แชร์

4. MY RUTHLESS CEO

ผู้เขียน: Redpen
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-16 23:33:20

AMBER'S POV

BLACKWELL EMPIRE

Maaga akong dumating sa kumpanyang tumanggap sa akin bilang personal secretary ng kanilang CEO.

Pagdating ko sa mismong gusali ng Blackwell Empire, ipinakita ko sa guwardiya ang invitation na natanggap ko. Sinuri niya muna iyon bago niya ako pinapasok. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa, para bang may hinahanap siyang kakaiba sa aking itsura.

Hindi ko na lamang iyon pinansin.

Ilang sandali pa ay may lumapit na personnel upang ihatid ako sa opisina kung saan ako kakausapin ng mismong CEO ng kumpanya.

Habang naglalakad kami sa malawak na hallway, napansin kong halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang sinusundan ako ng kanilang mga mata.

Ano ba ang problema ng mga taong ito?

May nakakatawa ba sa mukha ko?

Sa halip na magpakaabala sa trabaho, tila mas interesado pa silang pagmasdan ako. Hindi ko alam kung may mali ba sa suot ko o kung may kakaiba ba akong nagawa.

Weirdo.

Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad kasunod ng personnel na umaalalay sa akin.

Pagdating namin sa isang malaking p***o, marahan siyang kumatok.

Knock! Knock!

"Come in."

Isang malalim at malamig na boses ang narinig namin mula sa loob.

Binuksan ng personnel ang p***o at pumasok muna upang ipaalam ang pagdating ko. Makalipas ang ilang segundo ay muli siyang lumabas at bahagyang itinagilid ang katawan upang bigyan ako ng senyas na maaari na akong pumasok.

Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok.

Pagbukas ko pa lamang ng p***o ay bumungad sa akin ang isang lalaking nakatalikod sa malaking office desk. Nakatanaw siya sa malawak na glass window habang tila may malalim na iniisip.

"Amber Bustamante?"

"Yes, sir."

Hindi pa rin siya humaharap sa akin.

Sa halip, nanatili siyang nakatalikod habang may hawak na ilang dokumento. Napadako ang tingin ko sa nameplate na nakapatong sa kanyang mesa.

GREY ALEXANDER MONTCLAIR

Iyon pala ang pangalan ng CEO.

"Based on your résumé, you're twenty-three years old. Second-year college undergraduate of BS Criminology. You also have military experience..."

Sandali siyang tumigil sa pagbabasa.

"Assignment: Special Operations Unit. Role: Combat Operative. Experienced in field operations and combat missions."

Bahagya siyang natahimik bago muling nagsalita.

"Interesting."

Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa tono ng pananalita niya.

"I never expected that the person applying for my secretary position would be someone with a combat background."

Muli siyang tumingin sa dokumentong hawak niya.

"Now I understand why you were brave enough to ram into my car and destroy its windshield."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.

Sandaling natigilan ako.

Unti-unting umikot ang swivel chair na kinauupuan niya hanggang sa tuluyan siyang humarap sa akin.

At doon ko siya nakilala.

Siya!

Siya ang lalaking nakabanggaan ko noong nakaraang mga araw. Ang arogante at mayabang na lalaking nagawa kong sirain ang windshield ng sasakyan!

Napatitig ako sa kanya habang nakangisi naman siyang nakatingin sa akin. Halatang natutuwa siya sa pagkagulat na mababakas sa mukha ko.

"Welcome to my company, Miss Amber."

Napakagat ako sa loob ng aking pisngi.

Sa lahat ba naman ng kumpanyang maaari kong pasukan, bakit dito pa?

At sa lahat ng taong maaari kong maging boss, bakit kailangang siya pa?

Mukhang ang pinakamasamang bilyonaryo sa buong mundo ang magiging amo ko.

Great. Just great!

---

Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap namin sa loob ng opisina, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Kailangan ko ang trabahong ito. Wala akong ibang pagpipilian kundi tanggapin ang posisyon.

Pero paano ko naman pakikisamahan ang isang lalaking walang ibang ginawa kundi inisin ako?

Umaasa na lamang akong mayroon pa ring kahit kaunting kabutihan sa puso niya. Tutal, hindi naman niya ako siningil sa nasirang windshield ng sasakyan niya.

At least, may isang magandang bagay akong puwedeng sabihin tungkol sa kanya.

Pagkatapos ng ilang sandali ay hinatid ako ng assistant niya sa desk na nakalaan para sa akin. Iyon ang magiging puwesto ko bilang personal secretary ng CEO.

Maayos naman ang lugar, maluwag at malapit sa mismong opisina ni Grey.

Ngunit kahit nakaupo na ako sa aking desk, hindi ko pa rin maiwasang mapansin ang mga tingin ng ibang empleyado sa akin.

Ano na naman ba?

Kanina pa sila ganoon. Para bang may malaking kasalanan akong nagawa dahil lamang pumasok ako sa kumpanyang ito.

Maya-maya ay may isang babaeng lumapit sa akin. Nakasuot siya ng salamin sa mata, may maikling bangs, at mukhang nasa kalagitnaan ng kanyang twenties.

"Hi! I'm Lottie. Five years na akong nagtatrabaho rito. Balita ko, ikaw raw ang bagong secretary ni Boss Grey?"

Ngumiti siya sa akin kaya bahagya rin akong ngumiti at tumango.

"Yes. I'm Amber."

Ngunit napansin kong biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang makumpirma ang sinabi ko.

Hindi siya mukhang galit o naiinis. Sa halip, para siyang nakakita ng isang taong malapit nang mapahamak.

"May problema ba?" tanong ko.

Napalingon muna siya sa paligid bago bahagyang lumapit sa akin.

"Actually, bukod kay Mr. Galvin, wala nang babaeng nagtatagal bilang secretary ni Boss Grey."

Kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Huwag kang matatakot sa sasabihin ko, ha? Pero iyong huling secretary niya..." Sandali siyang nag-alinlangan. "Nauwi sa matinding depression dahil hindi niya kinaya ang ugali ni Boss. Halos lahat ng empleyado rito ay takot sa kanya."

Napatingin ako sa kanya.

"Hindi siya katulad ng ibang boss na nakikita mo sa mga pelikula. Hindi siya iyong tipong madaling kausapin o mapakiusapan. Kapag nagalit siya, walang sinuman ang makapipigil sa kanya."

Huminga siya nang malalim.

"Kung ako sa'yo, pag-iisipan ko pang mabuti kung gusto ko talagang manatili rito. Marami pang ibang kumpanya sa labas."

Napangiti ako nang pilit.

"Thanks for the warning, Lottie. Pero kailangan ko talaga ang trabahong ito."

Hindi na siya nakapagsalita dahil biglang bumukas ang p***o ng elevator.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog.

At doon ko nakita si Grey.

Kasunod niya ang isang lalaking pamilyar sa akin—ang assistant niyang nakita ko rin sa police station noong araw na nagkakilala kami. Para siyang isang tuta na sunod nang sunod sa amo nito, hawak ang ilang dokumento habang naglalakad.

Nang mapansin ni Lottie ang pagdating ng CEO, mabilis siyang tumayo.

"Ah, I have to go. Good luck, Amber."

Hindi na niya hinintay ang sagot ko at agad na bumalik sa sariling desk.

Napabuntong-hininga ako.

Mukhang hindi nga biro ang babala niya.

Habang naglalakad si Grey sa hallway, napansin kong biglang naging abala ang lahat. Ang mga empleyadong kanina lamang ay nag-uusap at nagkukuwentuhan ay kanya-kanya nang balik sa trabaho.

May nagkunwaring nagbabasa ng dokumento. May nagmamadaling mag-type sa computer, samantalang ang iba naman ay halos hindi na mag-angat ng tingin.

Ganito ba talaga ang epekto niya sa mga tao?

Grabe. Para siyang isang hari na kapag dumating ay kailangang yumuko ang lahat.

Maging ang mga guwardiya ay tila nag-iingat sa bawat kilos nila kapag dumaraan siya.

Ngunit hindi pa roon natapos ang lahat.

Habang naglalakad si Grey sa hallway, isang lalaking mukhang nasa edad kwarenta ang biglang lumapit sa kanya. Halatang balisa ito at halos hindi mapakali.

"Sir! Sir, please!"

Napahinto si Grey.

"Parang awa n'yo na po. Kailangan na kailangan ko po ang trabahong ito. Huwag n'yo naman po akong tanggalin."

Hindi man lamang natinag si Grey. Sa halip, malamig niya lamang itong tiningnan na para bang walang anumang halaga ang pagmamakaawa nito.

Nagsimula nang magbulungan ang mga empleyadong nasa paligid.

Kunwari ay abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa aking desk, ngunit hindi ko maiwasang makinig at sumulyap sa kanila.

"Sir, please. May pamilya po akong binubuhay. Pangunahing pinagkukunan ko po ng panggastos ang trabahong ito."

Walang emosyon ang mukha ni Grey.

"Your problem is not my concern."

Nanlaki ang mga mata ko.

What?

Hindi pa ba sapat ang ganoong mga salita?

Maya-maya ay inabot ng assistant niya ang isang tasa ng kape. Kinuha iyon ni Grey habang hindi inaalis ang tingin sa lalaking nakaluhod sa harapan niya.

At sa isang iglap—

Splash!

Ibinuhos niya ang mainit na kape sa mismong mukha at dibdib ng lalaki.

Napasinghap ako.

"Oh, my God!"

Napapikit ang lalaki at napayuko habang pilit na tinitiis ang init ng kape. Halatang nasaktan siya, ngunit hindi man lamang siya naglakas-loob na magreklamo.

Ang mas nakakagulat?

Walang kahit katiting na pagsisisi sa mukha ni Grey.

"Sir..." mahinang sambit ng lalaki habang nanginginig ang boses. "Please..."

Tila lalo pang naging malamig ang ekspresyon ni Grey.

"You want your job back?"

Agad na tumango ang lalaki.

"Opo, sir! Kahit ano po, gagawin ko. Huwag n'yo lang po akong tanggalin."

Bahagyang yumuko si Grey at tinitigan ang lalaki mula sa kinatatayuan niya.

"Then kiss my shoes."

Napatigil ang lahat.

Maging ang mga empleyadong kanina pa palihim na nanonood ay tila napahinto sa paghinga.

Napatingin ako sa lalaking nakaluhod. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Hindi ko akalaing may isang taong kayang magpakababa nang ganoon para lamang mapanatili ang kanyang trabaho.

Ngunit mas hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa.

Dahan-dahan niyang hinawakan ang sapatos ni Grey at yumuko upang halikan iyon.

Isang beses.

Dalawang beses.

Hindi siya tumigil hanggang sa matapos niya ang ipinag-utos ng CEO.

Napahawak ako sa gilid ng aking desk.

Seriously? Ganito kababa ang tingin niya sa ibang tao?

Nang matapos ang lalaki, bahagyang pumalakpak si Grey.

Clap. Clap. Clap.

Ngunit walang kasunod na papuri.

Sa halip, bigla niyang sinipa ang lalaki.

"Argh!"

Napahandusay ito sa sahig.

Hindi pa nakuntento si Grey. Lumapit pa siya at mariing itinapak ang sapatos sa dibdib ng lalaking nakahandusay.

"Did you really think that would be enough?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi ako satisfied sa ginawa mo," malamig niyang sabi. "You are still fired."

"Sir! Please! Maawa po kayo!"

Piliting iniaangat ng lalaki ang sarili habang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngunit hindi man lamang lumingon si Grey.

Tinanggal niya ang paa mula sa dibdib nito, inayos ang manggas ng kanyang suit, at walang pakialam na nagpatuloy sa paglalakad.

"Clean this mess."

Iyon lamang ang sinabi niya sa kanyang assistant bago tuluyang tumalikod.

Samantalang ang lalaking naiwan sa sahig ay patuloy na umiiyak at nagmamakaawa.

"Sir! Please! Sir!"

Ngunit hindi na siya pinansin ni Grey.

Napatitig ako sa direksiyon ng pag-alis niya.

Hindi ko alam kung ano ang mas dapat kong maramdaman—galit, awa, o takot.

Hindi ko lubos maisip kung paano nagagawa ng isang tao na tratuhin nang ganoon ang kapwa niya. Naiintindihan kong may mga pagkakamali ang bawat empleyado, ngunit kailangan ba talagang ipahiya at yurakan ang pagkatao ng isang tao?

Napayuko ako at napahigpit ang pagkakahawak sa hawak kong ballpen.

At sa unang araw ko pa lamang sa Blackwell Empire, isang bagay na agad ang naging malinaw sa akin.

Hindi ordinaryong CEO si Grey Alexander Montclair.

Isa siyang lalaking sanay na sinusunod ang bawat utos, walang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao, at tila walang puwang sa puso niya para sa awa.

Napabuntong-hininga ako.

Amber Bustamante, congratulations.

Sa dami ng trabahong maaari mong pasukan, napunta ka pa talaga sa kamay ng isang demonyo.

At ang masama?

Ako ang magiging personal secretary niya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    5. TILL DEATH, NOT LOVE

    AMBER POVBLACKWELL EMPIREAFTER THREE DAYSNasa harap ako ngayon ng computer, abala sa pag-aayos ng mga dokumentong ipinagawa sa akin ni Daniel, ang personal assistant ni Grey Alexander Montclair.Sa loob ng tatlong araw kong pagtatrabaho rito, marami na akong natuklasan tungkol sa CEO na iyon.Malinaw at sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat ng nasaksihan ko simula noong una akong pumasok sa kumpanyang ito. Nakita ko kung gaano siya kalupit, kayabang, at kawalang-awa sa ibang tao.Wala siyang pakialam kung ilang tao ang masaktan o matapakan niya. Para sa kanya, tila walang halaga ang sinuman maliban sa sarili niya.Minsan nga ay naiisip kong baka hindi siya tao kundi isang demonyong nagkatawang-tao.Napailing ako at muling ibinalik ang atensiyon sa computer.Hindi naman ako narito para husgahan ang pagkatao niya. Kailangan ko ang trabahong ito, at iyon lamang ang mahalaga sa akin.Kailangan kong kumita ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng nakababata kong kapatid. May Stage 2 c

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    4. MY RUTHLESS CEO

    AMBER'S POVBLACKWELL EMPIREMaaga akong dumating sa kumpanyang tumanggap sa akin bilang personal secretary ng kanilang CEO.Pagdating ko sa mismong gusali ng Blackwell Empire, ipinakita ko sa guwardiya ang invitation na natanggap ko. Sinuri niya muna iyon bago niya ako pinapasok. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa, para bang may hinahanap siyang kakaiba sa aking itsura.Hindi ko na lamang iyon pinansin.Ilang sandali pa ay may lumapit na personnel upang ihatid ako sa opisina kung saan ako kakausapin ng mismong CEO ng kumpanya.Habang naglalakad kami sa malawak na hallway, napansin kong halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang sinusundan ako ng kanilang mga mata.Ano ba ang problema ng mga taong ito?May nakakatawa ba sa mukha ko?Sa halip na magpakaabala sa trabaho, tila mas interesado pa silang pagmasdan ako. Hindi ko alam kung may mali ba sa suot ko o kung may

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    3. A NEW DOORS OPEN

    AMBER POVKINABUKASANMaaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa police station at ibigay ang mga kinakailangang dokumentong hinihingi ng mga pulis kaugnay ng nangyari kahapon.Hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang pumunta sa ospital. Ayokong matagalan sa labas dahil alam kong hinihintay ako ng kapatid ko. Bukod doon, kailangan ko ring samahan ang lola ko sa pag-aalaga sa kanya.Matapos kong maasikaso ang lahat sa police station, agad akong sumakay ng jeep papunta sa ospital.Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating. Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papasok at dumiretso sa Room 201, kung saan naka-confine ang aking nakababatang kapatid.Dalawa lang kaming magkapatid, at siya na lamang ang natitira kong pamilya bukod sa aming lola. Pitong taong gulang pa lamang si Ethan, ngunit sa murang edad niya ay kailangan na niyang harapin ang isang sakit na hindi ko kailanman hiniling na maranasan niya.May Stage 2 cancer ang kapatid ko.Pagpasok ko sa silid, agad akong na

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    2. AN UNEXPECTED SETTLEMENT

    AMBER POVPOLICE STATIONNakita kong nag-uusap ang pulis at ang arogante at matapobreng lalaki sa medyo malayong bahagi ng police station. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.Kanina lang ay halos gusto na niya akong pagbayarin ng isang milyong piso. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa akin kahit ilang beses kong ipinaliwanag na hindi pa bayad ang e-bike ko at ginagamit ko iyon para sa trabaho.Ngayon naman, mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang bumalik. Kasama ng lalaki ang pulis na nag-interview sa akin kanina. Napansin kong nakangiti ang police officer habang papalapit sa akin."Maswerte ka. Mukhang malakas ang guardian angel mo ngayon," nakangiting sabi niya.Nakunot ang noo ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Kanina lang ay parang gusto na niya akong idiin at piliting magbayad ng isang milyon. Ngayon naman, tinatawag niya akong maswerte?"Anong ibig ninyong sabihi

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    1. A COLLISION WITH DESTINY

    AMBER POVCAFÉ AMOURIt was already 10:30 a.m. when I arrived at Café Amour to deliver a customer's order. Isa itong matandang babae na umorder ng simpleng damit pambata para sa kanyang apo.Sakay ang e-bike na ginagamit ko sa pagde-deliver, pumasok ako sa parking lot ng café at naghanap ng mapagpaparadahan. May napansin akong bakanteng parking space. Wala naman akong nakitang karatulang nagsasabing VIP parking iyon o may nakalaang pangalan para roon, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na iparada ang e-bike ko.Pagkaparada ko, agad kong napansin ang isang matandang babae na nakaupo sa loob ng café. Panay ang tingin niya sa paligid na para bang may hinihintay.Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ko tuluyang naiabot sa kanya ang inorder niyang damit. Nagpasalamat siya at binayaran ang order. Matapos iyon, nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang bumalik sa pinagtatrabahuhan ko.Ngunit paglabas ko ng café, halos hindi ako makapaniwala sa bumungad sa akin.Nakatumba ang e-bike ko, a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status