LOGIN
“Find another man to get you pregnant, Bella.”
Parang martilyong tumama sa dibdib ni Bella ang mga salitang iyon ni Rain nang umagang iyon.
Nanlaki ang mga mata ni Bella sa sinabi ng asawa nya. Paano nagawa ng sariling asawa na kalmado siyang utusan na magpabuntis sa ibang lalaki?
“Se-seryoso ka ba, Rain?” bulong ni Bella, nanginginig ang tinig. “Nagbibiro ka lang di ba? Bakit ako mag papabuntis sa ibang lalaki?”
Mabigat ang buntong-hininga ni Rain. “I’m sick of it! Si mommy, paulit-ulit akong pinipilit tungkol sa tagapagmana. Pagod na ako sa pressure. Lagi niyang tinatanong kung kailan ka mabubuntis.”
Napalunok si Bella. “Eh… bakit hindi sa’yo, Rain? Andiyan ka naman asawa ko bakit kailangan sa iba?”
“Sa’yo? Huwag kang magpatawa! I won’t waste my nights with you!”
Parang tinaga ang puso ni Bella sa mga salitang iyon. Bumuka ang kanyang bibig, ngunit walang lumabas na salita.
“Kung kaya mo, maghanap ka ng matinong lalaki. If not, I’ll find one for you,” malamig na tugon ni Rain, tila ba tapos na ang usapan. “Hindi ako nakikipag-negotiate.”
Nanikip ang dibdib ni Bella, mahigpit nya itinikom ang kanyang kamay hanggang namutla ang mga kamao.
Bago pa siya makapagsalita, muling nagsalita si Rain.
“You must get pregnant I don’t care how! Ang pag papakasal ko sa’yo ay kahihiyan na sa harap ng mga kapatid ko, tapos gusto mo pang dagdagan ang kahihiyan sa hindi mo pagbibigay ng anak?”
Nakakrus ang mga braso ng lalaki, malamig ang tingin ngunit mabigat ang dating. “Gagawin mo or I’ll cut off your lolo’s hospital expenses!”
Mabilis na umiling si Bella, natakot. “Huwag, Rain. Pakiusap, huwag mong gawin ‘yon kay Lolo! Kailangan niya ang gamutan hanggang gumaling siya.”
Huminga si Rain, hindi dahil nagdadalawang-isip, kundi dahil sa matibay na desisyon. “Magpasya ka na ngayon. Para hindi ko putulin hospital expense ng lolo mo.”
Oo o hindi. Pinakamahirap na desisyon na kinaharap ni Bella lalo na’t nakasalalay ang buhay ng kanyang lolo.
Isang taon pa lang silang kasal. At sa panahong iyon, naramdaman na ni Bella na hindi siya minahal ng asawa nya.
Ikinasal lang si Bella at Rain dahil lang sa kagustuhan ng kanilang mga lolo. Matagal nang magkaibigan ang mga ito, at ipinagkasundo ang kanilang mga apo.
Kung alam lang ni Bella mula sa simula, nangako siya na hinding-hindi siya papayag na pakasalan si Rain. Sinubukan niyang mahalin ang lalaki, ngunit ni minsan, hindi nasuklian kahit konti ni Rain eto.
“Ano na?” tanong ni Rain, nakataas ang kilay, naghihintay ng sagot.
Napalunok si Bella. “Bigyan mo ko ng panahon makapag isip please, Rain.”
Nanatiling malamig ang tingin ng lalaki. “Sige. Bibigyan kita ng tatlong araw.” At umalis na siya sa kwarto.
Nanatiling nakatayo si Bella, nanginginig ang tuhod sa mga kabaliwang gusto mangyari ng kanyang asawa
“Paano ako makakahanap ng matinong lalaki? At ang batang iyon… magiging tagapagmana ng pamilya Reynolds.”
Napatingin siya sa orasan sa dingding. Alas-siyete y medya oras na para maghanda ng almusal.
“Naku, Diyos ko!”
Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Nagmadali siyang lumabas ng silid, halos tumatakbo papunta sa kusina.
Naghihintay ang kanyang nakasanayan: ang paghahanda ng almusal para sa pamilya Reynolds ang biyenan, mga bayaw, at mga pamangkin.
Ang mga Reynolds ay makapangyarihang pamilya, mahigpit sa tradisyong. Lahat ay nakatira sa iisang bubong mga magulang, anak, manugang isang katotohan hindi nakikita ngunit nakakasakal.
At si Bella, ang pinakabatang manugang na walang trabaho, ay naging pangunahing taga asikaso sa bahay ng Reynolds. Luto, linis, at siguraduhing perpekto ang lahat.
May mga katulong naman, ngunit si Bella ang inaasahang kikilos sa bahay para sa mas maayos na bahay.
Pagkalipas ng kalahating oras, handa na ang almusal. At tungkulin ni Bella na iserve ito sa kanyang biyenan at asawa.
“Ito na po ang green tea n’yo, Mommy,” mahina niyang sabi, habang iniaabot ang tasa.
“Salamat,” malamig na tugon ni Luwee, ni hindi siya tinitingnan.
Nang lumapit siya kay Rain, itinulak nito ang plato. “Ako na. Umupo ka na lang.” Malamig ang tono.
Bahagyang ngumiti si Bella at umupo sa tabi niya.
Ngunit bago pa niya mahawakan ang tinapay, nadinig ang matalim na boses ni Luwee.
“Isang taon. Isang buong taon na mula nang maging manugang kita Bella. Pero hanggang ngayon, you’re still not pregnant.”
Nanigas ang kamay ni Bella, bumagsak sa kanyang binti habang naka upo. Yumuko siya, mahigpit na nagdikit ang mga daliri, takot na takot tumingin sa kahit sino.
Ramdam niya ang mga mapang-asar na tingin ng kanyang mga hipag.
Nagliyab ang hiya sa kanyang dibdib. Ang mga Reynolds ay elite na pamilya ng dugong Spanish at Chinese. Si Luwee Luis Reynolds, dugong Spanish; ang yumaong asawa niyang si Von Derick Reynolds, isang Chinese tycoon.
Sila ang may-ari ng Reynolds Corporation, may negosyo, hotel, at ospital sa iba’t ibang bansa. Ang yaman ay naipasa sa tatlong anak: si Ronel, ang panganay; si Kingstone, ang pangalawa; at si Rain, ang bunso.
““I’ve already made an appointment with the best gynecologist,” sabi ni Luwee, iniabot ang isang card kay Rain para ibigay kay Bella.
Walang gana itong iniabot sa asawa, ni hindi siya tinitingnan.
“Wala akong pakialam kung paano, you must get checked.”
“Baka baog si Bella, Mommy!” sabat ni Kelly, asawa ni Ronel. Saglit lang siyang tiningnan ng lalaki.
“Oo nga, Kelly. Maybe she is baog kaya tinatago para hindi siya ih divorce!” dagdag ni Veronica, asawa ni Kingstone, lalo pang nagpasiklab ng apoy sa usapan.
Palaging minamaliit ng dalawang hipag si Bella, dahil mas mataas ang pinagmulan nila. Si Kelly, isang designer na nag-aral sa Amerika, anak ng mayamang negosyante, ngayon ay may malaking boutique. Si Veronica, isang abogada, anak ng pinakamalaking law firm owner.
At si Bella? Isang simpleng babae na napili lang dahil minsang naging kaibigan ng kanyang lolo ang ama ni Luwee.
Parang latigong tumama sa mukha ni Bella ang salitang “baog.” Ni minsan, hindi siya hinawakan ni Rain, ngunit siya pa ang inaakusahan ng pagkabaog.
Namutla ang kanyang mukha. Napatingin siya kay Rain, ngunit nakatutok lang ito sa plato, walang pakialam, para bang sanay na sa paulit-ulit na eksena.
Gaya ng dati, hindi siya ipinagtanggol.
“Mommy, maayos naman po ang matress ko,” mahina niyang pagtatanggol, nanginginig ang tinig.
BANG!
Malakas na ibinagsak ni Luwee ang kutsilyo sa mesa, ikinagulat ng lahat. Malamig ang kanyang mga mata, matalim ang titig.
“There is no such thing as ‘fine,’ Bella! Do what I say, at ipadala mo sa akin ang resulta.
Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel
Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang
“Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu
“Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus
Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako
Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel
“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming
“Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang
“Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an
Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga







