Wildrooster
The maid he treated like nothing became the woman he couldn't live without.
Nang bumagsak ang negosyo ng pamilya ni Kassandra Flores, nawala sa kanya ang lahat...ang marangyang bahay na kinalakihan niya, ang pangarap niyang maging fashion designer, at ang dignidad na minsan niyang ipinagmamalaki.
Ang natira lamang ay ang mga sketch ng kanyang namatay na ina at isang trabahong hindi niya kailanman inakalang papasukin: ang maging personal housemaid ni Bianca Lopez, ang fiancée ng pinakamayamang bachelor sa fashion industry, si Rainier Dominic Vergara.
Para kay Rainier, walang halaga si Kassandra. Isa lamang siyang empleyadong dapat sumunod, manahimik, at mawala sa paningin kapag may importanteng bisita.
Pero may isang bagay na hindi niya kayang balewalain.
The way Kassandra looks at him without admiration.
Hindi siya kinikilig sa yaman nito. At higit sa lahat, hindi niya sinusubukang akitin ang lalaking halos lahat ng babae ay handang ipaglaban.
That indifference becomes Rainier's first addiction.
The secret affair that was never supposed to happen started one night ng nadatnan ni Rainier si Kassandra sa private design studio ng mansion. Habang ang lahat ay natutulog...
One forbidden kiss becomes a secret neither can take back.
At nang mangyari ang ikalawang pagkakataon, pareho na nilang alam na hindi na ito simpleng pagkakamali.
Rainier begins seeking Kassandra in secret.
Sa mga gabing wala si Bianca, sa mga oras na sarado ang studio, at sa mga sandaling wala silang ibang kailangang gampanan kundi ang kanilang sariling pagnanasa, nagkakaroon sila ng isang relasyong walang pangalan at walang pangako.
Sa harap ng mundo, amo pa rin niya si Rainier.
But Kassandra refuses to be his secret forever.
“Hindi ako ang pahinga mo sa buhay na pinili mong ipagpatuloy kasama ang ibang babae, Rainier. Hindi ako lugar na puwede mong balikan kapag gusto mong makalimot.”
168