ANMELDEN“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”
Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.
Saglit na tumingin si Ronel, sapat lang para makita si Bella na nakaluhod sa sahig at si Luwee na hawak ang daliri na tila ba sinasadya ang eksena.
Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Ronel, hindi mabasa.
Samantala, nakangisi si Kelly. Malinaw sa kanyang tingin alam niyang hindi aksidente ang nangyari, kundi palabas lang ng biyenan.
Tumayo agad si Kendra mula sa carpet, bakas ang pag-aalala sa mukha nang makita si Bella na natumba. Tatakbo sana bata papunta sa tita Bella nya, ngunit mabilis ang malamig na tinig ng ina.
“Sit down, Kendra.” Walang nagawa ang bata para tulungan tita Bella nya.
Napahinto ang bata, tumingin sandali sa ina, saka muling umupo at nagkunwaring naglalaro ngunit patuloy pa ring palihim na tumitingin kay Tita Bella, puno ng pag-aalala.
“Pasensya na, Mommy…” mahina ang tinig ni Bella, agad siyang tumayo at yumuko nang malalim. “Hindi ko po sinasadya.”
“Hindi sinasadya? Napaka careless mo tlaga, Bella! O baka naman sinadya mong saktan ako?” lalong tumindi ang boses ni Luwee.
“Hindi, Mommy! Hinding-hindi ko po gagawin ‘yon!” mabilis na depensa ni Bella, mariing lumunok. “Siguro… medyo pagod lang ako ngayon kaya”
Agad siyang pinutol ni Luwee.
“Pagod? Gusto mong sabihin na napapagod ka sa tungkulin mo?”
Bago pa makasagot si Bella, sumabat si Kelly, mas matalim pa.
“Hoy, Bella!” singhal niya, puno ng pang-aasar. “Alamin mo ang lugar mo. Kung hindi ka ipinanganak sa mayamang pamilya, at least you should know manners..”
Bahagyang yumuko si Bella, ang tinig niya ay parang latigo. “Gawin mo nang maayos ang trabaho mo, tigilan mo ang palusot. Nakatira ka sa bahay ng mayaman, hindi sa squatter.”
Mariing kinagat ni Bella ang labi, pinipigilan ang kirot sa lalamunan. Ibaba ang mga mata, ngunit sa loob, nagngangalit ang dibdib.
Huminga siya nang malalim, nakatitig sa malawak na bakuran ng mansyon na tila ba lalo siyang sinasakal.
Kanina, gusto lang niyang mahiga at magpahinga kahit sandali. Ngunit paano siya makakatulog kung puno ng insulto ang isip, paulit-ulit na bumabalik ang malamig na trato ng biyenan, at ang nakakasakit na utos ng asawa magdalang-tao sa ibang lalaki.
Sa pag-iisip pa lang, nanikip ang sikmura niya. Nanuyo ang lalamunan.
Dinampot niya ang walis na nakasandal sa dingding. Sinimulan niyang linisin ang bakuran hindi dahil kailangan, kundi dahil iyon lang ang paraan para hindi mag over think.
Ang paulit-ulit na galaw ay bahagyang relax sa kanya. Kahit ilang minuto lang.
“Bella.”
Isang mabigat na tinig ang tumawag, mahina ngunit mariin.
Napalingon siya, at nakita si Ronel na nakatayo hindi kalayuan nakasuot ng pormal na suit, parehong kamay nasa bulsa, malamig ang mukha gaya ng dati.
“Ano po yun, Kuya?” lumapit si Bella, hawak pa rin ang walis. Tumayo siya nang tuwid sa harap ni Ronel, pilit na nagpapakita ng composure kahit nanginginig ang tuhod.
“Hanggang kailan ka balak maging unemployed, hm?”
Walang trabaho?
Napayuko si Bella. Nanikip ang dibdib. Buong oras, siya ang nag-aasikaso ng bahay nagluluto, naglilinis, nag-aalaga sa biyenan higit pa sa katulong.
Ngunit alam niyang iba ang ibig sabihin ni Ronel. Ang tinutukoy niya ay totoong trabaho, sa labas, may sahod at posisyon.
“Hindi ko po alam, Kuya,” mahina niyang sagot, mas mahigpit ang hawak sa walis, handa sa susunod na pintas.
“May diploma ka di ba?” malamig na tanong ni Radja.
Bahagyang tumango si Bella. “Meron pa po, Kuya.”
“Then replace my secretary. She’s on maternity leave.”
Napataas ang ulo ni Bella, nanlaki ang mga mata sa gulat.
“Se-seryoso ka ba, Kuya?” pigil ang hininga, nanlalaki ang mga mata.
Hindi sumagot si Ronel ng salita. Tinitigan lang siya, malamig ngunit malinaw na totoo ang sinabi.
“Pero Kuya” napahawak siya sa dibdib na kumakabog. “Two years course lang po ang natapos ko. Kaya ko ba talaga?”
“I own the company,” malamig na tugon ni Ronel. Isang maikling pangungusap na walang puwang para sa pagtutol.
Nagningning ang mga mata ni Bella. Matapos ang isang taon ng pakiramdam na walang silbi, palaging iniinsulto, at tinatratong walang halaga ang ganito pagkakataon ay parang jackpot.
“Kung pwede, gusto ko, Kuya… gusto ko talaga!” hindi niya napigilan ang tuwa, umaapaw ang excitement.
Bahagyang tumango si Ronel. “Kung gano’n, you start tomorrow.”
Kinagabihan, mas puno kaysa dati ang hapag-kainan ng pamilya Reynolds.
Tahimik, tanging kalansing ng mga pinggan ang maririnig hanggang inilapag ni Rain ang kanyang baso, bahagyang tumunog, at napatingin ang lahat.
Tumingin siya kay Luwee, saka saglit kay Bella na nakaupo sa tabi ni Rain.
Bahagyang lumunok si Ronel, inilapag ang tasa ng kape.
““There’s something I want to say,” malamig ngunit mariin ang tinig, sapat para biglang tumindi ang tensyon.
Nakatitig si Luwee. Gayundin sina Kelly, Kingstone, Rain, at Veronica. Tahimik, naghihintay.
“Ano ‘yon, Ronel?” tanong ni Luwee, nakatingin sa panganay.
Pinunasan ni Ronel ang labi gamit ang napkin. “Starting tomorrow, magtatrabaho si Bella sa opisina. Papalitan niya ang secretary ko na naka-maternity leave.”
Natigilan si Rain, nakabitin ang kutsara sa ere. Napakapit si Kelly, bahagyang umubo, halatang nagulat gaya ni Veronica na agad tumingin sa bayaw.
Tumigil si Luwee, tumuwid ang likod, nakatitig kay Ronel na para bang nakarinig ng kabaliwan.
Biglang tumindi ang tensyon sa paligid. Ngunit nanatiling kalmado si Rain, malamig ang mukha. Ang tinig niya, walang puwang para sa pagtutol.
“Kuya Ronel, are you serious?” mahina ngunit iritadong tanong ni Veronica.
“I… ibig mong sabihin, si Bella magtatrabaho sa Reynolds Company? Secretary?” sabay tawa ni Kelly, puno ng pang-aasar.
Nanlilisik ang mga mata ni Luwee. “Ronel, don’t make rash decisions. Maraming aplikante na mas may karanasan. Bukod pa”
“The decision is made,” malamig na putol ni Ronel, pinatahimik si Luwee isang bagay na bihirang mangyari. Ngunit si Luwee lang ang may lakas ng loob.
Nakayuko si Bella, mariing hawak ang laylayan ng palda, ramdam ang mga matang nakatutok sa kanya.
Ngunit ni minsan, hindi siya tiningnan ni Ronel. Nanatiling malamig ang ekspresyon.
Sa huli, ibinaling ni Luwee ang tingin kay Bella. “
Kadarating lang ni Ronel sa Reynolds Corporation ang limampung palapag na malaking company ng kanilang pamilya, na ang impluwensiya’y umaabot sa iba’t ibang bansa.Matatag ang bawat hakbang niya, puno ng utos, habang tinatahak ang magarbong lobby. Naputol ang mga usapan, tumuwid ang mga likod ng empleyado, at ang ingay ay biglang naglaho. Wala pa siyang sinasabi, ngunit ang presensya niya lamang ay sapat na upang mag-utos ng katahimikan.Diretso siyang nagtungo sa executive lift nakalaan lamang para sa pinakamataas na posisyon sa company. Isang swipe ng kanyang card, at agad siyang nakarating sa ika-49 na palapag. Sa harap ng kanyang opisina, tumama ang tingin niya sa mesa ng secretary sa labas, bago siya pumasok at agad na tumawag.“Hello, sir, how can I help?” sagot ni Arya.“Ipalipat ang mesa ng secretary sa loob. Ilagay sa kanan ng mesa ko,” malamig na utos ni Ronel, walang space para sa pagtutol.“Yes, sir.”Umupo si Ronel sa itim na leather chair ang upuan ng kapangyarihan na na
“Rain” halos bulong ang tinig ni Bella habang sinusundan ang asawa papasok sa kanilang kwarto matapos ang dinner.Biglang lumingon si Rain, malamig ang titig na tila tumatagos sa kanya. Ang gilid ng kanyang labi ay kumurba sa isang mapanuyang ngiti.“Ang talino mo din ano Bella. Alam mong si Kuya Ronel ang kinatatakutan ng lahat dito sa pamilya, kaya tumakbo ka sa kanya para humingi ng tulong.”Napakunot ang noo ni Bella, litong-lito.“Anong… ibig mong sabihin, Rain?”“‘Dont play dumb Bella!” Sambit ni rain Habang dinuduro duro nya si Bella sa sobra nyang kainisan sa sarili nyang asawa.“I’m sure nagreklamo ka kay kuya, hindi ba? At sinabi mong sawa ka na sa pagturing sa’yo na parang servant lang dito sa bahay.”Alam ni Rain ang ugali ng kanyang kapatid. Oo, matapang si Ronel, pero hindi siya marunong tumalikod sa taong lumapit na umiiyak. Sa isip ni Rain, sure sya na ginawa iyon ni Bella.“That’s why you begged him for a job para makatakas sa gawaing bahay, tama?” Nanggigil ang pang
“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tumingin si Ronel, sapat lang para makita si Bella na nakaluhod sa sahig at si Luwee na hawak ang daliri na tila ba sinasadya ang eksena.Nanatiling malamig ang ekspresyon ni Ronel, hindi mabasa.Samantala, nakangisi si Kelly. Malinaw sa kanyang tingin alam niyang hindi aksidente ang nangyari, kundi palabas lang ng biyenan.Tumayo agad si Kendra mula sa carpet, bakas ang pag-aalala sa mukha nang makita si Bella na natumba. Tatakbo sana bata papunta sa tita Bella nya, ngunit mabilis ang malamig na tinig ng ina.“Sit down, Kendra.” Walang nagawa ang bata para tulungan tita Bella nya.Napahinto ang bata, tumingin sandali sa ina, saka muling umupo at nagkunwaring naglalaro ngunit patuloy pa ring palih
“Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang ang sinabi ko kaninang umaga? Akala mo nag joke lang ako tungkol sa hospital expense ng lolo mo, ha?”Yumuko si Bella, mariing pinisil ang card hanggang halos magusot.“Rain… pero hindi ko kaya ipagamit katawan ko sa hindi ko asawa,” halos pumutol ang boses niya, mahina, halos hindi marinig. “Hindi ko kayang gawin ‘yon please Rain ayoko.”Lumapit si Rain, mabagal ngunit nakakatakot ang bawat hakbang, hanggang wala nang pagitan sa kanilang dalawa.“Just do it Bella,” malamig niyang sabi. “Dahil wala ka ng choice.”Napatingala si Bella, dahil napupuno na ng luha ang mga mata. “Rain… pakiusap. Huwag mo naman akong pilitin ng ganito. “Tumigil ka.”Isang salita lang, ngunit sapat para patahimik
“Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig ang ekspresyon.“Don’t let yourself be treated like a servant. Ang lugar mo sa bahay na ito ay bilang daughter-in-law ng pamilya Reynolds at hindi isang utusan o katulong.”Mabilis na yumuko si Bella, naglalaro ang mga daliri sa kaba. “O-opo, Kuya,” mahina niyang wika, nanginginig ang tinig.Isang hakbang pa ang inilapit ni Ronel, sapat para mapatalon ang puso ni Bella sa kanyang dibdib. Napigil ang kanyang hininga.Matalim ang titig ng lalaki, para bang binabalatan ang lahat ng pagtatago niya, para bang nababasa ang bawat lihim na pilit niyang itinatago.“Are you alright?” tanong ni Ronel. Walang lambing sa tono, ngunit mas lalong tumama sa puso ni Bella na para bang una beses na may tao nag
Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga luha, humalo sa bula ng sabon. Tahimik siyang humikbi, nanginginig ang balikat sa bigat ng ultimatum: tatlong buwan para magdalang-tao.Biglang may marahang haplos sa kanyang likod. Nagulat si Bella at mabilis na pinunasan ang luha gamit ang braso.“Miss Bella…” malumanay na sambit ni Karen, ang kasambahay ng pamilya, habang hinahaplos ang kanyang braso.“Tama na, Miss. Huwag ka nang umiyak. Sobrang mahalaga ng luha mo para sayangin sa mga salita nila, kahit pa kay Ma’am Luwee,” bulong niya, sabay agaw sa plato mula sa kamay ni Bella.“Hayaan mo na ako ang magtapos nito.”Ngunit mabilis na kinuha ni Bella ang plato. “Hindi, Karen. Ako na ang tatapos.”“Pakiusap, Miss. Ako na. Magpahinga ka m
“Find another man to get you pregnant, Bella.”Parang martilyong tumama sa dibdib ni Bella ang mga salitang iyon ni Rain nang umagang iyon.Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ng asawa nya. Paano nagawa ng sariling asawa na kalmado siyang utusan na magpabuntis sa ibang lalaki?“Se-seryoso ka ba







