แชร์

2. AN UNEXPECTED SETTLEMENT

ผู้เขียน: Redpen
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-16 23:30:31

AMBER POV

POLICE STATION

Nakita kong nag-uusap ang pulis at ang arogante at matapobreng lalaki sa medyo malayong bahagi ng police station. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.

Kanina lang ay halos gusto na niya akong pagbayarin ng isang milyong piso. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa akin kahit ilang beses kong ipinaliwanag na hindi pa bayad ang e-bike ko at ginagamit ko iyon para sa trabaho.

Ngayon naman, mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.

Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang bumalik. Kasama ng lalaki ang pulis na nag-interview sa akin kanina. Napansin kong nakangiti ang police officer habang papalapit sa akin.

"Maswerte ka. Mukhang malakas ang guardian angel mo ngayon," nakangiting sabi niya.

Nakunot ang noo ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Kanina lang ay parang gusto na niya akong idiin at piliting magbayad ng isang milyon. Ngayon naman, tinatawag niya akong maswerte?

"Anong ibig ninyong sabihin, Sir?" nagtatakang tanong ko.

"Well, pumayag na si Sir na sagutin ang lahat ng damages na ginawa niya sa sasakyan mo. Titiyakin niyang mababayaran nang buo ang halaga ng vehicle na nasira niya."

Napanganga ako.

For a moment, hindi ako nakapagsalita.

Ha?

Teka lang.

Tama ba ang narinig ko?

Siya mismo ang magbabayad ng damage sa e-bike ko?

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na iyon. Parang kanina lang ay gusto niya akong ilubog sa lupa dahil sa nabasag kong windshield, pero ngayon ay bigla na lang siyang pumayag na bayaran ang lahat ng pinsalang ginawa niya sa sasakyan ko.

What just happened?

Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin sa lalaki. Nakatayo lang siya roon habang nakasuot ng malamig at walang pakialam na ekspresyon sa mukha. Hindi siya mukhang natutuwa sa nangyayari, pero hindi na rin siya kasinggalit kanina.

Well, siguro naman ay natauhan na rin siya.

Marunong din pala siyang makonsensiya.

Bahagya akong napangisi sa naisip ko.

"Tomorrow morning, come back here and get all the necessary documents from the police station," malamig niyang sabi.

Hindi ako sumagot agad. Sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o mainis pa rin sa kanya.

Hindi naman ako ngumiti. Hindi rin ako tumango.

Inis pa rin ako sa ginawa niya. Kahit sabihin pa nating babayaran niya ang e-bike ko, hindi naman maibabalik agad ang oras at pagod na nawala sa akin. Paano na rin ako makakauwi ngayon? Wala na akong magagamit na sasakyan.

Mukhang kailangan ko munang mag-commute.

"Sir, paki-asikaso na lang po ang lahat ng kailangan," sabi niya sa police officer.

Maya-maya, may dumating na isang lalaki na nagmamadaling lumapit sa kanya. Mukhang secretary niya iyon dahil sa pormal nitong pananamit at sa paraan ng pakikitungo nito sa amo.

"Sir, what happened?" nag-aalalang tanong nito habang sinusuri ang paligid.

Mukhang nagtataka rin siya kung bakit naroon ang amo niya sa police station.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Dalhin mo muna ako sa pagawaan ng kotse ko," maikling sagot ng lalaki.

Tumango naman ang secretary niya.

Pero bago tuluyang umalis, muli siyang humarap sa police officer.

"Daniel will bring all the necessary documents and payment details here. I want everything properly documented, and I want her signature as proof that she received the full payment for the damaged vehicle."

Napatingin ako sa kanya.

Seriously?

Nandito lang ako sa tabi niya, pero kung makapagsalita siya ay parang hindi niya ako nakikita.

Hello? I'm still here!

Hindi ba puwedeng sa akin niya mismo sabihin ang lahat ng iyon?

Simula nang malaman niyang hindi na niya kailangang pagbayarin ako, hindi na niya ako muling tiningnan. Para bang bigla na lang akong naging invisible sa paningin niya.

Tumayo siya at inayos ang damit niyang tila walang nangyaring kaguluhan. Pagkatapos ay walang anumang sinabi pa ay tuluyan na siyang naglakad palabas ng police station.

Agad namang sumunod sa kanya ang secretary niyang si Daniel.

Napailing na lang ako.

Napakayabang talaga!

"Well, at least, tapos na ang problema mo. Mukhang sinwerte ka ngayong araw, Miss," nakangiting sabi ng police officer.

Napatingin ako sa kanya at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

"Okay na po ba talaga ang lahat?" tanong ko para makasiguro.

"Yes. Bumalik ka na lang bukas para sa mga dokumentong kailangan mong pirmahan. Siguraduhin mo ring maayos mong maitago ang mga papeles bilang patunay ng settlement ninyo."

Tumango ako.

"Thank you, Sir."

"You're welcome. Ingat ka sa pag-uwi."

Ngumiti siya sa akin bago bumalik sa kanyang mesa.

Napabuntong-hininga naman ako.

"Maswerte raw..." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad palabas.

"Ano bang swerte roon? Eh, wala naman akong sasakyan para makauwi!"

Napailing na lang ako habang iniisip kung saan ako sasakay. Hindi naman kalayuan ang bahay namin, pero nakasanayan ko nang gamitin ang e-bike ko para makatipid sa pamasahe at mas mabilis akong makapag-deliver.

Ngayon, panibagong abala na naman ang kailangan kong harapin.

Paglabas ko ng police station, agad kong narinig ang pag-ring ng cellphone ko.

Napatingin ako sa screen at nakita kong tumatawag ang amo ko.

Agad ko itong sinagot.

"Hello, Madam?"

"Anong hello, Amber? Kanina ka pa dapat bumalik! Anong oras mo ba balak makarating dito? Naideliver mo na ba ang mga dapat mong ihatid?"

Napangiwi ako nang marinig ang medyo mataas niyang boses.

Mukhang kanina pa niya ako hinihintay.

"Pasensya na po, Madam. Nasira po kasi ang sasakyan ko. Nasa police station po ako ngayon dahil nagkaroon ng problema. Medyo mahaba-haba pong kuwento, pero mamaya ko na lang po ipapaliwanag. Papunta na rin naman po ako."

"Nasira ang sasakyan mo? Anong nangyari?"

"May nakabangga po sa e-bike ko, Madam. Pero huwag po kayong mag-alala. Naayos na po namin ang problema. Kailangan ko lang pong makahanap ng masasakyan pauwi."

"Fine. Basta siguraduhin mong makakabalik ka agad. Marami pa tayong kailangang asikasuhin dito."

"Yes, Madam. I'll be there as soon as possible."

Pagkatapos kong ibaba ang tawag, napabuntong-hininga ako.

Napatingin ako sa kalangitan habang hawak ang cellphone ko.

What a day!

Akala ko, sobrang mamalasin ako ngayong araw. Isang simpleng delivery lang naman ang kailangan kong gawin, pero nauwi pa sa police station ang lahat.

Kung tutuusin, hindi ko naman talaga gustong basagin ang windshield ng kotse niya. Pero ano bang magagawa ko? Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin nang maayos, pero ni katiting na paggalang ay hindi niya ipinakita sa akin.

Kung hindi niya ako minamaliit at kung hindi niya ako hinamon, hindi ko naman gagawin iyon.

Napatingin ako sa direksiyon ng parking lot kung saan nangyari ang lahat.

Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ko pa rin ang ilang piraso ng basag na salamin na naiwan sa paligid. Naalala ko tuloy ang mukha ng lalaki nang makita niyang nabasag ko ang windshield ng mamahalin niyang kotse.

Napailing ako.

Hindi ko rin naman akalain na aabot sa ganoon ang pagtatalo namin.

Pero isang bagay ang hindi pa rin mawala sa isip ko.

Ano kaya ang nakapagpabago sa isip niya?

Bakit bigla siyang pumayag na bayaran ang lahat ng damage sa e-bike ko gayong kanina lang ay halos gusto niya akong pagbayarin ng isang milyon?

May sinabi kaya sa kanya ang secretary niya? O baka naman may na-realize siya habang nasa police station kami?

Whatever.

Hindi ko na dapat problemahin iyon.

Ang mahalaga, mababayaran niya ang nasira niyang e-bike ko at hindi ko na kailangang maglabas ng pera para sa windshield ng kotse niya.

Kahit paano, nakahinga rin ako nang maluwag.

Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat at nagsimulang maglakad papunta sa pinakamalapit na sakayan.

Kailangan kong makabalik agad sa trabaho. Ayokong mapagalitan pa nang husto ng amo ko dahil lang sa nangyari.

Habang naglalakad, muli kong naalala ang malamig na tingin ng lalaking iyon.

Napakamot ako sa ulo.

"Ang yabang-yabang mo, akala mo naman kung sino ka," bulong ko sa sarili ko.

Kung magkikita pa kami ulit, sana hindi na sa ganoong paraan.

Pero kung iisipin, malabong hindi na kami magkita. Kailangan ko pa siyang makausap tungkol sa bayad sa e-bike ko.

Napabuntong-hininga ako.

Great. Just great.

Mukhang hindi pa tapos ang malas ko ngayong araw.

At ang mas nakakainis?

Hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan ng aroganteng lalaking iyon.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    5. TILL DEATH, NOT LOVE

    AMBER POVBLACKWELL EMPIREAFTER THREE DAYSNasa harap ako ngayon ng computer, abala sa pag-aayos ng mga dokumentong ipinagawa sa akin ni Daniel, ang personal assistant ni Grey Alexander Montclair.Sa loob ng tatlong araw kong pagtatrabaho rito, marami na akong natuklasan tungkol sa CEO na iyon.Malinaw at sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat ng nasaksihan ko simula noong una akong pumasok sa kumpanyang ito. Nakita ko kung gaano siya kalupit, kayabang, at kawalang-awa sa ibang tao.Wala siyang pakialam kung ilang tao ang masaktan o matapakan niya. Para sa kanya, tila walang halaga ang sinuman maliban sa sarili niya.Minsan nga ay naiisip kong baka hindi siya tao kundi isang demonyong nagkatawang-tao.Napailing ako at muling ibinalik ang atensiyon sa computer.Hindi naman ako narito para husgahan ang pagkatao niya. Kailangan ko ang trabahong ito, at iyon lamang ang mahalaga sa akin.Kailangan kong kumita ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng nakababata kong kapatid. May Stage 2 c

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    4. MY RUTHLESS CEO

    AMBER'S POVBLACKWELL EMPIREMaaga akong dumating sa kumpanyang tumanggap sa akin bilang personal secretary ng kanilang CEO.Pagdating ko sa mismong gusali ng Blackwell Empire, ipinakita ko sa guwardiya ang invitation na natanggap ko. Sinuri niya muna iyon bago niya ako pinapasok. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa, para bang may hinahanap siyang kakaiba sa aking itsura.Hindi ko na lamang iyon pinansin.Ilang sandali pa ay may lumapit na personnel upang ihatid ako sa opisina kung saan ako kakausapin ng mismong CEO ng kumpanya.Habang naglalakad kami sa malawak na hallway, napansin kong halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang sinusundan ako ng kanilang mga mata.Ano ba ang problema ng mga taong ito?May nakakatawa ba sa mukha ko?Sa halip na magpakaabala sa trabaho, tila mas interesado pa silang pagmasdan ako. Hindi ko alam kung may mali ba sa suot ko o kung may

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    3. A NEW DOORS OPEN

    AMBER POVKINABUKASANMaaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa police station at ibigay ang mga kinakailangang dokumentong hinihingi ng mga pulis kaugnay ng nangyari kahapon.Hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang pumunta sa ospital. Ayokong matagalan sa labas dahil alam kong hinihintay ako ng kapatid ko. Bukod doon, kailangan ko ring samahan ang lola ko sa pag-aalaga sa kanya.Matapos kong maasikaso ang lahat sa police station, agad akong sumakay ng jeep papunta sa ospital.Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating. Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papasok at dumiretso sa Room 201, kung saan naka-confine ang aking nakababatang kapatid.Dalawa lang kaming magkapatid, at siya na lamang ang natitira kong pamilya bukod sa aming lola. Pitong taong gulang pa lamang si Ethan, ngunit sa murang edad niya ay kailangan na niyang harapin ang isang sakit na hindi ko kailanman hiniling na maranasan niya.May Stage 2 cancer ang kapatid ko.Pagpasok ko sa silid, agad akong na

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    2. AN UNEXPECTED SETTLEMENT

    AMBER POVPOLICE STATIONNakita kong nag-uusap ang pulis at ang arogante at matapobreng lalaki sa medyo malayong bahagi ng police station. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.Kanina lang ay halos gusto na niya akong pagbayarin ng isang milyong piso. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa akin kahit ilang beses kong ipinaliwanag na hindi pa bayad ang e-bike ko at ginagamit ko iyon para sa trabaho.Ngayon naman, mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang bumalik. Kasama ng lalaki ang pulis na nag-interview sa akin kanina. Napansin kong nakangiti ang police officer habang papalapit sa akin."Maswerte ka. Mukhang malakas ang guardian angel mo ngayon," nakangiting sabi niya.Nakunot ang noo ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Kanina lang ay parang gusto na niya akong idiin at piliting magbayad ng isang milyon. Ngayon naman, tinatawag niya akong maswerte?"Anong ibig ninyong sabihi

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    1. A COLLISION WITH DESTINY

    AMBER POVCAFÉ AMOURIt was already 10:30 a.m. when I arrived at Café Amour to deliver a customer's order. Isa itong matandang babae na umorder ng simpleng damit pambata para sa kanyang apo.Sakay ang e-bike na ginagamit ko sa pagde-deliver, pumasok ako sa parking lot ng café at naghanap ng mapagpaparadahan. May napansin akong bakanteng parking space. Wala naman akong nakitang karatulang nagsasabing VIP parking iyon o may nakalaang pangalan para roon, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na iparada ang e-bike ko.Pagkaparada ko, agad kong napansin ang isang matandang babae na nakaupo sa loob ng café. Panay ang tingin niya sa paligid na para bang may hinihintay.Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ko tuluyang naiabot sa kanya ang inorder niyang damit. Nagpasalamat siya at binayaran ang order. Matapos iyon, nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang bumalik sa pinagtatrabahuhan ko.Ngunit paglabas ko ng café, halos hindi ako makapaniwala sa bumungad sa akin.Nakatumba ang e-bike ko, a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status