แชร์

3. A NEW DOORS OPEN

ผู้เขียน: Redpen
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-16 23:32:09

AMBER POV

KINABUKASAN

Maaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa police station at ibigay ang mga kinakailangang dokumentong hinihingi ng mga pulis kaugnay ng nangyari kahapon.

Hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang pumunta sa ospital. Ayokong matagalan sa labas dahil alam kong hinihintay ako ng kapatid ko. Bukod doon, kailangan ko ring samahan ang lola ko sa pag-aalaga sa kanya.

Matapos kong maasikaso ang lahat sa police station, agad akong sumakay ng jeep papunta sa ospital.

Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating. Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papasok at dumiretso sa Room 201, kung saan naka-confine ang aking nakababatang kapatid.

Dalawa lang kaming magkapatid, at siya na lamang ang natitira kong pamilya bukod sa aming lola. Pitong taong gulang pa lamang si Ethan, ngunit sa murang edad niya ay kailangan na niyang harapin ang isang sakit na hindi ko kailanman hiniling na maranasan niya.

May Stage 2 cancer ang kapatid ko.

Pagpasok ko sa silid, agad akong napatingin sa kama niya. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog habang nakakabit sa katawan niya ang ilang medical equipment. Maputla ang mukha niya at halatang nanghihina.

Napahinga ako nang malalim habang nakatingin sa kanya.

Masakit para sa akin na makita siyang ganoon. Sa edad niyang iyon, dapat naglalaro lamang siya, pumapasok sa paaralan, at nag-e-enjoy sa pagiging bata. Pero sa halip, ang mga araw niya ay nauubos sa ospital, mga gamot, at iba't ibang pagsusuri.

Minsan, naiisip ko kung bakit kailangang maranasan ng isang inosenteng bata ang ganitong paghihirap.

Ngunit kahit gaano kasakit para sa akin ang makita siyang ganoon, kailangan kong maging matatag. Ayokong makita niyang sumusuko ako. Kailangan niya ng taong magbibigay sa kanya ng lakas at pag-asa, at gagawin ko ang lahat para maging taong iyon.

Maya-maya, bumukas ang p***o at pumasok ang lola ko. Nakangiti siya habang may bitbit na mga lalagyan ng pagkain.

"Kanina ka pa ba rito, apo?"

Agad akong tumayo upang magmano sa kanya. Nginitian ko siya bago sumagot.

"Hindi po, Lola. Kakarating ko lang po."

Napatingin siya sa akin at inilapag ang mga dala niyang pagkain sa maliit na mesa sa tabi ng kama ni Ethan.

"Mukhang hindi ka pa nag-aalmusal. Kumain ka muna. Marami akong niluto kanina bago umalis ng bahay. Baka mamaya ay sumakit na naman ang tiyan mo dahil wala kang laman."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Opo, Lola. Kakain po ako mamaya."

"Ngayon na, apo. Huwag mong hintaying manghina ka rin. Hindi ka makakatulong kay Ethan kung pati ikaw ay magkakasakit."

Alam kong nag-aalala lamang siya sa akin kaya hindi na ako tumutol.

Nasa pitumpu't limang taong gulang na ang lola ko, ngunit sa kabila ng kanyang edad ay malakas pa rin siya. Siya ang nagpalaki sa amin simula nang pumanaw ang aming mga magulang. Wala na rin ang lolo namin kaya kaming tatlo na lamang ang magkakasama sa bahay.

Bilang panganay, maaga kong natutunang akuin ang responsibilidad na dapat sana ay ginagampanan ng aming mga magulang. Ako ang tumayong pangalawang magulang ni Ethan. Kahit hindi madali, wala akong ibang pagpipilian kundi ang magsikap para sa aming magkapatid.

Marami akong pinapasukang trabaho para lamang matustusan ang aming pang-araw-araw na pangangailangan. Nagpa-part-time ako, nagtatrabaho bilang delivery girl, tumutulong sa palengke, nagme-mekaniko kapag may nangangailangan, at kung minsan ay nagtatrabaho rin ako sa canteen.

Hindi ako namimili ng trabaho. Basta marangal at may kikitain, tinatanggap ko.

College undergraduate ako. Hindi ko naituloy ang pag-aaral ko dahil nagkasakit si Ethan. Kinailangan kong unahin ang kanyang kalagayan kaysa sa sarili kong pangarap. Mahina na rin ang katawan ng lola ko, kaya hindi ko kayang iasa sa kanya ang lahat ng responsibilidad.

May mga pagkakataong naiinggit ako sa mga taong malayang nakakagawa ng mga bagay na gusto nila. Sa mga taong nag-aaral, nagtatrabaho para sa kanilang mga pangarap, at hindi kailangang mag-alala kung saan kukuha ng pambayad sa ospital.

Pero sa tuwing naiisip ko iyon, isang sulyap lamang kay Ethan ang sapat para mawala ang lahat ng reklamo ko.

Siya ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban.

Habang natutulog si Ethan, marahan kong hinawakan ang kanyang maliit na kamay. Napansin kong malamig iyon kaya bahagya ko itong hinaplos.

"Ethan, kailangan mong lumaban, ha?" bulong ko habang nakatingin sa mukha niya. "Ate is here. Hindi kita iiwan."

Hindi ko alam kung naririnig niya ako, pero umaasa akong kahit papaano ay nararamdaman niya ang presensya ko.

Lahat ay ginagawa ko para matustusan ang kanyang mga pangangailangan sa ospital. Mga gamot, checkup, laboratory tests, at iba pang gastusin. Ngunit kahit anong pagsisikap ko, tila hindi pa rin sapat ang perang kinikita ko.

Minsan, halos wala nang natitira sa akin pagkatapos kong bayaran ang mga gastusin niya.

May mga gabing kailangan kong magtiis sa gutom para lamang may maipambili ako ng gamot niya kinabukasan. May mga pagkakataon ding gusto ko na lang umiyak dahil hindi ko na alam kung saan kukuha ng pera.

Pero hindi ako puwedeng sumuko.

Alam kong may pagkakataon pang gumaling si Ethan. At kung darating ang araw na magkakaroon ako ng sapat na pera para mapaoperahan siya, hindi ako magdadalawang-isip na gawin ang lahat.

Kahit anong hirap pa ang kailangan kong pagdaanan, gagawin ko.

Habang nakaupo ako sa gilid ng kama niya, naramdaman kong may lumapit sa akin. Paglingon ko, nakita ko ang lola ko na nakatingin sa akin bago niya ako marahang niyakap.

"Apo, alam kong nahihirapan ka. Alam kong marami kang iniisip at kung minsan ay pakiramdam mo ay wala ka nang lakas para magpatuloy. Pero lagi mong tatandaan na hindi sa lahat ng oras ay nasa ilalim ka. Darating din ang panahon na aangat tayo."

Napangiti ako nang bahagya sa sinabi niya, kahit may namumuong luha sa aking mga mata.

"Hanggang kailan, Lola? Hanggang kailan ko susubukan ang lahat para mapagaling si Ethan? Paano kung dumating ang araw na hindi ko na kayanin? Paano kung kahit anong gawin ko ay hindi pa rin sapat?"

Niyakap niya ako nang mas mahigpit at hinaplos ang aking likod.

"Huwag mong pangunahan ang mga bagay na hindi pa nangyayari, apo. May awa ang Diyos. Hindi Niya tayo pababayaan. Basta patuloy kang maniwala at huwag kang mawawalan ng pag-asa."

Pumikit ako at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa mga sinabi ng lola ko. Minsan, hindi naman talaga kailangan ng malaking bagay para magkaroon ako ng lakas. Sapat na ang mga simpleng salita niya para maalala kong hindi ako nag-iisa sa laban na ito.

Maya-maya, biglang tumunog ang cellphone ko.

Agad akong kumalas sa pagkakayakap sa lola ko at kinuha iyon mula sa bulsa ng aking pantalon. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago tingnan ang notification sa screen.

Isang mensahe mula sa isang private company.

Binuksan ko iyon at nagsimulang basahin ang nakasulat.

Ilang segundo akong natigilan habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

Natanggap ako.

Natanggap ako sa trabahong inaplayan ko bilang isang secretary!

Napatingin ako sa lola ko, na halatang nagtataka sa bigla kong pananahimik. Nang tuluyan kong mapagtanto ang nabasa ko, hindi ko napigilang mapahiyaw sa tuwa.

"Lola! May trabaho na po ako!"

Agad na nagliwanag ang mukha niya. Kitang-kita ko ang saya sa kanyang mga mata habang nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Totoo ba, apo? Natanggap ka?"

Mabilis akong tumango habang hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi.

"Opo, Lola! Secretary po ang magiging trabaho ko!"

Hindi ko na napigilang yakapin siya nang mahigpit. Masayang-masaya ako dahil sa wakas, may magandang balita rin akong natanggap matapos ang sunod-sunod na pagsubok na pinagdaanan namin.

"Salamat sa Diyos!" masayang sambit niya habang niyayakap din ako.

Sa wakas, magkakaroon na rin ako ng mas maayos na trabaho. Hindi ko alam kung magkano ang magiging sahod ko, pero umaasa akong sapat iyon para makatulong sa mga gastusin ni Ethan.

Napatingin ako sa kapatid kong mahimbing pa ring natutulog.

"Ethan, Ate will do everything for you," bulong ko.

Hindi ko pa alam kung ano ang naghihintay sa akin sa bagong trabahong ito. Marahil ay marami akong kailangang matutunan at pagdaanan. Pero isang bagay ang sigurado ako: hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito.

Dahil para kay Ethan, handa akong magsimula ulit.

At sa pagkakataong ito, umaasa akong magiging simula na ito ng mas magandang bukas para sa aming pamilya.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    5. TILL DEATH, NOT LOVE

    AMBER POVBLACKWELL EMPIREAFTER THREE DAYSNasa harap ako ngayon ng computer, abala sa pag-aayos ng mga dokumentong ipinagawa sa akin ni Daniel, ang personal assistant ni Grey Alexander Montclair.Sa loob ng tatlong araw kong pagtatrabaho rito, marami na akong natuklasan tungkol sa CEO na iyon.Malinaw at sariwa pa rin sa aking isipan ang lahat ng nasaksihan ko simula noong una akong pumasok sa kumpanyang ito. Nakita ko kung gaano siya kalupit, kayabang, at kawalang-awa sa ibang tao.Wala siyang pakialam kung ilang tao ang masaktan o matapakan niya. Para sa kanya, tila walang halaga ang sinuman maliban sa sarili niya.Minsan nga ay naiisip kong baka hindi siya tao kundi isang demonyong nagkatawang-tao.Napailing ako at muling ibinalik ang atensiyon sa computer.Hindi naman ako narito para husgahan ang pagkatao niya. Kailangan ko ang trabahong ito, at iyon lamang ang mahalaga sa akin.Kailangan kong kumita ng sapat na pera para sa pagpapagamot ng nakababata kong kapatid. May Stage 2 c

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    4. MY RUTHLESS CEO

    AMBER'S POVBLACKWELL EMPIREMaaga akong dumating sa kumpanyang tumanggap sa akin bilang personal secretary ng kanilang CEO.Pagdating ko sa mismong gusali ng Blackwell Empire, ipinakita ko sa guwardiya ang invitation na natanggap ko. Sinuri niya muna iyon bago niya ako pinapasok. Ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang tingin niya sa akin—mula ulo hanggang paa, para bang may hinahanap siyang kakaiba sa aking itsura.Hindi ko na lamang iyon pinansin.Ilang sandali pa ay may lumapit na personnel upang ihatid ako sa opisina kung saan ako kakausapin ng mismong CEO ng kumpanya.Habang naglalakad kami sa malawak na hallway, napansin kong halos lahat ng empleyadong nakakasalubong namin ay napapatingin sa akin. May ilan pang palihim na nagbubulungan habang sinusundan ako ng kanilang mga mata.Ano ba ang problema ng mga taong ito?May nakakatawa ba sa mukha ko?Sa halip na magpakaabala sa trabaho, tila mas interesado pa silang pagmasdan ako. Hindi ko alam kung may mali ba sa suot ko o kung may

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    3. A NEW DOORS OPEN

    AMBER POVKINABUKASANMaaga akong umalis ng bahay upang pumunta sa police station at ibigay ang mga kinakailangang dokumentong hinihingi ng mga pulis kaugnay ng nangyari kahapon.Hindi rin ako nagtagal doon dahil kailangan ko pang pumunta sa ospital. Ayokong matagalan sa labas dahil alam kong hinihintay ako ng kapatid ko. Bukod doon, kailangan ko ring samahan ang lola ko sa pag-aalaga sa kanya.Matapos kong maasikaso ang lahat sa police station, agad akong sumakay ng jeep papunta sa ospital.Ilang oras din ang lumipas bago ako nakarating. Pagbaba ko, mabilis akong naglakad papasok at dumiretso sa Room 201, kung saan naka-confine ang aking nakababatang kapatid.Dalawa lang kaming magkapatid, at siya na lamang ang natitira kong pamilya bukod sa aming lola. Pitong taong gulang pa lamang si Ethan, ngunit sa murang edad niya ay kailangan na niyang harapin ang isang sakit na hindi ko kailanman hiniling na maranasan niya.May Stage 2 cancer ang kapatid ko.Pagpasok ko sa silid, agad akong na

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    2. AN UNEXPECTED SETTLEMENT

    AMBER POVPOLICE STATIONNakita kong nag-uusap ang pulis at ang arogante at matapobreng lalaki sa medyo malayong bahagi ng police station. Hindi ko maiwasang mapaisip kung ano ang pinag-uusapan nilang dalawa.Kanina lang ay halos gusto na niya akong pagbayarin ng isang milyong piso. Ni hindi man lang siya nakaramdam ng awa sa akin kahit ilang beses kong ipinaliwanag na hindi pa bayad ang e-bike ko at ginagamit ko iyon para sa trabaho.Ngayon naman, mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan.Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang bumalik. Kasama ng lalaki ang pulis na nag-interview sa akin kanina. Napansin kong nakangiti ang police officer habang papalapit sa akin."Maswerte ka. Mukhang malakas ang guardian angel mo ngayon," nakangiting sabi niya.Nakunot ang noo ko.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang sinabi niya. Kanina lang ay parang gusto na niya akong idiin at piliting magbayad ng isang milyon. Ngayon naman, tinatawag niya akong maswerte?"Anong ibig ninyong sabihi

  • THE FEARLESS BRIDE OF A HEARTLESS BILLIONAIRE    1. A COLLISION WITH DESTINY

    AMBER POVCAFÉ AMOURIt was already 10:30 a.m. when I arrived at Café Amour to deliver a customer's order. Isa itong matandang babae na umorder ng simpleng damit pambata para sa kanyang apo.Sakay ang e-bike na ginagamit ko sa pagde-deliver, pumasok ako sa parking lot ng café at naghanap ng mapagpaparadahan. May napansin akong bakanteng parking space. Wala naman akong nakitang karatulang nagsasabing VIP parking iyon o may nakalaang pangalan para roon, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na iparada ang e-bike ko.Pagkaparada ko, agad kong napansin ang isang matandang babae na nakaupo sa loob ng café. Panay ang tingin niya sa paligid na para bang may hinihintay.Ilang sandali pa kaming nag-usap bago ko tuluyang naiabot sa kanya ang inorder niyang damit. Nagpasalamat siya at binayaran ang order. Matapos iyon, nagpaalam na rin ako dahil kailangan ko pang bumalik sa pinagtatrabahuhan ko.Ngunit paglabas ko ng café, halos hindi ako makapaniwala sa bumungad sa akin.Nakatumba ang e-bike ko, a

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status