Two weeks later ay umalis kami ng bansa, lahat kami kasama sila Lola, at sila Noel. Kagaya ng gusto ng mga asawa namin sa Korea kami nagpunta. Pinaaga namin ang pag alis para maalis sa isip nila ang nangyari, para na rin mag enjoy sila sa pangarap nilang lugar na marating. Hindi ako mahilig umalis ng bansa maliban kung may emergency meeting ako na kailangan daluhan sa mga branch. Pero kung ito ang hilig ni Demi, walang tutol na dadalhin ko siya sa bansa na gusto niya. Napaawang ang labi ko ng makita si Demi na lumabas ng fitting room para magpalit ng traditional clothes ng Korea. Bagay na bagay sa kanya ang suot na baby pink at dark pink na kulay. Nakatali ang buhok nito ng patirintas, kaya lumitaw ang maliit nitong mukha. Na-emphasized ang maganda nitong mata, mamula-mulang labi, matangos na ilong at maliit na mukha. Dahil makinis at maputi ang asawa ko, nagmistula itong Korean princess sa ganda.“B-bagay ba? Feeling ko hindi… dapat pala yung kulay blue na lang ang pinili ko.” Nila
Last Updated : 2025-11-12 Read more