Share

Chapter 14

PADAPANG nakahiga si Yumi sa mahabang sofa sa sala habang hawak ang cellphone na ibinigay ni Vincent. May pinapanuod siya na video, ayon sa kanyang asawa ay nakakatuwa raw iyon. Napahalakhak siya at eksakto namang dumating si Yvonne.

"Wow naman, prinsesa lang ang peg!" sabi nitong nakataas pa ang isang kilay.

Napahinto siya sa panunuod at nilingon niya ang nagsalita. Nabanaag agad niya sa mata nito ang labis na pagka-inis. At kung makakapagsalita nga lang ba ang mata'y tiyak niyang 'hindi mo solo ang daigdig' ang sasabihin nito, kung kaya't bumangon at umupo siya.

"Sorry," hinging paumanhin niya.

"This is not your room, right?"

Naumid ang dila niya. Nagbaba na lamang siya ng paningin. Ewan ba niya kung bakit bahag ang buntot niya pagdating kay Yvonne.

"Marrie," tawag nito sa dumaang maid.

"Yes, Seniorita!"

"Clean that," itinuro nito ang sofa na hinigaan niya kanina lamang. "I-vacuum mo para matanggal ang virus," nakasimangot nitong utos.

Nagsalubong ang dalawang kilay ni
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status