Kinabukasan, iminulat ni Alyssa ang kaniyang mga mata na may kusa nang ngiti sa kaniyang mga labi. Sumisilip ang liwanag ng araw mula sa bintana, pero mas maliwanag pa roon ang magaan na pakiramdam niya sa loob.Hindi niya alam kung bakit, pero ang sarap sa pakiramdam.Ilang segundo siyang nakatitig sa puting kisame bago tuluyang bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi.The dinner, the dance, the sunflower, at higit sa lahat… Damien.Kusang umangat ang kamay niya at napahawak siya sa sariling labi nang maalala ang init at lambing ng mga halik nito."Grabe..." bulong niya sa hangin.Napailing siya sa sarili, hindi maitago ang kilig na namumuo sa dibdib niya."May boyfriend na talaga ako."Hindi niya napigilang mapangiti nang malaki. Pambihira, parang sasabog yata ang puso niya sa sobrang saya.Biglang may marahang kumatok sa pinto, sapat para mabalik siya sa wisyo. Napaupo siya at mabilis na inayos ang buhok."Come in."Bumukas ang pinto. At halos lumabas ang puso niya sa ribcage
Last Updated : 2026-08-22 Read more