitigas na bisig.

Patungo na siya sa elevator nang marinig ang mga tinig mula sa hallway.

“Bella, kararating mo lang galing trabaho tapos naglilinis ka na agad? Hindi ka ba pagod?” Malinaw ang tinig ni Karen.

Bahagyang lumingon si Ronel.

Naroon si Bella, nagwawalis ng sahig sa kanyang maayos na damit bilang secretary, ni hindi man lang nakapag pahinga.

“Hindi, Karen. Ayos lang.” Mahina ang kanyang ngiti. “Sa opisina nakaupo lang ako buong araw. Paano ako mapapagod?”

Napakunot ang noo ni Karen. “Ang maghapon na nakaupo, nakakahilo rin. Kalahating araw sa opisina, tapos paglilinis dito. Bukas ng umaga, gigising ka ulit para maglinis.”

Napatingin siya sa walis at dustpan.

“Pero… kinuha ko ito sa likod. Hiningi nina ma’am Kelly at Veronica.” Napahinto siya, huli na ang kanyang sinabi.

“Huwag mong sabihing… sila ang nag-utos sa’yo? Akala ko sila mismo ang maglilinis kaya pinakuha nila sa akin ang dustpan walis at basahan. Ang labo naman. Pero lumalabas…”

Mabilis na ngumiti si Bella, pilit na hindi pinapahalata ang pang yayari at pilit na pinag tatakluban ang mga hipag nyang totoo nag utos sa kanya. “Hindi, Karen. Nakita ko lang ito sa sala kaya kinuha ko na. Parang naghihintay sa akin. Kaya kinuha ko na at nag linis na ko hindi ako sanay ng wala talaga ginagawa sa bahay. Pamaya pag katapos ko dito wag ka mag alala mag papahinga na ko.”

Napakamot si Karen, hindi kumbinsido ngunit hindi na rin sya nangulit kay Bella alam nya ang ugali ni Bella mas gugustuhin nya na lang sundin ang mga utos ng hipag nya kesa mag paliwanag at manglaban pa sa mga ito. 

Mula sa hallway, nagbago ang isip ni Ronel na umakyat sa mga nakita nya. Nanigas ang kanyang titig, saka lumihis ng direksyon patungo sa kabilang hallway.

“Bella.”

Umalingawngaw ang kanyang tinig, malalim at mabigat.

Nagulat si Bella at si Karen. Nang pumasok si Ronel, mabilis na yumuko si Karen at nagpaalam. Aalis na po ko maiwan ko na po kayo muna dalawa at umalis na nga si Karen.

“Kuya Ronel?” Nanlaki ang mga mata ni Bella, kabado ngunit pilit na kalmado.

Hindi agad sumagot si Ronel. Matindi ang kanyang titig, sinusukat ang bawat galaw. Pagkatapos, nang gumalaw ang anino sa gilid ng hallway, nagsalita siya.

“Veronica.”

Napatigil ang hipag. Mabilis niyang nilagay ang cellphone sa bulsa at lumapit, pilit na ngiti.

“Oh kuya bakit?” tumingin sya sa mga mata ni Bella, puno ng lantad na paghamak.

Mabigat ang titig ni Ronel. “Kunin mo kay Bella ang mga pang linis. Ikaw ang maglinis dito. Kailangan kong kausapin si Bella. Tungkol sa trabaho sa office.”

Nanigas si Veronica, napahinto ang hininga. Umakyat ang galit sa kanyang labi nang makita si Bella pa rin ang nakahawak sa walis.

“Kuya, seryoso ka ba? Ako.. ako talaga pag lilinisin mo? O.M.G are you serious huh? Sabay hawak sa bewang”

“Oo seryoso ako Do I look na nakikipag biruan?” Bumaba ang tinig ni Ronel, malamig at matalim. “You know na hindi ako pumapayag sa mga ganitong delay Veronica alam mo yan.”

Napalunok si Veronica, mariin ang kamao hanggang mamuti ang mga daliri. Sa isip nya na ang inutos nila kay Bella ay bandang huli malulusutan pa din ni Bella at ang masaklap sa akin pa talaga ipapagawa.

Samantala, naramdaman ni Bella ang malamig na gumapang sa kanyang likod hindi lamang mula sa nagbabagang titig ni Veronica, kundi mula sa susunod na salita ni Ronel, mababa, para lamang sa kanya.

“Bella.”

Bahagyang bumuka ang kanyang labi, kabado. “Kuya… bakit?”

Lumapit si Ronel, matatag ang tinig, hindi mabasa.

“Pumunta ka sa office ko,” wika niya. “May kailangan tayong pag-usapan. Ngayon.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 20

    Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 19

    Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 18

    “Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 17

    “Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 16

    Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 15

    Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 5

    “Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 4

    “Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 3

    “Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 1

    “Find another man to get you pregnant, Bella.”Parang martilyong tumama sa dibdib ni Bella ang mga salitang iyon ni Rain nang umagang iyon.Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ng asawa nya. Paano nagawa ng sariling asawa na kalmado siyang utusan na magpabuntis sa ibang lalaki?“Se-seryoso ka ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status