"IKAKASAL NA SI Gio at Loreign next year. By that time, fully recovered na ang anak natin. Syempre, kasama siya sa wedding. Sa tingin mo, anong magandang regalo sa bagong mag asawa?" tanong ni Amanda kay Theo matapos ng pagniniig nila.Parang normal lang silang mag asawa. Si Amanda ay nakasandig ang ulo sa malapad na dibdib ni Theo habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok nito roon.Hindi alam ni Amanda pero mabigat ang loob niya sa hindi malamang dahilan. Kabado siya pero hindi niya alam kung bakit. Lalo pa nang nakita niya na tila may malalim na iniisip si Theo. Kumunot ang kaniyang noo."Theo?" tawag niya sa pansin nito.Doon naman tila nagbalik sa reyalidad si Theo. "Hmm?" tanong nito at napagtanto ni Amanda na hindi pala ito nakikinig.Bumuntong hininga siya. "Tinatanong ko kung ano ang magandang iregalo kina Gio at Loreign sa kasal nila," mahinahong wika niya. "At tsaka... alam ko rin na medyo close rin naman kayo ni Gio dahil ang alam ko, may connection kayo sa business. K
"BAKIT BA HINDI mo man lang naisip ang sarili mo?" frustrated na wika ni Harold kay Theo dahil sa desisyon nito. Napailing na lang siya at halatang halata ang disappointment sa ekspresyon nito.Isang matamlay na ngiti ang namuo sa labi ni Theo. "Iniisip ko lang ang kapakanan ng mag ina ko. Sila ang dapat na inuuna ko bukod sa ibang bagay. Wala na akong pakialam sa iba... sa kapangyarihan o sa sarili ko... basta ang mahalaga, okay sila," sabi pa niya.Umigting lang ang panga ni Harold. Alam niyang buo na ang desisyon ni Theo. Kaya wala na siyang magagawa pa kundi ang sundin ang gusto nito. Sa mga oras na iyon, may napagtanto si Harold. Totoo ang nararamdaman ni Theo kay Amanda. Totoo ang pagmamahal nito para sa babae. At alam niyang kahit siya na may nararamdaman kay Amanda ay hindi kayang tapatan iyon."Sige. Ako ang magpeperform ng surgery. Pero ipangako mo sa akin na kailangang magpakatatag ka. Hindi pwedeng hindi maging successful ito," seryosong wika ni Harold kay Theo.Tumango l
"TINULUNGAN KAMI ng ama mo. Bata palang ako, sakitin na ako. Namatay na ang tunay kong ama noong ipinanganak ako kaya hirap ang Mama ko noon. Pero dahil sa pagtulong ng ama mo sa amin, nag iba ang tingin ng mommy mo sa kaniya. Akala niya... kabit ng tatay mo ang Mama ko."Hindi alam ni Theo kung paano iproproseso lahat ng iyon sa utak niya. Parang ang hirap paniwalaan! Iba ang namulat sa utak niyang katotohanan. Tapos ngayon ito... maririnig niya ang bersyon ng katotohanan ni Harold... ang taong kinamumuhian niya dahil para sa kaniya, inagaw nito ang atensyon na dapat ay nasa kaniya sa ama nito.Napailing na lang si Theo. "Hindi... Hindi ko alam kung paano tatanggapin lahat ng iyan ngayon..." para bang nanghihinang wika na lang niya.Tumango lang si Harold. Naiintindihan naman niya kasi alam niyang hindi basta basta lahat ng iyon. Ang hindi nila alam pareho ay may taong nakikinig sa usapan nila pareho. Walang iba kundi si Therese.Tila natuklaw ng ahas si Therese sa mga nalaman tungko
UMIGTING LANG ANG panga ni Theo nang makita ang lungkot sa mga mata ni Therese. Gustuhin man niyang yakapin ito, hindi niya ginawa upang mas marealized ng ina niya ang mga kamaliang ginawa. Nanatili lang siya sa pwesto nito."A-Alam ko namang mali lahat ng iyon pero... ganito na lang ba talaga tayo? I-Iiwan mo na rin ako kagaya ng ama mo? Hahayaan mo na lang akong mag isa? Ganito na lang ba talaga ako hanggang sa pagtanda ko?" Sabi pa ng ina nito. Iniisip palang ni Therese ang lahat, parang pinanghihinaan na siya.Kahit ilang ulit niyang sinasabi sa sarili na kakayanin niya, alam niyang hindi gano'n kadali iyon. Kahit nakaya niya ng ilang taon, hindi ibig sabihin no'n ay makakaya pa niya sa mga susunod pa. Dahil sobrang hirap mag isa. Malungkot... at ang dilim ng mundo kapag mag isa lang siya.Nag iwas ng tingin si Theo. Hindi na niya nakayanan pa ang pagtitig sa mga mata ni Therese. "Kung nalulungkot ka, pwede ka namang maghanap ng ibang kasama mo dito," wika pa niya. "Aalis na ako..
"ALAM MO NA kung ano ang sagot ko diyan, Theo. Kung ano man itong mayroon sa atin ngayon, pansamantala lang. At 'yung tungkol sa singsing pala na binigay mo sa 'kin..." Bahagyang tumigil si Amanda at bumuntong hininga. "Walang ibig sabihin iyon sa akin. Sa huli, buo pa rin ang desisyon kong... umalis."Wala ng pakialam si Amanda kung masyado siyang naging marahas sa sinabi. Ang gusto lang niya ay tumatak sa isipan ni Theo ang orihinal niyang mga plano na hindi naman talaga lingid sa kaalaman nito."'Wag mo ring pigilan ang sarili mong magkagusto sa iba, Theo. Dahil ayos lang talaga sa 'kin... walang problema..." dagdag pa ni Amanda.May dumaang sakit sa mga mata ni Theo. Pero kahit na gano'n, sinikap pa rin nitong ngumiti at umaktong hindi ito nasaktan sa mga sinabi ni Amanda. Nilunok niya ang bata sa lalamunan bago muling nagsalita."May mga regalo ka sa kabilang kwarto na mula sa mga ilang kakilala. Pwede mong puntahan para mabuksan mo," sabi na lang niya at iniba ang usapan.Tumang
NAPATUNGO NA lang si Amanda sa balikat ng kapatid. Pakiramdam niya ay nanghina siya sa mga nalaman. Hindi niya talaga lubos maisip na ang itinuring niyang kaibigan ay isa palang huwad at traydor."Alam niya lahat ng mga pinagdaanan ko kay Theo, Kuya. Ikwinento ko lahat sa kaniya kasi may tiwala ako sa kaniya. Pero hindi ko talaga inaakala na ang itinuring kong kaibigan ay siya rin pala ang dahilan ng pagbagsak natin noon..." pagkukwento pa ni Amanda sa kapatid. "Hindi ko na alam... hindi ko na alam kung ano ang totoo sa hindi na ipinakita niya sa 'kin...""Alam kong mabigat ito, Amanda. Pero lalabas din ang lahat. Sisiguraduhin ko iyan..." Sabi na lang ni Armando at hinaplos ang likod ni Amanda.Naiyak na ng tuluyan si Amanda. Kaarawan pa naman niya ngayon. Nagsimula sa masaya dahil sa wakas ay nakita na niyang muli ang kaniyang Kuya Armando tapos ito naman ngayon ang malalaman niya. Bakit naman binawi agad ang sayang naramdaman niya kanina?Nagstay pa ng ilang minuto si Amanda doon.