Share

CHAPTER 1

Author: FreyxiaGold
last update Last Updated: 2025-04-30 20:12:20

BELLA

"Sigurado po ba kayo na dito po ang tamang address," tanong ko sa ale'ng pinagtanungan ko. Kanina ko pa kasi hinahanap ang tamang location ng address na binigay sa akin.

Mag-iisang linggo na ako dito sa Maynila at katatapos lang ng shift ko sa pangalawa kong trabaho. At ngayon nga ay papunta naman ako sa bahay ng batang chu-tutor-an ko.

"Oo. D'yan 'yon. Iyong may pinaka malaking gate. Ano bang sadya mo dyan, ineng? Nag-aapply ka bang katulong?" Usisa pa ng ale.

"Ay, hindi po, Ate," naka-ngiwi akong nagkamot ng ulo. "Dito po kasi nakatira yung tutee ko po,"

"Anong tutee? Tuta ba 'yon?" bakas sa mukha nya ang kawalang ideya sa sinabi ko. Bahagya akong natawa sa pag-aakala nyang tuta ang ibig kong sabihin.

"Hindi po, Ate," natatawa kong sagot. "I mean, tutor po kasi ako ng batang nakatira d'yan," sabay turo ko sa malaking bahay.

"Ahh, 'yon ba 'yon? Hindi ko kasi alam 'yon eh," saglit syang nagkamot ng ulo. "Sya sige na. Mauuna na ako, ha. Mag-doorbell ka nalang do'n pag nasa tapat ka na," paalam nya.

Agad naman din akong nagtungo sa itinuro nyang bahay. Ni-double check ko pa ang house number nito kung tama nga.

"Number 84," basa ko sa kapirasong papel na hawak ko tsaka tinignan ang numerong nakapaskil sa makapal na poste ng bakod nila.

Nang masiguro kong nandito na nga ako ay agad ko naman ding pinindot ang doorbell. Sa pangatlong pagkakataon ay tsaka lamang may lumabas na matandang babaeng naka-uniform ng pang katulong.

"Ah, g-good afternoon po. Ako po si Isabella Madrigal. Ako po 'yong nag-a-apply na tutor," pakilala ko.

"Ah, ikaw pala. Halika, pumasok ka," agad akong pumasok sa gate at tsaka sumunod sa kanya.

Pagpasok na pagpasok ko sa main door, ay agad na sumalubong sa akin ang isang batang babae na sa tingin ko ay nasa tatlong taong gulang pa lamang.

"Mommy!" Tawag nito sa'kin at tsaka yumakap sa baywang ko.

"Ah... A-ano.. H-Hindi—," hindi ako makasagot mg maayos dahil sa pagkabigla. Bago ko pa man din matapos ang sasabihin ko ay may lalaking umagaw ng atensyon naming lahat.

"You're late."

Feeling ko ay biglang tumigil ang oras sa pagitan naming dalawa. Alam kong gasgas na ang linyang ito pero parang gano'n talaga ang naramdaman ko nang makita ko ang itsura ng bagong dating. 

Napaka gwapo naman nito! Totoo ba 'yang ilong n'ya? Ang tangos! At ang lips nya, bakit parang ang lambot tignan? Bakit ba sya nakatitig sa'kin? Baka matunaw ako n'yan!

"Ah, Ms. Madrigal..." Napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ng matandang babae kanina. Kumurap-kurap pa ako dahil biglang sumakit ang mata ko. Ilang segundo ba akong hindi kumurap?

"Y-yes po?" Nauutal kong sagot.

"Kanina pa po kayo tinatanong ni Sir Zack," ahhh, so Zack pala ang pangalan nya. Bagay sa kanya. Pogi din ng name!

"S-sorry. Come again?"

"I don't repeat questions. It's important to pay attention. You should know that," nataranta ako nang tumalikod na sa akin si Zack at nagsimula nang maglakad palayo.

"I-I'm sorry po. I just—" wala na akong nagawa pa nang tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

"Sorry, hija. Ayaw kasi ni Sir ng hindi binibigyan ng atensyon ang sinasabi nya," hinging paumanhin ng babaeng kaharap ko. Bagsak ang balikat kong yumuko. Lihim ko tuloy'ng sinisi ang sarili ko dahil sa katangähan.

"P-pasensya na po talaga," nakayuko kong hinging paumanhin.

'Pa'no na 'to? Ibig sabihin ba nito ay hindi ako tanggap? Sayang 'yong offer! 15k din 'yon!'

2 hours lang ako magtu-tutor kada araw pero 30k na kaagad ang kikitain ko sa isang b'wan! Sino ba naman kasi ang hindi manghihinayang? Napaka-laki na no'n! Pera na sana, magiging bato pa yata!

Nagulat ako nang maramdaman kong may humihila sa laylayan ng damit ko. Tumingin naman ako sa batang nasa gilid ko at nginitian ito.

"Bakit? May kailangan ka?" Malambing kong tanong sa kanya. Yumuko pa ako para magkapantay lang ang mga mukha namin.

"Mommy..." Mahina ang boses nya pero narinig ko parin. Kanina pa nya ako tinatawag na mommy.

Hinawakan ko naman ang mukha nya at mahina kong pinisil. Ang cute, cute ng batang ito! Ang ganda ng lahi! Maganda siguro ang mommy nya.

Gamit ang dalawa kong index finger, inilapat ko ito sa magkabilang sulok ng kanyang bibig and pull it to form a smile. Naka-sad face kasi sya.

"Ayan! Naka-smile ka na! Mas lalo kang naging pretty," sabi ko sa masiglang tono, kaya mas lalo syang ngumiti dahil sa sinabi ko.

"Really? I'm pretty?"

"Of course! Kaya h'wag ka na sad, ha," sabi ko kasabay ng mahinang tapik sa ilalim ng kanyang baba. "Sya, sige na. Aalis na si ate. Kailangan ko pa kasing maghanap ng ibang work," paalam ko sa bata. Mukhang negative na ako dito kaya maghahanap nalang ulit ako ng ibang sideline.

Palabas na sana ako ng pintuan nang muli akong tinawag ng bata.

 "Will you come back again?"

"Ahm," Anong isasagot ko? Paano ko sasabihing hindi na? Madi-disappoint nanaman 'to sigurado.

Tumingin ako sa matandang katulong na kanina pang nakikinig sa usapan namin. Mukhang na-gets naman nya na humihingi ako ng tulong.

"Ako na'ng bahala. Makaka-alis ka na, hija," sabi nya.

"Thank you po. Bye, little girl!" Paalam ko, at bago ko pa makita ang luhang nagbabadyang pumatak sa mata ng bata ay tumalikod na ako at dali-daling lumabas. Ayaw kong makakita ng batang umiiyak. Lumalambot ang puso ko. 

Pagkalabas na pagkalabas ko ng malaking gate, ay agad naman din akong napabuga ng hangin. Bagsak ang balikat kong umalis doon.

Nang maalala ko ang nakakahiyang ginawa ko kanina kung bakit hindi ako natanggap para mag-tutor, ay mariin akong napapikit at marahang pinaghahampas ang noo ko gamit ang palad kong nakasara.

"Hindi naman kasi masamang humanga sa gwapo, Bella. Pero sana inilihim mo nalang! Halata ka masyado eh! Napaka-unprofessional mo, girl!" Sermon ko sa sarili ko habang naglalakad.

"30k yun! Saan mo hahanapin 'yon sa loob ng isang b'wan?!" Nakaka-frustrate pala ang sariling katängahan.

°°°F.G°°°

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Related chapters

  • Till Contract Do Us Part    CHAPTER 2

    BELLA "Hmmp!... Good morning!" Nasa second floor ang kwarto ko sa boarding house na inuupahan ko, kaya kitang-kita sa bintana ko ang bubong ng mga katabi naming bahay. Ilang segundo pa akong nag-inat bago saglit na inayos ang magulo kong buhok. "Huy, Bella! Bumaba ka na at maki-agaw ka na ng almusal sa kusina! Mauubusan ka nanaman, bahala ka!" Si Ate Beth, may-ari ng boarding house. Tuwing umaga ay ipinagluluto kami ng almusal ni Ate Beth. Nag-aambag lang kami para sa pagkain. Maswerte ako at nakita ko 'tong paupahan nya at nakilala ko sya. Kahit papa'no ay nakakatipid ako sa gastos. "Huy, Kristina! Magtira ka naman. Meron pang mga hindi kumakain!" "H'wag kasi masiba, Tinay!" "Anong masiba? Binabawi ko lang 'yong mga pagkaing inubos n'yo na dapat ay sa'kin, 'no!" "Natural! Hindi ka naman nag-aambag eh!" "Hoy! Tumigil na kayo! Magsikain na nga lang kayo dyan!" Saway ni Ate Beth. Nakasunod naman ako sa kanya na kabababa rin lang ng hagdan. "Huy, Bella kumain ka na dit

    Last Updated : 2025-04-30
  • Till Contract Do Us Part    CHAPTER 3

    BELLA"Mommy!" Agad akong lumingon sa batang babaeng tumatakbo palapit sa akin. Bakas sa mukha nya ang tuwa nang makita ako.Hindi ko akalain na pagtatagpuin ulit kami ng landas ng batang ito.—FLASHBACK—Napakainit dito sa Maynila! Kararating ko lang dito galing sa probinsya, kaya pumasok muna ako sa mall para magpalamig. Isang bag lang naman ang dala ko at puro damit ko lang ang laman kaya madali nalang sa akin ang makakilos at makagala.Busy ako sa pagwi-window shopping nang may makita akong batang umiiyak. Naka upo sya sa sulok papunta sa CR ng mga babae kaya wala masyadong nakakapansin sa kanya."Bata, nawawala ka ba?" Nilapitan ko sya at umupo rin ako sa harapan nya nang nakatalungko para magpantay lang ang mga mukha namin.Nag-angat sya ng mukha at mabagal na umiling habang sumisinghot. Ang cute naman ng batang ito!"I ran away." Aba! At english speaking pa!"Bakit naman? Baka hinahanap ka na ng mommy't daddy mo." Sabi ko sa malambing na tono."I don't have a mommy. I'm with my

    Last Updated : 2025-04-30
  • Till Contract Do Us Part    CHAPTER 4

    ZACKI’m currently in my office, reviewing my client’s data, when my daughter, Zoe, enters the room carrying a teddy bear. She’s wearing her usual pajamas, which look cute on her."Daddy." Saglit akong lumingon sa kanya para malaman nyang nakuha nya ang atensyon ko."Yes, sweety?" Tanong ko sa mababang boses. I gently pulled Zoe onto my lap and hugged her. She hugged me back."I can't sleep. Could you read me story until I fall asleep?" She sweetly asked. Bilang isang abogado ay kailangan kong tutukan at pag-aralan ang legal documents ng mga clients ko. I'm also managing multiple cases with its own sets of demands and deadlines. Also, I need to meet the clients, attend hearings and dealing with unexpected changes in case schedule.In short, I'm a very busy man. To the point, na nawawalan na ako ng oras sa anak ko. Masyado akong nakatutok sa trabaho at hindi ko manlang magawang bigyan ng kahit kaunting oras si Zoe. Somehow, I felt a pang of guilt in my heart."Alright. I'll read you s

    Last Updated : 2025-04-30
  • Till Contract Do Us Part    CHAPTER 5

    BELLAPalagi akong sumusulyap sa direksyon ni Zack. Gusto kong tumingin din sya sa direksyon ko at magtanong kung bakit ako nakatingin sa kanya. Pero mukhang manhid ang lalaking ito dahil hindi manlang yata nakakaramdam na may mga mata nang nakamasid sa kanya!Katatapos lang ng lesson namin ni Zoe at niyaya na nila ako na dito na mag-lunch. Hindi na ako tumanggi dahil bukod sa nagugutom na ako, ay pagkakataon ko na rin 'yon para gawin ang pakay ko."Ahh..." Natapos na kami sa pagkain at magpapalam muna sana ako para mag-CR saglit."What is it?" Biglang tanong ni Liam kaya naputol ang pagsasalita ko."Pupunta lang ako sa banyo." Paalam ko. Masuyo ko ring hinaplos sa buhok si Zoe at nginitian bago ako umalis sa harapan nila.Babalik na sana ako sa kusina para tumulong saglit nang makita ko si Zack na nakasandal sa pader na katapat lang ng CR. Naisip ko pang baka gagamit din s'ya ng banyo kaya hininatay n'ya akong matapos."Ahh.. Gagamit ka rin ba?" Ayaw ko pa sana syang papasukin sa loo

    Last Updated : 2025-04-30
  • Till Contract Do Us Part    PROLOGUE

    "Pasensya na po talaga kayo, ma'am. Kailangan po naming kuhanin ang ilan sa mga gamit n'yo para kahit papa'no ay makabawas po sa utang na meron kayo.""Bigyan n'yo nalang po kami ng konti pa'ng panahon para makahanap ng pera. H'wag n'yo lang po'ng kunin ang mga gamit namin.""Pasensya na po talaga, ma'am. Sumusunod lang po kami sa utos."Yakap ko ang Mamang at masuyong hinahaplos ang kanyang likod habang pinapanood kung paano hakutin ng mga lalaki ang ilan sa mahahalaga naming gamit. Umiiyak si Mamang sa balikat ko dahil mahalaga para sa kanya ang mga gamit na 'yon. Bukod sa bahay na tinitirhan namin, ay kasama sa mga naipundar nila ni Papang ang mga gamit na ngayon ay nasa loob na ng malaking truck."Tahan na po, Mamang," pang-aalo ng nakababata kong kapatid sa nanay namin. Bilang panganay, ay naaawa rin ako sa kapatid ko dahil baka mapahinto na rin sya sa pag-aaral.Maayos naman ang pamumuhay namin noon. May sarili din kaming sari-sari store na naipundar dahil sa pangingibang bansa

    Last Updated : 2025-04-30

Latest chapter

  • Till Contract Do Us Part    CHAPTER 1

    BELLA"Sigurado po ba kayo na dito po ang tamang address," tanong ko sa ale'ng pinagtanungan ko. Kanina ko pa kasi hinahanap ang tamang location ng address na binigay sa akin.Mag-iisang linggo na ako dito sa Maynila at katatapos lang ng shift ko sa pangalawa kong trabaho. At ngayon nga ay papunta naman ako sa bahay ng batang chu-tutor-an ko."Oo. D'yan 'yon. Iyong may pinaka malaking gate. Ano bang sadya mo dyan, ineng? Nag-aapply ka bang katulong?" Usisa pa ng ale."Ay, hindi po, Ate," naka-ngiwi akong nagkamot ng ulo. "Dito po kasi nakatira yung tutee ko po,""Anong tutee? Tuta ba 'yon?" bakas sa mukha nya ang kawalang ideya sa sinabi ko. Bahagya akong natawa sa pag-aakala nyang tuta ang ibig kong sabihin."Hindi po, Ate," natatawa kong sagot. "I mean, tutor po kasi ako ng batang nakatira d'yan," sabay turo ko sa malaking bahay."Ahh, 'yon ba 'yon? Hindi ko kasi alam 'yon eh," saglit syang nagkamot ng ulo. "Sya sige na. Mauuna na ako, ha. Mag-doorbell ka nalang do'n pag nasa tapat

  • Till Contract Do Us Part    PROLOGUE

    "Pasensya na po talaga kayo, ma'am. Kailangan po naming kuhanin ang ilan sa mga gamit n'yo para kahit papa'no ay makabawas po sa utang na meron kayo.""Bigyan n'yo nalang po kami ng konti pa'ng panahon para makahanap ng pera. H'wag n'yo lang po'ng kunin ang mga gamit namin.""Pasensya na po talaga, ma'am. Sumusunod lang po kami sa utos."Yakap ko ang Mamang at masuyong hinahaplos ang kanyang likod habang pinapanood kung paano hakutin ng mga lalaki ang ilan sa mahahalaga naming gamit. Umiiyak si Mamang sa balikat ko dahil mahalaga para sa kanya ang mga gamit na 'yon. Bukod sa bahay na tinitirhan namin, ay kasama sa mga naipundar nila ni Papang ang mga gamit na ngayon ay nasa loob na ng malaking truck."Tahan na po, Mamang," pang-aalo ng nakababata kong kapatid sa nanay namin. Bilang panganay, ay naaawa rin ako sa kapatid ko dahil baka mapahinto na rin sya sa pag-aaral.Maayos naman ang pamumuhay namin noon. May sarili din kaming sari-sari store na naipundar dahil sa pangingibang bansa

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status