Roman
Histoire Courte

Genres

Tous
Romance
Mafia
System
Fantasy
Urban
LGBTQ+
YA/TEEN
Paranormal
Mystery/Thriller
Eastern
Games
History
MM Romance
Sci-Fi
War
Other

Personnages

36
Nanny×
Tous
CEO
Billionaire
Independent
Ruthless
Hidden Identity
Dominant
Mafia
Arrogant
Secretary
Goodgirl
Doctor
Rebel
Intelligent
Badboy
Playboy
Twins
Badgirl
Teenager
Actor / Actress
Bully
Lawyer
Agent
Nanny
Professor
Artist
Triplets
OFW
Star
Warrior
Detective
Medical Genius
Police
Hunter
Gamer
Hybrid
Dragon
Voir plus

Intrigue & univers

40
Contract Marriage×
Tous
Betrayal
Contract Marriage
Hate to Love
Revenge
Forbidden Love
Affair
Pregnant
Arranged Marriage
Age Gap
Love after Marriage
Second Chance
First Love
Office Relationship
Love-Triangle
Misunderstanding
Secret Love
Regret
Love at First Sight
Divorce
Flash Marriage
Campus
Forgiveness
Weak to Strong
Twist
Twisted
Face-Slapping
Lovers Reunion
Substitute Bride
Blind Date
Reborn
Level up
Superpower
Gay for you
MxM
Reverse Harem
God of War
Immortal Hero
Harem
Sports
Kingdom Building
Voir plus

Thème

13
Tous
Drama
Dark Romance
Contemporary
First-Person POV
Sweet Love
Third-Person POV
Comedy
Mystery
Action
Tragedy
Adventurous
Eastern
Mangkukulam
Voir plus

Romans & Histoires Nanny Contract Marriage

Découvrez des romans mettant en scène des personnages Nanny dans un univers Contract Marriage, avec des histoires captivantes et immersives. Parcourez les lectures populaires en ligne et trouvez votre prochaine histoire préférée.
Filtres

Nombre total de mots
Tous<30k30k-50k50k-100k>100k
Trier par

PopulairesRecommandationsNotesMis à jour
Ang Katulong na Naging Kontratang Asawa ng Bilyonaryo - undefined roman & histoires
Moonlitwrites
“And don’t fall in love with me.” Iyon ang huling patakaran ni Lucas Matteo Vergara para kay Mandy D. Mapagkatiwalaan. Natawa lang si Mandy nang marinig iyon. Dahil sino ba naman ang magkakagusto sa isang suplado, mayabang, at ubod ng sungit na bilyonaryo? Siguro may iba. Pero hinding-hindi siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumirma sa isang kontratang magliligtas sa buhay ng babaeng tumuring sa kanya bilang sariling apo. Upang matupad ang huling hiling ni Lola Janette, kailangan niyang pakasalan si Lucas at maging kontratang asawa nito sa loob ng tatlong taon. Akala ni Mandy, iyon na ang pinakamahirap na bahagi ng kanilang kasunduan. Ngunit nang bumalik si Samantha—ang unang babaeng minahal ni Lucas at ang babaeng muntik na niyang pakasalan—unti-unting nabasag ang mga pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso. At doon niya napagtanto na may mas mahirap pa pala kaysa sa pagiging kontratang asawa ng isang bilyonaryo. Ang mahulog sa lalaking hindi kailanman magiging kanya. Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap na walang nararamdaman? At kapag dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, handa ba siyang bitawan ang lalaking pinakamamahal niya? O lalaban siya para sa pag-ibig na mula pa sa simula ay hindi naman para sa kanya?
10
5.3K
The Plus-Size Girl Claimed by 3 Daddies(Tagalog) - undefined roman & histoires
Author Marr
Nawala kay Ana Lancaster ang lahat sa loob lamang ng isang araw. Pinakasalan ng kanyang nobyo ang kanyang matalik na kaibigang buntis, at iniwan siya na may isang malupit na paalala: walang lalaking magnanais kailanman sa isang mahirap at plus-size na babaeng katulad niya. Ngayon, isa na lamang siyang utusan sa mansyon ng pamilya Leon, tahanan ng pinakamakapangyarihang pamilya ng mga negosyante sa lungsod. Ang kanyang buhay ay puno ng mga utos, panghihiya, at mapanlait na mga tingin—hanggang sa magsimulang mapansin siya ng tatlong mapanganib na lalaki. Si Leon, ang malamig at dominante na lalaki na tumitingin kay Ana na para bang pag-aari na niya ito. Si Adrian, ang matatag at mahinahong lalaki na unti-unting nagpaparamdam kay Ana na siya ay kanais-nais. Si Sebastian, ang mailap at mapang-akit na lalaki na hindi kailanman itinatago ang kanyang pagkahumaling sa panunukso sa katawan at isipan ni Ana. Nang ang utang sa ospital ng kanyang yumaong ina ay nagbantang sirain ang kanyang buhay, napilitang mapasok si Ana sa isang lihim na kasunduan kasama ang tatlong lalaking napakayaman, napakamakapangyarihan, at masyadong obsesibo upang tanggihan. Isang desisyon lamang ang humila kay Ana sa isang mundong puno ng pera, pagnanasa, at mapanganib na mga laro sa pagitan ng tatlong matalik na magkaibigan na unti-unting nagsisimulang sirain ang isa't isa dahil sa kanya. Sa likod ng mamahaling mga damit, nag-aalab na mga haplos, at makasalanang mga bulong, dahan-dahang napagtanto ni Ana ang isang bagay: Hindi lamang ang kanyang katawan ang gusto nila. Gusto nila siyang angkinin nang buo.
10
5.5K
His Darkest Pledge (Entice Series 3) - undefined roman & histoires
TatterDemalion
His Darkest Pledge (Entice Series 3) Xia Alanny Buenaventura Garcia—kidnapped by her own father. Para maisalba ang papalubog na kompanya, itinali siya sa isang lalaking hindi niya kailanman ginusto. Sa isang malamig at maulan na gabi, tumakas siya at nagpakalayo-layo. Binago niya ang kanyang pangalan, pagkatao, at pangarap. Naging kasambahay siya ng isang Chief. Lahat ay ginawa niya upang hindi siya mabuko—upang hindi malamang peke ang pangalang ginamit niya. Pero paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon, mahulog siya sa lalaking ito? Paano kung balak na niyang bumalik sa dating buhay? Paano kung magsisi siyang hindi niya napakasalan ang lalaking nakatakda para sa kaniya? Paano kung buo na ang desisyon niya? Paano kung gusto na niyang kilalanin ang taong pakakasalan niya sana? But for that man, despite Xianny running away... his heart belonged only to her. His darkest pledge was her. Nothing more, nothing less—but her. But who's that guy? If they're both chasing her? --- A story of escape, hidden identities, forbidden love, and a man who never stopped waiting.
10
1.6K
babysitting the billionaire's son - undefined roman & histoires
Ms. Nea
PINIPILIT AKO NG MAYAMANG LALAKING I-BABYSIT ANG ANAK NIYA “1 million.” Masama akong tumingin. “Hindi ako mahirap! Tingin mo sakin, mukhang pera?!” “3 million.” “Kahit lakihan mo pa ang sahod, ayoko.” “10 million. Just take care of my child.” Sampung milyon?! “Yung anak lang? ’Yung tatay hindi kasama? Sabihin mo lang, kaya naman kitang alagaan kahit habang buhay pa.”
10
3.1K
ANG PIYAYA NI PIPAY - undefined roman & histoires
SKYGOODNOVEL
“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
10
22.7K
The Stay-In Tutor - undefined roman & histoires
Adhine A.
A romance story that revolves around a woman who enters a challenging job. Sa kabila ng malagim niyang nakaraan, sinubukan mabuhay ng normal ni Safirah kahit mag-isa na lamang siya sa buhay. Pinilit niyang huwag tumanggap ng kahit anumang tulong mula sa ama na matagal na niyang kinamumuhian. Kahit alam ni Safirah na mayaman ang kanyang ama ay pinili niyang humanap ng sariling ikakabuhay hanggang sa pumasok siya sa buhay ni Terence na siyang magiging amo niya. Makakayanan niya kayang pigilin ang sarili na hindi umibig sa kanyang amo o paninindigan niya ang pagiging man-hater dahil sa naranasan mismo ng kanyang sariling ina sa ama niya noon?
10
9.0K
Winning His Ex-Wife's Heart Back After Divorce - undefined roman & histoires
EnigmaticBelle
Labis ang kagalakan na naramdaman ni Camila Villarazon sa kaniyang puso nang sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong maging asawa ng lalaking matagal na niyang lihim na minamahal, si Juancho Buenvenidez. Nasa rurok ng kaniyang buhay, piniling iwan ni Camila ang lahat para lamang makasama ang lalaking minamahal. But the thing is, Juancho didn't want her at all. Nilihim nilang dalawa ang ugnayan sa isa't-isa ayon sa kagustuhan ng lalaki sa loob ng tatlong taon. Nang bumalik sa eksena ang unang babaeng minahal ni Juancho, walang ibang nagawa si Camila kundi ang umalis na lang, tila ba ito rin ang gumising sa kaniyang katangahan, gustuhin man nitong magsisi ay huli na ang lahat. She filed a divorce agreement. Who would have thought that after the divorce, she would reach the peak of her life more? She is well-known in her field as the top designer named, Sunshine. Ngunit sa kabila ng kaniyang tagumpay, tila ba pinaglalaruan pa rin ito ng tadhana dahil sa palaging pagtatagpo ng mga landas nila ng dating kabiyak. Her ex-husband loves teasing her even after they've separated. Tuluyan nga kayang mabura ang pag-ibig ni Camila para kay Juancho o mas lalo pa itong titindi dahil sa mapaglarong tadhana?
10
56.9K
He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny - undefined roman & histoires
MeteorComets
(Ship of Temptation 2) Nang dahil sa wine, nalagay sa panganib ang buhay ni Meldy. Muntik na siyang ipakulong ni Eliot Santisas, ang mayamang negosyante sa bayan nila sa pag-aakalang ninakaw niya ang isang box ng wine na nagkakahalaga ng isang milyon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang dumating si Elise—ang anak ni Eliot at inakalang si Meldy ang ina niya. “Bad ka papa! Inaway mo si mama!” Umiiyak na sabi ni Elise habang yakap-yakap si Meldy. Nakita yun ni Meldy na oportunidad para hindi tuluyang makulong. “Sir, b-babayaran ko po ang wine. Pagta-trabahuan ko po yun sa inyo kung maaari.” Tumingin si Meldy kay Elise. “Pwede po akong maging yaya ng anak niyo. Magta-trabaho po ako ng libre hanggang sa mabayaran ko po ang halaga no'ng nawalang wine niyo.” Isang mahabang katahimikan ang namayani bago sumagot si Eliot. “Pag-iisipan ko,” sabi nito at kinuha si Elise at umalis. Nakahinga si Meldy at inakalang nakalusot siya sa kamalasan sa buhay, hindi niya alam na pinasok niya pala ang pa-in na nilaan para sa kaniya ni Eliot Santisas. Ngumisi siya habang binabaybay ang daan papunta sa kwarto ni Elise. “I think it’s time for you to pay your sin.” Ang mga salitang naglalaro sa isipan ni Eliot.
10
52.0K
Ang Maid ng Bilyonaryo (Part II) Ang Tunay na Asawa - undefined roman & histoires
Anne Coyno
Matapos tuluyang wakasan ang kanilang kontrata, nagsimula sina Lia at Adrian ng bagong buhay bilang tunay na mag-asawa kasama si Nico. Habang natututong bumuo si Lia ng sariling pangarap at negosyo, unti-unti naman niyang natuklasan ang mga pangarap at takot na matagal nang itinago ni Adrian. Sa kanilang bagong tahanan, mas lumalim ang kanilang pagmamahalan at nabuo ang isang tunay na pamilya. Ngunit sa pagkakataong wala nang kontratang nagbubuklod sa kanila, isang bagay ang naging malinaw: pinili nila ang isa’t isa hindi dahil sa pera, obligasyon, o kasunduan, kundi dahil sa tunay na pagmamahal.
174
The Billionaire's Aggressive Maid - undefined roman & histoires
yshanggabi
Tahimik ang mansyon. Tahimik… maliban sa mahinang iyak ni Princess sa bisig ko—isang buwang gulang, walang alam, walang kasalanan. Pero siya ang unang nasaktan sa lahat ng ‘to. Siya ang naiipit sa pagitan ng dalawang taong hindi na alam kung paano magmahal nang sabay. Nakaluhod ako sa harap ni Elise. Mahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bestida niya, parang batang takot na maiwan sa dilim. Nanginginig ang labi ko, pinipigilan ang mga luhang ayaw na sanang lumabas—pero hindi ko na kayang kontrolin. “Please, Elise…” garalgal kong pakiusap. “’Wag mo kaming iwan. Hindi ko alam kung paano palalakihin si Princess nang wala ka. Hindi ko alam kung paano mamuhay kung wala kayo…” Pero wala. Wala siyang emosyon. Wala siyang luha. Matigas ang titig niya, parang ako pa ang mali. Bitbit niya ang maleta niya—hindi lang punô ng damit, kundi punô ng lahat ng alaala namin. Lahat ng pangarap. Lahat ng ‘akala ko tayo.’ “Hindi ko ‘to pinlano, Levi,” mahina niyang sagot. “Pero kailangan kong piliin ang sarili ko. Pagod na akong umasa. Pagod na akong maging pangalawa sa trabaho mo, sa mundo mo. Hindi ko kayang maging ina habang ako mismo’y hindi buo.” Gumuho ako. Literal. Napayuko ako habang yakap ko si Princess, habang nararamdaman ko ang init ng iyak niya sa dibdib ko. Halik ako nang halik sa noo niya, para bang kaya kong takpan ng pagmamahal ang kawalan ng ina niya. “Anak mo ‘to, Elise. Anak natin…” pabulong kong daing. “Kung hindi mo na ako kayang mahalin… kahit siya na lang. Kahit siya. ‘Wag mong iwan ang anak mo…” Pero wala. Ni hindi siya lumapit. Ni hindi siya tumingin. Tumalikod siya, dala ang katahimikang mas malakas pa sa kahit anong sigaw ng pagtanggi. "Ayoko na" mahina niyang sabi at hinila ang maleta palabas ng mansion.
10
22.7K
Nanny For Hire, Mommy By Choice  - undefined roman & histoires
Author Lizzy
Akala ni Estelle, tatlong buwan lang siyang magiging yaya. Pero hindi niya inasahan na sobrang mapapalapit siya sa anak ng boss niyang si Alaric Montserrat—isang gwapo, seryoso, at ubod ng yaman na negosyante. Nang dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, isang alok ang hindi niya inaasahan. At iyon ay ang maging ina ng anak ni Alaric sa loob ng dalawang taon! Isang simpleng trabaho ang pinasok ni Estelle, pero isang buong pamilya ang gustong ibigay sa kanya ng boss niya. Tanggapin kaya niya ang alok, o iiwan niya ang pusong natutunang umibig sa mag-ama?
1.4K
The Contract - undefined roman & histoires
Jealie
Catchline: "Maid niya lang ako! Ina lang ng magiging anak niya! Wala akong karapatang mag-inarte dahil kasalanan ko kung bakit ako nasa ganitong kalagayan. Kailangan kong itatak sa aking isipan na ang nasa sinapupunan ko ay kahalili ng anak niyang namatay— namatay nang dahil sa akin. Oo nga at masakit, pero wala pa ito sa kalingkingan ng nararamdaman niyang sakit no'ng pinatay ko ang anak niya." SYNOPSIS Dahil sa kahirapan napilitang pumunta ng Maynila si Olivia upang mamasukang katulong. Sa edad na beinte-sinco, second year college lamang ang kaniyang natapos sa kadahilanang hindi na kaya ng kaniyang mga magulang na sabay silang pag-aralin ng kaniyang kapatid. Nang tumuntong siya ng Maynila, akala niya doon na niya matatagpuan ang kaniyang pinapangarap na Prince Charming— sa katauhan ng kanyang gwapo ngunit masungit na among si Vanadium Abejero, na pangalan pa lamang ay malalaman mo na kaagad na galing ito sa mayamang pamilya. Ngunit nasira ito nang malaman niyang may asawa na ito't anak. Napakabuti ng kaniyang Senyora Isabel kaya hininto niya na ang anumang nararamdaman para sa kaniyang napakasungit na amo. Pero makalipas lamang ang ilang buwang panganganak nito sa kanilang anghel, namatay sa isang car accident si Isabel Abejero. Kaya muling nabuhay ang kaniyang pilit na tinatagong nararamdaman para kay Vanadium. At makalipas lamang din ng tatlong taon matapos mamatay ang kaniyang Senyora Isabel ay naganap ang isang aksidenting siya ang may kasalanan, na naging dahilan upang mabuo ang isang kasunduan sa pagitan nila ni Vanadium. Kasunduang maghahatid sa kaniya ng isang mapait ngunit masayang karanasan.
10
15.8K
Bought By The Cold Billionaire: The Maid He Married - undefined roman & histoires
CelestielleEmpress
Si Celestine Alarice Reyes ay isang kasambahay na lumalaban sa buhay para mailigtas ang kanyang amang nasa ospital. Nang matanggap siya sa mansyon ng bilyonaryong si Lucian Kael Montecarlos, ang akala niya ay simpleng trabaho lang ang naghihintay sa kanya—hanggang sa makilala niya ang lalaking malamig, dominante, at sanay na walang kumokontra sa kanya. Pero sa hindi inaasahan, ang kasambahay na dapat lang manatiling tahimik ang siyang hindi natitinag sa kanya. Habang lumalalim ang kanilang ugnayan, mas nagiging mahirap itago ang damdaming unti-unting nabubuo sa pagitan nila. Hanggang sa isang alok ang magbago sa lahat—isang contract marriage na kapalit ng perang tutulong sa hospital bills ng kanyang ama. Isang kasunduang dapat ay tungkol sa negosyo lang, pero magiging simula ng komplikadong emosyon na hindi na nila kayang kontrolin. Sa pagitan ng tungkulin, pride, at damdaming hindi dapat, isang tanong ang babago sa lahat. Hanggang saan ka handang lumaban para sa pag-ibig na nagsimula lang sa isang kontrata?
338
Woke Up Married To The Trillionaire (SPG) - undefined roman & histoires
LiyaCollargaSiosa
Satya Cordovez never imagined her simple life as a nanny could spiral into chaos overnight. It started with an invitation—an exclusive, high-society event na hindi niya dapat pinuntahan, pero sinama siya ng amo niyang mapilit. Sa unang pagkakataon, nakatikim siya ng mamahaling alak at sa sobrang saya ng gabing 'yun, she let her guard down. Lasing na lasing siya, her memories of the night a blur. Ang huling natatandaan niya ay ang mapanuksong ngiti ng isang lalaking hindi niya kilala at ang init ng kanyang tingin na tila ba siya lang ang nakikita nito sa buong kwarto. Kinabukasan, nagising siya sa isang kuwarto na napakalaki na parang kuwarto na ng isang hari. Napansin din niya na may suot na siyang wedding ring sa kanyang daliri. Sa tabi niya, naroon si Colter Alcazan, ang kilalang trillionaire na hindi lang makapangyarihan, kundi isa ring tanyag na bachelor na hinahabol ng lahat. “Good morning, Mrs. Alcazan,” bati nito sa kaniya na may confident na ngiti. “Wait, what?” Napaangat siya ng upo habang nanginginig ang boses at tinitingnan ang singsing sa kaniyang Daliri. “You’re my wife now,” sagot ni Colter, his voice dripping with authority. Satya’s life just turned into a whirlwind she wasn’t prepared for—and there was no way out.
10
4.8K
His Pet Nanny - undefined roman & histoires
sweetjelly
Nag-apply bilang pet nanny, natanggap bilang asawa. Si Charmaine, isang nineteen years old na dalaga, dahil sa matinding pangangailangan ay pumayag sa alok na fake marriage ng isang thirty-two years old at mayamang binata. Paano kung ang fake marriage nila ay mauuwi sa totoong kasal? Mauuwi din ba kaya sa totoong pagmamahalan ang pagsasama nila, o mauuwi sa pagkasawak ng mga puso nila?
10
11.3K
The Cold Billionaire Falls for His Sassy Maid - undefined roman & histoires
ExDealers
Cold billionaire? Check. Maarteng maid na ayaw mautusan? Check. Paano kung magkrus ang landas ng dalawang 'yan? Si Hendrix Ace Villafuerte Jr. Isang bilyonaryo na ubod ng pagka-cold, masungit, at laging nakasimangot. Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang susulpot sa buhay niya ang pinakamaarteng babae na nakilala niya sa balat ng lupa. Iyon ay si Hiraya Shane Morana. Si Hiraya ay isang sikat na top model (noon) na sanay sa karangyaan at pagrampa sa runway. Pero dahil sa malaking utang ng kaniyang yumaong mga magulang, bumagsak ang kaniyang marangyang mundo at napilitan siyang mamasukan bilang katulong sa mansyon ng masungit na si Hendrix. Pero ang hindi alam ni Hiraya, may mas malalim na dahilan kung bakit siya ginawang katulong ni Hendrix. May nakatagong marriage contract ang mga magulang nila, at gagawin ni Hendrix ang lahat para kusang sumuko at lumayas si Hiraya para mapawalang-bisa ang kasunduang iyon. Ang plano ni Hendrix: Break her pride until she quits. Ang ganti naman ni Hiraya: Seduce her until he falls.
1.1K
The Billionaire's Surrogate Bride - undefined roman & histoires
GennWrites
“She was untouched, innocent, and desperate. He was ruthless, dominant, and determined to have an heir.” — Nang mag-apply si Solenne Villareal bilang maid sa mansyon ng isang bilyonaryo, ang tanging hangad lang niya ay magkaroon ng maayos na trabaho para maipagamot ang kanyang inang may sakit. Pero sa mismong araw ng pagpirma niya ng kontrata, biglang tumawag ang kapatid niyang si Julian—isinugod daw sa ospital ang kanilang ina matapos atakihin ng seizure. Sa sobrang kaba at takot, hindi na nabasa ni Solenne ang buong kontrata. Pinirmahan niya ito nang hindi iniisip ang magiging kapalit. The next morning, she learned the devastating truth. She wasn't hired as a maid. She was chosen as a surrogate bride. Ang kanyang employer, si Caelum Valtieri, ang cold at merciless billionaire, ay sinabi ang totoong nilalaman ng pinirmahan niyang kontrata. Siya ay magiging ina ng magiging heir nito at sa loob ng isang taon ay magsasama sila sa iisang bubong bilang mag-asawa. Bilang kapalit, ipagagamot ang kanyang nanay na may sakit at tutustusan ang pag-aaral ng kapatid niya hanggang sa makapagtapos ito. Gustong mag-back out ni Solenne nang malaman ito, pero nang makausap niya ang doktor na sumusuri sa kanyang Nanay Emilia ay sinabing kailangan nitong maoperahan kaagad, kung hindi ay baka manganib ang buhay nito. And with no choice left, she accepted the bargain that chained her to the man she feared the most. Para kay Caelum, isa lang siyang kontrata—isang paraan para magkaroon ng tagapagmana. Para kay Solenne, siya lang ang natitirang pag-asa ng kanyang ina. Ngunit sa kasal na sinelyuhan ng desperasyon at kapalit na buhay, posible kayang mamagitan ang pag-ibig sa pagitan ng isang ruthless CEO at ng inosenteng babaeng napilitang ibigay ang lahat?
10
9.5K
ACCIDENTALLY HIS FIANCEE - undefined roman & histoires
KAYE
"Tito, huwag! Buntis siya!" ​Dahil sa isang malaking kasinungalingan ng limang taong gulang na si Zeke, ang buhay ng takas na art restorer na si Andeng ay biglang nagulo. Tumatakas lang naman siya mula sa mapang-aping pamilya, ngunit ngayon ay kailangan niyang makisama sa isang masungit, cold, at napakagwapong bilyonaryo—si Nicolas "Nico" Ilustre. ​Upang makapagtago, napilitan si Andeng na tanggapin ang alok ni Nico na magpanggap bilang kanyang high-class nanny at art curator. Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat. Sa tulong ng mautak at makulit na si Zeke, ang simpleng pagpapanggap ay mabilis na mauuwi sa isang hindi inaasahang rebelasyon sa harap ng lahat. ​"She is not just the nanny. She is my fiancée." ​Hanggang saan kayang panindigan nina Nico at Andeng ang kanilang pekeng relasyon kung ang bawat lapit at titig nila ay unti-unti nang nagiging totoo? At paano kung ang madilim na nakaraan na tinatakasan ni Andeng ay biglang makahanap sa kaniya?
291

Vous vous intéresseriez aussi à

Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status