로그인
"Hoy, bente pesos na lang ang natitira sa wallet ko, tapos itong manok na ito, ang tigas pa parang bato!" sigaw ko sa gitna ng palengke habang gigil na hawak ang isang frozen na manok na kasing-tigas ng hollow block.
Walang mapagpilian kundi bilhin ito dahil gutom na si Mama sa bahay at kailangan ko ng ulam na pagkakasyahin. Naglalakad ako pauwi sa malaking subdivision kung saan ako namamasukan sa mga mansyon bilang panandaliang helper. Paglampas ko sa gate ng pinakamalaking mansyon sa dulo, may napansin akong lalaking naka-all black na nag-aabang sa dilim. Ang bilis niyang umakyat sa mataas na bakal na bakod. Magnanakaw. Hindi ko na inisip ang panganib sa buhay ko o ang baka makulong ako. Itinira ko nang buong lakas ang hawak kong frozen na manok sa direksyon ng lalaki habang tumatakbo ako palapit. Tumpak. Tumama ang ulo ng manok sa batok niya. Lagapak ang bagsak ng lalaki sa loob ng damuhan. "Magnanakaw! Tulong! May nakapasok sa loob ng mansyon!" sigaw ko habang kinakalampag ang gate. Hindi ko inasahan na biglang bubukas ang gate. Ang daming security na lumabas, kasunod ang isang lalaking mukhang hari sa bagsik. Naka-suit siya kahit dis-oras na ng gabi. Tiningnan niya ang nakabulagtang lalaki sa damuhan, tapos tumingin siya sa akin. Ang talim ng mga mata niya, parang kaya akong hiwain nang walang kutsilyo. "Sino ka at bakit may dala kang frozen na manok sa property ko?" tanong niya habang papalapit sa akin. "Sir, magnanakaw po 'yan! Binato ko ng manok para tumigil siya sa pag-akyat sa bakod niyo!" sagot ko habang pinagpag ang kamay ko na nananakit pa sa impact ng pagbato. Tiningnan niya ang manok na nasa damuhan, tapos ibinalik ang tingin sa akin. Ang seryoso ng mukha niya na halos hindi na siya makahinga sa galit. "Dahil sa manok mo, naputol ang plano ng taong 'yan na nakawin ang mga importanteng dokumento ko," sabi niya habang humakbang palapit. Ramdam ko ang presensya niya, matangkad at nakakatakot. "So, ibig sabihin ba nito, dapat mo akong pasalamatan dahil nailigtas ko ang mga dokumento mo?" sagot ko nang deretsahan, hindi natitinag sa titig niya. "Pasalamatan? Iuuwi kita sa pulisya dahil sa gulo na idinulot mo sa gate ko. Sino ang nagpadala sa'yo rito?" "Sige, dalhin mo ako, basta sagot mo ang pamasahe ko pauwi pagkatapos dahil ubos na ang pera ko pambili ng manok na ipinambato ko sa magnanakaw mo!" Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa, tila sinusuri ang bawat hibla ng pagkatao ko. Hindi siya kumukurap, hindi siya ngumingiti, at ramdam ko ang tensyon sa paligid namin. Lumapit siya nang bahagya, sapat para maamoy ko ang mamahaling pabango niya na humahalo sa amoy ng manok na nasa sahig. "Hindi ka na kailangang mag-alala sa pamasahe mo dahil sisiguraduhin kong pagbabayarin kita ng higit pa sa presyo ng manok na 'yan simula ngayon," sabi niya habang senenyasan ang mga guwardiya na hawakan ako. "Hoy, ano bang gagawin niyo sa akin? Hindi ako magnanakaw!" pagpupumiglas ko nang hawakan ako ng dalawang guwardiya sa braso. "Hindi kita ikukulong, pero simula bukas, dito ka na magtatrabaho sa mansyong ito para bayaran ang lahat ng gulong ginawa mo," sagot niya habang tinalikuran ako at naglakad papasok ng pinto. "Ano? Hindi ako aplikante! Bitawan niyo ako!" sigaw ko habang hatak-hatak nila ako papasok sa napakalamig at napakadilim na pasilyo ng mansyon. "Dito ang magiging bagong kulungan mo at sisiguraduhin kong hindi ka na makakaalis nang hindi mo natatapos ang lahat ng utang na loob mo sa akin," huling sabi niya bago niya tuluyang isara ang mabigat na pinto sa harap ko. "Bitiwan niyo ang babaeng iyan at lumabas kayong lahat," utos ko sa mga security na halos pasanin na ang makulit na babaeng ito. Binitiwan nila ang babae at agad siyang nagpagpag ng damit na parang wala siyang ginawang krimen sa mismong bakuran ko. Nakita ko ang manok na nahulog sa damuhan... ang mismong sandata na tumama sa batok ko kanina. Pakiramdam ko ay naghihiganti ang tadhana sa akin ngayong gabi dahil sa sakit ng batok ko. "Ano na naman ang gusto mong mangyari? Balak mo ba akong barilin gamit ang frozen na manok na yan?" tanong ko habang tinitigan siya nang diretso sa mata. "Sir... hindi po ako magnanakaw! Akala ko talaga masamang loob kayo dahil gabi na at umaakyat kayo sa sarili niyong bakod... sino ba namang matino na bilyonaryo ang dumadaan sa gate na hindi gumagamit ng remote?" sagot niya nang may matapang na mukha. Napahawak ako sa batok ko at napangisi nang bahagya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa kapal ng mukha ng babaeng ito. Ang buong mansyon ay gising dahil sa sigaw niya at ang mga staff ko ay nakatago na sa likod ng mga pader dahil sa takot na baka mapagalitan sila. "Ang pangalan ko ay Franco Voltaire. At sa ginawa mo... nasira ang engagement ng usapan ko sa isang business partner na dapat ay dumaan sa secret entrance na iyon," paliwanag ko habang nilapitan ko siya. "Eh di sorry po! Hindi ko naman alam na may secret entrance kayo na mukhang hideout ng mga bida sa pelikula... pwede na ba akong umuwi?" tanong niya habang nagmamadaling kuhanin ang plastik ng manok sa sahig. "Hindi ka uuwi dahil kailangan mong magbayad sa ginulo mo. Ang security breach na ginawa mo ay nagkakahalaga ng malaking halaga... at dahil wala kang pambayad, ikaw ang magsisilbing maid ko simula ngayong gabi," wika ko habang kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang head housekeeper. Nanlaki ang mga mata niya at parang gusto niyang tumakbo pero huli na dahil hinarangan na siya ng dalawang maid na papalapit sa amin. Ang bawat kilos niya ay nagpapakita ng labis na pagkabigla ngunit nananatili siyang palaban. Ito ang unang pagkakataon na may humarap sa akin nang hindi nanginginig ang boses. "Maid? Hoy Mr. Bilyonaryo... hindi ako maid! May pangarap ako sa buhay at hindi kasama doon ang maglinis ng malawak mong mansyon!" sigaw niya habang sinusubukan niyang maglakad palayo. "Kung hindi ka magtatrabaho dito... tatawagan ko ang pulisya ngayon din at sasabihing may tinangkang pumasok at umatake sa akin," sagot ko habang pinakita ko ang screen ng phone ko na nasa dial na ng presinto. Huminto siya at lumingon sa akin nang may galit na aura. Ang bawat galaw niya ay parang kidlat na bumibigat sa loob ng dibdib ko. Ramdam ko ang pagbabago ng ihip ng hangin sa loob ng malaking sala na puno ng mamahaling gamit. "Napaka-unfair mo! Sige... magtatrabaho ako pero tandaan mo... sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang bawat araw na makakasama mo ako," hamon niya habang itinapon niya ang manok sa ibabaw ng hapag kainan. Tumingin ako sa kanya nang seryoso at lumapit nang bahagya para maramdaman niya ang kapangyarihan ko sa loob ng mansyong ito. Ang mga staff ay tahimik na nakamasid at hinihintay ang susunod na mangyayari sa aming dalawa. "Matutuwa ako... dahil sa wakas ay mayroon na akong bago at nakakaaliw na laruan sa loob ng bahay na ito," wika ko habang tinalikuran ko na siya para pumasok sa study room ko."Bakit parang ang tahimik ng mansyon ngayon, Tanya, nasaan na ang boses mo na laging nanggugulo sa bawat sulok ng bahay na ito?" tanong ko habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto niya na nakabukas nang bahagya.Wala siya sa loob. Ang kama niya ay maayos na nakatupi, at ang mga gamit niya ay wala na sa lugar na kinasanayan ko. Simula nang mawala siya sa paningin ko kahit sa loob lang ng ilang oras, ang mansyong ito ay bumalik sa pagiging sementeryong puno ng mamahaling gamit at malamig na hanging galing sa aircon. Inikot ko ang buong mansyon, nagtanong sa bawat staff, pero walang nakakaalam kung nasaan ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Ang bawat hakbang ko sa sahig ay parang tunog ng kawalan."Sir, hindi po namin alam kung nasaan si Ma'am Tanya, sabi niya lang po ay may kailangan siyang ayusin sa labas na hindi namin dapat pakialaman," sagot ni Mang Nestor habang yumukod siya nang bahagya.Naglakad ako pabalik sa study room, ang lugar kung saan madalas kaming magbangaya
"Ano ito? Bakit may teddy bear sa loob ng cabinet mo na puno ng mga dokumento, Franco?" tanong ko habang hawak ang isang lumang teddy bear na may punit sa tenga.Tahimik ang buong study room. Kanina pa ako naglilinis dito habang wala siya. Binuksan ko ang isang cabinet na akala ko ay puro mga lumang files lang, pero bumungad sa akin ang isang malambot at halatang inaalagaang laruan sa gitna ng mga folder. Hindi ko mapigilan na kurutin ang ilong ng teddy bear dahil sa cute nito, kahit na medyo maalikabok na. Biglang bumukas ang pinto."Bitawan mo 'yan, Tanya!" sigaw niya, ang boses niya ay halos pumiyok sa gulat at galit.Mabilis niyang kinuha ang teddy bear mula sa mga kamay ko. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, 'yung tipong kahit maliit na ingay ay baka ikasira ng mundo. Tiningnan niya ako nang masama, pero ang mas nakakagulat ay ang panginginig ng mga kamay niya habang niyayakap niya ang laruan."Sorry! Hindi ko naman alam na special 'yan sa iyo, akala ko basura lang na nakatago," sa
l"Ano bang problema mo at kailangan mong mag-bato ng gamit?! Hindi ka naman bata para mag-tantrums dito!" sigaw ko habang iniiwasan ang isang mamahaling plorera na muntik na tumama sa ulo ko.Bumagsak ang plorera sa sahig, nagkadurog-durog na parang pangarap ko sa buhay na maging tahimik ang araw na ito. Si Franco ay nakatayo sa gitna ng opisina niya, ang mukha niya ay namumula sa sobrang galit, ang mga ugat sa leeg niya ay parang sasabog na. Ang mga staff sa labas ay narinig ang pagbagsak, nakasilip ang ilan sa pinto pero agad na bumalik sa mga desk nila dahil sa takot. Hindi ako natinag, hinarap ko siya kahit na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko."Wala kang pakialam sa mga desisyon ko, Tanya! Labas ka sa kung anong nangyayari sa kumpanyang ito!" sigaw niya pabalik habang itinulak niya ang mahogany na mesa niya hanggang sa tumama ito sa pader."Meron akong pakialam dahil ako ang kasama mo dito! Hindi mo pwedeng idaan sa dahas ang frustration mo dahil hindi mo makuha ang gusto
"Ibababa mo ang cellphone mo at kakain ka ng maayos dahil hindi mo ikamamatay kung hindi mo mababasa ang mga email na 'yan sa loob ng sampung minuto!"Tumingin ako sa kanya nang masama. Hawak ko ang spoon and fork, pero nakatutok pa rin ang atensyon ko sa tablet na nakapatong sa mesa. Ang bawat update mula sa stock market ay kritikal para sa expansion project ko, at ang babaeng ito na kakapasok lang sa buhay ko ay gustong makialam sa schedule ko. Inagaw niya ang tablet mula sa tapat ko at ibinagsak ito sa kabilang dulo ng mahabang dining table."Tanya, ibalik mo sa akin 'yan ngayon din dahil hindi mo alam ang halaga ng bawat galaw na ginagawa ko sa negosyo ko," sabi ko habang tumayo ako para makuha ang device pero hinarang niya ako gamit ang katawan niya."Anong halaga? Halaga ng buhay mo? Kasi sa nakikita ko, Franco, puro ka kape at puro ka trabaho, pero ang tiyan mo ay wala nang laman kundi hangin at stress," sagot niya habang nakapamewang siya sa harap ko."Gusto ko lang matapos an
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, nakakaloka to! Pinaglalaruan mo ba ko? Prank ba to ha? Ano bang klaseng outfit ito, mukha akong papunta sa funeral ng pangarap ko kung isuot ko ang uniform na ito!" sigaw ko habang hawak ang napakamahal na corporate suit na ipinabigay niya sa akin.Nasa loob ako ng kwarto niya, nakatingin sa salamin habang sinusukat ang skirt at blazer na masyadong fit para sa akin. Pumasok si Franco sa kwarto, nakasuot na ng tuxedo niya, mukhang ready na ready na mandamay ng mga empleyado sa bad mood niya. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa, 'yung tingin na parang sinusuri niya kung nababagay ba ako sa image ng kumpanya niya."Bagay sa iyo ang suot mo, mukha ka ng tao, hindi mukhang maid na galing sa kanto,wag ka mg maraming dada diyan dahil sa ating dalawa ako ang boss dito at ako ang masusunod," sagot niya habang inaayos ang kurbata niyang ako ang nag-ayos kanina."Ang yabang mo talaga, akala mo kung sinong perpekto, eh kung hindi kita binato ng frozen chicken, wala ka
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, heto na ang mga kurbata mo, lumabas ka na dyan sa lungga mo at kunin mo ang mga alaga mo!" sigaw ko sa loob ng walk-in closet ko na kasinglaki ng studio unit sa Makati.Wala siya sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, sa banyo, at maging sa ilalim ng kama na wala namang dahilan para paghanapan ko. Ito na ang pang-limang beses sa loob ng linggong ito na nawawala ang mga gamit ko. Hindi ito basta pagkawala dahil ang mga kurbata ko ay gawa sa mamahaling Italian silk at hindi basta basta napupunta kung saan saan lang."Bakit ka ba nagsisigaw riyan, Franco? Aga-aga, ang init na naman ng ulo mo, parang may nakain kang maanghang na siling labuyo na hindi mo na-digest," sagot niya habang nakasandal sa pintuan ng closet habang may hawak na basahan.Tiningnan ko siya nang matalim. Ang babaeng ito, sa halip na matakot, ay parang natutuwa pa sa sitwasyon. Ang buhok niya ay nakatali ng messy bun na lalong nagbibigay ng kakaibang charm sa kanya sa gitna ng pagiging ma







