_shailaxy
“Ahh, Dylan, please…”
Sa likod ng nakasarang pinto, abala si Eliana sa pagbibigay-kasiyahan sa sarili; hindi niya namamalayang naririnig siya ng kaniyang biyenan.
Iniwan si Eliana Beatrice Sarmiento ng kanyang asawang si Dylan Sebastian Villareal matapos nilang pagsaluhan ang kanilang unang gabi bilang mag-asawa. Nang dahil sa negosyo ay kinailangang pumunta ni Dylan sa ibang bansa. Sa unang hanggang pangalawang buwan nito roon ay patuloy pa rin ang kanyang komunikasyon kay Eliana, ngunit pagsapit ng ikatlong buwan, bigla na lamang siyang nawala. Balisa at hindi mapakali, patuloy ang pag-aalala ni Eliana sa asawa.
Sa loob ng anim na buwan, pinipigilan niya ang matinding pag-aalala, lalo na't ang pinakamasaya niyang alaala kasama si Dylan ay ang kanilang unang gabi. Nang magpatingin siya sa isang psychologist, nalaman ni Eliana na mayroon siyang nymphomania, isang sexual disorder na nagdudulot sa kanyang paghahanap ng sekswal na libangan at hindi mapigilang pagnanasa sa tuwing nakakaramdam siya ng pagkabalisa at labis na pag-aalala.
Si Damian Villareal, ang kanyang biyenan, ay lihim na nagnanasa sa karisma ni Eliana. Gabi-gabi, palihim siyang pinagmamasdan habang iniisip niyang nasa mga bisig niya ito. Hanggang isang gabi, aksidenteng nainom ni Eliana ang alak na may halong pampagana, na naging dahilan upang mabuo ang isang mainit na relasyon sa pagitan niya at ng biyenan.
4.5K