Iliana POVGising na raw ang bruha, kaya pumunta ako para tignan siya. Pagdating ko sa kuwarto niya, hinang-hina pa rin. Pulang-pula pa rin ang mukha dahil sa sobrang init kanina.“Iliana, uhaw na uhaw na ako at gutom na gutom. Ano na, wala pa rin bang pagkain?” tanong niya sa akin. Dama ko sa boses niya ang pagod.“Nung araw, nahimatay din ako, Jate. Namahinga lang din ako saglit, pero tuloy ang trabaho ko,” sabi ko sa kaniya. Napailing naman agad siya.“Pagkain at tubig ang kailangan ko, hindi ang kuwento ng buhay mo,” sagot naman agad niya.“Makinig ka munang putang-ina ka!” bulyaw ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at saka ko hinawakan ang baba niya. Hinigpitan ko ang hawak doon sa sobrang inis ko sa kaniya. “Kapag sumagot ka pa, bukas na kita papakinin. Hindi lang iyon, wala kang tubig at pagkaing buong maghapon at pababalikin pa kita sa damuhan para ipagpatuloy ang trabaho mo!” pananakot ko pa sa kaniya.Napailing na lang siya. Pero kita ko sa mukha nito ang pagkainis.“Ang gus
Baca selengkapnya