LOGINHindi inaasahan ni Alexis na magsisimula ang araw na iyon sa isang bagay na kinakatakutan nyaMaaga pa lang, napansin na niya na iba ang kilos ni Ayesha. Tahimik ito sa hapag, hindi tulad ng dati na may kwento agad tungkol sa school o kung anong napanuod niya. Nakayuko lang, tinutulak-tulak ang pagkain.“Ate, you should finish your food” ani Ayanna, nakasandal sa silya, habang abala sa sarili niyang pagkain.“Busog na ako,” mahinang sagot ni Ayesha.Nagkatinginan sina Alexis at Ralph. Hindi normal.“Ate, may sakit ka ba?” malumanay na tanong ni Alexis, sabay abot ng kamay sa noo ng anak.Mainit. Inaqpoy ito ng lagnat.“Ralph…” bulong niya, agad nag-aalala.Tumayo si Ralph, lumapit, at hinawakan din ang noo ni Ayesha. “May lagnat ka na, anak.”“Okay lang ako,” pilit ni Ayesha, pero halatang nanghihina na ang boses.Hindi na nag-aksaya ng oras si Alexis. “Hindi. Magpapahinga ka. Walang school today.”Akala nila simpleng lagnat lang.Pero pagsapit ng tanghali, umakyat ang temperatura ni
Sa gitna ng isang tahimik na umaga sa bahay nina Alexis at Ralph, isang kakaibang tawag ang muling umalingawngaw sa sala.“Loooove!”Napatingin si Alexis mula sa kusina habang hawak ang sandok. Napangiti siya agad. “Yes, baby?”Sa sahig, nakaupo si Ayanna, ang kanilang bunsong anak na ngayon ay isa nang makulit at masayahing toddler. Bitbit ang kanyang maliit na stuffed toy, taas-noo siyang nakatingin sa kanyang ina.“Love, water!” malambing ngunit malinaw niyang utos.Sa kabilang dulo ng sala, si Ralph ay napahinto sa pagbabasa ng dokumento. Napailing siya habang pinipigilan ang tawa. “Alexis, hindi na yata tama ‘to.”“Kasalanan mo ‘to,” pabulong na sagot ni Alexis habang naglalakad papunta kay Ayanna dala ang maliit na baso ng tubig. “Ikaw kasi, ‘love’ nang ‘love sa harap niya.”“Eh ikaw din naman!” depensa ni Ralph, pero hindi niya maitago ang amusement sa mukha.Sa tabi ng couch, nakatayo si Ayesha—ang panganay nilang anak na may halong inis at pag-aalala sa mukha. Mas mature na s
Matagal nang pangako ni Ralph kay Ayesha na magdaos sila ng family movie night—pero palaging nauurong dahil sa trabaho, baby duties, at pagod sa araw-araw. Kaya isang Sabado ng gabi, sa wakas, tinupad niya ang plano. Ipinahanda niya kay Alexis ang popcorn habang siya naman ay abala sa pag-set up ng maliit na projector sa sala.“Ready ka na ba, love?” sigaw ni Ralph habang inaayos ang mga unan sa sahig. “Hindi ito basta movie night—special to.”“Special?” napangiti si Alexis habang karga si Ayanna. “Anong pinaplano mo, Mr. Santillian?”Ngumisi lang si Ralph. “Makikita mo mamaya.”Dumating si Ayesha, suot ang pajama niyang may bituin, bitbit ang stuffed toy na hindi niya maiwan. “Daddy! Can I press play?”“Oo, pero wait lang,” sabi ni Ralph habang nilalagyan ng kumot ang sahig. “Family photo first, bago magsimula.”Nag-groufie silang apat—si Alexis na yakap si Ayanna, si Ayesha na nakasandal sa balikat ng ama. Ang simpleng eksenang iyon ay punong-puno ng saya.Pag-press ni Ayesha ng pla
Sa isang malamig na Sabado ng gabi, nagpasya si Ralph na oras na para sa isang simpleng, espesyal na bonding na walang gadgets. Ilang araw na niyang napapansin na kahit si Ayesha, na dati’y mahilig sa mga libro at drawing, ay madalas nang abala sa tablet. Si Alexis naman, kapag tulog na ang mga bata, ay hindi mapigilang mag-scroll sa phone. Kaya nang matapos ang hapunan, inilabas ni Ralph ang isang kahon mula sa garahe at ngumiti nang makahulugan.“Ano ’yan, Daddy?” tanong ni Ayesha, na kaagad na-curious.“Telescope,” sagot niya, pinupunasan ang alikabok. “At star map. Tonight, no phones, no TV. Just us and the stars.”Napangiti si Alexis habang pinapahiran ang kamay ni Ayanna ng baby lotion. “Parang ang saya niyan. Matagal na rin nating hindi nagagawa ’to.”Habang inaayos ni Ralph ang telescope sa bakuran, tumulong si Ayesha na ikalat ang picnic blanket. Si Ayanna ay nakaupo sa stroller, nakasuot ng makapal na kumot para sa malamig na hangin. Huminga nang malalim si Alexis, ramdam an
Sa sumunod na kabanata ng buhay nina Ralph at Alexis, isang bagong yugto ng mas masayang pamilya ang bumungad sa kanila. Makalipas ang ilang linggo mula nang ayusin nilang pamilya ang laruan ni Ayesha, naging mas maingat na ang bata sa mga gamit niya. Isang Sabado ng umaga, habang ang araw ay nagtatago pa sa likod ng mga ulap, nagising si Alexis sa mahina at magkahalong tunog ng pag-awit ni Ayesha at pag-gurgle ni Ayanna. Sumilip siya sa kwarto ng mga bata at nakita ang nakakatawang eksena: si Ayesha, nakasuot ng improvised na korona mula sa mga craft supplies, ay gumagawa ng “mini concert” para kay Ayanna gamit ang inayos nilang xylophone. Nakahiga sa crib si Ayanna, humahagikhik sa bawat nota na tinutugtog ng ate.Lumapit si Ralph, bagong gising at may hawak pang mug ng kape. “Mukhang may bagong talent show tayo,” biro niya, pinipigilan ang tawa para hindi maistorbo ang palabas. Nagtinginan sila ni Alexis at parehong nakaramdam ng init sa puso—isang simpleng umaga, ngunit puno ng al
Sa isang maulang hapon sa kanilang sala, umalingawngaw ang hikbi ni Ayesha. Nakalugmok siya sa sahig, hawak-hawak ang paborito niyang laruan—isang maliit na wooden xylophone na bigay pa ni Alexis noong siya ay tatlong taong gulang pa lamang. Nahulog ito kanina mula sa mesa habang naglalaro sila ni Ayanna, at ngayon, ang isa sa mga kahoy na bar ay natanggal at ang maliit na pamalo ay nabali. Para kay Ayesha, parang gumuho ang mundo. Mahalaga sa kanya ang laruan na iyon hindi lamang dahil matagal na niyang kaibigan sa paglalaro kundi dahil iyon din ang gamit niyang nagturo kay Anjo, ang kanyang yumaong nakababatang kapatid, ng unang mga nota. Kaya nang masira ito, naramdaman niyang nawala rin ang isang piraso ng kanilang mga alaala.Agad lumapit si Alexis, niyakap ang umiiyak na anak at hinaplos ang buhok nito. “Shh… Ayesha, accidents happen,” malumanay niyang sabi. Si Ralph, na noon ay nag-aayos ng mga libro sa shelf, ay agad ding lumapit at tiningnan ang pinsala ng laruan. “Mukhang na
Kinabukasan, tila walang nangyari sa takot at kaba ng nagdaang araw. Maliwanag ang sikat ng araw na bumati sa kanila nang bumaba sila para mag-breakfast sa villa. Si Alexis, kahit medyo puyat sa sobrang pag-aalala kagabi, ay napangiti nang makita si Ayesha na masiglang kumakain ng pancakes. “Mommy
Halos mabingi si Alexis sa hampas ng alon at sigaw ng kanyang sariling dibdib. “Ralph! Where’s Ayesha?!” tinig niyang basag sa takot, habang nagtatakbo siya sa buhanginan.Doon, sa di kalayuan, nakita niya ang maliit na katawan ng kanilang anak—natangay ng alon, kumakawala sa bawat hampas ng tubig.
Maaga silang nagising kinabukasan dahil excited si Ayesha na pumunta sa beach. “Mommy, Daddy, can we swim na?” halos sabay-sabay ang tanong niya habang kumakain ng breakfast. “After breakfast, sweetheart,” sagot ni Ralph habang inaayos ang gamit. “And don’t forget sunscreen. Daddy doesn’t want you
Excited na excited sina Ralph, Alexis, at Ayesha nang finally ay lumapag na sila sa bansang matagal na nilang pinapangarap puntahan. First time nilang mag-out-of-the-country trip as a family, kaya punong-puno ng kilig at kaba si Alexis habang mahigpit ang hawak kay Ayesha. Si Ralph naman, halatang







