ALTHEA'S POINT OF VIEW Gabing-gabi na pero gising pa rin ako. Tahimik ang buong bahay, pero ang puso ko ang pinaka-maingay. Sa bawat tibok nito, may kasamang kaba, takot, at kakaibang saya. Nakasuot na ako ng oversized hoodie at dark jeans, maingat na inilagay sa backpack ko ang maliit kong make-up kit, song list, at siyempre, ang maliit kong condenser mic. Hindi ito unang beses na lalabas ako nang hindi nagpapaalam, pero ngayong gabi ay iba. Tonight, I’m not just sneaking out—I’m finally performing outside campus. At hindi lang basta performance, kundi isang underground gig na siksikan sa mga musikero’t audience na totoo. Nag-text si Lucas kanina, “Ikaw ang finale. Wag kang malate.” Sumagot ako ng simpleng thumbs up, kahit ang totoo’y nanginginig na ako. Lumabas ako ng kwarto, marahang sinarado ang pinto. Umikot ako sa gilid ng bahay para makaiwas sa sensor lights. Nasa ilalim na ng mga bituin, hawak ko ang sarili kong kapalaran, kahit alam kong isang maling galaw lang, baka tapus
Terakhir Diperbarui : 2025-06-19 Baca selengkapnya