LOGINGinawang patibong ni Liana ang sarili nilang birthday party upang linlangin ang kakambal niyang si Lara. Nilasing nila ito at dinala sa silid ng isang estranghero upang palabasing niloko ang fiancé niyang si Adrian. Lingid sa kaalaman ni Lara, matagal nang lihim na magkasintahan sina Adrian at Liana. Magkasabwat ang dalawa sa planong sirain ang kanyang buhay at tuluyan siyang mawala sa kanilang landas. Dahil sa patibong nila, iniwan siya ni Adrian, itinakwil ng sarili niyang pamilya, at tinangka pang patayin. Pero nakaligtas si Lara at nagpunta sa ibang bansa. Limang taon ang lumipas, bumalik si Lara sa Maynila kasama ang dalawa niyang genius na anak. Handa na siyang bawiin ang lahat ng nawala sa kanya—at pagbayarin si Liana at mga taong sumira sa buhay niya. Pero hindi niya inaasahang muling makikita si Renzo Valmonte—ang makapangyarihang lalaking nakasama niya noong gabing nagbago ang buhay niya. Nang makita ni Renzo ang kambal na kamukhang-kamukha niya, agad nitong hinarangan si Lara. “Lara, magpaliwanag ka. Bakit kamukhang-kamukha ko ang kambal?” Napatigil si Lara. “I-Iba ang iniisip mo.” Mabilis niyang hinila ang dalawang bata sa harap ni Renzo. “Mga anak, tawagin n’yo siyang Tito Renzo.” Biglang dumilim ang mukha ni Renzo. “Hindi,” mariin niyang sabi. “Daddy ang itawag n’yo sa akin.”
View MorePero hindi agad sumunod si Liana.“Puwede ko po bang makausap muna ang mga magulang ko?”Tumango si Luca.“Sige. Maghihintay kami sa labas.”Tumayo siya at lumabas kasama ang kanyang mga tauhan.Pagkaalis nila, agad na pinauwi ni Liana sa kusina ang mga kasambahay.“Liana,” mahinang sabi ni Teresa. “Hindi ba’t si Lara ang babaeng nasa hotel kagabi?”“Mama!”Mabilis siyang pinatigil ni Liana.Nilibot niya ang tingin sa paligid. Nang masigurong walang nakikinig, saka siya lumapit sa kanyang mga magulang.“Hinaan niyo naman ang boses niyo, Ma. Paano kung may makarinig?”“Pero anak, ikaw mismo ang nagsabi na si Lara ang iniwan mo roon,” sabi ni Teresa.“Alam ko po.”Hinawakan ni Liana ang kamay ng kanyang ina.“Pero isipin ninyo ang ginawa natin kanina. Pinalayas ninyo si Lara at sinabi ninyong hindi na ninyo siya anak.”Bahagyang nagbago ang mukha nina Roberto at Teresa.“Puwede naman natin siyang hanapin at pauwiin,” sabi ni Teresa.“Paano kung ayaw niyang bumalik?” tanong ni Liana. “Pa
Nanatiling nakatitig si Renzo sa maikling mensahe.Ilang segundo siyang natahimik bago isang malamig na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi.Siya pa talaga ang walang hiya?Unang pumasok ang babae sa kwarto niya at bigla na lang siya nito hinalikan. Tapos ngayon, tumakas ito bago pa siya magising at iniwan pa siya ng ganoong pang-iinsulto. At ngayon, may gana pa itong utusan siyang huwag na itong hanapin? Unti-unting naningkit ang mga mata ni Renzo.“Ang tapang naman nito,” malamig niyang bulong.Kung akala ng babae ay matatapos ang lahat sa pag-alis nito, pwes, nagkakamali ito. Dahil sa mensaheng iyon, lalo lamang siyang naging determinado na hanapin ito.Kinuyom ni Renzo ang papel at inihagis iyon sa basurahan. Pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tumawag.Malamig ang kanyang boses nang magsalita.“May isang oras kayo. Alamin ninyo kung sino ang babaeng pumasok sa kwarto ko kagabi.”***Makalipas ang dalawang oras, sa bahay ng pamilya Villanueva, nagmamadaling pum
Namula ang mga mata ni Lara.Mahigpit niyang kinuyom ang mga kamay.“Liana, nagtiwala ako sa’yo. Kung gusto mo si Adrian, sana sinabi mo na lang. Hindi ko siya aagawin sa iyo.”Nanginginig ang kanyang boses.“Bakit kailangan mong gawin ito sa akin?”Nawala ang ngiti ni Liana.“Dahil hindi lang doon, Lara. Ano bang karapatan mong kunin ang mga bagay na para sa akin?”Nanlaki ang mata ni Lara. “Ano?”“Isa ka lamang babaeng lumaki sa probinsiya. Tapos babalik ka rito at kukunin mo ang lugar ko? Akala mo ba papayag akong ikaw ang maging asawa ng tagapagmana ng mga Sarmiento?”Mas lumapit si Liana sa kanya.“Dahil aalis ka na rin naman, sasabihin ko na sa iyo ang totoo.”Napakunot-noo si Lara.“Matagal nang alam nina Papa at Mama kung nasaan ka. Alam nilang nag-aaral ka sa University of Manila, pero wala silang planong kunin ka.”Parang biglang huminto ang paghinga ni Lara.“Hindi ‘yan totoo, Liana.”Tumawa si Liana. “At bakit naman ako magsisinungaling? Hindi ako gusto ng lola ni Adrian.
Hindi napansin ni Lara na bumukas pala ang suot niyang jacket nang itulak siya ni Adrian kanina. Kaya nang makatayo siya, lantad na ang mga pulang marka sa kanyang leeg, balikat, at mga braso.Isang tingin pa lang nina Roberto at Teresa, agad na nilang naunawaan kung ano ang nangyari.Napasinghap si Teresa. Samantala, halos sumabog naman sa galit si Roberto.Mabilis na lumapit si Roberto kay Lara at malakas itong sinampal.“Walang hiya ka!” sigaw niya. “Tingnan mo ang ginawa mo!”Bumasag sa katahimikan ng hardin ang malakas na sampal nito.Namutla si Lara.Parang may malakas na ugong sa kanyang tainga habang hawak ang namumulang pisngi niya. Hindi siya makapaniwalang sinaktan siya agad ng sariling ama.Hindi man lang siya nito tinanong kung ano ang nangyari. Hinayaan na lamang nitong husgahan siya base sa nakita.“Papa...” nanginginig niyang tawag.“Huwag mo akong tawaging Papa!” galit na sigaw ni Roberto. “Wala akong anak na tulad mong walang hiya!”Lalong nagalit si Roberto nang mak






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.