เข้าสู่ระบบ"Hoy, akala ko ba maglilinis lang ako, bakit parang mansyon ng bampira ang pinasok ko, ang dilim at ang lamig, pwede bang paandarin ang ilaw?" bungad ko sa mukha ni Manang Elsa pagkapasok na pagkapasok ko sa main door.
Ang lamig ng hangin sa loob, kulang na lang ay magyelo ang buhok ko sa sobrang lakas ng aircon. Ang bawat sulok ay puro mamahaling gamit na nakakatakot hawakan dahil baka mabayaran ko pa ng isang daang taon na sahod. Hinila ako ni Manang Elsa papunta sa kusina na kasing laki ng barangay hall. "Hija, huwag kang maingay, baka magising si Sir Franco at ikaw ang mapagbalingan ng init ng ulo niya, delikado ang taong 'yan kapag kulang sa tulog," bulong ni Manang Elsa habang iniaabot ang isang mahabang listahan ng mga gagawin. Binasa ko ang listahan at halos mahulog ang panga ko sa haba ng mga utos. Kailangan kong linisin ang bawat chandelier, kiskisin ang tiles ng bawat banyo, at siguraduhing walang alikabok sa bawat libro sa library. Masyadong mainit ang ulo ko sa sitwasyon na ito pero wala akong choice dahil kailangan kong makabayad sa utang na loob ko sa bilyonaryong 'yan. "Seryoso ba ito? Para naman akong nag-apply bilang alipin sa sinaunang panahon, kulang na lang ay hampasin niyo ako ng latigo," sabi ko habang tinitingnan ang isang makina ng kape na mukhang space shuttle sa sobrang komplikado. "Welcome to hell, iha, basta huwag kang lalapit sa study room niya nang walang katok, baka ikaw ay mapatalsik nang wala sa oras," sagot ni Manang Elsa bago siya tumalikod at iniwan akong mag-isa sa gitna ng malaking kusina. Nagsimula akong maglinis ng counter at aksidenteng nabangga ang isang mamahaling vase na gawa sa kristal. Buti na lang ay nasalo ko ito sa ere, kundi baka mabenta ko na ang kidney ko para pambayad. Naglakad ako papunta sa living room at nakita ko si Franco na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa laptop niya. Ang aura niya ay parang nagyeyelong tubig na kapag natapunan ka ay mabibigla ka talaga sa lamig. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba sabi ko ay sa kusina ka lang dapat at huwag kang papasok sa mga private areas ko?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin. "Sir, naglilinis lang ako ng mga alikabok na nakita ko, masyadong makalat ang mansyon mo para sa isang taong mayaman, hindi ba kayo nahihiya sa mga alikabok?" sagot ko habang ipinagpag ko ang duster sa tapat niya. Tumayo siya at lumapit sa akin nang dahan dahan, ang mga mata niya ay parang nagniningas na uling sa dilim. Ang bawat hakbang niya ay nagpaparamdam sa akin na ako ay nasa loob ng hawla ng isang leon na handa akong lamunin nang buhay. Tumigil siya sa tapat ko at ramdam ko ang init ng katawan niya na salungat sa lamig ng paligid. "Ang trabaho mo ay hindi kasama ang magbigay ng opinyon sa kung paano ko patatakbuhin ang buhay ko, Tanya," sagot niya habang kinuha niya ang duster sa kamay ko at itinapon sa sahig. "Edi sorry naman po! Ang akin lang, bilang empleyado mo, gusto ko lang maging maayos ang paligid mo, para naman hindi nakakatakot ang mansyon mo," sagot ko habang pinulot ko ang duster at tinitigan siya nang diretso sa mata. "Gusto mo ng maayos na paligid? Magsimula ka sa paglilinis ng basement kung saan nandoon ang mga lumang gamit na hindi pa nagagalaw ng kahit na sino sa loob ng sampung taon, gawin mo 'yun ngayon din," wika niya habang ngumisi ng nakakaloko, 'yung tipong alam mong may binabalak siyang hindi maganda. Alam ko na may balak siyang masama dahil sa ngiti niyang 'yan pero hindi ako pwedeng umatras. Ang basement ang huling lugar na gusto kong puntahan sa mansyong ito, lalo na't sabi ni Manang Elsa ay masama ang aura roon. "Sige, linisin ko ang basement mo, pero kapag may nakita akong multo doon, ikaw ang papalayasin ko sa sarili mong mansyon, babala ko lang 'yan sa'yo, Mr. Voltaire." "Susubukan ko kung gaano ka katapang kapag naiwan ka na sa dilim, baka mamaya ay ikaw na mismo ang tumawag sa akin para samahan kita," sagot niya habang dahan dahan siyang lumapit sa tenga ko at bumulong nang napakalamig. Napako ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang hininga niya, ang bilis ng tibok ng puso ko ay parang gustong lumabas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa kabila ng inis ko sa lalaking ito. "Huwag kang kampante, dahil hindi ako takot sa kung ano mang dilim ang meron ka rito," sagot ko habang nilakasan ko ang loob ko at naglakad patungo sa pinto ng basement. Pagbukas ko ng pinto, bumungad ang amoy ng lumang papel at alikabok na parang hindi nahanginan ng mahabang panahon. Tiningnan ko si Franco na nakatayo pa rin sa pintuan, hinihintay akong pumasok sa loob. "Sigurado ka bang gusto mong gawin ito nang mag-isa, dahil ang basement na 'yan ay may mga sikretong baka hindi mo kayang harapin?" tanong niya habang tinitigan niya ako nang may halo ng amusement sa mga mata niya. "Kaya ko ito, kahit pa may multo, ipapakita ko sa'yo na hindi ako basta bastang maid na kaya mong takutin," sagot ko habang dahan dahan akong humakbang papasok sa dilim. "Good luck, Tanya, dahil kapag sumigaw ka, sisiguraduhin kong maririnig ko ang bawat tono ng takot mo," huling sabi niya bago niya tuluyang isara ang pinto ng basement."Bakit parang ang tahimik ng mansyon ngayon, Tanya, nasaan na ang boses mo na laging nanggugulo sa bawat sulok ng bahay na ito?" tanong ko habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto niya na nakabukas nang bahagya.Wala siya sa loob. Ang kama niya ay maayos na nakatupi, at ang mga gamit niya ay wala na sa lugar na kinasanayan ko. Simula nang mawala siya sa paningin ko kahit sa loob lang ng ilang oras, ang mansyong ito ay bumalik sa pagiging sementeryong puno ng mamahaling gamit at malamig na hanging galing sa aircon. Inikot ko ang buong mansyon, nagtanong sa bawat staff, pero walang nakakaalam kung nasaan ang babaeng nagpabago sa takbo ng buhay ko. Ang bawat hakbang ko sa sahig ay parang tunog ng kawalan."Sir, hindi po namin alam kung nasaan si Ma'am Tanya, sabi niya lang po ay may kailangan siyang ayusin sa labas na hindi namin dapat pakialaman," sagot ni Mang Nestor habang yumukod siya nang bahagya.Naglakad ako pabalik sa study room, ang lugar kung saan madalas kaming magbangaya
"Ano ito? Bakit may teddy bear sa loob ng cabinet mo na puno ng mga dokumento, Franco?" tanong ko habang hawak ang isang lumang teddy bear na may punit sa tenga.Tahimik ang buong study room. Kanina pa ako naglilinis dito habang wala siya. Binuksan ko ang isang cabinet na akala ko ay puro mga lumang files lang, pero bumungad sa akin ang isang malambot at halatang inaalagaang laruan sa gitna ng mga folder. Hindi ko mapigilan na kurutin ang ilong ng teddy bear dahil sa cute nito, kahit na medyo maalikabok na. Biglang bumukas ang pinto."Bitawan mo 'yan, Tanya!" sigaw niya, ang boses niya ay halos pumiyok sa gulat at galit.Mabilis niyang kinuha ang teddy bear mula sa mga kamay ko. Ramdam ko ang tensyon sa hangin, 'yung tipong kahit maliit na ingay ay baka ikasira ng mundo. Tiningnan niya ako nang masama, pero ang mas nakakagulat ay ang panginginig ng mga kamay niya habang niyayakap niya ang laruan."Sorry! Hindi ko naman alam na special 'yan sa iyo, akala ko basura lang na nakatago," sa
l"Ano bang problema mo at kailangan mong mag-bato ng gamit?! Hindi ka naman bata para mag-tantrums dito!" sigaw ko habang iniiwasan ang isang mamahaling plorera na muntik na tumama sa ulo ko.Bumagsak ang plorera sa sahig, nagkadurog-durog na parang pangarap ko sa buhay na maging tahimik ang araw na ito. Si Franco ay nakatayo sa gitna ng opisina niya, ang mukha niya ay namumula sa sobrang galit, ang mga ugat sa leeg niya ay parang sasabog na. Ang mga staff sa labas ay narinig ang pagbagsak, nakasilip ang ilan sa pinto pero agad na bumalik sa mga desk nila dahil sa takot. Hindi ako natinag, hinarap ko siya kahit na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko."Wala kang pakialam sa mga desisyon ko, Tanya! Labas ka sa kung anong nangyayari sa kumpanyang ito!" sigaw niya pabalik habang itinulak niya ang mahogany na mesa niya hanggang sa tumama ito sa pader."Meron akong pakialam dahil ako ang kasama mo dito! Hindi mo pwedeng idaan sa dahas ang frustration mo dahil hindi mo makuha ang gusto
"Ibababa mo ang cellphone mo at kakain ka ng maayos dahil hindi mo ikamamatay kung hindi mo mababasa ang mga email na 'yan sa loob ng sampung minuto!"Tumingin ako sa kanya nang masama. Hawak ko ang spoon and fork, pero nakatutok pa rin ang atensyon ko sa tablet na nakapatong sa mesa. Ang bawat update mula sa stock market ay kritikal para sa expansion project ko, at ang babaeng ito na kakapasok lang sa buhay ko ay gustong makialam sa schedule ko. Inagaw niya ang tablet mula sa tapat ko at ibinagsak ito sa kabilang dulo ng mahabang dining table."Tanya, ibalik mo sa akin 'yan ngayon din dahil hindi mo alam ang halaga ng bawat galaw na ginagawa ko sa negosyo ko," sabi ko habang tumayo ako para makuha ang device pero hinarang niya ako gamit ang katawan niya."Anong halaga? Halaga ng buhay mo? Kasi sa nakikita ko, Franco, puro ka kape at puro ka trabaho, pero ang tiyan mo ay wala nang laman kundi hangin at stress," sagot niya habang nakapamewang siya sa harap ko."Gusto ko lang matapos an
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, nakakaloka to! Pinaglalaruan mo ba ko? Prank ba to ha? Ano bang klaseng outfit ito, mukha akong papunta sa funeral ng pangarap ko kung isuot ko ang uniform na ito!" sigaw ko habang hawak ang napakamahal na corporate suit na ipinabigay niya sa akin.Nasa loob ako ng kwarto niya, nakatingin sa salamin habang sinusukat ang skirt at blazer na masyadong fit para sa akin. Pumasok si Franco sa kwarto, nakasuot na ng tuxedo niya, mukhang ready na ready na mandamay ng mga empleyado sa bad mood niya. Tumitig siya sa akin mula ulo hanggang paa, 'yung tingin na parang sinusuri niya kung nababagay ba ako sa image ng kumpanya niya."Bagay sa iyo ang suot mo, mukha ka ng tao, hindi mukhang maid na galing sa kanto,wag ka mg maraming dada diyan dahil sa ating dalawa ako ang boss dito at ako ang masusunod," sagot niya habang inaayos ang kurbata niyang ako ang nag-ayos kanina."Ang yabang mo talaga, akala mo kung sinong perpekto, eh kung hindi kita binato ng frozen chicken, wala ka
"Hoy, Mr. Bilyonaryo, heto na ang mga kurbata mo, lumabas ka na dyan sa lungga mo at kunin mo ang mga alaga mo!" sigaw ko sa loob ng walk-in closet ko na kasinglaki ng studio unit sa Makati.Wala siya sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto, sa banyo, at maging sa ilalim ng kama na wala namang dahilan para paghanapan ko. Ito na ang pang-limang beses sa loob ng linggong ito na nawawala ang mga gamit ko. Hindi ito basta pagkawala dahil ang mga kurbata ko ay gawa sa mamahaling Italian silk at hindi basta basta napupunta kung saan saan lang."Bakit ka ba nagsisigaw riyan, Franco? Aga-aga, ang init na naman ng ulo mo, parang may nakain kang maanghang na siling labuyo na hindi mo na-digest," sagot niya habang nakasandal sa pintuan ng closet habang may hawak na basahan.Tiningnan ko siya nang matalim. Ang babaeng ito, sa halip na matakot, ay parang natutuwa pa sa sitwasyon. Ang buhok niya ay nakatali ng messy bun na lalong nagbibigay ng kakaibang charm sa kanya sa gitna ng pagiging ma


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




