Share

Chapter 14

Author: Khollen
last update publish date: 2026-07-03 09:01:10

Ng umagang iyon, walang nagbago sa dinner table ng pamilya ng Reynolds kumpleto ang mag kakapatid kasama si Luwee at sina Kelly, Veronica at mga bata maliban sa isang tao. Muli na namang kapansin-pansin ang kawalan ni Bella sa dinner table, at agad itong napansin ni Luwee.

“Hindi ba umuwi si Bella kagabi galing sa trabaho?” Matalim ang mga mata ni Luwee, nakatutok sa bunsong anak na si Rain, humihingi ng sagot.

Napalunok si Rain sa tanong ng ina at pinilit ang sarili na mag isip ng agarang dahilan upang pag takpan ang utos sa sarili asawa dahilan ng hindi pag uwi. “Hindi, Mi. Sabi niya marami pa siyang kailangang tapusin sa trabaho. Humingi siya ng pahintulot sa akin na hindi muna sya makaka uwi kagabi at sa opisina siya nagpalipas ng gabi.”

“At pumayag ka?” Nagyelo ang tinig ni Luwee.

Maingat na tumango si Rain. “Delikado pong umuwi siya mag-isa nang ganoong oras, kahit pa mag-taxi. At hindi ko rin siya masundo, Mi. Nagtatae po ako kagabi…”

Umiling si Luwee sabay hawak sa kanyan noo, hindi makapaniwala. “Sigurado ka bang nagtatrabaho talaga siya? O palusot lang iyon? Paano kung may kalaguyo, kabit siya sa office? Sinasabi ko sayo Rain madami posible mangyari bantayan mo yang asawa mo. Pamaya hindi mo namamalayan my ibang lalaki na pala asawa mo” Mabigat ang bawat salita, puno ng paratang.

Tumahimik ang mesa, tila kumalat ang pagkabigla sa buong pamilya. Tanging si Ronel ang nanatiling kalmado, nakatutok sa kanyang pagkain.

Ngunit bahagya niyang sinulyapan si Rain na walang imik, ni hindi man lang ipinagtanggol ang asawang siya mismo ang nag-utos na makipagtagpo sa ibang lalaki.

Sa loob-loob ni Rain, may kakaibang ginhawa sa hinala ng ina. Kung maniniwala si Luwee na may pagtataksil si Bella, Hindi mapapansin ang tunay na dahilan na sya mismo ang nag utos sa kanya asawa sumiping sa ibang lalaki at si Bella lang ang mapapasama sa kanyang ina.

“Marami talagang trabaho sa opisina mommy bago ako umalis sa office kahapon binilinan ko si Bella na tapusin ang trabaho,” sa wakas ay nagsalita si Ronel, matatag ang tinig, nakatuon sa ina na nakaupo sa ulo ng mesa.

Agad na napalingon ang lahat. Nagkatinginan sina Kelly at Veronica, kapwa may kinikimkim na pagkamuhi kay Bella.

“Mahigpit akong amo gusto ko lahat ng tao ko ay kaya magtrabaho under pressure,” patuloy ni Ronel, mariin ang tono. “Sinasanay ko ang lahat ng empleyado ko, kasama si Bella. Hindi exempted kung siya man ay hipag ko.”

Umalingawngaw ang kanyang awtoridad sa buong silid, pinatahimik ang lahat. Pagkatapos, ibinaling niya ang tingin kay Rain.

“Bilang asawa, Rain, dapat sinusuportahan mo siya. Hindi mo siya dapat pagdudahan.”

Nanuyo ang lalamunan ni Rain sa hiya at pang uusig sa kanya ng sarili kapatid. Npahiya sya sa sinabi ng kapatid at mahina niyang pinisil ang kamao sa ibabaw ng mesa, ngunit nahuli ng malamig na titig ni Ronel ang bawat kilos.

“O-oo, Kuya,” pautal niyang sagot.

Sandaling tumingin si Veronica kay Ronel, bago ibinaling ang mga mata kay Rain. Nanatili ang tensyon dahil lang sa pagkawala ni Bella sa dinner table ng umagang yon’, parang usok na hindi mawala ang tensyon.

Samantala, sa hotel kung saan nagpalipas ng gabi si Bella, Pag kagising nya mag-isa siyang umupo at nag aalmusal magaan sa pakiramdam ang gumising na walang iba ina alala.

Kakaiba ang umaga malayo sa walang katapusang gawain na araw-araw niyang dinaranas sa mansyon ng Reynolds.

Ngayong araw, malaya siya walang iniisip kundi ang pag pasok sa office. Malaya mula sa paggising ng alas-singko walang iniisip para maglinis, magluto, maghugas ng pinggan, at habulin ang mga gawaing walang hanggan na para bang di maubos ubos na gawain. Malaya mula sa pagtrato sa kanya na para bang utusan sa sariling tahanan.

Nakakapanibago. Napakasaya, ngunit may pag aalinlangan  pa din sa loob ni Bella.

Magkahalong ginhawa at takot ang nararamdaman nya sa kanyang dibdib. Ang katawan niya’y tila naghahanap pa rin ng gawain, hindi sanay ang katawan na walang ginagawa.

“Kagabi…” bulong niya sa sarili. “Sa unang pagkakataon sa loob ng isang taon, ngayon ko lng naranasan ang ganito nakatulog ako sa totoong kama.”

Nanatili sa hangin ang mga salita. Dahan-dahan siyang huminga, sinusubukang tanggapin ang katotohanang nakapagpahinga siya nang matiwasay.

Bumaba ang kanyang paningin sa suot.

At napatingin sa isang napaka  gandang uniporme ng secretary blouse, maiksing pencil skirt, blazer. Mild ang kulay, elegant, sakto ang sukat. Lahat bago at pinasadya pa para sa kanya ito.

Si Ronel ang bumili nito para sa kanya. Pati kanyang sapatos.

Hinawakan niya tela ng kanyang mga daliri, hindi makapaniwala na sout nya eto. Paano siya nagkaroon ng ganito? Ni hindi niya pinangarap na magkaroon ng damit na branded at napaka mahal.

“Gusto ko suotin mo ito bukas pag pasok sa office,” wika ni Ronel kagabi. “Ipinasadya ko sa sukat mo.”

Umuukit pa rin sa kanyang pandinig ang alaala.

Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nakaramdam siya ng halaga. Karapat-dapat na maging maayos ang itsura, maglakad nang taas-noo, makita bilang isang kagalang galang na babae at hindi isang utusan.

“Parang hindi totoo ang lahat, parang panaginip ang lahat ng ito,” bulong niya. “At kung panaginip nga… ayokong magising, sa loob ng isang taon ngayon ko lang naranasan ang mga ito. Sana lang talaga hindi na ko magising kung panaginip lang lahat ng ito.”

Ngunit hindi nagtagal ang sandali. Tinapos niya ang almusal at sinuot ang damit at sapatos na binili ni Ronel para sa kanya, lumabas ng hotel, at nagtungo sa opisina para mag trabaho.

At sumakay na ng taxi si Bella. Labinlimang minuto ang lumipas, nakarating siya sa Reynolds Corporation.

Binayaran niya ang taxi, binuksan ang pinto at lumabas ngunit napatigil sya sa una nya nakita.

Nakasandal sa kotse, malamig ang titig na parang bakal, nakatayo ang lalaking pinaka hindi niya gustong makita ngayong umaga.

Si Rain.

“R..ain…” Naputol ang kanyang tinig, bumilis ang kanyang paghinga.

Tinitigan sya mula ulo hanggang paa ni Rain at ang kanyang kasuotan, bago muling ibinalik sa kanyang mukha walang mabasa.

“Saan ka galing kagabi? Hindi ka man lang marunong mag update kinailangan ko pa mag isip ng idadahilan kayna mommy kanina kung san ka nagpunta kagabi” Mababa, tuwid, at mapanganib ang kanyang tinig.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 20

    Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 19

    Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 18

    “Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 17

    “Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 16

    Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 15

    Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 5

    “Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 4

    “Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 3

    “Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an

  • Sweet Trap in My Brother-in-Law’s Arms   Chapter 2

    Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status