Ang gabi ay balot ng karangyaan sa loob ng Maximilian Estate, pero para kay Ava Dominique, pakiramdam niya ay isa siyang isdang naligaw sa gitna ng karagatan ng mga pating. Suot ang isang midnight blue backless silk dress na pinilit lang ipasuot sa kanya ng kanyang kakambal na si Aria, halos hindi makahinga si Ava sa sobrang hiyâ. Hindi siya sanay sa ganitong karangyaan. Mas gusto niya ang mag-stay sa bahay, magbasa, at asikasuhin ang kanyang boyfriend—kahit na ang totoo ay unti-unti na siyang nauubos nito."Aria, bakit kailangan nating gawin 'to?" bulong ni Ava kanina bago sila maghiwalay. "Ava, relax! Isang gabi lang. Zane is a gentleman, he’ll take care of you. I just need to fix something for my flight," sagot ni Aria nang may kakaibang ngiti.Ang hindi alam ni Ava, sa kabilang kwarto, sa loob ng isang surveillance suite, seryosong nag-uusap ang tatlong tao: sina Aria, ang totoong Zane, at ang "secret twin" na si Zion Alexander."Sigurado ba kayo rito?" tanong ni Zane habang inaay
Last Updated : 2026-05-06 Read more