Se connecter“Bakit mo pa rin tinatanong ang tungkol sa lalaking iyon?” Bumaba ang tinig ni Ronel, malamig at nakakatindig-balahibo. Ang kanyang mga mata’y dumaan sa mukha ni Bella hanggang sa kusa itong yumuko.
Nanuyo ang kanyang lalamunan habang bumulong, halos hindi marinig. “Gusto ko lang malaman, Kuya Ronel. Bakit ikaw ang dumating at hindi siya? Saan… saan siya nagpunta?”
“Curious lang ba talaga,” bahagyang ngumiti si Ronel, manipis at matalim na parang talim ng kutsilyo, “o umaasa kang matikman ang bago?”
Napataas ang mga mata ni Bella, gulat na gulat. Biglang ang kaba sa kanyang titig, ngunit may kasamang ibang bagay isang bagay na agad nakilala ni Ronel. Alam niyang mula ngayong gabi, hinding-hindi na makakalimutan ni Bella ang kanyang haplos.
“Natatakot lang ako,” sambit niya, nanginginig ang tinig. “Takot na baka isumbong ng lalaking iyon kay Rain… na hindi ko nagawa ang pinapagawa nya sa akin.”
Umusod si Ronel, tumayo mula sa kama at yumuko palapit kay Bella sobrang lapit. Sa sobrang lapit ang kanyang hininga’y dumampi sa pisngi ni Bella, dahilan upang mapaatras ang ulo nito sa gulat.
Kuya mahigpit niyang niyakap ang kumot, pilit binalot ang sarili.
“Bella,” mababa at mabigat ang boses ni Ronel , halos bulong. “Itigil mo na ang pag-iisip tungkol sa kanya. Wala siyang kwenta.”
Nagtagpo ang kanilang mga mata madilim, matatag, walang puwang para sa pagtutol. “At tungkol kay Rain… ipinapangako kong hinding-hindi niya malalaman.”
Sa payapang kumpiyansa, lumayo si Ronel, bumaba mula sa kama na para bang ang hubad nyang sarili ay isang bagay na normal lang at walang malisya.
“Mag shower ka at linisin mo ang sarili bago matulog,” malamig niyang wika, sabay kuha ng maayos na nakatiklop na tuwalya. “Kung ayaw mong magkasakit.”
Napalunok si Bella, nakatitig sa malapad na likod ni Ronel habang papasok ito sa banyo. Piniga ng takot, kahihiyan, at isang damdaming hindi pa niya matukoy ang kanyang dibdib.
“K…uya , mauna ka na,” pautal niyang sabi. “Hihintayin kita sa banyo. Susunod ako.”
Sumingit ang tunog ng tubig mula sa loob nang magsara ang pinto.
Huminga nang malalim si Bella, nanginginig, at tumingin sa sariling katawan sa ilalim ng kumot. Mainit pa rin ang kanyang balat, may bakas ng presensya ni Ronel ang mapupulang bakas sa dibdib nya, at ayaw kumalma ng kanyang tibok ng puso.
Tinakpan niya ang mukha ng mga palad. Ginawa ko na Diyos ko sa kapatid pa ng asawa ko talaga. Nilampasan ko na ang hangganan.
“Para sa kaligtasan, Bella,” bulong niya sa sarili. “Para sa kinabukasan… at para sa buhay ni Lolo.”
Makalipas ang kalahating oras, lumabas si Ronel mula sa banyo, nakapulupot ang puting tuwalya sa kanyang baywang. Ang mga patak ng tubig ay dumaloy mula sa kanyang panga, bumaba sa dibdib, at naglaho sa mga guhit ng kanyang tiyan.
Napatigil si Bella. Kanina pa siya balisa, ngunit ang makita si Ronel sa ganitong anyo’y mas mapanganib.
Huminto ito sa harap ng kama. “Bakit ganyan ka tumitig sa akin gusto mo ba uli?” Pabiro nito pero tahimik ang tono, ngunit tumama sa kanya na parang babala.
“H-hindi!” mabilis niyang sagot.
Agad siyang bumangon, nanginginig ang mga hakbang. Ang tuwalya sa kanyang katawan ay tila napakaluwag, napakanipis, lalo na’t nakatayo si Ronel na wari’y isang iskulturang nililok ng mga kamay ng diyos.
“Dahan-dahan,” mahinahon niyang sabi. “Gusto mo ba ng tulong?”
“Huwag na, Kuya. Kaya ko,” sambit ni Bella.
Ngunit bago pa siya makabawi, nadulas ang kanyang paa.
“Ah!”
Sa isang iglap, nasalo siya ni Ronel, mahigpit ang bisig sa kanyang baywang. Ang amoy nito sabon na fresh, hinaluan ng pang lalaki pabango ay binalot siya, ninakaw ang kanyang hininga.
“Kaya kong maglakad. Ok na ako pwede mo na ako itayo,” bulong niya, nanginginig sa hiya.
“Huwag kang matigas ang ulo,” malamig na sagot ni Ronel, mariin at mapang-utos.
Binuhat ni Ronel Si Bella. Napakapit ang kanyang mga kamay sa balikat nito, nakadikit ang katawan sa init ng lalaki. Bawat hakbang ni Ronel ay nagdala sa kanya sa kabilang dulo ng silid, habang ang patak ng tubig mula sa buhok nito’y bumabasag sa katahimikan.
Binuksan ni Ronel ang pinto ng banyo gamit ang paa. Sumalubong ang singaw ng amoy sa banyo na Bamboo fresh.
Naupo si Bella sa gilid ng bathtub. “Ingat. Madulas ang sahig,” paalala ni Ronel.
Dumampi ang kanyang mga daliri sa maligamgam na tubig, at isang mahinang ungol ang nakawala sa kanyang labi.
Lumapit si Ronel, titig na titig, mapanganib ang lapit. “Kung hindi mo kaya, tutulungan kita.”
Banayad ang mga salita, ngunit ang tono Diyos ko pinakamatamis na banta na narinig niya.
“Kaya ko, Kuya,” mabilis niyang sagot, pilit na ngumiti. “Salamat sa pagdala sa akin dito.”
“Sigurado ka?” muling tanong ni Ronel.
“Oo,” tumango siya.
Bahagyang tumango si Ronel, sabay talikod. Ngunit bago tuluyang lumabas, lumingon ito, malamig ang mga mata ngunit may kasamang bagay na pumilipit sa dibdib ni Bella.
“Kung mahilo ka o magkasakit, tawagin mo ako,” bilin niya. “Hindi ko hahayaang may mangyari sa’yo.”
Sumara ang pinto.
Ngunit ang puso ni Bella hindi kumalma. Kumakabog, ligaw at walang patutunguhan, na para bang nananatili pa rin si Ronel sa loob ng silid.
Ding.
Mula sa bulsa ng pantalon ni Ronel na nakakalat sa sahig, umalingawngaw ang tunog ng bagong mensahe.
Dinampot niya ang telepono, binasa ang screen.
+63 xxx
Dumating si Rain sa hotel para sunduin ang kanyang asawa, ngunit nagawa kong paalisin siya.
Bahagyang ngumiti si Ronel, tuso at mapanganib.
Ronel bahagyang iniangat ang mukha at doon nagtagpo ang kanilang mga mata. Malamig, malalim, nakakatakot… ngunit sa parehong sandali ay nakakaadik. “Nasaan si Rain?” muling tanong ng lalaki, mabigat ang tinig. Bella napalunok nang mahirap, kinamot ang batok na hindi naman nangangati. “Si Rain kasi… nagmamadali, Sir. Kaya pinasakay na lang niya ako ng itaxi. Pero matagal dumating ang taksi, kaya nagdesisyon akong mag-move it online na lang,” mahinang sagot ng babae, pilit na nakangiti. Hindi niya alam, pero ramdam niyang hindi natuwa si Ronel sa sagot na iyon. Para bang inaasahan ng lalaki na magreklamo siya, na magsumbong tungkol sa asawa upang siya, bilang nakatatandang kapatid, ay makapagturo ng leksyon. Ngunit hindi iyon ginawa ni Bella. Tahimik na muling ibinaling ni Ronel ang atensyon sa sugat ng babae. Kinuha niya ang panglinis ng sugat, binuksan gamit ang isang kamay, at ibinuhos ang likido sa gasa. Masyadong kalmado ang bawat galaw. Idinampi niya ang gasa sa balat ni Bel
Mapait ang ngisi ni Veronica. “Ang talino mo din, ano? Marunong ka nang magpaamo kay Kuya Ronel. Una ako, tapos si Kelly. Sino ang susunod? Si Mommy?”Napakunot ang noo ni Bella, hinaplos ang pulang marka sa kanyang braso mula sa marahas na pagkakahawak.“Huwag mo akong pagbintangan ng ganyan, Ate,” mariin niyang sagot. “Ni minsan hindi ako nanlambing o nagsumbong. Sa tingin mo ba, magtatangka ako?”“Hindi mo kailangan ng tapang, Bella. Kailangan mo lang ng kapal ng mukha,” balik ni Veronica, matalim na parang patalim ang bawat salita.“Tumanda na ko ng ganito. Mula pagkabata, ni minsan hindi ako humawak ng walis o dustpan. Ni minsan. Pero dahil sa’yo” itinuro niya si Bella gamit ang bagong gel polish na mga daliri, “ngayon napilitan akong mag linis kanina. At si kuya Ronel, pinahiya ako dahil doon.”“Hindi ko intensyon na ipahiya ka, Veronica!” giit ni Bella.“Huwag kang sumagot!” sigaw ni Veronica, tumataas ang tinig. “Mali ka. Kahit ano pang sabihin mo, mali ka.”Bumaba ang kanyang
“Nakalimutan mo ba ang sinabi ko sayo?”Mabilis na lumingon si Ronel, ang malamig at matalim na titig ay nakapako kay Bella sapat upang numipis ang hangin sa pagitan nila.Nanuyo ang lalamunan ni Bella. “Alin… alin po, Kuya?”“Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng inuutos ng iba,” bumaba ang tinig ni Ronel, ngunit bawat salita’y mabigat, nakapapako. “Kasama na ang gawaing bahay.”Dahan-dahang huminga si Bella. “Pero… tungkulin ko po iyon, Kuya. Kahit nagtatrabaho ako sa office, bilang secretary o ano pa man… nananatili pa rin ang mga gawaing bahay ko.”Mariin ang panga ni Ronel, kumislap ang galit sa kanyang mga mata.“Hindi wag ka na matigas ang ulo Bella,” mariin niyang sagot. “Hindi mo iyon ang tungkulin.”Nakatigil si Bella, hindi makagalaw.“Hindi ka utusan sa bahay na ito tandaan mo yan,” patuloy ni Ronel, mas malamig pa. “Ikaw ay manugang. Tagapamahala ng tahanang ito. Asawa ng bunsong anak ng Reynolds at hindi isang utusan.”Bawat salita’y bumagsak na parang batas, walang pu
“Ang tanging tunay mong trabaho ay ito. Kahit pa maging secretary ka ngayon o kahit maging CEO ka balang araw ang gawaing bahay ang mananatiling pangunahing tungkulin mo, Bella!” Puno ng pangungutya ang tinig ni Kelly.Yumuko si Bella.Nasa paanan niya ang walis at dustpan, muling ibinabalik siya sa katotohanan na hindi niya matakasan hindi bilang asawa ni Rain, hindi bilang secretary ni Ronel, kundi bilang utusan ng bahay na ito.Tahimik siyang huminga, malamlam ang mga mata, sabay dampot sa walis. Walang salita. Walang pagtutol. Walang depensa.Sapagkat sa bahay na ito, katahimikan lamang ang kanyang kalasag. Kung pipiliin pa nyang sumagot lalo lang syang pag iinitan ng dalawa nyang hipag.Bahagya niyang itinaas ang ulo, nakipagtagpo sa mga mata ng kanyang mga hipag, sabay alay ng isang maliit, banayad na ngiti. Ngiting mas parang sampal kaysa paggalang.“Oo. Salamat tatandaan ko.”Nanatili ang ngiti habang bahagya siyang yumuko, saka naglakad palayo nang walang reklamo dala ang dus
Alas-onse nang magising si Bella mula sa dalawang oras na mahimbing na tulog.Pag-angat ng kanyang ulo, agad na sumakit ang batok dahil sa pagkakatulog nang nakaupo. Namamanhid ang kanyang braso, ayaw gumalaw nang maayos nangalay sya sa kanyang pwesto sa pag kaka ubob sa lamesa“Aray…” mahina niyang daing, sabay banat ng mga kalamnan.“Teka… anong oras na ba? Lagot napahaba pala tulog ko” bulong niya, sabay tingin sa relo sa pulso. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hala alas onse na pala. “nakatulog pala ako ng mahaba.”Mabilis na lumingon ang kanyang paningin sa mesa ni Ronel walang tao. Gumaan ang kanyang dibdib sa pag aakala wala pa si sir Ronel nya.“Salamat naman wala pa sya, hindi talaga pumasok si Sir Ronel sa op…” Naputol ang kanyang tinig.Naroon si Ronel. Tahimik na nakaupo sa isang sofa, nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nakataas ang manggas na naglantad sa matitigas na bisig. Nakakrus ang mga binti, ang tindig ay puno ng awtoridad. Malamig at matalim ang mga mata, nakapako
Humugot ng malalim na hininga si Bella, dahan-dahang pinakawalan, pilit itinatago ang panginginig ng dibdib na ayaw niyang makita at mahalata ni Rain.“Nasa hotel ako kagabi, Rain,” mahina niyang wika, pinilit ang isang maliit na ngiti.Nanatiling malamig ang titig ni Rain, matalim na parang tumatagos. “Kaya doon ka nagpalipas ng gabi? Matapos mong makipagtagpo sa lalaking pinili ko, pumunta ka pa sa iba, hindi ba? Di ka pa ba nakuntento lalaki pinili ko talagang hindi ka pa nakuntento talagang nag hanap ka pa ng iba”Nanlaki ang mga mata ni Bella sa pagkagulat. Mabilis siyang umiling. “Hindi, Rain. Hinding-hindi ko gagawin iyon. Lahat ng ginawa ko kagabi ay lahat lang ng inutos mo sa akin wala na ko ibang lalaki tinagpo maniwala ka sa akin.”“Kung gayon, bakit hindi ka umuwi?” Mariin ang panga ni Rain, bawat salita’y putol-putol, puno ng galit. “Hinintay kita. Nag-alala ako na baka mahuli ka. Kapag may nakaalam, madadamay ako sa’yo.”Sa sobrang galit ng boses ni Rain, napayuko si Bel
“Aray ko, ano ba yan!” matalim na sigaw ni Luwee, nakaturo kay Bella na para bang nakagawa siya ng mabigat na kasalanan kahit maingat naman ang ginawa. “Hindi mo inaayos ang pag gupit ng mga kuko ko!”Biglang natahimik ang buong silid maliban sa malakas na kabog ng dibdib ni Bella.Saglit na tuming
“Rain…” mahina ang bulong ni Bella habang tumayo mula sa upuan, nanginginig ang kamay na inaabot ang business card. “Bakit kailangan pa nating pag-usapan ulit ‘to, kelangan ba talaga eto ung maging sulosyon sa problema natin, Rain?”“Bakit?” matalim na tingin ni Rain. “Ah… iniisip mo bang biro lang
“Hindi mo dapat palaging sundin ang utos ng iba tandaan mo yan.”Napatingala si Bella, nagulat nang magtama ang kanilang mga mata ni Ronel dahil iyon ang unang beses na nagsalita siya ng mga salitang tila pabor sa kanya.Bago pa man niya lubos na maunawaan, lumapit si Ronel, nananatiling malamig an
Matapos ang tensyon sa almusal, dumiretso si Bella sa kusina upang hugasan ang mga pinggan na iniwan ng buong pamilya.Mariin niyang pinisil ang sponge sa mga plato, na para bang ang bawat kuskos ay kayang burahin ang mga masasakit na salita ng kanyang biyenan.Unti-unting bumagsak ang kanyang mga


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




